BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY...

By ChiefInShallowBlueth

668 265 172

"How could I ever forget when the warmth of our past still lingers in my soul." "I tried to love another man... More

Disclaimer!!!
Simula - [Sorry]
Kabanata 1 - [Warmth]
Kabanata 2 - [Prize]
Kabanata 3 - [phone call]
Kabanata 4 - [preparations]
Kabanata 5 - [official]
Kabanata 6 - [wait for me]
Kabanata 7 - [I'll never leave]
Kabanata 8 - [trust]
Kabanata 9 - [sweet night]
Kabanata 10 - [heavy heart]
Kabanata 11 - [confrontation]
Kabanata 12 - [one last time]
Kabanata 13 - [crossed paths]
Kabanata 15 - [still yours]
Kabanata 16 - [sudden]
Kabanata 17 - [secret wish]

Kabanata 14 - [first day]

21 6 4
By ChiefInShallowBlueth

I was still enjoying my sleep when I felt something poking my cheeks.

"Good morning, love."

I didn't open my eyes. Irritatingly, I shoved his finger away and turn my back on him. I received a chuckle as I did my act. He just wouldn't stop waking the fuck out off me.

Sa huli hindi kona kinaya ang pambubulabog nya kaya inis akong bumangon. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking animo'y inosenteng tuta. Agad naman syang lumayo nang masense nga ang inis ko. Malamang ay napagtanto na nya ang maaaring sunod na mangyari.

Tss. Buti naman.

"Morning ulit, love. Mauna na ako sa baba. Sumunod ka agad ha. Nakahanda na ang pagkain. And of course specially made by your one and only Linus."

Inirapan ko lang sya dahil wala pa ako sa mood na magsalita. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nasira ang tulog nila? Wala namang may gusto nun dib? Diba?!

Napailing iling ako. A little smile stumbled in my face.

Kabaliwan talaga ni Linus.

Kung tutuusin... I never thought that Linus Albetran Goscicki would be this cute and childish. Maling mali talaga ang first impression ko sa kanya nung una ko syang makilala. Base kasi sa mga nakakalap kong news about sa kanya, he is strict and always in calm and serious mode.

But I guess first impressions isn't really the best way to judge others.

Isang minuto akong natulala bago ako tuluyang kumilos. I did my usual morning routine. Naligo na din ako at nagbihis ng simple beach dress and a flat brown sandals.

I didn't do anything to my hair except combing it. Matapos kong maglagay ng kaunting pabago ay dumaretso na ako pababa.

Nasa bungad palang ako nang salubungin ako ng naghahalimuyak na aroma ng kape.

"I figure na matatagalan kang makababa kaya kakatimpla palang ng kape." Linus said in a knowing way.

"Thanks." Simple kong sagot. Pagkaupo, saka ko palang napagtuunan ng pansin ang nakahanda sa lamesa. There's an omelet, my favorite seafood friend rice, bologna, and toast.

"Hey hey." Taka akong napatungin sa kanya. "I know that look. Dahan dahan sa pagkain ah." Paalala nya. Nakatingin pala sya sakin habang kinakain kona sa aking isip ang mga nakahandang pagkain.

Ngumuso ako. "Okay, daddy Li." Pagpapa-kyut ko sa kanya.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Nagtaka naman ako "What? Ba't ansama mo makatingin. Wala akong ginagawang masama."

Inirapan nya lang ako at umupo sa harap ko. May binubulong-bulong pa sya pero hindi ko naman maintindihan. Imbis na usisain sya ay mas pinili ko nalang manahimik muna.

I shall be one with the food. Chibugan time na.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may mapansin ako. "Where's your brother?"

Natigil sya sa pagsubo at humarap sa akin. He thought for a while. "Ang sabi nya may titignan lang daw sya pero kanina pa hindi bumabalik. Baka nauna ng mamasyal satin."

"Pero diba sa kanya ito? Hindi ba dapat ito-tour nya tayo?"

"Sakanya nga ito pero ngayon pa lang din sya nakapunta dito gaya mo. Kakauwi nya lang kasi ng Pilipinas noong nakaraang linggo." Linus said. May emosyong dumaan sa mukha ni Linus pero hindi ko agad nakuha kung ano. Nawala din kasi agad.

Ngumiti sya at binago ang topic. "So, anong gusto mong gawin ngayon? Do you have something in mind?"

