Reina and The Queen of Maligo...

Von LjGoldenpen

127 19 2

"Being betrayed gives more pain than being stolen." Si Reina ay isang Quera o reyna sa kaharian ng Agonia. A... Mehr

The Map of Alynthi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Special Chapter
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue

Chapter 25

1 0 0
Von LjGoldenpen


Nandito ngayon si Pinunong Shintou sa isang madilim na pasilyo sa loob ng kaharian ng Agonia kung saan ay tanging mga kulay pulang ilaw lang sa bawat dingding ang nagsisilbing ilaw dito sa buong pasilyo.

Naglalakad ngayon si Pinunong Shintou patungo sa Niqueras. Isang silid kung saan nakalagay ang mga sandata na ang tanging pwedeng gagamit ay tulad ni Pinunong Shintou at iba pang mga engkantdong may matataas na posisyon sa kaharian ng Maligouania. Nakakagamit ng mga sandatang nasa Niqueras tulad nina Quera Reina, Quero Kenneth, mga Cleo at ang mga Clea.

Habang naglalakad si Pinunong Shitou ay agad siyang napahinto sa kalagitnaan ng paglalakad. Ngayon ay nandito na siya sa lugar kung saan ay medyo malapit na siya sa pintuan sa silid ng Niqueras.

Agad na napatingin si Pinunong Shintou sa bandang likuran niya. Ngunit ang nakikita lang niya ay ang dilim na medyo may ilaw na pula dahil sa ilaw na nasa dingding.

"Sino 'yan?!" sigaw ni Pinunong Shintou habang magkasalubong ang kilay. Tumitibok ang kanyang puso ng napakalakas habang isinigaw niya ang mga salitang 'yon. Tumitibok ito ng napakalakas na para bang gustong gusto na nitong lumabas mula sa kanyang rib cage.

"Nararamdaman kita. Kung sino ka man! Magpakita ka!" nanggagalaite sag alit na sigaw ni Pinunong Shintou.

Ngunit habang hinihintay na may sasagot o magpapakita sa kanya ay mas lalo lang siyang nainip. Kaya naman ay agad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan.

Agad niyang itinaas anng kaliwa niyan kamay at agad din namang lumabas doon ang larawan na gumagalaw kung saan ay may parang laser sa kanyang larawang nakikita ngayon. Nakita niya ang buong pasilyo kung nasaan siya ngayon. Agad niyang pinalibutan ng kulay pula na laser ang buong buong larawan at agad din namang napalibutan ng laser ang pasilyo na siyang kinatatayuan niya ngayon.

Habang pinagmamasdan niya ang paligin at ang laser ay agad na may parte ng laser na naging kulay berde naging sanhi ng pagsabog ng kung ano.

Nagkulay berde ang kanayng laser at ito ay nangangahulugang may nahagip na kung ano.

Agad din namang sumigaw na kung ano nang may sumabog saka agad itong bumulagta sa harapan ni pinunong Shintou. Napailing din naman kaagad si Pinunong Shintou dahil sa kanyang nakita.

Nakita niya lang naman ang nakabulagta nang ibon. Sunong na sunog ito dahil sa labis na pagsabog at labis na pinakawalang enerhiya na tumama sa katawan ng ibon.

"Tss. Ibon lang pala." Sabi ni Pinunog Shintou saka agad na lumapit sa gawi kung nasaan ang pinto ng Niqueras.

Agad niyang tiningnan ang nakalock na pinto ng Niqueras. Nakalock ito at kailangan mong isulat sa hangin ang sikretong salita upang makapasok sa Niqueras.

Sa harapan ni Pinunong Shintou ay may lumabas na mga letra na siyang dapat na idecode ni Pinunong Shintou upang makapasok siya sa Niqueras. Sa lahat ng silid ay ito lang ang may sikretong salita at may matindng seguridad dahil nandito ang lahat ng makapangyarihang sandata. Kahit na ang pinakasumpa-sumpang sandata ng Veteris Quera ng Maligouania na minsan na ring nagtangkang sakupin ang buong mundo ng Alynthi.

