Dagger Series #4: Unadorned

By MsButterfly

674K 32.4K 7.6K

Being on top is second nature for the renowned supermodel, Mireia Aguero. She literally needed to be on top t... More

Dagger Series #4: Unadorned
Synopsis
Chapter 1: Axel Dawson
Chapter 2: Typhoon
Chapter 3: Enough
Chapter 4: Settle
Chapter 5: Maybe
Chapter 7: Uncanny
Chapter 8: Karma
Chapter 9: Boyfriend
Chapter 10: Fool
Chapter 11: Devour
Chapter 12: Favorite
Chapter 13: Kesel
Chapter 14: Chain
Chapter 15: Dangerous
Chapter 16: Angel
Chapter 17: Like
Chapter 18: Triple M
Chapter 19: Invade
Chapter 20: First
Chapter 21: Going, Going, Gone
Chapter 22: Reason
Chapter 23: Gravity
Chapter 24: Promise
Chapter 25: Obvious
Chapter 26: Ring
Chapter 27: Scream
Chapter 28: Enemy
Chapter 29: Grandeur
Chapter 30: Ordinary
Chapter 31: Dream
Chapter 32: Together
Chapter 33: New Year
Chapter 34: Mrs. Dawson
Chapter 35: Last
Epilogue
Author's Note
Dagger Series #5: Unbowed
Book: Unadorned

Chapter 6: MAAAD

18.2K 887 227
By MsButterfly

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Disclaimer: I'm using an old curriculum here kaya five years pa rin ang ECE sa chapter na ito. Thank you kay Ate Rachele, ang ate ng bayan, sa pagsagot sa questions ko. Wuvwuv!

CHAPTER 6: MAAAD

MIREIA'S POV

Years ago...

Pakiramdam ko anumang sandali ay makakatulog na lang ako bigla sa kinatatayuan ko. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil bukod sa nag-review ako para sa tatlong subjects ko sa araw na ito ay kinailangan kong pumasok ng maaga para gawin ang term paper para sa prof ko na daig pa ang panahon na pabago-bago. Sa Friday pa dapat ang pasahan no'n eh Wednesday pa lang ngayon.

"Ang laki ng school natin pero wala silang budget para magkaroon ng maraming printer?"

"Kaya nga. Lahat tayo nagsisiksikan tuloy dito."

Nakapikit na tumango-tango ako sa narinig ko na usapan ng dalawang babae na nasa unahan ko. Mahigit isang oras na kasi kaming nakapila pero parang hindi pa rin natatapos ang mga nauna sa amin.

Wala namang problema na maraming pinapaprint ang mga estudyante. Kung tutuusin dalawa pa nga ang printer na ginagamit ng printing services na nandito mismo sa unibersidad. Ang kaso kulang sila sa strategy. Sana iyong isang printer para na lang sa mga mararaming pinapaprint katulad ng thesis tapos iyong isa para sa konti lang ang kailangan. Para hindi humahaba ang pila ng ganito.

"Uy si ano! Iyong crush natin!"

"Omg! Nasaan?!"

Hindi ako nagmulat ng mga mata para tignan kung sino ang pinag-uusapan nila. Wala akong panahon sa mga lalaki. Kung sa mga kailangan pa lang sa school nauubos na ang oras ko, saan ko pa isisingit ang mga ganoong bagay?

"Time management lang 'yan Mireia."

Napapabuntong-hininga na pilit na iminulat ko ang mga mata ko nang parang naririnig ko sa tapat ng tenga ko ang boses ng kaklase ko na walang inatupag kung hindi ang love life niya. Hindi naman mababa ang grades niya kaya totoo namang kinakaya ng "time management" niya. Pero hindi kasi pwedeng pasado lang ang grades ko dahil ang mahal ng tuition kapag nawalan ako ng scholarship.

Saka maisip ko pa lang ang mga nanliligaw sa akin nawawalan na ako ng gana. Maayos naman ang pinapakita nila na ugali sa akin pero nakikita ko rin kasi kung paano sila umakto sa ibang tao at maging sa pag-aaral nila.

Hindi naman sa naghahanap ako ng perpekto at matalinong tao. Ayoko lang talaga iyong mga hindi makita kung gaano sila kaswerte. Iyong papasok na lang sila at hindi na nila kailangan intindihin iyong pamasahe o pang-project nila.

Napatigil ako sa isipin nang makita kong gumalaw na ulit ang pila. Hindi naman marami ang pinaprint ng dalawang babae na sinusundan ko kaya ilang sandali lang ay ako na ang nasa unahan.

Tumingin sa akin ang lalaki na taga-print. Siguro mga nasa anim o pitong taon ang tanda niya sa akin. Pinigil ko na mapabuntong-hininga nang makita kong naglakbay sa kabuuan ko ang mga mata niya at nagtagal iyon sa dibdib ko.

Hindi na bago ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi kasi akma ang kurba ng katawan ko sa edad ko na disisyete. Lalo na pagdating sa hinaharap ko. Pero kahit pa sabihing hindi ito ang unang beses ay hindi ibig sabihin na okay lang iyon sa akin.

"Ilan ang ipapaprint mo, Miss Ganda?"

"Twenty pages po. Magkano po kapag black and white?"

"Isang daan pero para sa'yo ninety-five na lang."

Wow salamat sa limang pisong discount. "One hundred po? Black and white na short?"

"Oo, Miss Ganda. Kapag colored eight pesos."

Napanganga ako sa hindi pagkapaniwala. Piso lang ang black and white sa amin! Hindi naman kasi ako nagpapaprint dito. Sa school ko lang ginagawa iyong mga written assignment at project kasi wala naman akong laptop at libre lang sa e-library ang paggamit ng computer. Sine-save ko na lang sa USB ko ang files at sa printingan malapit sa bahay na lang ako nagpapaprint. Kaya lang ngayong araw nga ay nagpaimportante ang professor ko at gustong ipasa na namin ang term paper today. Alangan namang umuwi pa ako? Sayang ang pamasahe ko.