Umiling ako. Wala akong maisip kaya hinayaan ko nalang syang pumuli. Napakarami nyang suhestiyon at lahat yon ay mukhang maganda.

"Napakarami mo namang plano, nagtanong kapa sakin." He chuckled.

"Because your opinion matters. I want you to do all the things you want." His eyes where glistening with adoration that melted my heart. "At hindi pwedeng hindi ako kasama." Natatawang dagdag nya.

I chuckled. "Of course."

We were laughing when someone entered the kitchen with heavy steps. Of course, it's none other than... the one and only... Ander.

"Good morning, bro." Masiglang bati ni Linus sa kapatid.

"Morning." Casual nitong sabi. Natahimik kami ni Linus habang pinapanood namin sya. Kumuha sya ng baso at nagtimpla ng kape. Hinalo nya ito at seryosong binalingan kami.

"Nakausap kona si Mang Roland. Siya ang sinabihan kong ipasyal kayo dito. Sabihin nyo nalang sa kanya kung may gusto kayong specific na gawin."

"Okay. Ikaw, bro, ayaw mo bang sumama?" Tinapunan nya ako ng tingin bago ngumiti kay Linus.

"Hindi na. Baka makaabala lang ako sa inyo." Bitbit ang kanyang kape, nagtungo sya palabas ng kusina. "Enjoy." Wika nya bago tuluyang makaalis.

Pagkalabas pa alang ng mansyon ay sinalubong na agad kami ng isang lalaki na sa palagay ko ay si Mang Roland. Hindi naman ako nagkamali nang kumpirmahin ito ni Linus.

Sa aking palagay ay nasa higit kumulang limampung taon na si Mang Roland pero ang kanyang lakas ay maihahalintulad pa sa lakas ng kalabaw.

"Magandang Umaga po sa inyo." Magalang na bati ni Mang Roland.

"Magandang Umaga din po, Mang Roland."

"Kayo ho ba ang nobya ni Sir Linus?"

"Opo. Ako nga po."

"Ay napakaganda nyo naman ho pala, ma'am. "

"Ayy haha salamat po. Semi nalang po itawag nyo sakin. No need to be formal."

Patuloy ang kuwentuhan naming tatlo habang tinatahak ang daan patungo sa aming destinasyon ngayong araw.

Ang napag-usapan kasi namin kanina ay libutin muna ang lugar upang mas maging pamilyar kami dito.

Habang naglalakad panay ang pagkukuwento sa amin ni Mang Roland. Minsan tungkol sa kanya ngunit madalas ay tungkol mismo sa isla.

Hinayaan lang namin sya magkuwento habang kami ay taimtim na nakikinig at may pagkakataon din namang sumasagot din kami kapag nagtatanong sya pero mostly si Linus talaga ang sumasagot.

Ilang oras din kaming naglibot sa buong isla at ibig sabihin nun ay ilang oras na din kaming naglalakad. Nangangawit na ang paa ko pero patuloy parin ako sa paglalakad. Bawing bawi naman kasi sa tanawin. Napakamaaliwalas ng paligid.

Naisip ko tuloy na ang sarap sigurong tumira dito. Yung tipong paggising mo sa umaga, ang maaliwalas na tanawin ang makikita mo.

"Love, kaya mo pa bang maglakad?" Tinignan ko si Linus na nag-aalalang tumingin sakin.

"Yeah kaya ko pa naman. Malayo paba tayo?" Hindi nya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay dumako ang kanyang tingin sa paa ko.

"Gusto mo bang buhatin kita? Look ohh. Your feet are shaking." Bago pa ako makapagprotesta, binuhat na nya ako, bridal style of course.

"Linus, ibaba mo nalang ako. I know you're tired too. I can manage."

"Huwag kang makulit. Just let me carry you and besides konting tiis nalang at makakarating na tayo sa pupuntahan natin."

"Wait saan nga ba tayo pupunta?" Hindi nya kasi sinabi sakin kung saan talaga kami pupunta. At sadyang hindi naman ako ganun kakulit para ulit ulitin ito pero na-curious ako bigla.

"You'll see." Tanging tugon nya. Hindi na ako nangulit pa. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa dibdib nya at hinahayaan ang sarili kong magpahinga.

Minutes passed at hindi ko namalayang nakaidlip ako. Ang sabi nya malapit na daw pero malapit ba yun kung nakatulog na ako?