Pati ang amulet na isinumpa ng isang bathaluman ay nasa loob din ng Niqueras. Kahit ang tungkod ng Quera ng karagatan noon na isang sirena na si Quera Aquadita. Noong unang panahon pa umuugong ang kwentong 'yan. Hanggang ngayon ay nag-iwan ito ng isang napakatibay na ebidensya na may isang Quera Aquadita nga na nabubuhay dito sa mundo ng Alynthi noon. At ang ebidensya na magpapatunay ay ang kanyang makapangyarihang tungkod.

Nang makita ni Pinunong Shintou ang mga letra na nasa kanyang harapan ay agad niya itong sinumlan na idecode.

_ _._....._._.._._.._._...._.

Agad din namang sinulat ni Pinunong Shintou sah ang ina ang kanyang sagot.

M A H A L K I T A S R

'Yan ang isinulat ni Pinunong Shintou pagkatapos ay hindi nagtagal at agad nang bumukas ang pintuan ng Niqueras. Agad din namang tumambad sa harapan ni Pinunong Shintou ang mga kagilagilalas na mga sandata.

"Oras na para gamitin kayo. Malapit na ang digmaan. Hindi pwedeng maghari ang kadiliman sa buong mundo ng Alynthi. Nawa'y gabayan kami ng Bathalang Trivino kung nasaan man siya ngayon. Alam kongbuhay ang mahal na Bathala. Ngunit pinalabas ni Veteris Quera Minerva na patay na ang nahuhuling bathala na is Bathalang Trivino. Kung ano ang dahilan? Iyon ang dapat kong alamin." Mahinang ngunit mahabang sabi ni Pinunong Shintou habang ang tingin ay nasa mga sandata na nasa loob ng Niqueras na nasa harapan na niya ngayon.

Nagsimulang humakbang si Pinunong Shintou papasok ng Niqueras nang biglang nanigas ang kanyang mga katawan. Kaya naman ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata habang naninigas ang kanyang katawan. Nakataas ang kaliwang paa ni Pinunong Shintou.

"S-Sabi ko na nga ba." Nauutal at mahinang sabi ni Pinunong Shintou.

"Paano ba 'yan? Naisahan kita tanda." Sabi ng kung sino. Pagkatapos ay agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

Kaya naman ay agad siyang napatingin sa bandang likuran niya kung saan nanggaling ang isang napakapamilyar na boses.

"V-Valle Shanta?" nauutal na tanong ni Pinunong Shintou.

"Ako nga." Sabi ng isang pigura ng isang babae na nasa kanyang likuran.

Hindi niya ito masyadong nakikita dahil sa sobrang dilim ng buong pasilyo. Ang tanging nakikita niya lang ay ang mukha nito na naiilawan ng mga kulay pulang ilaw na sinag galing sa dingding.

"Napag-aralan ko na sa libro ng Voilamajica De Jivalo. Alam kong napakalakas ng kapangyarihan mo. Ngunit pinag-aralan ko rin kung paano kontrahin at takasan ang iyong kapangyarihan. Kaya bukod sa may katandaan kana na siyang nagpapahina sa iyong kapangyarihan ay nagawa ko itong kontrahin at takasan." Mahabang sabi ni Valle Shanta saka agad na gumuhit sa kanyang labi ang isang mala demong ngiti.

"Hindi nga ako nagkakamali sa aking akala, Valle Shanta. Napakatalino mong bata at napakalakas ng iyong kapangyarihan. Dahil bukod sa ipinamalas mo sa akin ang napakalakas mong kapangyarihan ay hindi ka nila gagawing Valle sa napakamura mong edad kung hindi ka magaling pagdating sa taktika at sa paggamit ng iyong kapangyarihan." Sabi ni Pinunong Shintou habang habol-habol ang kanyang hininga. Sinusubukan niyang kontrahin ang paninigas ng kanayng katawan ngunit hindi niya ito nagawa. Sa sobrang lakas ng kapangyarihan ay nangiginig na ngayon ang buo niyang sistema.

