Dagger Series #4: Unadorned

By MsButterfly

674K 32.4K 7.6K

Being on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top t... More

Dagger Series #4: Unadorned
Synopsis
Chapter 1: Axel Dawson
Chapter 2: Typhoon
Chapter 3: Enough
Chapter 4: Settle
Chapter 5: Maybe
Chapter 6: MAAAD
Chapter 7: Uncanny
Chapter 8: Karma
Chapter 9: Boyfriend
Chapter 10: Fool
Chapter 11: Devour
Chapter 12: Favorite
Chapter 13: Kesel
Chapter 14: Chain
Chapter 16: Angel
Chapter 17: Like
Chapter 18: Triple M
Chapter 19: Invade
Chapter 20: First
Chapter 21: Going, Going, Gone
Chapter 22: Reason
Chapter 23: Gravity
Chapter 24: Promise
Chapter 25: Obvious
Chapter 26: Ring
Chapter 27: Scream
Chapter 28: Enemy
Chapter 29: Grandeur
Chapter 30: Ordinary
Chapter 31: Dream
Chapter 32: Together
Chapter 33: New Year
Chapter 34: Mrs. Dawson
Chapter 35: Last
Epilogue
Author's Note
Dagger Series #5: Unbowed
Book: Unadorned

Chapter 15: Dangerous

14.2K 861 241
By MsButterfly

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 15: DANGEROUS

MIREIA'S POV

Nagkubli ako sa gilid ng hagdanan at sumilip ako sa sala. Nang wala akong makita na kahit na sino ay nakahinga ako ng maluwag. Mula kasi ng manggaling kami sa fashion event ay iniiwasan ko na si Axel. Bagay na hindi madali kasi sa iisang kuwarto kami natutulog.

After I washed up last night and it was his turn, I hid under the covers and pretended to sleep. Kahit pa mag-uumaga na ata ako dinalaw ng antok. Gusto ko na nga sanang tumabi na lang kay Naynay pero ayoko naman na magtaka siya lalo pa at mula ng dumating kami rito ay hindi man lang siya kumurap na sa kuwarto ako ni Axel pinatuloy ng lalaki.

It's something that Axel won't back down from. Kahit na ipinangako ko sa kaniya na hindi ko na siya ulit tatakasan katulad noong ginawa ko nang makipagkita ako kay Alexander ay hindi ko siya nagawang kumbinsihin na hayaan akong manatili sa ibang kuwarto rito sa bahay niya.

Kaya hindi madaling makipagtaguan sa kaniya. It's physically impossible. Thankfully pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko.

"Si Axel ba ang hinahanap mo?"

Impit na napatili at napatalon ako sa pagkagulat. Nalingunan ko si Naynay na nagniningning ang mga mata na para bang naaaliw siya sa akin.

"Nasa labas siya at gumagawa ng rampa para sa pintuan. Para raw hindi ako mahirapan kung sakali na gagamitin ko ang wheelchair ko."

Lumapit ako sa may bintana at hinawi ko ng kaunti ang kurtina para sumilip sa labas. Nandoon nga si Axel na pawisan na habang abala sa ginagawa. He's holding a tool that he's using to polish the piece of wood in front of him.

"Anak, alam kong ayaw mong pag-usapan natin pero pwede bang pakinggan mo ako kahit ngayon lang?"

Nilingon ko ang ina ko at natigilan ako sa nabasa ko sa mga mata niya. "Nay..."

"Napakatagal mo ng pinagdusahan ang mga bagay na hindi mo naman kasalanan. Kahit ano pang sabihin ng iba hindi ako naniniwalang may mali sa ginawa mo." Marahang hinaplos niya ang buhok ko. "Hindi kita pinigilan sa mga desisyon mo. Pinanood kita na makuha lahat ng gusto mo at marating lahat ng narating mo ngayon. Pero anak, ang gusto ko lang ay maging masaya ka. Hindi kayang tumbasan iyon ng kahit anong halaga ng pera."

"Naynay naman. Ang aga-aga ang drama," pilit na pagbibiro ko.