"Liar. Sabi mo malapit nalang." Inis kong sabi kay Linus. Tinawanan nya lang ako.

"You just slept for 15 minutes. At totoo naman kasing malapit lang... kung nakasakay tayo sa sasakyan." Bungisngis nya pa. Pinalo ko lang sya bago tinalikuran. Mas magandang ituon ko nalang sa paligid ang atensyon ko dahil nakakapanghinayang naman kung hindi ko masusulit ang bawat saglit ko dito sa isla.

Bakas na bakas sa aking mukha ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang tanawin saking harapan. Naghahalo ang halimuyak ng mga mababangong bulaklak sa masarap na simoy ng hangin.

Ang paligid naman ay napapalibutan ang iba't ibang puno at halaman. Sa may bandang gilid naroon ang ilog na nagtataglay ng napakalinis na tubig.

Kapansin pansin naman isang namumukad tangin puno sa kabilang side ng ilog. Hindi naman ako mahihirapan makatawid doon dahil may makalumag tulay na gawa sa bato ang nagsisilbing tawiran upang makatawid sa ilog. Tho mukhang makaluma ang tulay, masasabi kong may angkin parin itong tibay at ganda. Siguro kahit lumipas pa ang ilang toon ay nakatayo parin ito.

Tumawid ako sa tulay at dumaretso sa punong hindi mo maiignora. Pano ko nasabi? Sapagka't napakakakaiba ng punong ito sa iba pang puno na naririto. Sa lahat ng puno ito ang pinakamalaki at kakaiba ang kulay ng daon. Ito ay pinaghalong asul, lila, at rosas. Hindi ko kailanman na naisip na magkakakita ako ng ganitong puno sa buong buhay ko. Totoo ba ito?

At tila ba nabasa ni Linus ang isip ko dahil sinagot nya ang katanungan sa aking isip. "Hindi totoo ang punong iyan. Ang loob ng puno ay gawa sa metal at ang labas lang ang gawa sa kahoy."

"Saan naman gawa itong mga dahon?" Tanong ko habang hinihimas-himas ang isnag dahong kulay lila.

"Artificial leaves ang tawag dyan. Gawa sila sa matibay na klase ng plastic kung kaya't hindi sila kailanman malalanta." Kung kanina nasa likod ko sya ngayon nasa tabi ko na sya at tulad kong pinagmamasdan ang kakaibang puno.

"Wow." Tanging naiusal ko habang pinagmamasdan ang puno.

Bukod kasi sa kakaiba nitong kulay, may mga nakapalibot din kasi ditong mga ilaw at noong aninagin ko ng mabuti ang bawat detalye ng puno, napansin kong may iba't ibang desenyo ang nakaukit sa katawan at mga sanga nito.

"This tree is incredible. It's so beautiful." Nakangiti kong turan habang binabaybay ng daliri ko ang mga disenyong nakaukit sa puno.

"I agree. Just like you." Napabaling ang tingin ko sa kanya. I blushed as he smiled at me.

"Cute." He pinched my cheeks and chuckled. "Halika. Alam kong gutom kana. Nandoon ang hinanda ni Mang Roland." Pag-aaya nya sakin.

At saka ko lamang napansin ang isang malaking blanket na nakalatag sa lupa. Doon ay nakahanda ang iba't ibang klase ng pagkain. Nagningning ang mata ko sa mga nakikita. Kung hindi nyo kasi itatanong. I'm a foodie and a picnic lover.

"Gusto mong buhatin ulit kita?" Tanong ni Linus. Kasalukuyan kasi kami ngayong naglalakad pabalik sa mansyon. At napagtanto kong malayo layo din pala ang pinuntahan namin. It was part of the forest that's why it took us some time before we got there.

"No need. Way nadin toh para humupa ang mga kinain ko."

"Okay. If you say so."

As we step inside the mansion, we saw a figure sitting peacefully at the couch while watching the television.

"Hey bro." Bati ni Linus sa kapatid. Tinanguan lang sya ng kausap nang hindi man lang tinapunan ng tingin si Linus. Gayun pa man ay masayang umupo sa tabi ni Ander si Linus.

Samantalang ako naman ay pinili kong sa malayo-layong sofa umupo. Pero tama lang ang layo ko para marinig ang pag-uusap nila.

"Nakakapanghinayang na hindi ka sumama. Alam mo bang pinuntahan namin yung pinagawa mong puno. I remember na matagal mo ng gustong ipatayo yun pero ang gusto ko ikaw mismo ang gumawa."

