Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- onzième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- vingt et unième -

942 29 8
By toneewritestragedies

vingt et unième (the v-day) -

Ang araw ay naging mga linggo at ang mga linggo'y naging mga buwan. Sa lumipas na anim na buwan, ang dami nang nangyari sa buhay ko simula nang pumasok ako sa Bradford School of Management. Nag-break kami ni Cedric, naging ka-trabaho ko siya sa itinatayong Zurich Artistry. Nakita ko uli si Lyle pagkatapos ng pitong taon, na-in love kami sa isa't isa; umalis siya papuntang South Korea pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya umuuwi para maging final nang kami kaso dahil sa mga hindi inaasahang takbo ng mga bagay bagay, nakilala ko si Paris. Naging mabuti kaming magkaibigan. Our friendship goes thru ups and downs with that span of time. Na-in love siya sa akin pero ako naman ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kanya.

Pumasa ako sa first semester ng first year ng MBA degree ko at ngayon namang nasa second sem na ako, challenging ang mga subjects at kailangan kong ayusin ang pag-aaral para hindi ako bumagsak. Hay, nakakahiya kaya sa pamilya ko kung babagsak ako kaya ginagawa ko ang best ko para pumasa.

"Friend, ano? Sama ka sa birthday ni Paris? Bukas na 'yun." tanong sa akin ni Jessica habang magkasama kami sa Dell Park. Ahm, third wheel nga pala ako sa date nila ni Brook. Ito talaga si Jess parang ang haba ng buhok e, dati patay na patay siya kay Taeyang pero nag-iba yata ang ihip ng hangin dahil sila ni Brook ang laging magkasama. 'Pag tinatanong ko si Jessica kung sila na ba pero sabi niya hindi daw. Kapag si Brook naman ang tinatanong ko, hindi naman niya alam. Mga love birds nga talaga, oo.

Nagkibit-balikat lang ako habang nakatingin sa mga batang nagro-roller blades sa paligid. "Hindi naman invited kaya hindi ako pupunta."

"Ano ka ba, Sasha. 'Matic na 'yun ano. Special someone ka ni Fuji kaya malamang kasama ka sa mga invited." sabi ni Brook sa akin.

"Tama si Brooklyn, Sash. Sa lakas ng tama nun sa'yo imposibleng hindi ka kasali sa mga invited!"

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, si Paris ang tumatawag. Sumakto pa talagang siya ang pinag-uusapan huh.

"Si Paris/Fuji? Ayeee!" sabay na sabi nung dalawa sa akin kaya napanguso na lang ako at nagsalubong ang kilay sa reaksyon nilang dalawa.

Tumayo ako saglit sa pumwesto sa medyo tahimik na lugar para magkaintindihan kami at para hindi mag-eavedrops sina Brook at Jessica. Tutal date naman nila 'yun kaya mas maganda kung solo lang nila ang isa't isa.

"Hello?"

"Oy, Sasha. Nasaan ka? Kasama mo ba 'yung dalawa?" alam kong sina Brook at Jess ang ibig niyang sabihin.

"Ahm, oo. Nandito kami sa Dell Park. Bakit? Pupunta ka rin ba dito?"

"Hindi. Susunduin kita sa Banapple. Magkita tayo."

Ano na naman ang binabalk nitong si Paris at gusto niyang magkita na naman kami? "E-eh? Bakit?"

"Kailangan pa ba ng dahilan kung bakit gusto kitang makita? Malamang namimiss kita e." pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya.

"Hindi ako pwede e." pagsisinungaling ko. Sorry Paris kung ako naman ngayon ang medyo umiiwas sa'yo. Hanggang ngayon kasi wala pang kaalam-alam si Lyle 'yung tungkol sa amin ni Paris. Hindi ko rin naman masabi na 'amin' dahil in the first place, hindi naman kaming dalawa pero naiinis lang ako sa sarili ko na napa-oo niya ako nang tanungin niya ako kung mahal ko siya. I am actually being betrayed by my own actions.

"Hindi pwedeng hindi ka pwede. Nasa Dell park ka 'di ba, eh 'di ako ang susundo sa'yo dyan." more like a command at hindi pakiusap ang pagkakasabi niya sa akin. Arrgh, ang kulit niya talaga!

"P-pero--"

Hindi ko na naituloy pa 'yung sinasabi ko sa kanya dahil binabaan na niya ako ng phone.

"Pupunta daw dito si Paris." sabi ko kina Brook at Jess pagbalik ko sa bench na kinauupuan namin kanina.

