QUEEN SERIES #3: THE MILK TE...

Від Gretisbored

26.1K 2.7K 458

She came to Edward's for their to-die-for milk teas. She never thought her secret trips to the store would br... Більше

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-TWO

424 60 10
Від Gretisbored

Shane Andrea Juarez

Ilang linggo ko ring iniyakan ang paghihiwalay namin ni Micah. Ang weird. Hindi naging kami, pero bigla na lang kaming naghiwalay.

"Stop being OA, Shane Andrea," sabi sa akin ni Mommy isang umaga. Dumating kasi ako sa hapag-kainan nang maga ang mga mata. "For a while I was worried when you guys got married. Aba, gano'n lang ba iyon? Ni hindi kayo ikinasal nang bongga sa simbahan? No one in the alta sosyedad knew you got married with Don Filippo Contreras' son! No way, sabi ko."

Sinimangutak ko si Mom. Dad let out a heavy sigh as he rolled his eyes.

"Ang importante, bayad na tayo sa kanila. At least," patuloy pa ng Mommy. To which my sister happily agreed. Pahum-hum pa siya habang nagpapahid ng peanut butter sa toasted bread niya.

"Kung maka-emote ka naman, parang naging kayo," sabi pa ni Ate as she glanced in my direction.

"Pwede ba, kayong dalawa? Stop teasing, Shane!" sabat ni Dad.

"Saka, alam kong virgin ka pa, anak. Ayaw ko namang basta mo na lang isuko iyan nang gano'n-gano'n lang, no?"

Napokpok ni Dad ang mesa habang ako'y pinag-initan ng mukha sa hiya. Pinandilatan ni Mommy si Dad at sila na ang nagtalo. Nag-isang lagok lang ako sa gatas ko at bumalik na sa kuwarto. Minadali ko ang pagbihis para makapasok na sa campus at makalayas sa nakakairita kong pamilya.

Kinahapunan, habang kami'y nagmi-milk tea ni Felina sa canteen, tumawag ang mommy. Daig pa niya ang nasunugan sa pagngawa. She sounded mad as hell. Napag-alaman ko nang hapong iyon na binawi sa kanya ni Mrs. Contreras ang bigay na pabuya sa pagpayag na pakasal ako sa unico hijo nito. In short, back to square one kami. May utang pa rin kaming dapat bayaran sa bangko nila.

I have to admit, I felt good about it. Hindi sa gusto kong mag-suffer si Mommy, pero ayaw kong balang-araw ay maisumbat sa akin ang pamilya ni Micah iyon. At least naman ay masasabi kong hindi naman ako nagpabayad.

"Paano na ngayon iyan?"

"It's for the best," sagot ko kay Felina. She really looked so worried, so I have to assure her.

"Hindi ka pa bayad sa tuition mo, Shane. May mga e-books ka pang hindi nabayaran. Idagdag na roon ang mga kung anu-ano pang contributions sa project."

"C'mon! Gusto kong malibang kaya kita niyaya rito. Wala na nga ang milk tea ng Edward's dadagdagan mo pa ang inaalala ko?"

Kumislap ang mga mata niya. Tila may biglang naalala. "Speaking of Edward's, nadaan ako kanina roon. Ang nakabili sa store ay kilala ni Tito. Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang milk tea ng Edward's! Sarado pa lang ngayon dahil they are doing some renovations."

Ang Tito na binanggit niya ay ang lover ng kanyang ama. Natuwa ako sa balita niya, pero hindi ako nasorpresa. Nabanggit na sa akin ni Micah iyon. Alam niya kasing addict ako sa milk tea.

Nalungkot na naman ako when I remembered him. But then, I tried to look happy when I met Felina's gaze. Mukha na namang nalulungkot si Taba for me kasi. Iniisip sigurong nalungkot ako upon remembering Micah. Kahit totoo iyon, siyempre ayaw kong aminin.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

I felt like something sharp poked my heart upon seeing Shane crossed the street towards the direction of their campus. Ilang araw ko pa lang siyang hindi nakita, pero missed na missed ko na siya. I was tempted to run after her and give her a tight hug.

Saka ko na lang pinaandar ang sasakyan nang tuluyan na siyang nakapasok sa university nila. Sakto ring tumunog ang cell phone ko. Nilagay ko muna sa speaker phone ito at sinagot si Mommy. Hagulgol niya ang una kong narinig. Kinabahan ako. Naisip ko agad si Lolo.

"What is it, Mom?"

"Your Dad!" And I heard a string of Russian curses. No'n ko na-realize na umiiyak pala siya sa galit sa aking ama.

"Ano nga?" Bakit pa niya iniiyakan ang matagal nang patay?

"Ang daddy mo! He's alive! He's alive after all these years! That mother-fvcker! That bastard!"