Hindi siya natinag at nananatiling seryoso ang ekspresyon sa mukha niya. "Pinanood kitang maghanap ng kasiyahan sa ibang tao. Wala sa mga iyon ang nagawang makapagpasaya sa'yo ng totoo. May isang beses na akala ko iyon na. Akala ko sa wakas may makakasama ka na. Pero binitawan mo rin siya." Tumingin siya sa labas ng bintana. "Ngayon na nakita kita kung paano umakto sa harapan ni Axel, kung paano ka ngumiti at tumawa, sigurado ako na ang sagot na pilit mong hinahanap ay hindi makikita kahit saan maliban sa kaniya na iniwan mo sa nakaraan mo."

"Nay—"

Inabot niya ang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan iyon. "Hindi kita pinilit sa kahit na ano. Pero sa pagkakataon na 'to gusto ko na makinig ka sa akin." Pinisil niya ang kamay ko at direktang tinignan ako sa mga mata. "Huwag mong isarado ang sarili mo kay Axel. Maniwala ka sa akin, anak, hindi mangyayari ang kinatatakot mo."

There's desperation in my mother's voice that I couldn't understand. She was right. She never forced me to do anything. She never tried to stop me. Ito ang unang beses na pilit niya akong itinutulak papunta sa isang direksyon.

"Engage na nga kami, Naynay, di ba?" pilit na pinasigla ko ang boses ko. "Kaya huwag ka ng mag-alala."

"Matanda na ako, Mireia."

"Sus. Hindi naman. Kalabaw lang ang tumatanda, Nay. Hindi ka naman kalabaw."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Papunta ka pa lang, nakapag-bike na ako pauwi."

"Po?"

Umangat ang sulok ng labi niya at tinapik niya ang braso ko bago siya tumalikod. Naglakad siya paalis at naiwan akong puno ng pagtataka na tinatanaw na lang siya. Napapakamot sa ulo na naglakad na lang ako papuntang kusina.

Pagkapasok doon ay inabot ko ang plastic ng loaf bread. Hindi naman ako kadalasang nag a-almusal. Kaya lang masyado akong maagang nagising ngayong araw. May parte pa rin siguro sa akin ang namamahay. Hindi lang effective iyon noong nakaraan dahil alak pa ang dumadaloy sa ugat ko sa pagkakataon na iyon.

Kagat-kagat ang tinapay na lumabas ako ng kusina at nagpasiya akong mag-ikot muna. May apat na kuwarto sa silangang bahagi ng bahay. Tatlo sa mga iyon ay ipinagamit ni Axel para kay Naynay, Marthena, at sa paparating pa lang na si Orson. Sa gitna naman ng malaking bahay ay naroon ang garden at ang malawak na pool na tumatakbo hanggang sa pinaka-edge ng property. Beside the pool is another detached house that is smaller than the main house. It's Axel's own gym with a lounge set that people can relax on while looking at the beautiful terrains outside.

Right now I'm on the west side of the main house kung saan matatagpuan ang kusina at iba pang mga kuwarto. I opened the other four doors. Ang isa ay mukhang entertainment room, ang dalawang kuwarto ay wala pang laman, at ang isa ay may mga nakatambak na kahon. Base na rin sa malaking desk na naroon ay mukhang ito ang opisina ni Axel.

Pumasok ako sa loob at nakikiusyoso na sinilip ko ang mga nakabukas na kahon. Puro libro ang laman no'n. Of course he's a man that reads. Hindi na nakakapagtaka iyon. Bukod sa academic books ay lagi ko rin siyang nakikitang may binabasa na ibang libro noon.

Napakunot ang noo ko nang may makita ako na dalawang malaking kahon na may nakasulat na X sa ibabaw. Ang dalawa na ata ang pinakamalaki sa lahat ng kahon sa loob ng opisina. Nakabukas ang isa sa mga iyon at dahil natural na sa akin ang pagiging curious, hindi ko napigilan ang sarili kong iangat ang takip.

"Don't!"

My head snapped up towards Axel that is now standing at the door. Kita ang panic sa mga mata niya. I want to take pity on him and tell him that I didn't see, but we both know that I already did. Hindi ko nga kailangan na tuluyang buksan iyon para maintindihan kung ano iyon.

"It's... it's not what you think," he said as his face reddened. "I didn't opened them. I promise."