"Oh bakit daw? Para samahan ka, ganoon? Hanep si Fuji ah. Nainggit yata, ayaw ng nag-iisa ang one and only niya." tapos nagtawanan sila ni Jessica.

"Ang sweet talaga ni Paris, friend. Sabi ko sa'yo e, siya na lang." nag-peace sign pa sa akin si Jess habang natatawa. Noong una kasi, si Lyle ang gustung-gusto niya para sa akin pero siguro dahil sa kakasama niya kay Brook kaya si Paris na daw ang gusto niya. Hay, ang gulo talaga ng dalawang 'yan.

x - - - - - - - - - - x

"Nice one, Fuji!" bati ni Brook kay Paris pagdating niya dito sa Dell Park.

Nag-handshake at akapan silang dalawa bago siya tumabi sa akin at akbayan ako. Ughh, ang clingy talaga ni Paris simula nung magkakomprontahan kami six months ago. Sinusubukan ko nung una na bumitiw sa mga hawak niya pero siya talaga itong mapilit hanggang sa hinayaan ko na lang siya. Wala na akong magagawa, ang kulit niya e.

"Oo, sabi ko kasi magkita kami pero ayaw naman niya. Eh 'di akong susundo sa kanya." tapos tinanggal niya ang aviator shades niya sabay tingin sa akin.

"E paano naman kasi--" 'di ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin dahil inunahan na ako ni Jess.

"Ang sweet ni Paris, shet, nosebleed friend! Sige na, umalis na kayo't nakakaabala na kami Brooklyn sa inyong dalawa. Bye!"

"Oy Fuji baka kung saan-saan mo lang dalhin si Sasha ha." si Brook.

Sapilitang hinila ni Jessica si Brook paalis kaya wala na kaming nagawa ni Paris kundi ang maiwan dito habang siya naman ay natatawa sa sinabi ng dalawa sa amin.

"Tara na."

"E-eh? Saan na naman tayo pupunta?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ang dalawang balikat ko at inakay akong maglakad papunta sa kotse niya. Nagmaneho na siya pagkapasok namin sa kotse at 'di na rin ako nag-usisa kung saan na naman kami pupunta.

"Gusto kong kasama kita hanggang midnight mamaya." sabi niya sa akin.

Nilingon ko siya pagkasabi niya nun kasi nakatingin lang ako sa labas ng windshield. "Bakit?"

"Birthday ko 'di ba? Gusto kong i-spend 'yung unang minuto ng birthday ko kasama ka. Masama ba?"

Ito na naman ang sandamukal na paru-parong naglililipad sa loob ng tiyan ko pati ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang weird na naman ng feeling ko. Bakit ba ganito?

"H-hindi naman." napayuko ako dahil sa pagkapahiya. Aish! Nakakahiya, muntik ko nang malimutan na birthday na pala niya bukas? Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng regalo. Ang sama kong kaibigan!

"Akala ko tatalon ka dyan sa bintana dahil ayaw mo akong kasama e." humalakhak siya at ganoon na din ako.

Masasabi kong mas naging close kami ni Paris simula nung eksena sa hotel. Wait, kung iniisip niyong may nangyari sa amin, wala ano! Kumbaga ang ibig ko lang sabihin mas naging malapit kami sa isa't isa. Simula nung 'confession' portion namin, medyo mahirap mag-adjust kasi kung tutuusin parang girlfriend na ang turing sa akin ni Paris; inaantay ako hanggang sa matapos ang klase ko sa MBA, sinusundo niya ako kahit wala siyang klase sa Law School o tapos na ang klase niya para sa araw na 'yun. Hatid-sundo ako sa site ng construction ng Zurich at hindi niya rin ako pinapalapit kay Cedric. Possessive daw siya e. Magkasama kami noong Halloween, pati nung Christmas at New Year. In-enjoy namin ang company ng isa't isa at kung maaari iniiwasan naming pag-usapan 'yung tungkol sa akin at kay Lyle pati na ang isipin pa siya. Ayoko nang masyado pang mag-iisip dahil nakaka-stress lalo e.

x - - - - - - - - - - x

Pagkatapos ng ilang oras naming byahe, nakarating kami sa isang beach. Actually isa itong virgin beach. Hindi siya ganoon ka-developed pero malamig ang singaw ng puting buhangin. One thing na masasabi ko: nakakarelax. Nakakadagdag pa ang magandang view ng sunset.