"Sabi ko na nga ba! May nakapasok na kaaway! Hindi talaga ako binibigo kutob ko!" nanggagalaite sa galit na sigaw ng kung sino.

Kaya naman ay agad na napalingon si Valle Shanta sa kanyang likuran kung saan ay punong-puno na ng liwanag ang buong pasilyo at agad niyang nakita sina Quero Kenneth, Quera Reina, ang mga cleo at pati na rin ang mga clea.

Napakasama ng titig ng mga ito kay Valle Shanta.

Agad din namang nakita nina Quero Kenneth ang isang mala demonyong ngiti na nakaukit sa labi ni Valle Shanta.

"Tuso talaga kayong mga Maligon kahit kailaaaaaaan!!!!" nanggagalaite sa galit na sigaw naman ni Clea Heya saka agad na inilabas sa kanyang kamay ang perlas ng Terra saka agad niya itong itinama sa katawan ni Valle Shanta.

Ngunit agad na nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa kanilang mga nakita.

Nakita nila kung paanong tatama na sana sa katawan ni Valle Shanta ang napakalakas na enerhiya mula sa perlas ng Terra. Ngunit agad na itinaas ni Valle Shanta ang kanyang kanang kamay. Saka agad na may umilaw na kulay lila at agad itong kumawala mula sa kamay ni Valle Shanta. Sinalubong kaagad nito ang napakalakas na enerhiya ng perlas ng Terra.

Ngunit agad na nagmistulang unti-unting natutupok ang napakalakas na enerhiya ng perlas ng Terra. Saka agad itong naging buhangin na unti-unting nahuhulog sa sahig.

Kaya naman ay nanlalaki ngayon ang mga mata ng mga Agonian habang nakatingin kay Valle Shanta na ngayon ay mas lumapad pa ang mala demonyong ngiti na umukit sa labi.

"Napag-aralan ko na 'yan. Hindi nyo pwedeng gamitin 'yan sa'kin dahil pwede kong ikamatay kaagad 'yon. Ngunit napag-aralan ko na 'yon kung paano ko kokontrahin. Walang saysay ang pag-aaral ng mahika kung hindi mo pag-aaralan kung paano ito kokontrahin. Hindi sapat na laam mo lang kung anong mahika ang ginamit ng iyong kalaban. Dapat alam mo rin kung paano ito kokontrahin o tatakasan." Mahabang sabi ni Valle Shanta saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong ngiti.

Ngunit agad na nagsalubong ang kilay ng mga Agonian nang kusang lumapit kay Valle Shanta ang mga malalakas na sandata galing sa Niqueras. Ang makapangyarihang tungkod ni Quera Aquadita, ang makapangyarihang amulet at pati na rin ang kasumpa-sumpang sandata ng Veteris Quera ng Maligouania.

"Anong binabalak mo?!" nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Fortia.

"Wala akong balak na gamitin ito sa inyo. So, chill lang." sagot ni Valle Shanta saka agad na ngumiti nanaman ng isang mala demonyong ngiti.

"Kahit kailan ay nakikialam talaga kayo ng hindi ninyo pag-aari!!!!" nanggagalaite sag alit na sigaw ni Cleo Marius saka agad na inilabas ang hawak na espada.

Agad nitong sinugod si Valle Shanta.

"Kasakitan!" sigaw ni Valle Shanta.

Kaya naman ay agad na nanghihinang napaluhod si Cleo Marius. Saka agad na napapikit ng mariin ang mga Agonian lalong lalo na sa isang clea.

Napapikit sila nang mariin dahil sa narinig nilang pagtunog ng mga buto ni Cleo Marius.

"Auuuurrrrgghhh!!!!" pagsusumigaw ni Cleo Mmarius dahil sa tindi ng nadarama niyang sakita.

