Deciphered -=ViceRylle=-

By iShare

138K 4.2K 806

How can they be together when they can't even change their reality? More

Deciphered -=ViceRylle=-
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 12

6K 209 19
By iShare

Karylle: Mine. *pabulong*

Vice: Bakit?

Karylle: I'm not yet ready for this.

Vice: Okay. *ngumiti kay K at hinawakan ang mukha nito* I love you.

Karylle: I love you. *hinalikan ulit si Vice*


Biglang bumangon si Vice sa kama.


Karylle: You know what?

Vice: What?

Karylle: Simula nang maging tayo, di mo pa ko dinedate.

Vice: So are you asking me for a date?

Karylle: Ako pa?

Vice: Oh di tara na magdate!

Karylle: Napilitan pa.


Lumapit si Vice at hinila si Karylle palapit sa kanya.


Vice: Di ako napipilitan. Di lang ako sanay.

Karylle: Seryoso ka na niyan? Sinabi ko lang na di pa tayo nagdedate eh.

Vice: Tara na. Date na lang tayo.

Karylle: You sure?

Vice: Dali na. Magbihis ka na.


Pagpunta ni Karylle sa closet niya lumabas muna ng kwarto si Vice. Sa totoo lang kinakabahan siya kasi hindi pa naman niya nagagawa ang makipagdate kasama ang isang babae. Nag-isip siya ng lugar na pwede nilang puntahan. Maya-maya lumabas si Karylle.


Karylle: Okay ba ang ganito? *pinakita ang suot na damit*


Lumingon si Vice. Nakatulala lang kay Karylle.


Karylle: Mine.

Vice: *ngumiti* Mukhang alam ko na kung saan tayo pupunta.

Karylle: Huh?

Vice: Sa ganda mong 'yan. Mukhang alam ko na kung saan tayo pupunta.

Karylle: So pinag-iisipan mo talaga ha.

Vice: Naman!


Pagkabihis ng dalawa, si Vice na ang nagmaneho ng sasakyan ni Karylle. Normal na usapan lang sa loob ng sasakyan. Tawanan. Joke time.


Karylle: Saan mo pala plano mag-date, Vice?

Vice: Sa 12/10 sa Makati.

Karylle: Ahh... I heard about that place. Pero bakit doon?

Vice: Kasi gusto ko casual date lang muna. Hindi masyadong pormal at hindi rin naman basta-basta.

Karylle: Hmm... Ang sabihin mo hindi ka pa sanay makipag-date sa akin.

Vice: Slight. *natawa ng kaunti*

Karylle: Thank you.

Vice: Wala pa nga tayo sa venue, Karylle. Nagpapasalamat ka na kaagad.

Karylle: Seriously, salamat. Kasi alam ko kahit hindi ito ang usual mong ginagawa, at kahit di mo talaga ito ginagawa... Alam ko you're trying.

Vice: Ikaw pa. Malakas ka sa akin.


Nang makarating sila sa venue: 12/10 Makati. Pumasok sila, nag-order ng Japanese cuisine at nagkwentuhan. Para lang silang magkaibigan kung titignan. Tama nga si Vice na bagay naman ang outfit ni K sa lugar kasi simpleng dress lang pero maganda. Si Vice naman, naka-shirt lang at black pants. Pormang lalake rin pero hindi pa rin maitatago ang kabaklaan nito.

Masaya naman silang nag-uusap. Nagkwento si Vice ng ilang weird na restaurants na nakainan na niya pero di mo aakalain na sobrang sulit ang lasa ng pagkain. Na kahit maliit ay dinadayo at kahit mahal ay kinakainan pa rin.

Nakabawi na ng husto si Vice kay Karylle dahil sa nangyari nang gabi sa Bar. At in fairness naman kay Vice, he's trying to be a good boyfriend. He's gentleman. He's sweet in his own way.

Pagkatapos nilang magdinner, nag-road trip muna sila bago pa umuwi.


...


AdVice Ganda portion sa Showtime.

