Xtra's R-18 (Short Stories Co...

由 PinkyTsarmi

468K 6.7K 784

This is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories. 更多

Note
Van and Lisden -Enemy's Crap
Van and Lisden -Enemy's Crap (2)
Van and Lisden- Enemy's Crap (3)
Van and Lisden- Enemy's Crap (4)
Van and Lisden -Enemy's Crap (5)
Van and Lisden - Enemy's Crap (End)
- Katarina and Jeimx- Demure Bitch.
Demure Bitch 2
Demure Bitch- 3
Demure Bitch 4
Demure Bitch 5
Demure Bitch 6
Demure Bitch 7
Demure Bitch 8
Demure Bitch 9
Demure Bitch End
Childhood Sweetheart 2
Childhood Sweetheart 3
Chapter 4
Childhood Sweetheart 5
Childhood Sweetheart 6
Childhood Sweetheart 7
Childhood Sweetheart 8
Childhood Sweetheart Ending
Taming Wildness(Renzo x Maegan)
Forbidden
Forbidden 2

Childhood Sweetheart -#CharCoal

12.8K 191 49
由 PinkyTsarmi

"Oi, Long! Crush ka ni Melchar." Panunukso ng isang kaklase nila ng hablutin nito ang notebook niya at binasa ang nakasulat doon.

"Akin na nga 'yan!"

Sinubukan niyang bawiin kay Jake ang notebook niya kung saan siya nagsusulat ng FLAMES sa pangalan nilang dalawa ni Cowl Felwis.

Pulang-pula ang pisngi niya lalo na't nasa classroom lang si Long. Nang dapuan niya ito ng tingin ay may mayabang na itong ngisi sa labi.

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa 'kin?"

Ang yabang!

Kaya nga crush niya ito, eh.

Lumapit ang dose anyos na si Long sa direksyon nila at hinablot kay Jake ang notebook.

Napangisi ito at binasa ang nandoon pero agad na nawala ang ngisi nito.

"Friends lang tayo?"

Oo! Nakakainis nga kahit paulit-ulit niyang sinubukan ay Friends pa rin.

Napasinghap ang batang Melchara ng pitikin ni Long ang kanyang noo.

"Boba, C-o-a-l hindi C-o-w-l."

Sa inis niya ay hinablot niya ang notebook.

"Edi, ikaw na matalino!"

"Syempre, crush mo ba naman ako kung hindi ako matalino."

Napairap siya at lumapit sa grupo ng kaibigan niya.

"Yieee, pinansin siya ni Long."

"Baka kayo na forever and ever."

"Melchara Akino-Felwis, yieee bagay!"

Pinigilan na lang niya ang kilig sa panunukso ng kaibigan sa pamamagitan ng pag-irap. Nang lingunin niya si Long ay nahuli niyang napatitig ito sa kanya at kumindat.

Kyaah! Kinindatan niya ako!

Pakiramdam niya crush rin siya ni Long. Oo, crush rin siya ni Long.





"Long, si Mary Jane may crush raw sa 'yo!"

Napakunot ang noo niya ng marinig ang boses sa isang eskinita. Papauwi na siya at muntik na siyang ginabi sa paghihintay ni Long para kahit man lang sa pag-uwi ay magkasabay sila, pero pinakpak na siya ng mga lamok ay wala ang kababata, mukhang umuwi na o sinundo ni Ate Leng.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa papalikong eskinita. Narinig niya ang pangalan ni Long, eh. Pero ano raw? Crush ito ni Mary Jane? Mas maganda pa rin siya 'dun!

Nang sumilip siya ay nakita niyang magkatabi si Long at Mary Jane. Nakangiti ang dalawa habang si Jake ang may hawak ng cellphone ni Mary Jane na siyang kumukuhabng litrato.

"Oh, Mary Jane, remembrance 'to, ah? Huwag mong idelete baka magkatuluyan kayo."

Agad na nagngitngit ang kalooban niya. Mas maganda siya kay MJ pero wala siyang laban pagdating sa yaman. May negosyo kasi ang magulang nito at hindi nga niya alam kung bakit nasa public ito nag-aaral. Kung pwede namabg sa private na lang para hindi sila nagkakilala ni Long.

"Hoy, Long. Anu 'yan? Ikaw, ang bata-bata mo pa!"

Napatakip siya ng bibig para pigilan ang tawa ng pingutin ito ni Ate Leng sa tenga at kinaladkad na pauwi.

"Aray ko naman, ate!" Reklamo ni Long. Napapahiya rin sa harap ng barkada.