"Uhh..." Napapakamot sa pisngi na muli kong inangat ang takip ng box. Just like the first time, my own face greeted me. I was on top of a car, smiling coyly at the camera. Nakadikit ang harapan ko sa hood ng sasakyan na siyang tanging nagkukubli sa hubad ko na katawan. It was my first job as a model and I was on the front cover. "Okay lang naman sa akin. I look great here, right?"

"Y-Yes."

"Pero bakit pare-parehas ang kopya? I would have thought that you just want to collect every magazine I'm in but you bought one issue." Tinignan ko ulit ang kahon. "Like a lot of the same issue."

"I was in a grocery store."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa panimula niya. That's not how I expected him to start his explanation. "And?"

"It was the first time I saw you after you left. On a magazine."

Pinigilan ko ang ngiti na gustong kumurba sa mga labi ko. Parang alam ko na kung saan pupunta 'tong usapan namin. "At binili mo lahat ng kopya na nasa grocery na 'yon?"

His eyes quivered. "Yes and then I went to other grocery stores and bought their copies too. I was a bit... impulsive that time. I maxed out my credit cards. I even borrowed Kuya Thorn's," he rumbled with a panicky look on his face.

Umubo ako para maitago ang maliit na tawang kumawala roon. Pinambili niya ng men's magazine ang pera ng kapatid niya. "Noong sinabi mong grocery, iyong malapit lang sa inyo di ba?"

"Well..."

"Axel be honest with me." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang lalong mamula ang mukha niya. "Buong Manila ba ang pinag-uusapan natin?"

"Kind of?"

"What do you mean?"

"Naubos ko na 'yung pera ko eh. Tapos tumawag iyong credit card company kay Kuya kasi naabot ko na rin iyong limit ng sa kaniya. They told him what I was purchasing and my other brothers won't let me borrow theirs," tila masama ang loob na sabi niya.

Hindi ko na siya magawang makita ng maayos dahil nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa luha. Hindi nagtagal ay hindi ko na napigilan na mapabunghalit ng tawa. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang imahe ni Axel na pinapakyaw ang mga magazine na nasa grocery. The people that saw him probably thought he was crazy.

"I just didn't want anyone to see you," he mumbled.

"That would be impossible."

"I know that. At least I tried."

Malakas na napatawa na naman ako. Napadausdos ako at napaupo sa sahig. Buti hindi buong Pilipinas ang sinuyod niya para bilan ng kopya. "I'm surprised that you didn't call the company to stop the production." When Axel's eyes widened, my jaw dropped to the floor, "You did?"

Huminga siya ng malalim. "I have nothing against you being a model. Ako lang ang problema ng panahon na 'yon. I kind of lose my sanity for a moment. I was surprised, yes. I thought you were in a convent. I couldn't believe my eyes and I just blacked out."

Nag-black out siya at inikot niya ang buong ka-maynilaan para bilin lahat ng makita niyang magazine na nandoon ako.

These are one of the moments that the cold chaos inside me naturally surrenders against Axel's warmth. Since it's a small step, it's not that hard to let go of my grip a bit. Unlike the kiss last night that rocked the ground that I've been standing on. And yet I know... that both are important. The little steps and the big ones.

"Dalawang box lang?" tanong ko.

"Umm..."

"Axel?"

He sighed loudly, "May apat na box pa sa condo. Hindi nga dapat dadalin 'yan dito ang kulit lang nila Trace. Hindi muna chineck."

"Did they saw the contents?"

Dumilim ang mukha ni Axel. "Not if they want to keep their eyes and their hands intact."

Naiiling na sumandal ako sa box na nasa likod ko. Sa mundo ko, minsan parang nakakalimutan na rin ng iba na tao pa rin ako. We're all moving inside an industry where nudity is just natural. They will look at you and scrutinize every part of you as if you're just part of a job and nothing else.

I like how Axel can look at my job as a job, but me as a person.

"Hindi pa ako naglilinis dito." He walked to my direction and stretched his hand in front of me. "Come on."

Inabot ko ang kamay niya at kaagad niya akong itinayo. "Bakit hindi mo na lang sinunog?" tanong ko.

"It's bad for the environment."

"Shred them?"

"Your face is on the cover. I can't destroy the magazine," he said.