Lumabas kami ni Paris sa kotse niya at nanguha ng mga sanga-sanga para mag-bonfire kami tutal may dala naman daw siyang lighter. Nang mapailaw na namin ang bonfire, naglatag naman si Paris ng maliit na banig malapit dito at umupo roon.

"Halika dito, tumabi ka sa akin." tapos parang pinagpag niya 'yung pwesto sa tabi niya para makaupo ako. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon?" tanong niya habang parehas kaming naka-indian sit at nakatingin sa napakagandang view ng papalubog na araw.

"Ano?"

"Masaya ako. Masayang-masaya."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Masaya din ako para sa'yo." sabi ko sabay ngiti, still, nakatingin pa rin ako magandang view sa harap namin.

"Redundant lang?" tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Redundant?"

"Masaya ka para sa akin pero ikaw ang kasiyahan ko. Ganoon kasimple."

"Future lawyer ka nga."

Ilang minuto lang ang lumipas, wala na namang umiimik sa amin. Nakaka-relax kasi ang view dito e. 'Yung magkahalong kulay ng pink, peach at orange dahil sa sunset ang talagang mas nakakapagpasarap ng pakiramdam. Haaay, na-inspire tuloy akong i-paint itong scenery!

"Breathtaking..." nasabi ko bigla out of the blue kasi nae-elibs talaga ako dito. Ang ganda ganda.

"Oo, parang ikaw."

x - - - - - - - - - - x

"Hoy, Sasha! Gumising ka. Dali!"

Naramdaman kong may kumukuyog ng balikat ko kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumangon. Nagpupungas pa ako ng mga mata nang humarap ako kay Paris. Nakatulog pala ako dito sa may buhanginan.

"Oh bakit?" umayos ako ng upo tapos tinignan siya. "Ano ba 'yun?"

"Tignan mo, may meteor shower!" para siyang batang itinuro sa akin ang kalangitan na may bumabagsak na mga meteor.

Napakaganda! Ito lang ang unang beses na makakita ako ng meteor shower sa tanang buhay ko at napakasarap sa pakiramdam na para akong lumulutang sa ere.

"Wow!" 'yun na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang overwhelmed sa nakikita naming dalawa ngayon.

Tinignan ko si Paris at seryoso siyang nakatingin sa mga bulalakaw na nahuhulog mula sa outer space.  "Paris?" tawag ko sa kanya.

Nakangiti siyang lumingon sa akin. "Alam mo p-in-lano ko talagang pumunta tayo dito nang malaman ko na may meteor shower na visible sa lugar na 'to. Gusto kong parehas nating makita ang mga iyan."

Sinuklian ko rin siya ng ngiti. "Sabi sa urban legends, 'pag nag-wish ka raw sa mga 'falling stars' tulad niyan, magkakatotoo raw ang hiling mo. Nag-wish ka na ba?"

Umiling lang siya kaya napakunot ang noo ko. "O bakit hindi?"

"Bakit pa ba ako mag-wi-wish kung ngayon pa lang nagkakatotoo na ang hiling kong makasama kita sa espesyal na araw na 'to?"

Wala na, nagsiliparan na naman ang mga pasaway na paru-paro sa loob ng tiyan ko. Kahit na pigilan ko pa ang paglipad ng mga ito, kusa silang kumakawala para guluhin ang sistema ko. Kasabay nito ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Napatingin ako sa relo ko, eksaktong alas-dose na at ibig sabihin nito'y birthday na ni Paris. Tinawag ko siya ulit, pagtingin niya sa akin hinalikan ko siya ng magaan sa kanyang pisngi.

"Happy birthday, Paris."

Nagulat pa yata siya sa ginawa kong paghalik sa kanya tapos nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you, happy valentines din pala."

Shit! February 14 nga pala ngayon at Valentine's Day. Ang galing naman ng special day ni Paris, may ibang occasion pa maliban sa birthday niya.

"Kaibigan." tawag niya sa akin.

"Ano?"

"Alam mo ba ito na ang pinakamasayang birthday at Valentine's Day na naranasan ko sa buong buhay ko. Salamat ha, salamat talaga." at hinigpitan pa niya lalo ang hawak niya sa kamay ko.

Naitulak na nga ako ni Paris, ngayon nahulog na ako ng tuluyan. Sana saluhin niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 808 27
Different one shot stories about different meanings, dimensions, and purpose of LOVE. :)
1.4M 46.8K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
3.6K 279 12
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...