A Gangster Love Story

By Miho_Mayu

406K 7.3K 542

Fall in love with one crazy love story of a gangster :] More

A Gangster Love Story
~Prologue~
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 14.5 : A Special Date
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Janine) Part. 1
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 (Secrets Revealed Part 1)
Chapter 53 (Secrets Revealed Part 2)
Chapter 54 - The Aftermath
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 - The Almost Ending
Chapter 58 - The Sacrifice
Epilogue
Special Chapter: The Lost Years
Special Chapter: The Lost Years II
Special Chapter: The Lost Years III

Chapter 42: (Janine) part 2

4.8K 99 6
By Miho_Mayu

JANINE POV

Bukas na.. Bukas na ang kasal. Nasa bahay ako ngayon, at nandito na din sina Sae, Hannah at Daniel. Inintriga talaga nila ako. Lalong lalo na about sa kasal.. Ang kukulit nila!!

"Di mo man lang sinabi sa amin kaagad! Nakakatampo ka naman >3< Tapos naunahan mo pa kami ni Dars ha!" pang aasar ni Sae. Inirapan ko lang siya! >_< Pag ganitong mainit ang ulo ko. Kasi naman.. 3 araw na kaming hindi nagkikita ni Keith. Sabi kasi ni Papa hindi muna daw pwedeng magkita ang soon to be groom and bride.

"Kasi naman, di pa ako ready noh! Masyado kayang maaga yung kasal, tsaka sabi ko talaga kay Keith, sa birthday ko na lang sabihin" Napangiti naman si Sae. 

"Are you happy?" napatingin ako sa nagsalita, si Hannah. Si Hannah yung tipo ng babae na sobrang matutuwa ka sa kanya, mabait siya, matalino, maganda, mayaman, at higit sa lahat, makulit yan, kami nga lang ang nakakakita ng tunay niyang kulay. XD

"Of course, i love Keith, kaya I'm happy" they look satisfied naman sa sagot ko, except for one, sino pa nga ba? Edi si Daniella.

Tiningnan niya ako, as if she can see right through me, that I'm lying. After an hour, pumunta sila Sae at Hannah sa game room sa bahay namin. meron kami nun! ^___^ Nag wi-Wii sila ngayon. Gusto ko sanang sumama kaso kakausapin daw ako ni Daniel. =____= Asaaaaaar!

"Eeeeh! Gusto ko sanang sumali sa kanila, ito na ang last day ko bilang single AJUJUJU!" nag fake na iyak ako. Kasi naman eh! Gusto ko talagang sumali sa laro nina Sae at Hannah. Last day ko na to ng pagiging single! 

"Stop acting like that Jans" aba at ang bruhang to tinatarayan ako!!!

"Hoy Daniella! May pa english english ka pang nalalaman diyan ah! Yan napapala mo sa kakasama kay papa Ace! Bigay mo kaya sakin si Ice para hapey hapey!" natatawa akong pumalakpak, samantalang naka poker face lang si Daniella.

"Anong kakasama kay Ace! At tsaka anong sayo si Ice, sapak you want?" Teka inaasar ko lang naman siya ah, I smell something fishda! ~.~ Siya na mismo ang may sabing ayaw niyang ipamigay si Ice? Ohlala. CHISMIS TO XD

"Wait!!!! So kayo na nga ni Ice? O_O" Eh kasi naman, parang hinihingi ko lang si Ice eh, ang damot ha! Isang gabi lang eh,rereypin ko lang ang gwapong yon! BWahahahahaha. XD Joke lang, wag niyong seryosohin yon, alam niyo namang may turnilyo ako sa utak. BWAHAHAHAH!

"Ha? >///< Oy di ah!" Namumula siyang umiwas ng tingin sa akin, fishy as fish!