"Kaya tinago mo na lang?" Nangingiting nilingon ko ang mga kahon. "Kaya naman pala ang taas ng sales ng magazine na 'yan noong taon na iyon."

His eyes travelled all over my face as if he's searching for something. "You're not angry?"

"No," I answered. "But I'm curious about something."

"What?"

"Hindi mo talaga tinignan?"

Umiling siya. "Hindi."

"You weren't tempted?"

Napalunok siya at bumalik ang pamumula ng mukha niya. "I didn't say that."

Para bang nagbalik sa akin ang minsan niya ng sinabi sa'kin. "I might be patient, but I'm only a man, Mireia."

NAPAPAHIKAB na nagpatuloy ako sa pagtipa sa laptop na nasa harapan ko. Sa tabi ko ay naririnig ko ang mahihinang pagsinghot ni Marthena na kanina lang ay ngumangalngal sa harapan ng sarili niyang laptop. At least this time hindi na thesis ang iniiyakan niya. Iyon nga lang same professor pa rin.

"Ano bang ginawa mo sa prof mo na 'yon at parang ang laki ng galit sa'yo?" tanong ko.

"Ewan ko ro'n. Galit ata sa maganda," naluluhang sagot niya.

Napatawa ako. Kahit maga na ang mga mata niya sa pag-iyak ay lumalabas pa rin ang kamalditahan niya.

"Parang sinadiya niya pa na sa dalawang tamad na students niya ako na nilagay na group. Tignan mo tuloy, ako ang gagawa lahat kasi hindi sila sumasagot sa mga chat ko! Tapos imbis sa Monday pa ipapasa, kailangan magpasa rin ako today ng soft copy!"

Napailing na lang ako nang makita kong inabot ni Axel na nasa kanan ko at nakasalampak din sa sahig, ang tuhod ni Marthena na nakaupo sa sofa sa kaliwa ko, at tinapik niya ang babae na parang nakikisimpatya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa na aakalain mo na trabaho ang inaatupag niya. Samantalang iisa lang naman ang ginagawa naming tatlo.

Dapat kasi ay ako lang ang tutulong kay Marthena ang kaso nang magsimula na siyang pumalahaw ng iyak ay maging si Axel nagpresinta na rin. Kaya hinati namin sa tatlo ang paggawa no'n.

"I think he did that because he knows that you're smart and you can probably pull the grades of the other two," Axel said, trying to placate my cousin.

"Problema ko ba Kuya na ang baba ng grades nila? Eh ang tamad nila eh! Deserve nilang bumagsak." Tinuro niya ang mukha niya. "Tignan mo nga Kuya may pamilya na ang eye bags ko. May extended family pa 'yan minsan. Tapos sila nag be-beach lang. Ang tagal ko na kayang hindi nakakakita ng dagat!"

"Bukas pupunta tayo sa Batangas. Weekend naman."

Umatras ang luha ni Marthena at napamata siya kay Axel. "Talaga?"

"Kahit saang resort mo gusto pumunta. Ikaw na ang mag-book. I'll give you my credit card."

"I'll pay for it," I said.

Nilingon ako ng lalaki. "Ako ang nakaisip."

"She's my cousin."

"You're about to be my wife."

Naumid ang dila ko at nanigas ang leeg ko. Hindi ko magawang lingunin si Marthena na alam kong nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin. Pinanlakihan ko ng mga mata si Axel pero nginitian niya lang ako na para bang alam niyang panalo siya. Alam niya kasi na hindi ko magagawang itanggi ang sinabi niya sa harapan ng pinsan ko.

"Fine. Bukas pupunta tayo sa Batangas. Pero ako ang magbabayad ng lunch," pagpayag ko.

Para bang may kakalabanin sa gera na sumigaw si Marthena at patakbong tinungo niya ang kinaroroonan ni Naynay. Walang dudang ibinabalita niyang may pupuntahan kaming lahat bukas.

"I'll pay for lunch as well," Axel said when Marthena was nowhere near us.

"Ayoko nga. Ikaw na nga ang magbabayad ng resort eh."

"Consider it as my late birthday gift to you." He saw the surprise in my eyes. "It was the day before Lia's concert right?"