At sa mabilisang kuwento ay nasabi niyang pinalabas ni Dad na patay na siya para hindi na hanapin ni Lolo at maisagawa nito ang matagal nang inaasam-asam. Ang magpa-sex change. Nasa New York daw ito at namumuhay kasama ang napangasawang Amerikano. And he goes by the name of Erika Contreras!

I was shocked. Alam kong bakla ang aking ama, pero kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na isa pala siyang transgender.

"Why are you mad? It doesn't change anything, di ba? You don't care about him naman."

She wailed even more. And she cursed again. Galit daw siya dahil ni hindi man lang inayos ni Dad ang mamanahin naming mag-ina bago nito isinagawa ang gusto. Sana man lang daw ay automatic na inilipat agad sa pangalan niya o di kaya sa akin ang lahat ng mana ni Dad at hindi ang iilan lamang.

I rolled my eyes. Inisip ko pa naman na she was crying because she still loves Dad. Napailing-iling ako. Ano pa nga ba ang dapat kong asahan kay Mom? Siyempre, it will always be all about the inheritance.

"Oo nga pala, binawi ko ang binigay na pera sa mga Juarez," sabi niya sa akin in Russian. Mahinahon na ang tinig niya. "At the end of the month, kund hindi nila mababayaran ang utang nila sa bangko natin, they will have to give up their Parañaque residence as well."

"No, Mom! You didn't!"

"Oh yes, I did!" And she hang up the phone.

Naghanap ako ng pwede kong pag-parking-an sandali so I can call her. Nakailang try ako, pero she did not pick up the phone. Ang bangko namin sa Batangas na lang ang tinawagan ko. Kinompirma nga ng manager na totoo ang sinabi ni Mom. Hindi raw kasi pinal ang kasunduan nila ni Mrs. Juarez. Nakasalalay daw kasi iyon sa kasal namin ni Shane. Ang nakalagay daw kasi sa kontrata na pinirmahan ng mag-asawa, kapag hindi umabot sa isang taon ang kasal namin ni Shane o di kaya hindi naibigay ni Lolo ang parte ko at ni Dad sa mana within a year of our civil union, babawiin ang binigay nito sa pamilya Juarez.

Napamura ako. I could have prevented it if I only tried to ask her about the conditions of their arrangement. Napokpok ko ang manibela ng kotse ko sa galit.

**********

Shane Andrea Juarez

Meet me at the Pizza Hut near my former milk tea shop.

Tinitigan ko ang text message sa akin ni Micah. I was tempted to text back and say, "Fvck you!" pero pinigilan ko rin ang sarili. Baka isipin niyang galit ako sa kanya dahil sa pagpapawalang-bisa sa kasal namin. Kahit totoo iyon hindi niya dapat malaman pa.

I checked my call history. Nakailang missed calls na rin pala siya. Kaya siguro nag-text na. Hmp! Why did he even think I would still want to talk to him?

Dumaan akong chapel. I need some spiritual advice. I stared at Mama Mary's image. I closed my eyes and prayed. Siguro mga ilang minuto rin akong nagdasal bago ako nakapagdesisyon na makipagkita sa lalaking nang-reject sa akin. Baka kasi kapag hindi ko sinipot ay iisiping masyado kong dinamdam ang ginawa niya. He could annull our marriage a thousand times. Who cares?

Parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang makita ko ang side view ng mukha niya. Palihim kong pinagalitan ang sarili. Eh ano ngayon kung lalo siyang gumwapo dahil sa bagong gupit? Ang linis na ng mukha niya, not that it wasn't before. Pero lalong nakadagdag ng manly aura niya ang kiskis ng razor sa magkabilang sides ng ulo niya. Lalong na-emphasize ang matangos at tuwid niyang ilong, makapal na kilay at malalantik na pilik-mata...

"Magandang hapon po, Miss. May kasama po sila?"

Natigil ang palihim kong pagmamasid kay Micah. Siguro'y narinig niya iyon dahil bigla siyang napalingon at kumaway sa akin. Itinuro ko siya sa server.

"Ah. Kayo pala ang hinihintay ni Sir Micah?"

Napatingin uli ako sa babaeng server. Kilala niya si Micah?

"Ang swerte n'yo, ma'am. Ang bait niyang si sir. Guwapo pa. I used to work for his him at Edward's. Pero in charge ako sa kitchen."

I smiled at the girl. Hinatid niya ako sa table ni Micah.

Nang malanghap ko ang pamilyar niyang after shave lotion, awtomatikong nag-init ang buo kong katawan. It was not a sexual hotness, pero iyon bang feeling na excited na masaya. Again, I scolded myself when I realized I felt that way. Kailangan ko sana kasing maging unfeeling.

Tumayo si Micah at pinaghila ako ng mauupuan.

"Thank you for agreeing to meet me here."

