Chapter 35

1 0 0
                                    


Nandito pa rin ngayon si Quera Reina at nakapikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang paningin gawa nang matinding nangyari sa kanya at kakadilat pa lang ng kanyang mga mata.

Agad niyang nakita si Cleo Deo sa harap niya na tinapik ng marahan ang kanyang kaliwang pisngi.

"Mahal na quera." Pagtawag ni Cleo Deo.

Nakita niyang bakas nab akas sa mga mata ni Cleo Deo ang matinding pag-aalala habang tawag pa rin nang tawag ito sa kanya.

"Mmm." Tugon niya sa pagtawag ni Cleo Deo saka bahagya nang luminaw ang kanayng mga mata.

"Phew. Kinabahan ako ro'n, mahal na quera. Buti nalang at nasalba kita." Sabi ni Cleo Deo.

"T-Teka, asan si Valle Shanta?" nauutal at nakakunot noong tanong ni Quera Reina.

Agad namang nginuso ni Cleo Deo ang bandang itaas niya. Nakita naman niya kaagad si Valle Shanta. Nakatusok sa tiyan nito ang isang palaso habang nakahahandusay sa ilalim ng sanga ng puno na hinihigaan ngayon ni Quera Reina.

Muling napatingin kay Cleo Deo si Quera Reina ng may mga nagtatanong na tingin.

"Nakita ko po kasi kayo na kinakausap nyo s iValle Shanta nag-uumarte na parang isang inosenteng bata. Sobrang nagtataka nga po ako, mahal na quera. Dahil hindi ko alam kung bakit nadala kayo sa taktika niya gayong nakita nyo naman na siya noon pa. Ngunit sa halip na sugurin si Valle Shanta ay sinundan ko nalang kayo. Dahil kapag nalaman niyang kasama mo ako marahil ay hindi na tayo masisikatan ng araw." sabi ni Cleo Deo.

"Oo nga eh. Huli na nang mapagtanto ko." Sabi ni Quera Reina.

Nandito ngayon si Clea Gia sa isang napakasukal pa na parte ng kaguabtan kung saan ay napakalayo na sa pinangyarihan ng digmaan. Sinusunog niya ngayon ang mga nagsusulputan na mga sundalong Maligon hanggang sa maubos ang mga ito.

"Ano't tila naduduwag ka, Quera Violeta?!" nanggagalaite sag alit na sigaw ni Clea Gia habang tumitingin-tingin sa kanyang paligid na tila ba parang pinakikiramdaman niya ang kanyang paligid.

"Ikaw ba'y natatakot?!" sigaw nanaman ni Clea Gia saka gad na sumilay sa kanyang labi ang isang nang-aasar na ngiti.

Maya-maya pa'y muli niyang pinakiramdaman nag paligid. Nakaramdam siya ng presensya ng isang tila kulay itim ang aura. Nararamdaman niyang ang bilis nito at parang tumakbo patungo sa kanya. Kaya namna ay nang maramdaman niyang lumalapit na ito ay agad niyang sinalubong ito gamit ang kanyang espada.

"Auurrggghh!" sigaw ni Quera Violeta nang maramdaman niya ang sakit ng pagtusok ng espada sa kanayng katawan.

Biglang sumulpot sa harapan niya si Quera Violeta at natuhog niya ito gamit ang kanyang espada.

Agad na mas lumapad ang sumilay na ngiti sa labi ni Clea Gia. Ngunit agad din namang naglaho ang kanyang ngiti nang maramdaman niyang sumakit din nag kanyang tiyan. Nang tingnan niya ang kanyang tiyan ay napaslang din pala siya ni Quera Violeta.

Walang sinayang na oras si Clea Gia at agad niyang binunot sa pagkakatusok sa katawan ni Quera Violeta ang kanyang espada na siyang ginawa rin naman ni Quera Violeta.

"Isang puntos para sa'kin." Sabi ni Clea Gia habang hawak ang kanyang sugat.

"At isa para sa'kin." Sabi ni Quera Violeta habang hingal na hingal at habol-habol ang kanyang hininga.

"Pwes, ngayon ay patas na ang laban!" sigaw ni Clea Gia.

"Kagaya ka rin ng inyong ina. Namana mo sa kanya ang talas ng iyong pakiramdam." Sabi ni Quera Violeta.

Kaya naman ay agad na napakunot ng noo si Clea Gia at bakas na bakas sa kanyang mga mata isang napakatinding kuryosidad.