Binuksan ko ang maliit na wallet ko na parang magagawang madoble ang isang daan ko kapag tinitigan ko iyon. Kapag pinambayad ko 'to, wala akong pamasahe pauwi. Kapag hindi ko naman binayad 'to wala akong grades. Kahit patulan ko pa ang limampiso na discount ni Kuya hindi kakasya 'yon kahit sa jeep lang.

"Ano Ganda?"

"Kuya hindi ba pwedeng kalahati na lang muna ang bayaran ko? Mawawalan kasi ako ng pamasahe kapag binayad ko lahat."

Hindi ko na nakuhang mahiya kahit alam kong naririnig ako ng ibang mga nakapila.

"Nag-aaral ka sa ganitong university pero wala kang pambayad? Baka naman pinang-date mo lang?" pabirong tanong ng lalaki na bumaba na naman ang mga mata sa dibdib ko.

"Eh sana po hindi nagpa-scholar itong university kung hindi niyo po alam na nag-e-exist kaming mahihirap. Saka five pesos para sa isang print? Kapag po ba nagpaprint ako sa inyo automatic na may tatak na iyan na perfect ang grades ko? Hindi niyo po ba alam na inaaabuso niyo na ang market power niyo? Porke alam niyong kailangan namin. Sinasamantala niyo po ang pagiging monopolistic niyo. Alam niyong kayo lang ang printingan dito kaya grabe kayo kung mag-presyo. Kapag ako yumaman kakalabanin ko talaga kayo."

Nawala ang ngiti ng lalaki at napalitan ng pagkainis ang ekspresyon sa mukha niya. "Teka, Miss Ganda—"

Itinaas ko ang kamay ko para putulin ang sinasabi niya. "Una po sa lahat may pangalan ako. Pangalawa hindi ko papatulan ang five pesos mong discount kasi ano hong akala niyo sa akin? Cheap? Mahirap ako pero may standard pa rin ako. At pangatlo wala akong pera kasi hindi kami mayaman at hindi dahil pinang-date ko. Kung gusto mong malaman kung may boyfriend ako, diretsahin mo na lang po ako. Pero sabihin ko lang din po ha? Menor de edad po ako kaya kung ayaw niyo po na mag-submit ako ng complaint, bawasan niyo po ang pagiging creepy niyo. Hindi ko po alam kung feeling ng iba nakaka-flatter matawag ng "ganda" ng isang mas nakatatandang lalaki na hindi marunong tumingin sa mukha ng tao dahil sa dibdib ng kaharap titig na titig pero ako ho hindi."

Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at basta na lang akong tumalikod. Kaya lang dahil sa bigla kong pagkilos ay malakas na bumangga ako sa taong nakasunod sa akin dahilan para muntik akong mapasubsob kung hindi niya lang ako napigilan sa braso.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaki na kanina ay sa tingin kong pinag-uusapan ng dalawang babaeng nauna sa akin sa pila. Axel Dawson.

Wala atang babae sa school na hindi siya kilala. Bukod kasi sa matalino ay sobrang gwapo niya rin. Kahit na wala akong panahon sa mga lalaki hindi ibig sabihin bulag ako. Siguro kung tatanungin ako kung sinong matatawag ko na hinahangaan ko sa school, siya na ang pinakamalapit na maituturo ko.

Ang alam ko lang mas ahead siya sa akin. Fourth year na siya sa kursong ECE o Electronics and Communications Engineering. Never ko siyang nakitang may kasamang babae maliban na lang doon sa daig pa ang mga stalker na sinusundan siya kahit saan siya magpunta para lang makapagpa-cute.

Kaagad niyang binitawan ang kamay ko nang makaayos na ako ng tayo. Napapakamot sa batok na nahihiyang ngumiti siya. "Sorry."

Siya na ang tumulong sa akin, siya pa ang nag-sorry dahil lang sa nahawakan niya ako. Sana mga ganitong lalaki ang dumami. Hindi iyong mga parang kinulang sa komprehensyon na hindi maintindihan kung bakit nakakabastos na sila.

Kung tutuusin nga may itsura rin ang empleyado ng printing services dito. Parehas silang mas matanda sa akin pero isa lang sa kanila ang nakakaintindi sa salitang "appropriate".

"Okay lang. Thank you."

Tinalikuran ko na siya at nagmamadali na akong umalis. Kailangan ko pa kasi talagang gawan ng paraan ang term paper ko.

Napapabuntong-hininga na naglakad ako pabalik ng classroom. Kakapalan ko na lang siguro ang mukha ko at manghihiram ako sa isa sa mga kaklase ko. Pero ibig sabihin no'n magpapaprint pa rin ako sa mahangin na lalaking 'yon.

Sa mga ganitong moment nahahati ang pagkatao ko. Iyong pagiging praktikal o iyong pride ko. Kaunti lang ang kahihiyan ko sa katawan pero pride na lang talaga ang madami ako.

"Miss?"

Napatigil ako sa paglalakad at gulat na napatingin ako sa likod ko. Kahit isang salita lang ang sinabi niya sa akin kanina at kahit na abala ang utak ko dahil sa problema ko ay nakatabi na iyon sa gilid ng utak ko na pwede kong alalahanin kapag hindi na ako masyadong busy. Iyon kasi ang unang beses na narinig ko ang boses niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ano... may... kung gusto mo..."

Kapag nakikita ko siya pakiramdam ko siya iyong klase ng lalaki na seryoso lang, confident pero hindi mayabang, at iyong mahirap maabot. Iyong tipong heart throb ang datingan. Kaya hindi ko akalain na mahiyain pala siya.

"Ha?"