Intro. Si Madam Bertud. Kumpas ng gitara nina Jugs and Teddy. Nag-intro na sina Vice at tinawag si Kuya Kim upang ipakilala ang taong maglalahad ng kanyang problema at bibigyan ng advice ni Vice.


Vice: Hi. Anong pangalan mo?

Panauhin: Luis po.

Vice: Taga saan ka, Luis?

Luis: Taga San Pedro, Laguna po.

Teddy: Uy sa Laguna may masarap na Puto akong natikman diyan.

Jugs: At saka taga diyan sina Karylle di ba?

Teddy: Calamba yata 'yon.

Vice: Oo. Calamba nga yata sila.

Teddy: Bakit di ka sigurado?

Vice: Eh sa di ko sigurado. Bakit?

Teddy: *natatawa* Gelpren mo di mo alam kung taga saan siya sa Laguna.

Vice: Oh di itatanong ko mamaya. Hahaha. Baka isipin ni Luis nag-aaway na tayo.

Jugs: Di mo pa tinatanong ang edad.

Vice: Ilang taon ka na, Luis?

Luis: 29 po.

Vice: May trabaho ka?

Luis: Opo.

Vice: Saan?

Luis: Tumutugtog po ako sa mga bar gabi-gabi. Kumakanta rin po. Gig.

Vice: Ahh so singer ka sa mga bar. Anong genre mo?

Luis: Acoustic po.

Teddy: Naku, ang mga acoustic singer o performer, hopeless romantic 'yan.

Vice: Talaga? Pa'no mo nasabi?

Teddy: Di kasi nung dati na nagsisimula kami, nakakasama namin ang mga solo performer tapos seryoso silang kausap at may iba kapag siyempre nagkakakwentuhan, ibang klase magmahal. Sa pamilya. Sa jowa. Sa kaibigan. Sa lahat.

Vice: Kung sa bagay ang mga acoustic artist parang pag kumakanta talaga parang galing sa puso ang kinakanta nila.

Jugs: Tama.

Vice: Ito... *turo kay Jugs* Makapagsalita lang eh.

Jugs: Agree naman talaga ko eh.

Vice: Okay so, Luis ano ang ibabahagi mong problema ngayon?

Luis: Ahh kasi po... May fiance po ako.

Vice: Wow, ikakasal ka na?!

Teddy: Congratulations!

Luis: Salamat po.

Vice: Okay. May fiance ka tapos?

Luis: Bali, iyong fiance ko po dalawang taon ko ng naging girlfriend. Inaya ko po siya magpakasal limang buwan na rin po ang nakalipas. Naghanda na po kami. Sa simbahan. Imbitasyon. Ilang linggo na lamang po mula ngayon ang takda naming kasal. Kaso bigla niya po akong kinausap isang hapon at sinabi na may minamahal na po siyang iba.


Natigilan si Vice. Nagpipigil ng reaksyon. Natawa naman ng todo sina Jugs at Teddy.


Vice: Talagang ako ang hihingan mo ng advice sa problema mong 'yan ah?

Luis: Kasi po... Masakit po talaga. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Kung itutuloy ko pa po ba ang kasal o hindi na. Kasi pakiramdam ko hindi na niya ako ganung kamahal.

Teddy: Vice? *natatawa pa rin*

Vice: Luis *huminga ng malalim* Luis, natanong mo na ba 'yong fiance mo kung gusto niya pa bang pakasalan ka?

Luis: Opo. Nung araw din po na iyon.

Vice: Anong sagot niya?

Luis: Payag pa rin naman po siya. At mahal pa rin niya ko.

Vice: 'Yon naman pala eh. Ituloy mo pa rin ang kasal.

Luis: Kaso *napayuko ang lalaki* pakiramdam ko po kasi hindi na dapat. Na magiging mali kung itutuloy pa namin.

Vice: Teka, saan at paano ba nagkakilala itong fiance mo at ang lalaking bago niyang minamahal.

Luis: Bali, nakakasama po niya sa trabaho.


Lalong natawa sina Teddy at Jugs. Si Vice rin natatawa na sa gilid.