"Di ngaaaaa?!!! So anong meron sa inyo? Nung nasa batangas tayo, kayo lagi magkasama ah" Bago yung birthday ko, sila lagi yung magkasama, tapos si Hannah, si Lance na lang kasama niya lagi, kaya ako di pinapansin nung Ibarra ko eh >3<

"Wala, teka teka, ikaw dapat tong tatanungin ko eh, ano... si... alam mo na" naka iwas pa rin siya ng tingin sa akin. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

Si Kyo.

"Wala akong pakialam sa kanya" parang biglang uminit yung ulo ko. Ayaw ko talaga siyang pag  usapan, dahil sinira niya ang birthday ko last week, at nahihirapan ako dahil ginugulo niya ang matahimik kong mundo.

"Hindi mo ba siya tatanungin?" Nagkatitigan kami ni Daniel. 

"Para saan pa?" naiinis ako sa sinasabi niya. >___> Asar! Masyado akong maganda para pag usapan to eh.

"Alam mo Daniel, minahal ko naman siya eh, kung alam mo lang, sa kanya lang umiikot ang mundo ko noon, kahit na Cassanova pa siya, mahal ko pa din siya, hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako iniwan, kung bakit isang araw... sinaktan niya ako" SHEMAY! Naiiyak ako eh. Aish. Pinagsasapak ko facelalu ko gamit ang aking kamay. Naiiyak ako! Errrr >,<

"Hindi mo ba inalam kung bakit?" mahina ang boses ni Daniel, parang concern siya na ewan. Basta mahirap magtype! XD

"Siyempre, sobrang mahal ko siya noon, tinanong ko siya, pero isa lang lagi ang sinasabi niya sa akin... hindi tayo para sa isa't isa, ang cliche ano? Saan kaya napulot ng Tanong yon ang linyang yon, napaka eh!" Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. Shizuuuuu!!!! Naiyak na talaga ako! Di ko mapigilan. 

"I hope magka ayos din kayo, at sana, mapatawad mo na siya Janine, kasi lahat ng bagay may rason" ngumiti siya sa akin bago lumabas ng kwarto.

I hope. 'coz I still love him so much.

Naaalala ko pa noon, lahat ng babae niya inaaway ko, akin lang si Kyo noon, kami lang dalawa, siya at ako, pero... iniwan niya ako... sinaktan. Bumitiw siya, iniwan niya ako nahuhulog, at hindi na niya ako sinalo, nagkataong nandun si Keith, at siya ang nagligtas sa puso ko.

Kinurot ko ng malakas ang braso ko bago lumabas para pumunta kina Sae. I must forget him. Ayoko na siyang maalala pa,  MAGANDA AKO! BAGAY KAMI NI ICE-- I MEAN NI KEITH! Ano ba naman yan, pati yung gwapo kong crush nadadama =_= Ajejeje. XD

XxXxX

This is the day. Inayusan na ako ni Sae at Hannah, nauna na din sila sa venue, si Daniella nandun na din, excited much?XD

Anyway, pumunta dito kanina si Papa at binati niya ako, iyakan todamax pa nga kaming dalawa, parang to the highest level ang drama namin! Pwedeng pang wattpad, umalis din siya at hinintay ako sa labas. Pati si Lance pumunta din dito, super sweet naman ang peg naming dalawa! Pang koreanovela, sana pala pinikot ko na lang si Lance. LOOOL. Joke lang =) 

Well, kasalukuyan akong nakaharap sa salamin. Tube na may pagkavintage ang design ng gown ko, tapos ang flowers ko ay puti, di ko alam tawag, >.> Pasensya naman. Umikot ikot ako sa salamin. ANG GANDA KO TALAGA \(^O^)/

*Knock Knock* 

May kumatok sa pinto, bubuksan ko pa lang sana kaso naunahan ako nung kumatok, and to my surprise,dumating si Kyo.

Natulala pa ako sa kanya. Anong ginagawa niya dito?!!! Wag mong sabihing sisirain niya na naman ang araw ko >_< Kasal na to eh. 