Muli siyang napakamot sa batok niya. Hindi niya ako magawang tignan ng diretso sa mga mata na para bang naiilang siya. "Kung gusto mo sumabay ka na sa akin ng print. May printer kasi kami sa bahay." Nanglaki ang mga mata niya pagkasabi niya ng mga iyon. "H-Hindi sa inaaya kita na sumama sa akin. Sorry, ano... ang ibig ko lang sabihin pwede mong ipadala sa akin sa email iyong kailangan mo o kung okay lang sa'yo na hiramin ko iyong USB mo."

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti para ipakita na okay lang sa akin ang sinabi niya. Wala naman din kasi akong nararamdaman na malisya mula sa kaniya. "Salamat pero kailangan ko kasi ngayong araw iyong paper ko kasi ngayon din ang pasahan. Hihiram na lang ako ng pambayad sa kaklase ko." Napabuntong-hininga ako nang maisip ko na makakaharap ko na naman ang lalaking empleyado kanina. "Thank you sa offer."

"N-Ngayon mo rin makukuha. Malapit lang naman dito iyong bahay namin. Kailangan ko rin kasi na magpaprint kaya pwede kang sumabay. Kung... kung gusto mo lang."

"Akala ko nagpaprint ka ro'n?" tanong ko at tinuro ko ang pinanggalingan namin.

"Hindi." Nang makita niyang nakatingin lang ako sa kaniya ay muli siyang nagsalita, "Mahal kasi."

"Mukha ka namang mayaman."

"Ayaw ng magulang namin na nag-aaksaya ng pera lalo na nga sabi mo abusado lang talaga iyong printingan dito."

Ang talas kasi ng dila mo talaga, Mireia. "Kung kaya ngayon, pwede naman. Pero magkano ba ang print sa inyo?"

"H-Ha? Libre lang."

"Hindi pwedeng libre. Sayang iyong ink niyo."

"Hindi... ano kasi iyong tatay ko laging bumibili talaga iyon ng ink kaya ang dami sa bahay na naka-stock lang. Narinig kasi kita kanina. Ang sabi mo scholar ka—"

"Kaya naaawa ka sa akin?"

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Hindi ka kailangan kaawaan. You're excelling at something and you should be proud of it. Hindi naman madaling magkaroon ng mataas na grades. Saka scholar din ako. Resident nga lang."

May dalawang klase kasi ng scholarship sa amin. Iyong Presidential scholarship ay naibibigay sa mga studyante na pasok ang grades from high school. Bukod sa walang bayad ang tuition may nakukuha rin na maliit na allowance mula sa university. Iyon namang Resident scholarship ay para sa mga mag-aaral na may grades na nakapasa sa requirements nila. Dalawang klase iyon. Iyong full na walang bayad ang buong tuition except miscellaneous at partial na fifty percent ang bawas sa tuition. Wala nga lang nakukuha na allowance kapag Resident.

"Libre lang talaga. Hindi mo kailangang magbayad."

Humalukipkip ako at pinagmasdan ko siya. "Anong kapalit kung gano'n?"

"Kapalit?"

"Huwag mo sanang isipin na ang laki ng ulo ko pero kasi medyo weird na gusto mo kong tulungan. Iyong iba kasi kung hindi hihingin ang number ko ay date ang gusto. Wala akong oras sa date kasi kailangan kong mag-aral at wala rin akong pang-load kaya kung hihingin mo ang number ko wala ring kuwenta 'yon. Saka kahit gwapo ka at kahit ikaw lang siguro ang matatawag kong crush ko sa buong school na ito, mas matanda ka pa rin sa akin. Hindi ka exemption kung gusto mo rin na maging creepy katulad ni kuya kanina."

Laglag ang panga na napatulala sa akin ang lalaki. Hindi niya siguro inaasahan ang walang preno ko na bibig. Hindi pa rin siguro siya nakakatagpo ng tao na diretsa siyang pinupuri sa same sentence na sinabi rin na may crush ang taong 'yon sa kaniya.

"Y-You're beautiful."

Naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi pero inignora ko lang iyon. "Salamat—"

"Pero gusto lang talaga kitang tulungan since mukhang kailangan mo rin talaga ngayong araw iyong ipapaprint mo. Ayokong tumanggap ng pera kasi parang mali iyon kung wala naman akong gagastusin."

Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo at mukhang wala rin siyang balak magpapigil. "Pagkain."

"Ha?" kunot ang noo na tanong niya.

"Masarap magluto ang nanay ko at marunong akong gumawa ng kakanin. Iyon na lang ang bayad ko sa'yo tutal madaming magluto ang Naynay ko. Okay lang ba?"

"O-Okay."

Inabot ko sa kaniya ang USB ko at kinuha naman niya iyon agad sa akin. "Please pakiingatan. Nandiyan iyong iba kong mga project. Iyong kailangan ko ngayon ay iyong nakalagay sa folder na "Print Today". Isa lang iyong file na nandoon." Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag at may isinulat ako roon. Nang matapos ay pinilas ko ang papel at ibinigay ko iyon sa kaniya. "Number ko. Sa tapat na lang ng printingan tayo magkita para maipamukha ko kay Kuya na nakapagpaprint ako. Hindi ako makakapagreply ha? Wala talaga akong load."

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago tumango. "Hindi rin kita itetext na hindi konektado sa ipapaprint mo at hindi ko ito ibibigay sa iba."

Sana magkaroon ka ng maraming clone sa mundo. "Thank you."

"W-Welcome."

"Mireia nga pala ang pangalan ko. Maganda ang pangalan ko kasi pinag-isipan iyon ng Naynay ko kaya huwag mo akong bibigyan ng nickname."

Sunod-sunod na tumango siya. "I-I'm-"

"Axel Dawson. Kilala kita. Crush nga kita di ba?"

