Ashiro Feizi's Roommate

By milesmyoui

2.7K 178 122

Tokyo Takoma, an intelligent girl who received a scholarship from a State University where she would meet and... More

Characters
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (Short update)
Chapter 21

Chapter 1

189 17 13
By milesmyoui

TOKYO

"What's wrong?" Napatingin ako kay Ashiro na bigla nanamang tumigil para lang tanungin ako niyan matapos niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko kahit nasa loob lang naman kami ng dorm.

Siyempre dahil pabirhen tayo, umiling ako, "Wala.. saan ba tayo? Bakit parang ang laki naman netong dorm? Bakit parang condo?" Bigla niya akong tinignan na para ba akong isang wirdo.

"Because it is?"

"Huh?"

Paano magkakaron ng condo sa eskwelahan? Public na eskwelahan? State University?! Nabagok ba ang isang 'to?

Nagulat ako nang bigla niya akong binitawan.. Hala bakit? Agad kong inayos ang sira kong mukha nung bigla siya humalukipkip sa may harapan ko. Meh. Lakas makaganyan, ang liit naman, nakatingala tuloy siya sa akin.

"I handpicked this interior and I happen to want a condo unit-like dorm," Lumapit siya sa akin, kaya napaatras ako, itong bubwit na 'to lakas maka-takot, "And for the reason why I am here.. is because I own this school and there's no rule that I can't study on my own school, if there is, would you be so kind to state it right this instance?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napalunok ako at umiling. Shit, narinig niya ata mga rants ko. Nakakabasa ba siya ng isip?

"You're being obvious, Takoma. Move." Hinila niya ako uli kaya kinakabahan akong sumunod. Grabe, hindi ko naman alam na siya pala ang may-ari ng eskwelahan na 'to, bakit siya nagagalit diyan? Eh, kahit sino naman magiging ganito ang reaksyon, knowing her status, being a billionaire means it's expected na sa prestigious and elite school siya mag-aaral! Not in this state university na para sa mga tulad kong walang-wala.

"Here's your key, this will be your room. If you want more furnitures, just call me."

"Eh? Bakit kita tatawagan?" Pagkatanong ko nun, bigla nanaman niya akong sinimangutan.

"Isn't it obvious? Bibilhan kita."

"Eh?! Bakit mo naman ako bibilhan?!" Gulat na tanong ko na ikinaismid niya lang, winalk-outan niya rin ako.

Napakasungit naman ng instik na bansot na 'to!

Napatingin ako sa kwarto ko at gagi, napakaganda! Bakit naman niya naisip na kailangan ko pa ng mga furnitures eh basta may ilaw at bintana, okay na ako. Malaki pa ang space, meron na ring built-in closet at meron pa akong study table! Grabe, iba talaga pag priveleged.

Ang swerte ko naman pala dahil siya ang dormmate ko, malamang kung hindi, asa pipitsuging lugar ako. Mapagtitiisan ko pa naman ang kasungitan ng isang 'to, isang pitikan lang naman siya sa akin.

Nag-ayos na ako ng gamit at matagal ko na ring pinagiisipan na bumili ng personal computer dahil hindi talaga kakayanin ng laptop ko yung ibang pinaggagawa ko for school like programming, downloading of applications, and many more! Bakit ba ako nag-eexplain? Kaloka. Hindi ko naman ipanggegames eh.. promise.

Agad akong lumabas pagkatapos kong maayos agad yung mga gamit ko at nagulat ako dahil nakapambahay na si bansot at nagluluto ng lunch. Wala kaming pasok for the rest of the week kaya makakapagprepare at ipon pa ako for my personal computer.

"Ashiro?" Tawag ko sakanya, hindi niya ako tinignan pero tumaas ang kilay niya, nag-gigisa siya ng sibuyas at bawang sa harap ko kaya ang bango ng kusina.

"What?"

"Saan pwede bumili ng personal computer dito? Wala kasi akong alam sa lugar, may malapit bang mall or may kakilala kang nagbebenta? Yung mura lang sana." Sabi ko na ikinatingin niya sakin, saglit pa niya akong tinignan bago siya magpatuloy sa linuluto niya, napako rin ang tingin ko sa lutong chicken wings at ramen sa gilid, ang dami naman niyang linuto.