"You look.. stunning" ngumiti siya sa akin. Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya.Naka formal suit siya, of course para sa kasal ko to. Anebenemenyen.

"Anong ginagawa mo dito?!" Half shouting half whispering ako, baka marinig ako ni Papa.

"To see you of course, and to confess everything" Ngumiti ulit siya,pero sa ngiting yon, malungkot siya. Bakit ganon?

"Anong ... anong ibig mong sabihin?" Walang anu pa ay niyakap niyakap niya ako ng mahigpit. Pinilit kong kumawala pero ang lakas niya! AZAR! TT___TT 

"I love you... I love you... I love you so much" at sa pagkakasabi niyang iyon, tumulo na ang mga luha ko, nakayakap pa rin siya sa akin at ayaw niya akong pakawalan.

"Bi..bitiwan mo ako! Tano!!!" Sumigaw na ako pero parang wala lang sa kanya. Nagulat na lang ako ng maramdaman kong basa ang likudan ko. SHEMAY. Umiiyak siya.

"Kung alam mo lang, kung gaano ko to gustong gawin sayo, sa araw araw na nakikita kita, gusto kong ipaalam sayo na mahal na mahal kita, na gusto kitang agawin kay Keith, gusto ko ako lang! Nasasaktan ako pag nakikita kitang kasama mo siya, ako naman dapat yon di ba? I'm the one who's supposed to marry you... to live with you forever... we promised that to each other, don't you remember?" Tumulo lang ng tumulo ang luha ko. At oo, sirang sira na ang make up ko. 

Nakayakap pa din sa akin si Kyo. Bakit ganito? Bakit parang feeling ko... ayoko nang bumitaw.

"Iniwan mo ako Kyo" Natahimik siya. At naririnig ko lang ay ang paghikbi ko, sana ganito na lang nangyari noon, yung hindi niya ako binibitawan, na nakayakap pa rin siya sa akin.

Humarap siya akin, pati mata niya namamaga na. This is the first time na nakita ko siyang umiyak. Siya yung tipo ng taong mataas ang pride, pero bakit? bakit siya nagkakaganito?

Pinunsan niya gamit ang thumb niya ang mga luha ko sa pisngi.

"Ang ganda mo talaga, kaya madaming naiinlove sayo eh, naaalala ko pa nung una tayong nagkakilala, nakita mo akong nakikipaghalikan sa ibang babae kaya tinatawag mo akong "ang lalaking mahilig sa ehem" natutuwa ako noon sayo, sabi ko sa sarili ko, bakit di ata tumatalab ang charms ko sa babaeng to?" hinaplos niya ang pisngi ko.

"Tapos biglang isang iglap, lagi na lang tayong nagkikita, kasi bestfriend mo pala si Daniel, ang kulit mo, at wala kang ibang pinagtitripan kundi ako" 

"Wala na tayong ginawa kundi magbangayan, inaaway mo ako, at inaaway din kita, typical love story, we fell in love" Nakita kong ngiting ngiti siya noong sinabi niya ang... we fell in love.

Hindi naman kasi nawawala yon Kyo.

"And I really won't forget the day, when we kissed under the rain, kasi, umamin ako sayo at nalaman kong mahal mo din pala ako, alam mo bang ako na ata ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo? Perfect na lahat lahat, mahal mo ako at mahal na mahal kita" Hindi ko maiwasang ngumiti.

Hindi pa rin nawawala yon Kyo, mahal na mahal pa din kita.

"Sana hindi mo na lang ako iniwan" nag sisimula na namang mamuo ang luha ko. Di ko maintindihan yung sarili ko. Ang sakit sakit! Mahal na mahal ko pa din siya!

"Hindi naman kita iniwan, lagi pa rin akong nasa tabi mo" he touched my lips and gently... he kissed me. 