NAPAPAHIKAB na sumandal ako sa kinauupuan ko. Tahimik ang paligid kaya tuloy lalo akong inaantok. Iyon nga lang mas pipiliin ko rito kesa naman sa second floor ng malaking library ng university kung saan ang iingay ng mga walang pakundangan na mga studyante. Library nga eh. Parang ang hirap intindihin na hindi tambayan ang library dahil ang daming nag-aaral dito.

Tatlong palapag kasi ang library dito. Iyong una ay section para sa mga kopya ng unibersisdad ng mga thesis ng estudyante nila. Sa pangalawa ay mayroon section para sa mga libro. May mga upuan din na pwedeng okupahin ng mga mag-aaral. Iyong e-library ay sa second floor din matatagpuan. Sa third floor naman ay makikita ang iba pang mga libro at meron ding section para sa mga naka-cubicle na lamesa. Halos walang pumupunta rito kasi dito talaga ang puntahan ng mga taong kailangan ng katahimikan. Kaya nga pang isahang tao ang magkakadikit na cubicle.

"You're here early."

Nilingon ko ang nagsalita at napangiti ako nang makita ko si Axel na humila ng upuan para maupo roon. Ibinaba niya ang laptop bag niya sa lamesa habang ang backpack niya ay inilagay niya lang sa lapag.

"Umalis ng maaga iyong prof namin." sabi ko sa kaniya. "May time pa ako para mag-review para sa next subject ko."

Kinuha ko ang bag ko at may inilabas ako ro'n na tupperware. Hindi pwedeng kumain sa library pero pinapayagan kami ng babaeng empleyado na nakikita kami lagi ni Axel dito sa third floor. Minsan kasi ilang oras din kaming nagtatagal dito para mag-aral at nakikita niya naman iyon. Hindi kami katulad noong iba na pumupuslit dito kasi alam na walang tao masyado at tago sa mga mata ng maaaring manita kaya nakakapagharutan sila. Kinabukasan nga lang diretso Student's Affair Office sila kasi malamang may CCTV dito.

Nakangiting may inilabas na folder si Axel mula sa bag niya at nakipagpalit siya sa hawak ko.

"Biko 'yan at saka sapin-sapin. Biko lang dapat ang ibabaon ko pero tinirhan ka kahapon ng sapin-sapin ni Naynay."

"Pasabi kay Tita, thank you."

Iwinagayway ko ang folder. Mula noong unang beses akong magpaprint sa kaniya noong freshman ako at ngayong second year na ako ay pagkain pa rin ang hinihingi niya na bayad. Nasundan pa kasi ang pagpapaprint ko sa kaniya dahil hindi lang isang beses na naging problema ang prof ko na paimportante. Parang nanadiya na ilang beses niya pa kaming sinorpresa hindi lang sa term paper niya kundi maging sa mga simpleng pa-assignment niya lang. Kaya ang makapal ang mukha na si ako ay walang ginawa kundi magpaprint sa kaniya.

May mga pagkakataon pa nga na kahit iyong hindi naman rush na kailangan kong ipaprint ay siya na rin ang nagpiprint. Pinapadamihan ko na lang talaga kay Naynay ang binibigay ko sa kaniya para naiuuwi niya rin sa pamilya niya. Iyon ay kung may matitira. Sa ilang beses ko kasing nabigyan ng pagkain si Axel napansin ko na talaga na ang lakas niyang kumain.

"Nag-review ka na para sa exam niyo?" tanong ko.

"Oo."

"Tapos ka na sa assignment mo?"

Umangat ang sulok ng labi niya na parang na-a-amuse siya sa mga tanong ko. Kung makapagsalita kasi ako parang ako pa iyong mas matanda sa amin samantalang siya itong pa-graduate na.

"Hindi pa ko tapos sa truth tables sa Discrete Math. Ang daming ibinigay eh."

"Patingin nga."

Matalino si Axel pero may mga subject siya na nahihirapan din siya. Kaya niya naman. Dean's lister pa nga siya. Hindi niya lang talaga strong point iyong ilang mga subject niya katulad nga ngayon. Hindi niya muna tinake ang Discrete Mathematics niya noong fourth year siya at kinuha niya ngayong fifth year siya dahil mas konti ang subjects niya at akala niya mas marami siyang time. Scam pala. Patayan sila sa thesis nila eh.

"Kaya mo?" tanong niya.

"Ako pa ba?"

Math ang major ko pero hindi pa namin naaaral ang Discrete Math. Pero dahil ilang beses ko ng pinakailamanan ang notes ni Axel kapag tapos na akong mag-review at siya hindi ay hindi pa, para na rin akong nag-advance study.

"Next month na ang birthday mo."

Nag-angat ako ng mukha mula sa sinusulat ko at sandaling tinignan ko siya. Hawak niya na ang bukas na tupperware at nagsisimula na siyang kumain. "Yep."

"Debut mo na."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Since eighteen na ako may balak ka ng manligaw?"

Nahulog ang hawak niya na tinidor na may nakatusok na biko. Mabuti na lang ay mabilis ang reflexes niya at nasalo niya iyon ng isa pa niyang kamay.

"H-Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Baka lang kako gusto mo akong iinvite sa eighteen roses mo."

"Wala akong gano'n. Ang mahal kayang mag-debut."

Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba nag-offer iyong employer ng Naynay mo?"

"Hindi ko naman tatanggapin 'yon. Nakakahiya sa kanila. Hindi naman mahalaga na magkaroon ng marangyang party. Magpapaluto na lang ako kay Naynay kesa gumastos pa ng malaki." Tinapik ko siya sa balikat. "Sorry. Hindi matutupad ang pangarap mong maisayaw ako."

Tinawanan ko siya nang masamid siya sa sinabi ko. Parang hindi na siya nasanay sa mga pang-aasar ko sa kaniya.

Mula kasi nang panindigan ko ang kakapalan ng mukha ko kakahingi ng pabor sa kaniya ay naging close na kami. Kung tutuusin siya na siguro ang matatawag ko na pinakamalapit ko na kaibigan dito sa school.