Bahagyang nanlaki ang mata ko doon. Tho expected naman na sya ang nagpagawa nun pero hindi ko inaakalang sya mismo ang gumawa nun.

Tulad kanina ay hindi umimik si Ander. He just stared at the tv and I was taken aback when he suddenly stared at me. Mabilis lang naman yun kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ano nga dahilan no para gawin yun? If I remember it correctly..." Linus acted as if he was thinking deeply. "It has something to do with your ex. Am I right?"

At first, akala ko hindi parin sasagot si Ander but later on he did. "Yeah you're right. It was supposedly a gift for her because she once told me that it was once her childhood dream to see a tree with her 3 most favorite color."

Napaiwas ako ng tingin nang bumalig sya sakin. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at gusto ko nalang magpahinga.

"Ohhh yeahh I remember it now. You are so damn i love with that girl." Natatawang sabi ni Linus. Seriously nakakatawa pa sya ng ganyan? Hindi nya ba napapansin ang mabigat ma atmosphere?

"I know... but not anymore."

That line made Linus' eyebrow raised. "I doubt that. Kakasabi mo lang kahapon na mahal mo parin sya diba."

"Yeah and it was a mistake. Nakapag-isip isip na ako." Nakayuko lang ako habang nakikinig. Gusto ko ng umalis sa totoo lang. Ayaw ko nang makinig sa pag-uusap nila.

"And besides matagal na din akong napapakatanga na may tsansa pang maibalik ko ang nakaraan namin." Dagdag pa nya.

"Easy bro. Huwag kang padalos dalos."

"I am not. And ikaw na mismo nagsabi. Tutulungan mo akong hanapin ang the one ko sa Manila. I'm looking forward for that kuya."

"Right. Makakaasa ka Mio, my man. A promise is a promise. Hahanapin ko ang the one mo." Mababakas ang galak sa tinig ni Linus. Mukhang excited na syang umuwi ng Manila para sa kanyang kapatid.

Bago pa nila ituloy ang kanilang pag-uusap, sumabat na ako. Hindi kona kaya ang pagbigat ng pakiramdam ko. Gusto ko na talagang umalis. "Aalyat na ako sa kwarto."

Nakuha ko ang kanilang atensyon sa sinabi kong iyon. "I'm tired. Magpapahinga na ako."

"Sige, Love. Mauna kana sa taas. Susunod nalang ako mamaya." Tumango ako bilang tungon bago ko tinahak ang daan papunta sa kuwartong tinutuluyan namin.

As soon as I reached our room, I instantly looked and leaned on the door.

Napahawak ako sa'king dibdib. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Basta't ang alam ko lang bumigat bigla ang pakiramdam ko at kailangan ko nang umalis doon.

Frustrated at myself, nagtungo ako sa kama at padapang humiga. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaang sakupin ng kadiliman.

Hindi pa man ako tuluyang nadala sa mundo ng panaginip nang may yumugyog sakin. "Love, mag-sho-shot kami ni Mio. Gusto mo ba sumama?"

"Yeah yeah." Wala pa sa sariling ani ko.

"Edi bumangon kana dyan. Bilis. Halika na. Naghihintay si Mio." Sunod sunod nyang sabi habang pilit akong hinihila patayo. Kinaladkad pa nya ako palabas ng kwarto.

"What drink do you prefer?" Bungad sa amin ni Ander pagkarating namin sa pool.

Si Linus ang sumagot sa kanyang katanungan. Pumunta sya mini bar kung nasaan si Ander.

Samantalang ako ay piniling pagmasdan muna ang paligid. Naisipan kong umupo sa gilid ng swimming pool. Pinagmasdan ko ang paglubog ng aking paa sa tubig.

Inaasahan kong napakalamig ng tubig ngunit hindi naman pala gaano. Katamtaman lang at tama lang para maginhawaan ang sinumang magbabad dito.

"Love." Nilingon ko ang papalapit na Linus. May dala syang dalawang baso at ang isa ay inabot nya sakin.

"Thanks." I said as I accepted the glass of Jack Coke, a mixture of Jack Daniel and Coca Cola.

Rinig ko ang paghila nila sa upuan. Dinala nila ito malapit sa pwesto ko. Patuloy lang sila sa pagkukwento habang tahimik lang akong nakikinig. Though nakakasali naman ako kapag tinatanong nila ako.