"Any last words?" tanong ni Valle Shanta kay Cleo Marius saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

"Bilis!" sigaw ni Valle Shanta na sinundan ng sunod sunod nanamang pagtunog ng mga buti ni Cleo Marius.

Kaya nama ay nanginginig na napahawak sa braso ni Quera Reina ang isang Clea.

"M-Mahal kita, Clea Fortia! Sobra!!! Auuuurrrrrggghhh!!! Sakiiit!!!" sigaw ni Cleo Marius kaya naman ay agad na nanginig nag mga binti ni Clea Fortia.

"C-Cleo Marius, m-mahal din kita." Nauutal na sabi ni Clea Fortia habang nakahawak sa braso ni Quera Reina. Nanlalabo na ngayon ang kanyang paningin dahil sa unti-unting namumuong mga luha sa kanyang mga mata.

"Okay, katapusan mo na." sabi ni Valle Shanta saka agad na itinaas ang kanayng kanang kamay.

"'Waaaaaaaaggg!!!" sigaw ni Clea Fortia na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanayng mga luhsa sa kanyang pisngi.

"Tama na, Valle Shanta!" sigaw ng kung sino.

Kaya naman ay agad na napalingon ang lahat sa bandang likuran ni Valle Shanta kung saan nanggaling ang isang napakapamilyar na boses.

Agad din naman nilang nakita si Viscus na kalmang naglalakad mula sa likuran ni Valle Shanta habang nasa likod ang mga kamay nito.

"Sapat nang naipamalas mo sa kanila ang lakas ng iyong kapangyarihan at nakuha natin ang mga makapangyarihang sandata na nagmula sa Niqueras." Dagdag ni Viscus.

"L-Lady Viscus. I wanna play." Nauutal na sabi ni Valle Shanta na parang isang bata na nakikiusap na pagbigyan na palabasin ng bahay.

"Hindi pwede dahil kailangan kana ngayon sa kaharian mahal na Valle." Tugon naman ni Viscus saka agad na tiningnan ang mga Agonian.

Agad na gumuhit sa labi ni Viscus ang isang mala demonyong ngiti.

"Magandang gabi sa inyo. Namimiss ko nang soba ang kaharian." Nakangiting sabi ni Viscus.

Agad namang inirapan ni Clea Gia si Viscus.

Nang tingnan ng mga Agonian si Viscus ay ibang iba na ito sa dating Viscus na kanilang nakita. Ang suot ngayon ni Viscus ay isang kulay lila na napakagara. Ibang iba sa Viscus na kanilang nakilala noon na hindi marunong makialam at tapat sa Agonia.

"Taksil!" sigaw ni Quera Reina na bakas na bakas sa muka ang panggigigil.

Kaya naman ay agad na hinagod-hagod ni Clea Usha ang likod ni Quera Reina.

"Valle Shanta, tara na." sabi ni Viscus.

"Hmp! Fine!" sigaw ni Valle Shanta. Lumabas ang kanyang ugali bilang bata.

"Teka! Ang mga sandata!" sigaw ni Cleo Blake saka mabilis na tumakbo patungo sa gawi nina Valle Shanta.

Kaya namnan ay sabay na napalingon sa kanya sina Viscus at Valle Shanta. Nginitian lang nina Valle Shanta si Cleo Blake saka mabilis na naglaho kasama ang mga sandata na mula sa Niqueras.

"S-Shit! Nagnakaw nanaman sila! At ang mga makapangyarihang mga sandata pa!!!" nanggagalaite sa galit na sigaw ni Quero Kenneth.

Kaya naman ay agad na napatingin sa kanya ang lahat. Ngayon lang nila nakita na ganito kagalit ang kanilang mahal na Quero.

"T-Tangina? A-Alam ko malakas ako. P-Pero ano nang laban namin kung nasa kanila na ang makakapangyarihan naming mga s-sandata?" nauutal na tanong ni Clea Gia sa kanyang isip.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

478K 752 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
105K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...