Iba kasi talaga ang focus ng iba kong mga kaklase. Madalas din silang kumain sa labas na hindi ko naman masabayan dahil wala naman akong malaking perang dala. Hindi rin sila katulad ko na laging nasa library kasi doon lang ako nakakapag-computer. Kaya si Axel ang lagi kong nakakasama kapag tugma ang schedule namin. Tutal kahit noon pa naman sa library ko rin siya talaga nakikita lagi. Sa pagkakataon nga lang na ito ay magkasama na kami. Mainly dahil ginugulo ko siya at nakikielam ako sa mga assignment niya. Iyon lang kasi ang nakikita kong paraan para makabawi sa paglulustay ko ng ink nila bukod sa mga pagkain ni Naynay.

"Gusto mo ng chocolates?"

Naniningkit ang mga mata na nilingon ko siya. Bago pa siya makapagsalita ay inabot ko ang backpack niya at binuksan ko iyon. Napapalatak ako nang makita ko ang isang malaking kahon ng Ferro Rocher doon.

"Binigyan ka na naman ng stalker mo?"

"Hindi naman stalker siguro?" nahihiyang sabi niya.

"Anong hindi stalker eh kung walang klase iyon ngayon baka nandito 'yon at pinapatay ako sa tingin," sabi ko nang kumuha ako ng isang piraso ng tsokolate. Ilang beses ko na siyang nakitang binigyan ng babae na iyon ng ganito. "Sabi ko na sa'yo sabihin mo na ang tinatanggap mo lang na chocolate ay Cadburry o kaya kahit Goya. Basta sealed. Malay mo ba kung nabuksan na 'to tapos nilawayan nila para magayuma ka nila?"

"Pero kinakain mo pa rin?"

"Matibay ang sikmura ko at duda ako kung talaban ako ng gayuma nila."

"Dahil babae ka?"

"Hindi. Dahil si Lord ang love ko."

Iyon ang lagi kong sinasabi sa kaniya kapag napag-uusapan namin ang mga manliligaw ko na ilang beses na rin niyang nakita. Hindi lang naman siya ang sinusundan kung saan-saan. Totoo namang love ko si Lord. Number one rule iyon ni Naynay. Bago magmahal ng ibang lalaki ay si Lord muna ang unang mahalin. Kaya nga mataas ang standard ko. Dahil sabi ni Naynay dahil wala namang makakapantay kay Papa J, kahit iyong marunong na lang kumilala sa Kaniya.

"Anong gusto mong gift sa birthday mo?" tanong niya.

"House and lot."

Mahina siyang napatawa. "Wala bang mas mura? Baka matagal pa bago kita maregaluhan ng house and lot."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Huwag na huwag mo kong bibilihan ng kahit na ano. Ayoko ng regalo." Itinaas ko ang kamay ko na may suot na sing-sing. "Okay na sa akin 'to."

Transparent lang ang sing-sing na suot ko na mukhang gawa sa plastic at may bulaklak na design. Nakuha niya ito last month sa toy vending machine na available that time dahil sa university fun fair namin.

"Tinago mo talaga," may nahihiyang ngiti sa mga labi na sabi niya.

"Siyempre. Sa'yo galing eh."

Nang mamula ang mukha niya ay nakangising napailing na lang ako. Sa ilang beses ko siyang nakasama parang mas nakakapag-worry pa ang mga biro ko sa kaniya kesa sa age difference namin. Apat na taon lang naman. Parang mas kakabahan pa kasi ang mga tao para kay Axel kesa para sa akin. .

Hindi ko kahit kailan naramdaman na may kakaiba sa pakikitungo niya sa akin. Hindi niya ako hinahawakan o nagsasalita sa paraan na parang may pinahihiwatig siya. Lagi niyang sinisiguro na may distansiya sa pagitan namin sa kahit na anong aspeto. Kapag kasama ko siya simpleng kwentuhan lang ang ginagawa namin pero kadalasan ay puro aral talaga.

Saka kahit si Naynay gusto siya. Noong nag-enroll kasi ako kasama si Naynay para sa taon na ito ay kahit nakabayad na si Axel nang nagdaan na araw ay pumunta pa rin siya. Sabi niya kasi parang tama lang na magpakilala siya kay Naynay dahil lagi raw kaming magkasama sa school.

"Na-invite pala ako."

"Saan?" tanong ko.

"Sa birthday ni Stephanie."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at alam kong hindi ko nagawang itago ang emosyon na dumaan sa mga mata ko nang mabanggit niya ang pangalan ng babae. Anak si Stephanie ng mga employer ni Naynay. Nagtatrabaho kasi bilang taga-luto at taga-laba ang nanay ko sa kanila. Nakatira rin kami sa maliit na bahay katabi ng sa kanila na ginawa para sa mga nagtatrabaho para sa kanila.

"Hindi ako invited," sabi ko at binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

Isang araw lang ang pagitan ng birthday namin. Mauuna lang ako pero di hamak na mas mukhang pang debut ang magiging birthday niya samantalang mag-se-seventeen pa lang siya.

"Hindi na lang ako pupunta."

"Iisipin no'n pinigilan kita. Naiinis na nga 'yon sa akin pag nakikita niya tayo na magkasama dito sa school."

Malakas na napabuntong-hininga ang lalaki. "Pupunta ako pero sandali lang. Kung hindi lang kaibigan ni Papa ang ama niya at imbitado rin sila baka pagkatanong pa lang niya tumanggi na ako."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi natin siya bati."

Siguro kaya binigyan ang mundo ng pitong magkakapatid na lalaking Dawson dahil kailangan pa ng mundo ng mga lalaking katulad niya.

"Team MAAAD," nangingiting sabi ko.

"Team MAAAD."