I can't tell him that even I forgot about it. I don't celebrate my birthday anymore.

"So? Will you let me pay for lunch as well?" Nang hindi ako kaagad nakasagot ay nagpatuloy siya, "I can afford it."

"Kaya ko rin." Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Mag-aaway ba tayo dahil dito?"

He studied me quietly for a moment, his lips moving a bit as if he's trying hard not to smile. Inangat niya ang kamay niya at hinawakan niya ang malaki at fluffy na pink cosmetic ribbon headband na nasa ulo ko. Suot ko kasi iyon kanina habang naglalagay ako ng moisturizer at bago mambulabog si Marthena.

"We're not fighting," he said after awhile.

"Good."

"Good," he murmured back as he continue to look at my face. "You're not wearing makeup."

"Gustuhin ko man dahil nandito ka hindi ko magawa kasi ang weird dahil nasa bahay lang tayo."

"You're not comfortable?"

"Not really. I'm not used to having my face bared for anyone to see."

Tumango siya at muli niyang hinawakan ang suot ko na headband. However, my back went straight when his fingers dropped to the side of my head, and it stopped on the top of my ear. "But I'm not just anyone, right?"

"H-Ha?" Pilit na pinagana ko ang utak ko para intindihin ang sinabi niya. "Hindi mo naman siguro ibig sabihin na dahil supposed to be ay fiancé kita hindi ba? Kasi remember? This is just pretend."

"I wasn't pretending when I kissed you yesterday." Bumaba ang mga kamay niya sa dulo ng buhok ko at nilaro niya iyon gamit ng mga daliri niya. "I'm not pretending."

"H-Hoy Axel... hindi pwede 'yon. Alangan namang totoong magpapakasal na tayo?"

"Hindi ba pwede?"

"Hindi ka pa nga nanliligaw sa akin!"

Kuminang ang mga mata niya. "Gusto mo ba? Hindi uso sa pamilya ko ang manligaw dahil diretso simbahan kaagad ang ginagawa ng mga kapatid ko, pero kung gusto mo pwede naman."

"W-What?"

Mukhang kailangan kong kausapin sila Belaya. Wala ba talaga kahit na sino sa kanila ang naligawan ng mga asawa nila? Now that I remember... I don't think Belaya and Pierce even dated. I just know that that Dagger took Belaya's case and then they finished it. After that they were getting married. Oh my vegetable! Hindi nga sila nanliligaw!

"At least your open on the thought of me courting you. It wouldn't be long before you accept the idea of marrying me too."

Bago ko mapigilan ang sarili ko ay umangat ang mga kamay ko at ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko. His eyes widened when I squished his face together.

"Ibalik mo ang Axel ko!" utos ko sa kaniya.

Something flashed in his eyes. "Axel mo?"

I am in a state of panic. I can feel my system going haywire. Hindi ko na nagawang pag-isipan ang mga pinagsasabi ko. "The Bunny Axel! I'll even settle for the Typhoon Axel or the Doomsday Axel or even the Cruel Axel. I can't talk to Maharot Axel! Anong ginawa mo sa Axel ko?!"

"Axel mo." Hinawakan niya ang mga kamay ko at ibinaba niya ang mga iyon. Sa pagkagulat ko ay binigyan niya ng magaang halik ang likod ng isa kong palad. "They're all me. Then that means, I'm all yours, right?"

"Wha... what? That's not what I meant!"

He looked at me behind his lashes and his lips tipped up into a smile. No. This is not Maharot Axel. This is the unleashed one. Wild Axel.

Trace was right. Axel is the scariest out of them all. But he's also wrong. He's not just scary.

He's also dangerous.

"Sorry, angel. No return, no exchange."

Continue Reading

You'll Also Like

265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
1M 26K 74
[WARNING R18] Once you stop looking for what you want, you'll start appreciating what you really need. Art takes time to understand what it really s...
4.9K 197 18
Suarez-Cordova Cousins Second Installment: Apollo Neecko S. Cordova *** "After all these years running around in circles, sa tabi mo rin pala ako tit...
94K 1.7K 33
Suarez #3 [Completed] "Little do you know, how I'm breaking while you fall asleep." As I sing the first line of the song. Bawat lyrics na aking kinak...