"Don't bother." Nagulat ako dahil pagkatapos niyang magluto ay may pinindot siya sa gilid, telepono pala iyon, nagintsik si gaga habang nakatingin sa akin at nagtatanong ng mga gusto kong build nung PC. Ako namang si tanga, sige sagot rin. "Xièxiè nǐ, líng guǎnjiā [Thank you, butler Zero]"

"H-Hoy Ashiro, yung mura lang sana, maghahanap pa kasi ako ng panibagong trabaho." Kamot-ulo kong pagkwento. Umalis ako dun sa trabaho ko dati dahil malayo dito sa eskwelahan, kaya pahirapan nanaman sa paghahanap.

"You're working?" Tumango ako, nanahimik nanaman siya sa gilid, ang weird nitong ni bansot. Madalas tahimik pero pag nagsalita ang sungit. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mas gusto ko don, pwede ba both? Ang ganda naman kasi niya eh, huhu. Hindi ba ito biot? Lord, final na ba itez? "I see. Anyways, your personal computer will arrive in an hour, tell them if you're dissatisfied with it para mapalitan agad, don't hesitate."

I tilted my head, "H-Huh."

At ayon nga ho, sinimangutan nanaman ako ni smurf, "Ang sabi ko, pagdating ng mga maghahatid nung computer mo, sabihan mo lang sila if may mali doon sa parts so that they will immediately replace it. Get me?"

Kinunotan ko siya ng noo. Tingin niya ba sa akin hindi nakakaintindi ng english? Umiling ako, "Baliw! Nagets ko! Ang hindi ko gets, bakit parang wala kang balak pagbayarin ako." Tumango siya.

"That's the point."

"Eh?!"

"Noisy."

"EH?!"

Ano raw?!

"Hoy miss Feizi, ang sabi ko paki hanap ako ng pinakamura, hindi ko sinabing ikaw ang bumili!" Inirapan niya lang ang pagpapanic ko, linipat na niya sa plato ang mga pagkain at saka linagay ang mga pinaglutuan niya sa sink, "Ako na maguurong." Tinignan nanaman niya ako pero tumango lang siya.

"Sure, whatever that means." Naglakad siya papuntang table at saka naghain doon.

Infairness.. ang ganda naman ng maid ko, chariz.

"What are you chuckling for? Sit down and let's eat."

"Eh?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad naman akong sumunod at umupo kahit gulong gulo pa rin. Parang kanina lang kami nagkakilala pero para na kaming mag-asawa ngayon. Hihi.

"What are you grinning for? You're creepy." She looked at me weirdly kaya natawa ako.

"Sumimasen.  [Sorry] Itadakimasu! [I will receive the food]" Sabi ko habang natutuwang kumuha ng chopstick. Given na hindi kami masyado nag-kukubyertos dahil instik ang bansot at siyempre sila mama at ang mga kapatid ko ay laking Japan, edi chopstick kung chopstick pero mas preferred ko talaga mag-kamay. Kaso prim and proper muna for today, next time na 'yon.

"Chī hǎo hē hǎo [Enjoy your meal]" Tumango siya at nag-instik, di ko nalang pinansin, kaso baka minumura na niya ako kasi baka akala niya ang sabi ko pangit yung ulam na hinain niya, huhu.

Communication barrier yarn?

"Ano nga pala religion mo?" Bigla kong tanong, hindi ko kasi alam mga religion ng mga chinese. Ako naman, catholic, dito ako lumaki sa Pinas eh.

"RC." Simpleng sagot niya na muntik kong maibuga yung kinakain ko sakanya, buti nalang sinamaan niya ako ng tingin kaya linunok ko agad. Uminom ako ng tubig dahil mabibilaukan pa ako. "Can you slow down while eating. You're getting yourself killed, it would be awful if the cause of your death is being choked by food." Daldal niya na may kasamang tawa pa kaya ako na ang napasimangot.

Aba mapangasar ang bansot na 'to.

"Eh ikaw naman kasi. May pa RC ka pang nalalaman, eh, given namang loko loko ako, ang una kong naisip ay softdrinks ang relihiyon mo." Irap ko sakanya.

Umiling ito, "You're crazy."

"Crazy for you." Kindat ko sakanya na ikinairap niya lang.

"Just eat, Takoma."

Natatawang tumango na lang ako at saka inenjoy ang luto niya. She really pass as a good wife. Grabe hindi pa nagsisimula ang school year, inuuna ko pa ang paglalandi ko. Pero wala namang masama kung itry balukturin ang isang Feizi, diba? I grinned habang tinitignan nanaman niya ako with a disgusted face kaya natawa ako.

Gawsh bat ba ako naaaliw sa smurf na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

967K 101K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
615K 30.1K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
164K 6.6K 44
Rival Series 3 -Completed-
13.4M 206K 85
Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testamen...