AXEL'S POV

Magkasalubong ang mga kilay na nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko. Pupuntahan ko dapat si Mireia sa kanila dahil alam kong sa mga Castañeda rin sila nakatira pero nang sabihin ko na bibisita ako sa kaniya ay sumagot siya at sinabing siya na lang ang pupunta sa bahay dahil nasa labas daw siya. I wanted to visit her yesterday since it was her debut, but I got home late.

When I texted her last night to greet her she wasn't answering. Akala ko ay nagtampo na siya kaya nagulat ako na nagpresinta siya na makipagkita ngayon sa akin.

Hindi alam ni Mireia kung saan ako nakatira. Ayokong mailang siya at ayokong isipin niya na may iba akong motibo sa pakikipaglapit sa kaniya. Natutuwa lang talaga ako sa kaniya dahil hindi siya katulad ng ibang mga babae na nakikilala ko sa university. Wala kasi siyang interes sa akin maliban sa minsan niyang pagpapaalala na crush niya ako.

I cannot say that this past few months that I don't feel any difference between us or to me at least. It's not hard to like her. She's a beautiful person inside and out. But I don't want her to get uncomfortable with me. Ngayon pa na pa-graduate na ako at hindi ko na siya makikita. I can't keep seeing her since I won't have a reason to. Unless sabihan ko siya na pwede pa rin siyang magpaprint sa akin.

Ipinilig ko ang ulo ko. It's not right. Mireia has a great future ahead of her. She's young and she knows what she wanted in life. Wala akong balak na makagulo sa kaniya.

Maybe one day when she has everything, life will make it possible to give us a chance. We're friends. I don't think we will lose touch. Pero ayoko rin na maramdaman niyang kailangan niyang isipin na hinihintay ko siya at kailangan niya akong bigyan ng kahit na anong sagot. I don't want to put pressure about a possible relationship to her. I want her to live her life the way she wants to and grow into her own person like she's meant to.

Pinindot ko ang caller ID niya at pagkatapos ay itinapat ko iyon sa tenga ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang boses ng babae sa kabilang linya. "Mireia?"

"Nasa tapat na ako ng address na binigay mo."

"What? Sabi ko sa'yo susunduin kita." Napabuntong-hininga ako. "Are you sure you want to meet me there? Walang ibang tao sa bahay. My parents and my siblings are still at the party and they won't go home tonight dahil didiretso sila sa Cavite para sa anniversary nila Mama."

Alam kong kanina pa gustong umalis ng mga magulang ko sa pagtitipon pero hindi nila iyon magawa dahil kaibigan nila ang tatay ni Stephanie. Kaya nga ako lang ang nakagawa ng paraan para makaalis ng maaga. There was something about the party that felt weird. Everything felt forced. Even Stephanie who should be basking at the attention because it's her day seems to act skittish.

"Mireia?"

Sandaling nanating tahimik ang babae pero pagkaraan ay muli siyang nagsalita pero rinig ko ang lungkot doon. Mireia's a happy person. Nakikita ko siyang problemado minsan pero hindi iyong malungkot. Even with her mother's cancer, she never acted as if there's something to be sad about.

"Minsan nakakapanghina ng loob pero hindi ako dapat malungkot lang lagi dahil lang sa may sakit si Naynay. Kasi buhay pa siya. Kung si Naynay nga lumalaban, ako pa kaya? Kaya fight ka lang din. Hindi tayo pwedeng mag-give up sa kanila kasi kailangan nila tayo."

I can remember her words clear as a day and I'll never forget. Because my own mother is battling cancer too.

"Sige next time na lang. Anniversary ng parents mo kaya hindi pwedeng wala ka."

"It's okay. Bukas pa rin pupunta sila Kuya sa Cavite para sumunod. Magpapasundo na lang ako."

"Hindi na. Sa susunod na lang-"

"Mireia, stay there. Hintayin mo ako, please?"

She was quiet again for a few moment before she agreed. Kaagad na tumawag ako ng taxi dahil kaila Papa ako sumabay kanina papunta sa party.

The ride took about fifteen minutes before it stopped in front of our house. Mabilis na nagbayad ako at hindi ko na hinintay ang sukli no'n nang matanaw ko si Mireia na nakaupo sa labas ng gate namin. Nagmamadaling lumabas ako ng sasakyan at kaagad ko siyang nilapitan.

"Hi," nakangiting bati niya at tumayo siya nang makita ako.

Pinagmasdan ko siya. Naka simpleng maong at itim na jacket lang siya. Katulad kapag nasa school ay wala siyang kahit na anong kolorete sa mukha. And yet something feels off about her. Even her smile is different.

"Do you really want to stay here for a moment?" I asked.

"Sabi mo dati may pool kayo. Birthday ko kahapon kaya gusto kong ma-experience."

"We're alone." Pinakatitigan niya ako at lalong tumindi ang pag-aalala ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Mireia, what's wro-"

"Kailangan ko bang matakot na kasama ka pag walang ibang tao sa paligid?"

"Of course not."

Nagkibit-balikat siya. "Eh di okay lang."

"Let's call your Naynay."

"Huwag na. Alam niya kung nasaan ako."

"Text her again, please? Tell her you're with me."

She gave me a small smile before she fished out her phone. Tumipa siya roon at ilang sandali ay iniharap niya sa akin iyon para makita ko na tinext niya talaga ang nanay niya.

"Happy?" tanong niya.

"I will be once you tell me what's wrong." Nang mawala ang ngiti sa mga labi niya ay napabuntong-hininga ako. "Let's go."

Binuksan ko ang gate at pumasok na ako sa loob. Naramdaman kong nakasunod siya. Nang lingunin ko ang babae ay nakita kong nakatitig siya sa bahay namin.