"Do you still remember Tammi?"

Tammi? Sino nanaman kaya yun?

Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa mga babae. Well to be specific, kanina pa nagsusuggest si Linus ng iba't ibang babae sa kanyang kapatid. It slightly piss me though I don't want to acknowledge why.

"Tammi who?" Ander asked, sounding uninterested.

"Damn, bro how could you forget her. Sya lamg naman yung babaeng nakilala natin sa Las Vegas. You know, the one with a short hair." Napatingin ako sa gawi nila kaya nakita ko pa ang paglalarawan ni Linus habang nagkukuwento.

"Ohh now I remember. What about her?" Kunot-noong tanong ni Ander.

"Well, I just found out that she's in Manila." Linus paused as he poured another drink in his glass. "And I think she'll be staying in the Philippines for a long time 'cause I heard she's planning on building her own business here." He glanced at his brother who still seems uninterested.

"Why are you telling me this?"

"Seriously bro? Hindi ka ba interesado sa kanya? May gusto kaya yun sayo." Lihim na napataas ang kilay ko.

"She never said that."

"The heck! Hindi mo ba napapansin galawan nya sayo. It's obvious that she likes you but you're just too numb to notice it."

"Whatever"

"Geez, brother. Akala ko ba nagpapatulong kanga maghanao ng babae. Pang-ilang suggestion ko na pero ni isa walang pumasa sayo. O baka naman gusto mo personal ko silang ipakilala. Want me to set up dates for you?" He teasingly said as his brows wiggled.

"Nahh. Just try to find other girls that seems pretty interesting."

"Fine." Linus sighed. "Mukhang mahihirapan ako sayo." Pailing-iling nyang wika.

From having a tired look, Linus composed himself and put down his glass on the table. "Time out muna ako. Mother Earth is calling me." Pagkasabi nun agad syang tumayo at umalis.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong pigura ni Linus. I instantly tense up as he totally disappeared in my sight.

"Semi." I ignored him. I fixed my gaze at my feet, slowly circling in the water.

"It's getting cold. You should get out of the water and sit here instead." He sound sincerely concerned but maybe it's just my imagination.

"No thanks. I'm fine here."

Lalo akong kinabahan nang maramdaman ang kanyang pagtayo. Worst... he sat in the pool side too but thankfully, he's at least 1 meter away.

"Enjoying your stay?" No response. I didn't even bother looking at his way. Can't he notice that I don't want to talk? Guess he doesn't 'cause he still continued.

"I never thought that we would meet again this way. Who would imagine that my brother's lover is my ex girlfriend. Does he know... about us?"

I groaned in frustration. Shit! Kaya ayokong umalis si Linus ehh. I had a feeling that this would happen.

"No."

"I wonder what would his reaction be?"

Annoyed, hinarap ko sya. "Can you just please shut up."

Nakita ko ang bahagya nyang pagkagulat pero agad din namang nawqla at napalitan ng amused look. But I know him, it's fake.

"Damn. What happened to my Chipster?" He laughed as if it was the funniest thing in the world but later on he got back to his senses and stopped. His face was serious as he look at me straight in the eyes. "You don't have to play cold you know. It's still me. Your..."

...Friend and your brother's girlfriend. Nag-iwas ako ng tingin nang idugtog ko iyon sa kanyang linya though sa isip ko lang. I don't have the courage to say it out loud.

Hindi nya natapos ang kanyang sasabihin. Tila pagod syang napabuntong hininga at napayuko. It was a pretty long moment of silence before he spoke again.

"Why did you move on so fast?" Kunot noo ko syang tinignan. Fast? Who the hell told him that I moved on fast? But why do he care anyway.

Before I could reply he asked another question. "Why didn't you wait for me?" Now that made me froze for a moment.

I looked at him. Hindi sya nakatingin sakin. He was looking at the moon.

"Sorry natagalan. Sira pala yung cr sa baba. Sa taas pa tuloy ako nagbanyo." Natatawang kwento ni Linus nang dumating sya. Probably not noticing the tense atmosphere.

"Sorry about that. Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Ipapaayos ko nalang sya bukas ng umaga." Tumayo si Ander at bumalik sa pwesto nya kanina.




Continue Reading

You'll Also Like

958K 71.3K 37
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
378K 28.4K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
1.3M 32.1K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
283K 19.2K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...