Sumilay din naman kaagad ang isang mala demonyong ngiti sa labi ni Quera Violeta.

"K-Kilala mo ang aking ina?" nauutal na tanong ni Clea Gia sa kanyang isip.

"Oo. I bet hindi 'yon tinuro sa schools of magic na Aristrophis, Yujema at Hirijana. Dahil para sa kanila ay kasumpa-sumpa ang iyong ina!" nakangiting sigaw ni Quera Violeta.

"K-Kasumpa-sumpa?" nauutal na tanong ni Clea Gia.

"Oo. Pinandidirian nila nag iyong ina. And yet you chose to serve those people who discriminated your mother?!" nanggagalaite sag alit na sigaw ni Quera Violeta habang nakataas ang kanang kilay.

"A-Anong pinagsasabi mo?" nauutal na tanong ni Clea Gia habangn akakunot pa rin ang noo.

"Interested ka? Umanib ka sa amin dahil ayon sa kasaysayan na pinag-aaralan ko sa school of magic namin sa Maligouania na tinatawag na Chromaxia. 'Yon ang sinabi niya. Ano? Ayaw mo bang susundin ang gusto ng ina mo?" tanong ni Quera Violeta habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Clea Gia.

Nang makita niya ang galaw ng mata ni Clea Gia ay agad na muling sumilay sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

"Marahil ay naguguluhan na siya." Sabi ni Quera Violeta sa kanyang isip.

"S-Sige, aanib ako sa inyo. A-Anong maipaglilingkod ko?" nauutal na tanong ni Clea Gia habang inilahad ang kanayng kamay kay Quera Violeta.

"Mabuti. Sabi ko na nga ba at gano'n mo kamahal ang iyong ina. 'Wag kang mag-alala dahil sasabihin ko naman kasi talaga sa'yo ang tungkol sa iyong ina." Sabi ni Quera Violeta saka agad na lumapit kay Clea Gia at tinanggap ang kamay nito.

"So, ang naig ko lang nama..." hindi na naituloy pa ni Quera Violeta nag knayang sasabihin nang bigla siyang paslangin ni Clea Gia.

Nang makita niya ang mukha ni Clea Gia ay nakangiti na ito ngayon ng isang mala demonyong ngiti at para bang nanggigigil ito saka mas diniinan pa ang pagkakapaslang sa kanya.

"Auurrrgghhhh!!!!" pagsusumigaw ni Quera Violeta dahil sa lbis na sakit na kanyang nadarama.

"Dalawang puntos para sa'kin." Sabi ni Clea Gia habang suot ang malatagumpay na ngiti.

"T-Tuso ka rin Clea Gia." Nauutal na sabi ni Quera Violeta at tinitiis ang nararamdamang sakit.

"Oh? Kayong mga Maligon lang ba ang marunong?" nakangiting tanong ni Clea Gia saka nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

"Pero wala pa rin itong epekto sa'kin!" sigaw ni Quera Violeta saka agad na gianmit ang tatlong perlas at pinakawalan nag napakalaking enerhiya.

Kaya naman ay aagd na lumipad si Clea Gia saka agad na napahiga sa sahig. Agad itong namilipit sa sakit. Ngunit kahit na gano'n pa man ay muli niyang tiningnan si Quera Violeta.

Nakita niya kung paanong binunot ni Quera Violeta ang espada sa pagkakatusok nito sa kanyang katawan na para bang hindi man lang nakramdamn ng sakit. Nakita niya na umukit sa labi ni Quera Violeta ang isang mala demonyong ngiti.

"Wala akong nararamdaman. Remember? Nasa akin ang perlas ng Liamen, Terra at Aqua. Ang perlas ng Terra na nakakagawang gamutin ang kahit na anumang sakit ng isang engkantado." Nakangiting sabi ni Quera Violeta pagkatapos no'n ay biglang naglaho na parang bula ang napakalalim na sugat katawan nito.

Kaya naman ay napapikit nalang ng mariin ang kanyang mga mata.

"Sino ang aking ina?!" nanggigigil na pasigaw na tanong ni Clea Gia.

"You must discovet it by yourself, Clea Gia." Sagot naman ni Quera Violeta saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

"Tanginaaaaaaa!!!!" nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia saka agad nan agpakawala ng isang napakalaking enerhiya mula sa hawak niyang perlas ng Ignis at itinapat ito sa gawi ni Quera Violeta.

Ngunit huli na ang lahat dahil mabilis na naglaho si Quera Violeta.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now