The house is big enough for a big family like ours. Iyon nga lang dahil nagtatrabaho na sila kuya sa kompanya ay sa condominium na pag-aari na namin sila nakatira. Hindi namin binili ang bahay na 'to. It's just rented. Mas malapit kasi ito sa university kung saan kaming nag-aaral na magkakapatid. Even my parents are alternately staying here and the condo since their work is closer there.

Halos sabay kaming napatingin sa langit ni Mireia nang makarinig kami ng kulog. Nasundan iyon ng malilit na patak ng tubig. Saktong pagkahinto namin sa front door ng bahay ay lumakas na ang buhos no'n.

"Mukhang negative ang swimming." Inangat niya ang hawak na paper bag. "Kainin na lang natin 'to. Luto... luto ni Naynay para sa debut ko."

Iginaya ko na siya papasok ng bahay. I asked her to take a seat and told her I'll just change my clothes. Pagkabalik ko sa sala ay nakita kong inihanda na niya ang mga pagkain sa coffee table at nakasalampak na siya sa sahig.

Just like always, when I'm with her it's seems the time is moving fast. Too fast because there's never enough time. Gusto kong tanungin siya tungkol sa kung anuman ang bumabagabag sa kaniya pero parang alam niyang doon papunta ang gusto kong pag-usapan at pilit niyang inililigaw ang atensyon ko.

She doesn't want to talk about it, you stupid ass. Don't force her.

"Saan ang kuwarto mo?" tanong niya nang matapos kaming kumain.

Nabitawan ko ang inililigpit ko na kubyertos namin dahilan para kumalansing iyon. Sa unang pagkakataon sa gabing ito ay tumawa siya ng totoo. Iyong klase ng tawa niya na parang bigay na bigay at walang kahit na anong bahid ng pagkukunwari.

"Gusto ko lang makita. Wala akong balak na masama sa'yo."

"That's not why-"

"Alam kong safe ako kapag kasama ka, Axel. Hindi mo kailangan na lagi akong i-assure."

My name always sounded different when she's the one saying it. Despite our age difference, she never called me kuya. Kahit pa na sinabi kong pwede niya akong tawagin no'n. I remember what she told me when I said that she can call me that. "Ang weird naman crush kita tapos tatawagin kitang kuya?"

"Mireia, I don't think it's right."

"Please? Second birthday wish ko bukod sa pangungulit kong pumunta rito?"

I looked at her for a moment before I sighed and nodded. I inclined my head to the side, pointing at the direction of the stairs, and she immediately jumped up from her seat.

Nang makarating sa tapat ng kuwaro ko at binuksan ko ang pintuan. Iminuwestra ko ang loob niyon. "It's a boring room."

She threw me a smile before she squeezed between me and the door. Diretsong pumasok siya sa loob at umikot siya habang tinitignan ang kabuuan ng silid.

"Ang linis ah?" pabirong sabi niya.

"My mother would kill me if I don't clean my room. Hindi raw porke ina namin siya ay habang-buhay niyang liligpitin ang mga kalat namin."

Mahina siyang napatawa. She stepped further into the room and without breaking a step, she went straight to my bed and threw her body on it.

Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang pilit na inihakbang ko ang mga paa ko na parang napako na sa kinatatayuan. Hindi ko isinarado ang pintuan at imbis na lumapit sa kama ay hinila ko ang swivel chair mula sa study desk ko at doon umupo.

"Axel?"

"Hmm?" I asked, not trusting my voice.

"Sa tingin mo possible ang human cloning someday?"

"Not in the near future. Why?"

"Para makagawa ng maraming taong katulad mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tinawanan niya lang ako nang mukhang mabasa niya ang pagtataka sa mukha ko.

Itinuro niya ang isang panig ng kuwarto. "Marunong ka pa lang mag gitara. Sample nga. Kanta ka na rin."

Napalunok ako. I rarely play in front of other people. Minsan napipilitan lang ako kapag para sa school. "H-Hindi maganda ang boses ko."

"Okay lang."

"Pero-"

"Third and last wish."

"Second."

Tinukod niya ang siko niya sa kama at pagkatapos ay ipinatong niya ang baba niya sa kamay niya. "Anong second?"

"Second wish pa lang. Seeing my room is hardly a birthday gift."

I would have bought her something for her birthday, but I knew her too well. Ayaw niya iyong mga bagay na kinokonsidera niya na gastos lang at hindi naman kailangan talaga.

"Fine. Second wish," pagsang-ayon niya.

Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko nang tumayo ako para kunin ang gitara ko. Mas kaya ko pang tiisin na tumugtog sa harap ng ibang tao kesa marinig nila na kumanta ako.

"Kapag naging bagyo ang ulan huwag mo kong sisisihin," sabi ko.

She gave me a thumbs up and I just sighed for I don't know how many times this night before I went to the swivel chair again. Pero bago pa ako makalapit doon ay tinapik ni Mireia ang espasyo sa kama.

"Dito ka na lang."

"Mireia-"

"Uusog ako para hindi ko natatapakan ang personal space mo." Pagkasabi niya no'n ay umupo nga siya at lumayo para bigyan ako ng mauupuan na hindi ko magagawang makalapit sa kaniya ng sobra. "Happy na po tayo?"

I gave her a look before I did what she wanted. Umupo ako paharap sa kaniya at inayos ko ang pagkakahawak sa gitara.

"Any request?"

Umiling siya. "Kahit na anong maisip mo lang."

I racked my brain for a song and when I found one that I knew that I know best, I started strumming the strings of the guitar.

"I don't want another pretty face. I don't want just anyone to hold. I don't want my love to go to waste. I want you and your beautiful soul. I know that you are something special. To you, I'd be always faithful. I want to be what you always needed. Then I hope you'll see the heart in me."

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dala ng pagkahiya. Instead I focused on her hands that are now clutching each other.

"I don't want another pretty face. I don't want just anyone to hold. I don't want my love to go to waste. I want you and your beautiful soul. You're the one I wanna chase. You're the one I wanna hold. I won't let another minute go to waste. I want you and your beautiful soul."