Vice: *nagseryoso na* Alam mo Luis, hindi ko alam kung mabibigyan kita ng magandang payo sa sitwasyon mo pero I've been there. *may mga nag-react sa audience* Sa ibang sitwasyon lang kasi ako ang minahal sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Alam mo kasi may mga dahilan na ang fiance mo lang ang makakapagpaliwanag sa 'yo kung bakit kahit ikakasal na kayo ay nagmamahal pa siya ng iba. Sa pananaw ko hindi ka naman niya niloko kasi kung niloloko ka niya, hindi siya magiging tapat sa 'yo.


Nagpunta sina Anne, Angel at Karylle sa gilid ng stage para makinig sa mga sasabihin ni Vice.


Vice: Kaya lang kasi may mga sitwasyon na kahit hindi mo gusto, nangyayari. Hindi ko kilala ang fiance mo at hindi ko kilala ang lalaking minamahal niya ngunit ang sigurado ako hindi nawawala ang pagmamahal niya para sa 'yo. Maaaring lumampas lang sa limitasyon ang fiance mo kaya nahulog ang loob niya sa katrabaho niya pero hindi ibig sabihin no'n hindi ka na niya mahal.


Pinukpok niya ang hammer sabay sigaw ng dancers ng: "HUGOT!"


Luis: Hindi po ba mali kung ipagpapatuloy ko ang kasal namin?

Vice: Kung pupunta ba naman siya, walang problema do'n.

Luis: Paano po kung sa huli hindi ako ang piliin niya?


Natulala lang si Vice at hindi alam ang sasabihin.


Teddy: Bakit parang nangyari na 'to?

Jugs: Mahirap magbigay ng payo diyan, Vice.

Vice: Uyy sandali lang... *seryoso na talaga* sa totoo lang Luis, hindi ko alam ang tamang sasabihin sa 'yo. Kasi pakiramdam ko kung anuman ang salitang masasambit ko ngayon ay mahuhusgahan na naman ako at maaaring hindi makakatulong para sa 'yo. Siguro Luis, ganito na lang. Mamaya pag-uwi mo mag-isip ka. Tanungin mo ang sarili mo... Kung sakali bang hindi mo ituloy ang kasal at tuluyan mo siyang ipaubaya sa iba, kakayanin mo ba? At kung sakali naman na maging kayo pa rin masaya ka nga pero magiging masaya pa rin kaya siya sa piling mo? Kasi Luis, kahit ano pa ang maging desisyon mo at maging desisyon niya ay hindi magiging madali 'yan. Meron pa ring masasaktan. Siguro ang pinakamaganda kong maipapayo, mag-isip ka at magdasal. Makinig ka sa kung anuman ang maaaring isagot sa iyo ng Diyos dahil walang tanging nakakaalam ng makakabuti para sa 'yo kundi Siya. Bukod do'n kausapin mong muli ang fiance mo. Puso sa puso. Dahil wala ring makakapagbigay sa 'yo ng katotohanan kundi siya. Siyang nagmamahal sa 'yo at nahuhulog din sa iba.


Pinukpok ulit ang hammer. "Hugot!"

After nang segment na iyon dumiretso si Vice sa backstage. Hinubad niya ang suod niyang itim at pumunta sa dressing room. Sinundan siya ni Karylle. Uminom ng maraming tubig si Vice. Mukhang okay siya at tinatawanan ang nangyari pero alam ni Karylle na hindi naging madali para sa kanya ang magbigay ng payo sa ganoong sitwasyon. Biglang niyakap ni K si Vice.


Vice: Oh? Ayos ka lang?

Karylle: Hindi.

Vice: Bakit?

Karylle: You don't need to hide what you feel. With me.

Vice: Okay lang ako. *ngumiti kay Karylle*

Karylle: I love you. I sincerely do.

Vice: I love you too.


They're about to kiss pero pinigilan sila ng mga kabarkada ni Vice kasi nasa trabaho pa sila. Hinalikan na lang ni K si Vice sa pisngi.



Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
331K 7.5K 33
Bored ako
9.1K 471 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
88.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...