"I still love you Janine Chrisostomo" he smiled. Pumatak muli ang mga luha ko. This can't be. Ayokong iwanan si Keith.

"Don't worry, hindi kita pipigilan sa kasal mo " Nang marinig ko yon, there's a part of me na parang na disappoint. Akala ko... akala ko kasi .. we'll run away together. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yon? Ang sama sama ko talaga! Ikakasal na nga ako kay Keith pero... ganito pa rin ako.

"Why are you here?" At bago pa niya ako sinagot he squeezed my hand at tumingin siya sa ceiling.

"I love you that's why I decided to let you go.. were not for each other Janine, kahit mahal na mahal kita, kahit gusto kitang itakas dito... hindi pwede Jans, hindi pwede" Siya naman yung umiiyak. At hindi ko ulit napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya.

"Iiwan mo na naman ba ako? Sasaktan mo na naman ba ako Kyo.. tulad ng ginawa mo sa akin dati?" Nilakasan ko na ang loob ko. Di ko mapigilang ang sarili ko, gusto ko pa din siyang makasama! Mahal na mahal ko pa din siya. At inaamin ko sa sarili ko, masama talaga ako. 

"I'm sorry" matagal bago pa siya nakasagot. Alam ko naman eh. Pero bakit pa niya kailangan sabihing mahal niya ako? Bakit kailangan pa niyang ipaalala? BAKIT!!!!

"Bakit Kyo? Pwede ko bang malaman?" Niyakap niya ako ulit. At nung bumitiw siya, may pumasok sa loob, si Papa kasama ang isang babae...

0_0 Kamukhang kamukha ko siya... don't tell me...

"Janine... magkapatid tayo sa ina" at halos nanlumo ako sa sinabi ni Kyo... kaya pala... kaya pala hindi kami pwede..

Tumingin ako kay Papa, tumungo lamang siya, umiiyak naman ang babaeng nasa harapan ko. Hawak hawak pa din ni Kyo ang kamay ko. Huwag niya sana kong bibitawan..dahil hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya.

Walang katapusang pumatak ang luha ko. All this years... akala ko wala na siya. At doon ko lang nalaman nung kinuwento ni Papa ang lahat, kabit si Papa. At anak ako sa labas. Gusto ko siyang sigawan, saktan, sampalin upang iparamdam ang sakit pero ... iba eh.. mas pinili ko yung yakapin siya... mas pinili ko na... tanggapin pa din siya.

Pagkatapos nun, lumingon ako sa paligid, hindi ko napansing wala na pala si Kyo..

Wala na siya,

xXx

Iyak ako ng iyak nung nasa kotse kami. Pinabalik ng Papa si Sae para ayusan ako, hindi na muna nagtanong si Sae kung bakit.  Malapit na kami sa simbahan pero hindi ko pa din mapigilan.

Wala na siya. Hindi na siya babalik. Alam ko yon.

"Anak" bigla kong niyakap si Papa. Kailangang kayanin ko to. 

"I'm okay Papa, we can go na" pinunasan ko ang mga luha ko.

Bumaba na kami sa kotse. Halos lahat ng tao dun halatang naiinip na. Tumingin ako sa paligid, halos lahat ng buong B7 andun, except him. 

Alam ko na, once I get inside the church, there's no turning back.

AN:

WAAAAAAAAAH!!! Ngayon lang ako nagkatime. AJUJUJU. Sana magustuhan niyo pa din ang story ko. Message me lang kung may katanungan or comment HEHE.

PS. VOTE PO KAYO!! XD

Continue Reading

You'll Also Like

93.7K 1.5K 83
Maging masaya at mag enjoy ka sa pagbabasa ng jokes Thks
903K 13.2K 200
a compilations of funny jokes circulating in the internet..
320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018
4.3K 847 101
-an AU where both are university students and part timers, Yoon Jeonghan in a coffee shop and Choi Seungchoel in a fitness gym. -epistolary with narr...