I sang the remaining parts of the song and when I looked up at her, I felt my heart drop when I saw her unveiled eyes. There's pain in them that I couldn't understand and so much sadness I never saw in any person specially not from her.

"Mireia, what's wrong?"

Sunod-sunod na umiling siya at humiga siya patagilid sa kama. She patted the space beside her and this time I didn't delay. Ipinatong ko sa bed side table ang gitara bago ako humiga paharap sa kaniya.

"Please tell me. I'll try my best to help you. I promise."

"Walang problema."

"Mireia..."

Binigyan niya ulit ako ng ngiti na hindi umabot sa mga mata niya. "Okay lang ako. Promise."

"I'm not blind." Bantulot na inabot ko ang kamay niya. Hindi niya iyon inilayo at hinayaan niya lang ako. "Makikinig ako kung iyon lang ang kailangan mo. Team MAAAD right? Team Mireia Aguero and Axel Dawson."

My hand that is holding her tightened when tears formed in her eyes. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. "Nalulungkot lang ako kasi hindi na tayo magkikita."

"Dahil ga-graduate na ako?" I'll probably break what I was so decided on doing. I told myself that I won't interfere with her life after graduation. Pero kung ganito ang nakikita ko sa kaniya kaya ko ba talaga na lumayo? "We can still see each other. We're friends, right?"

"Hindi na pwede." Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero siya mismo ang kumapit doon. "Hindi dahil ayokong makita ka."

"Then why?"

"Gusto mo ko."

She didn't say it as a question, but rather it was a statement.

Napalunok ako. "I never intend to act on it. If it makes you feel uncomfortable-"

"You didn't. Alam ko. Naiintindihan ko. Sabi ko sa'yo di ba? Hindi ko kailangan ng assurance. Alam kong safe ako sa'yo. Ikaw lang naman ang laging nag-aalala sa age gap nati na akala mo naman sobrang laki."

"But?" I asked knowing that there is one in what she said.

"But you like me." Pinisil niya ang kamay ko ng marahan bago niya iyon pinakawalan. "At hindi pwede."

"Why?"

"Kasi you deserve better. Iyong kayang ibigay sa'yo lahat. Kasi mabuti kang tao eh. Sobrang swerte ng babaeng magiging sa'yo, pero hindi pwedeng maging ako."

"Mireia," I said in a voice that sounded even pained to me. "Why?"

"Kasi aalis na ko. Hindi na tayo pwedeng magkita ulit."

"Saan? Bakit? You're still studying. Lilipat ba kayo sa probinsiya o kung saan?"

"Hindi." Pinahid niya ang mga luha na sa pagkagulat ko ay tuluyan ng bumagsak mula sa mga mata niya. "Sa kumbento. Papasok na ko ng kumbento. Remember? Sabi ko naman sa'yo si Lord lang ang love ko. Kaya hindi tayo pwede."

To say that I'm shock is an understatement. I always knew that she never fail to go to church every Sunday. Lagi niya ring sinasabi na si Lord ang nag-iisang lalaki sa buhay niya. But I never thought it's because she wanted to be a nun. Akala ko gusto niyang maging teacher talaga.

"You will always be my first crush. Natalo mo si Lord do'n."

Muli niyang inabot ang mga kamay ko at sa pagkakataon na ito ay ikinulong niya iyon sa dalawa niyang mga kamay.

"I'll be okay. Kaya promise mo ha? Na magiging okay ka rin? Kapag nalulungkot ka dahil sa Mama mo damahin mo lang saglit. Huwag kang tatambay sa kalungkutan. Gawin mo lang pasyalan minsan pero huwag kang maging residente."

"Mireia..."

"Promise mo na magiging masaya ka kapag nahanap mo na iyong babaeng para sa'yo. Humanap ka no'ng marunong gumawa ng dessert kasi mahilig ka sa sweets. Food is life ka pa naman. Huwag kang mag se-settle. Alam kong mabait ka kaya kayang mong magtiis at mahirap sa'yo na pag-isipan ng masama ang ibang tao pero lagi mong tatandaan na deserve mo iyong totoong saya."

"You deserve to be happy too."

"I am."

I don't believe her. Pero ang problema hindi ko alam kung talang hindi ako naniniwala o ayaw ko lang paniwalaan. I can't force her to stay. Kasi katulad niya gusto ko rin siya na maging masaya. Would I really risk her happiness because I'm selfish to believe that her happiness meant that she would be really out of my reach?

I was ready to let her go. I wanted her to grow into her own person without my interference. But there's a part of me that was hoping that one day the heavens will give us a chance. This time what she wanted... it means an end. For us.

"Pwede pa ba kong humiling para sa third wish ko?" tanong niya pagkaraan.

"Anything you want."

Ininunan niya ang mukha niya sa mga kamay niya. "Pwedeng dito muna tayo? Kahit hanggang sumikat lang ang araw."

I can feel my chest tightening at the same time that my throat clogged up. I just nodded at her as an answer.

"Mamimiss kita. Sobra-sobra," bulong niya.

"I'll miss you too." More than you'll ever know.

Team MAAAD. Mireia Aguero and Axel Dawson. She'll never know it... but I knew right at that moment that her name was the only name that I would ever want next to mine. That it would be hard to do what she wanted me to promise her. Because I don't think I could be happy with someone else when I only ever wanted her.

We lay there side by side, looking at each other until both of us succumbed to sleep. And when the morning breaks and I open my eyes, I realize that she was long gone.

My first love.

My first heartbreak.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 50K 67
In Business industry people are working so hard to earn high income, and as for a simple bread winner son like Oliverious, he thrives and works so ha...
7.4K 276 121
an epistolary | completed A puzzle that has been completed. A problem that has been solved. Two souls that have found each other after a long time of...
265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
139K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...