"Malilintikan ka talaga sa 'kin kung lalaki kang malandi!"

"But, ate---"

"Don't english me!"

Napahagikhik na pang siya sabay irap.

Ayan, mambabae ka pa.





"Psst."

Hindi niya pinansin ang paninitsit sa kanya ni Long ng dumaan siya sa bahay nito para bumili sa katabing tindahan.

May mas malapit na tindahan naman sa bahay nila pero sinadya niya talagang dumayo dito para na rin masilayan niya si Long.

"Hoi!"

"Aw!"

Napangiwi siya sabay hawak sa ulo niyang natamaan ng maliit na bato na ibinato nito sa kanya. Inis niyang nilingon ito.

"Ano bang problema mo?"

"Bakit hindi ka namamansin? Ganyan ka na ba sa crush mo?"

Agad na namula ang pisngi niya. Ang batang puso niya ay tila nasa karera. Napakabilis 'nun.

"A-ano bang pake mo? 'Dun ka na nga kay Mary Jane!" Asik niya at muling naglakad.

Napasinghap siya ng hinila ni Long ang kamay niya. Para siyang kinikiliti sa kilig sa ginawa nito. Masyado pa siyang bata sa mga kilig-kilig at dahil masyado pa siyang bata ay doble ang kilig na nararamdaman niya.

"Hindi ko gusto si Mary Jane. Mabait lang ako 'dun kasi binigyan niya ako ng singko."

Naningkit ang mata niya. Gusto niya sanang bawiin ang kamay para magmukha talagang masungit pero nagugustuhan pa niya ang paghawak nito.

Hinawakan niya ang isang kamay nito at nilagay doon ang sampung peso niyang barya.

"Sampu na 'yan. Subukan mo lang na makipag-usap pa kay MJ." Banta niya.

Ngumisi si Long at sumaludo.

"Areglado, bosing!"

Napairap na lang siya at pinigil ang ngiti. Naglakad na siya papauwi pero bago 'nun ay kumaway muna siya dito. Kumaway naman si Long pabalik.

Crush rin siya nito, pramis!

Ngiti-ngiti pa siya pag-uwi pero agad ring nawala ng marinig ang sigaw ng Nanay niya.

"Nasaan ang pinapabili kong patis, Melchara Akino?!"

Ay hala, naibigay niya kay Long ang pera!






Maaga siyang pumasok sa paaralan, masayang-masaya siya sa kabila ng pasa sa kanyang hita dahil sa pagpalo sa kanya ng Nanay niya ng hanger kahapon.

Okay lang, basta huwag lang kausapin ni Long si Mary Jane.

"Na paano 'yan?"

Muntik na siyang napatalon sa gulat ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran.

Si Long!

Matamis siyang ngumiti dito.

"Good morning, crush!" Nakangiting bati niya.

Pero nakakunot lang ang noo ni Long at nakatingin sa pasa niya sa hita.

Pasimple niyang binaba ang saya para matakpan iyon.

"Ah, wala.."

"Na pano nga?" Pangungulit pa rin nito.

Napalunok siya sa kaseryosohan ng boses nito. Malokong bata si Long, at ni minsan ay hindi niya ito nakitang nagseryoso, ngayon lang, at kinakabahan siya kasi naalala niya si Ate Leng dito, ang siga sa Gondo.

"Napalo ni Mama." Sabi niya.

"Bakit? Baka hindi ka tumutulong sa inyo? Ayaw ko ng jowa na tatamad-tamad."

Ano raw?

Nakakabingi ang tibok ng puso niya. Parang nagsilabasan ang hugis puso sa paligid, 'yung tipong nag slow mo na lang bigla?

Okay lang napalo ni Mama, kung ganitong kilig at moment with crush ang kapalit!

Char ang landi-landi mo na.

"Pinalo ako ni Mama kasi hindi ako nakabili ng patis dahil binigay ko sa 'yo ang sampu."

Napakunot ang noo ni Long at napatingin sa kanya. Kahit na musmusin ito ay masasabi niyang gwapo talaga ito, tapos matalino pa!

Napasinghap siya ng malakas ng hilahin ni Long ang kamay niya at ibinuka ang palad. Nilagay ni Long ang lukot na bente sa kanyang palad.

"Hindi ka siguro binigyan ng baon. Sa 'yo na 'yan." Sabi nito saka naglakad papalayo.

Napatingin siya sa papalayong bulto ni Long habang may malapad na ngiti sa labi.

Ipapa-frame niya ang benteng bigay nito!















继续阅读

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...