JEMA
Nandito ako ngayon sa airport iniintay ang pagdating nina Deanna. Finally, natanggap ko na ang text na isang linggo kong inaabangan.
"Pauwi nako, baby"
Yung pakiramdam ko nung nabasa ko yun ay parang teenager na first time makikipagmeet ng crush niya sakanya.
Alam ko kailangan ko ulit magbawi kay Deanna. Buti na lang at nasasanay na yata ako sa mga gustong suyo ni Deanna.
Hoy Jema, wag mo naman abusuhin. Please lang.
Promise! Hindi na ko papalpak ulit. Hinding hindi na talaga.
Hindi ko alam pero kabado ako habang iniintay siyang dumating. Baka kase after ng text niya, nagbago isip niya or nasabi niya lang yun para pagaanin loob ko or mamamaalam na pala talaga siya for real lalo na at mukhang madami siya nakilalang bago dun sa Cebu or baka nama--
baka naman may biglang yumakap sakin.
"Natutulala ka baby, ako lang to uy! I miss you"
Deanna???
Bigla ako kumalas sa yakap niya at tiningnan nga kung siya nga yung taong iniisip ko sa bawat segundo ng buong linggong to.
"DEANNA!!!" -Jema
Niyakap ko siya ulit ng sobrang higpit. OA na kung OA. Deserve niya to. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko boses niya. Miss na miss ko amoy niya. Miss na miss ko kakulitan niya. Miss na miss ko ngiti niya. Miss na miss ko yakap niya. Miss na miss ko tong batang to. :((
"I miss you sobraaaa, baby" -Jema
"I miss you more, baby!" -Deanna
"Oy! Oy! Tama na yan lovebirds! Masyado na kayong mainit sa mata ng mga paparazzi!" -Bea
Natawa naman kami ni Deanna kay Bea. Bumitaw na kami sa pagkakayakap at tumingin naman ako kay Bea apologetically. Hindi ko kase alam pano siya iaapproach and pano magsosorry ng ayos.
Sinalubong naman niya ang tingin ko at tumango sakin.
"Past is past na Jema. Wag na lang maulit para hindi maungkat ang past hahahaha" -Bea
Natawa naman ako dun pero alam ko namang may point siya. Ayaw niya rin lang siguro magsalita kase kasama namin si Deanna. Saludo talaga dito kay Bea.
"Hi Jema!!" -Jho
Nagbeso naman at niyakap ako ni Jho. Nakakahiya na rin sa mga friends ni Deanna. Wala silang pinaparamdam na against sakin. I really have to fix my shits na if gusto ko din talaga maalagaan ang relasyon namin ni Deanna.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Deanna ang kamay ko habang nasa sasakyan na kami.
"Its okay. We're okay" -Deanna
Samahan pa ng ngiti ng isang Deanna Wong.
Hays. Kahit pa siguro ilang kasalanan gawin ng batang to, isang ngiti lang, kuhang-kuha na ko.
Yun nga lang. Baliktad ang nangyayari.
"I love you" -Jema
"I love you more" -Deanna
She kissed me.
Ako yung madaming kasalanan pero ako yung nasspoil.
"Baby do you have any plans today?" -Jema
"hmmmm... wala naman baby, balak ko lang magrest" -Deanna
"Can we go somewhere later? Ako magddrive" -Jema
"Saan naman baby?" -Deanna
"Secret! You'll see nalang. Sleep ka muna then we'll go after" -Jema
Umoo naman siya, no questions asked. Balak ko kase siya bawian later. Miss na miss na miss ko din kaya to tas yun nga, hindi parin kami nakakapagusap ng maayos about sa nangyari.
Nakarating na kami sa condo niya and nagpaalam na kami kay na Bea.
"Baby" -Deanna
"hmmmmm?" -Jema
"Sleep with me?" -Deanna
"Di naman ako inaantok, baby e. Di naman ako aalis while you sleep" -Jema
"Ayoko. Sleep with me." -Deanna
Pout pa, Deanna Wong. Hays.
"Oo na, sige naa. Magpalit kana and we will sleep na" -Jema
"Yay!!" -Deanna
Para naman siyang bata na excited na nagpalit agad ng damit and humiga na waiting for me to lie down with her.
Sumunod na rin ako agad and hinahaplos ko lang yung buhok niya while she hugs me.
Walang nagsalita. Walang may gustong sirain tong peacefulness na meron kami at the moment.
Akala ko mawawala kana sakin, Deanna.
Thank God, naayos pa po namin.
Thank God, for Deanna.
I just watch her sleep and ang cute naman, oo. Hindi naman ako inaantok talaga pero being with her like this, nakaramdam na rin ako ng sleepiness.
This might be my most peaceful sleep after nung away namin.
- - - - -
DEANNA
I woke up na wala na si Jema sa tabi ko. Nasan na kaya yun? Bumangon na ko and nagbrush ng teeth. Paglabas ko sa living room, nakita ko naman siya.
WOW!
Ang ganda!