"Kumusta?" halos ay sabay naming tanong sa isa't isa. Then, we laughed. "Sige, mauna ka." Nagsabay uli kami. This time, ngumiti na lamang ako. Siya nama'y napabungisngis pa rin.

He looked cute when he laughed.

Pinauna na niya ako sa pagsasalita.

"I'm good. Everything's settled na. I have sold the milk tea shop to a friend of my grandfather. I'm good to go to New York."

I smiled again. "That's good to hear," nasabi ko pa. Kunwari.

"Ikaw? Kumusta na? I heard your battery of exams are coming up soon."

"Okay naman," tipid kong sagot.

Hindi ko na kailangan pang sabihin na nag-shift na ako sa Comm Arts. Ayaw ko nang mag-MedTech. Wala akong talino ni Keri o diskarte ni Eula. Na-realize kong hindi bagay sa akin.

Pagdating ng order naming pepperoni pizza, spaghetti bolognese with meatballs, and sausage rolls tinanong ko siya kung tungkol saan ang meeting na iyon.

"Eat first."

Hindi na ako nakipagtalo. Kaunti lang ang lunch ko nang araw na iyon dahil kinapos ako sa budget. Medyo gutom nga ako. Pagkagat ko nga sa pizza ay parang naabot ko ang langit. Paano kasi'y ilang pirasong siomai lang ang kinain ko kanina. Courtesy of Felina pa.

"Sa susunod na linggo na pala ang alis ko papuntang New York. Are you sure you do not want me to pay your remaining tuition fees? At least kahit iyon lamang ay magawa ko para sa iyo."

Buti na lang at tapos na akong kumain nang marinig ko iyon. Baka nabilaukan ako kung hindi pa. Totoong kapos kami ng pera ngayon, pero never as in never kong gugustuhing magsamantala sa offer niya!

"I'm okay. Gaya ng sinabi ko sa iyo noon, hindi ko kailangan ng tulong-pinansyal mo. My parents' business are starting to recover. In fact, nakapagbayad na rin kami ng iba pa naming bayarin this month. Dad said that in a few weeks, makakapaghulog na rin kami sa utang namin sa bangko n'yo."

Tumangu-tango siya.

"Speaking of which, I scolded Mom about it. Hindi na niya dapat binawi sa inyo ang napagkasunduan nila ng parents mo. That was so bad of her to do that."

Tinaas ko ang dalawang kamay. Kung iyon lang ang pag-uusapan namin nang hapong iyon, I do not need to stay. Pinaliwanag ko sa kanya na naiintindihan ng parents ko kung bakit ginawa iyon ng mommy niya. It was within the conditions of the contract.

"Still. It was unfair. Ganito na lang. Would it be okay with your parents if I --- I give you at least what I promised to give you as my pretend girlfriend?"

Tumanggi ako agad.

"Kahit isang milyon na lang o twenty percent ng agreement natin."

Mabilis pa rin akong umiling-iling. I felt insulted na. Gusto ko na ngang umiyak sa inis. I was hoping pa naman na pinatawag niya ako para sasabihing, he changed his mind. Na hindi na niya itutuloy ang annulment ng kasal namin. Na gusto niyang hintayin ko siya. O di kaya, papangakuin niya akong alagaan ko ang sarili ko for him.

I know, I know. Corny na kung corny. And I hate to admit it but ---I have fallen for him!

Hindi na rin siya nagsalita pa. He simply looked at me. No'ng una ay sinalubong ko ang mga titig niya, pero makaraan ang ilang segundo'y iniwas ko ang tingin. No'ng time na iyon ay nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Pagtingin ko sa kalye, paharap sa Uste, nahagip ng paningin ko si Thijs at ang taga-Tourism na girl na narinig kong ipinalit niya sa akin. They were holding each other's hands as they were walking and I could see my ex laughing while looking at her. Larawan sila ng isang masayang couple. Lalo akong nahabag sa sarili ko.

Bigla na lang hinila ni Micah ang upuan ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ssshh. He doesn't deserve your tears." At sumulyap pa siya sa labas. Pagtingin ko, sumasakay na ng taxi ang dalawa. Hindi ko na napigilan ang pagbalon ng mga luha sa pisngi.

Micah thought I was crying over Thijs! He suddenly gave me a hug!

Okay na rin ang gano'n. At least hindi ko na pinigilan ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng mga luha dahil alam kong iniisip niya na para iyon sa kabiguan ko kay Thijs.

Nang niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit at hagkan pa ako sa ulo, I closed my eyes. Ninamnam ko na lang ang pagkahimlay ng ulo sa kanyang dibdib.

Gosh, ang bango niya! Natukso akong halikan siya sa leeg. Pero siyempre, hindi ko ginawa. 

Продовжити читання

Вам також сподобається

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
186K 6K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...