Simple lang naman yung suot niya pero pag talaga si Jema ang may suot parang wala nang kaya magbigay ng justice dun sa damit kundi siya.
"Ako lang to, Deanna Wong hahahahaha" -Jema
"Magshower kana at magprepare. Dun na tayo kumain sa pupuntahan natin" -Jema
Binack hug ko naman siya. Hindi ko mapigilan e. Miss ko talaga siya. Ayoko nga talaga lumabas muna. I just want to stay here with her pero ayoko naman tanggihan siya.
"Libre mo ba baby?" -Deanna
"Oo naman! Kaya dali kana, para makakain na tayo. Alam kong gutom kana hahaha" -Jema
"mmmmm... 5 minutes. Lets stay like this for 5 minutes more" -Deanna
Hindi naman siya nagreklamo and we just stayed there holding each other. My head in her neck, I can memorize her smell na from here. I kiss her shoulder tracing up to her head.
"Ang landi mo Deanna Wong, malalate na tayo talaga!" -Jema
If I know, kinikilig naman to. hahahaha
"Oo na nga. Chill ka lang baby. Liligo lang ako" -Deanna
Binilisan ko na maligo and nagbihis nako. I still don't know san kami talaga papunta pero I'll let her lead the way. Basta free food tapos with her, wala ako reklamo.
We got into my car and siya nga ang nagdrive. Di naman sobrang layo at dumating na rin kami sa place na tinutukoy niya.
Ang ganda!!!
Hindi kase ako mahilig maglalabas kaya hindi ko alam na may ganto kaganda sa Manila bukod kay Jema.
"You like it, baby?" -Jema
"Sobra!! Ang ganda, baby!!" -Deanna
"Halika dali!" -Jema
Hinawakan niya ko papunta sa parang may stage sa paloob. Konti lang ang tao at parang mga couples lang talaga ang andito. Buti nalang hindi naman sila mukhang fans namin kaya magiging tahimik naman ang gabing to.
"Upo ka lang jan, Deanna" -Jema
Hindi ko na natanong kung pasaan sya at iniwan na nya ko agad sa table malapit sa stage mismo. Baka magccr lang yun.
Hindi naman ako uncomfy sa vibe ng place at ng mga tao dito. Parang ang sarap nga na tambayan dito pag gusto mo muna kalimutan ang gulo ng outside world.
"Hello everyone! This night is very special to me kase I'm with the person I love the most. To you, thank you for giving me another chance na mahalin ka, alagaan ka, at makasama ka ngayon at sa lahat ng mga susunod na araw na uubusin natin sa mundong to. This is for you, Wong!"
Hindi ako magkakamali sa boses na yun. Boses ng babaeng mahal na mahal ko.
"Paninindigan Kita by Ben&Ben"
Kakainis na ayaw mong
Maniwalang mahal kita
Ano pa bang kailangan kong
Patunayan sa'yo sinta?
Pero naiintindihan ko naman
Iniiwasan mo lang masaktan
Di ka madedehado, kung sasagutin mo lang ako
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo
Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko
Kakakilig ka sa tuwing
Lumalapit ka na sinta
Nawawala ang angas ko
Pilit man na itago pa
Mm, grabe kasi kung pano mo 'ko itahan
Kapag napupuno na'ko
Sa ingay ng paligid, ikaw ang aking
Katahimikan
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo
Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko
Paninindigan kita
Sasamahan ka kahit na
Napapalibutan ng mga problema
Sa hirap at ginhawa
Dadamayan kita, sinta
Paninindigan kita, oo
Kahit alam kong, tayo'y magbabago
Magmula umpisa hanggang dulo
Paninindigan kita
Paninindigan kita
'Wag kang mag alala, ako'y
Siguradong sigurado
Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo
Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko
Paninindigan kita
Paninindigan kita
Paninindigan kita
Ika'y iingatan ko
Paninindigan kita
At aalagaan ko
Paninindigan kita
Kung andito na rin tayo
Paninindigan kita
Panindigan na natin 'to
"I LOVE YOU, DEANNA WONG!" -Jema
Wala ako masabi. Ganto pala feeling nang makantahan. Ganto rin ba siya kinilig nung kinantahan ko siya.
Bumaba na siya at hindi ko na siya inintay sa table namin at sinalubong na siya ng yakap. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin.
"Paninindigan din kita, baby" -Deanna
We just enjoyed the night, ang dami naming nakain, napagusapan, landian in one sitting. Parang walang nangyaring gulo e.
This is what I love about Jema. I can be real with her. Alam ko thats what she feels din with me. Kaya alam ko na kahit ano pa talaga ang malaman namin sa isa't isa, wala pa rin kaming uuwian kundi ang isa't isa.
Umuwi na rin kami because its getting too late na and inaantok na kami pareho. Sobrang nakakapagod ang araw na to pero sobrang saya lang talaga.
Bago kami matulog, may iniwan naman kami para sa lahat na regalo.
deannawongst: Paninindigan kita ❤️
jemagalanza: Mamahalin kitang buong buo ❤️