Chapter 3

5 1 0
                                    

Nang masaksihan nina Quero Kenneth, Quera Reina at ng mga Clea ang napakamisteryosong tao na ninakaw ang perlas ng Liamen ay agad na nagpatawag ng pagpupulong sa lahat ng konseho, Clea at Cleo kasama sina Quero Kenneth at Queea Reina.

Kasalukuyang nandito na sila ngayon sa napakahabang mesa. Sa kaliwang banda ay ang pitong mga konseho habang sa bandang kanan naman ay ang mga Cleo at Clea. At sa dalawang sulok ng mesa ay si Reina at si Kenneth.

"Sige. Simulan na natin ang ating pagpupulong. Kanino tayo magsisimula?" Tanong ni Quera Reina.

"Mahal na quera." Sabi ni konseho Roel.

"Konseho Roel. Anong nais mong ipahayag?" Tanong ni Quera Reina.

"Mahal na quera. N-Nawalan nanaman tayo ng malaking halaga sa pondo ng kaharian." Nauutal na sagot ni konseho Roel.

"Ano?!" Sabay na sigaw nina Quera Reina at Quero Kenneth na tila ba hindi nakapaniwala sa sinabi ng konseho.

"Opo. H-Hindi ko po matukoy kung sino ng salarin. B-Basta ang huli kong kasama ay si Moira. Kami ang nagbilang ng pondo kagabi." Nauutal na sabi ni konseho Roel.

"Mawalang galang na konseho Roel. Pero kahit na ako ay hindi ko rin alam kung ba't nagkulang ang pondo natin. N-No'ng binilang ko ulit ang pondo ay nagulat nalang ako dahil sa malaking kaibahan at kulang sa bilang ng pondo ng kaharian na binilang natin ng sabay kagabi." Nauutal na sabi ni konseho Roel.

"Alam nyo? Hindi dapat tayo nagnanakawan rito eh. Kapag nagnakawan tayo para lang sa pansarili nating pangangailangan ay pwede itong ikabagsak ng ating kaharian. Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na nakikitira na rin sa atin ang mga Mephonian at Yuconian ilang taon na ang nakalipas." Sabu ni Quero Kenneth.

"W-Wait. T-Totoo ba 'to? Sa wakas! Nagsalita na rin si Kenneth." Nauutal na sabi ni Quera Reina sa kanyang isip.

"P-Pero hindi naman kami nagnakaw, nawalan lang ang pondo. Ni hindi nga natin alam kung sino ang salarin. Mahirap mang-akusa nang walang ebidensya!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Moira na ngayon ay namumula na ang mukha at nakasalubong ang kilay. Umuusok na rin ang ilong at tainga nito.

"Teka, guys. Alam naman siguro nating lahat na mga binata at dalaga pa tayo. May mga luho pa rin tayo. Pero sana naman ay 'wag nyong nakawan ang pondo ng ating kaharian. Pwede natin itong ikabagsak!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

"Ako naman ang may sasabihin ngayon. Alam nyo ba na may  nanakaw nanaman kanina?" Tanong ni Quera Reina.

Kaya naman ay agad na sabay na napatungo ang lahat na konseho, cleo at clea.

"G-Gaano po ba kalaki ang halaga, mahal na quera? Nauutal na tanong ni Cleo Deo.

"Hindi gaano kalaki, gaano kahalaga. Mahalagang mahalaga sa atin ang nawala." Sagot ni Quera Reina.

"Ano po ba ang nawala?" Nakakunot noong tanong ni Moira.

"A-Ang perlas ng Liamen." Nauutal na sagot ni Reina at pagkatapos ay napatungo nalang. May nanlalabo nang paningin ngayon si Reina dahil sa unti-unti nang namumuong mga luha sa kanyang pisngi. Sinabi ni Reina ang mga salitang 'yon ng may basag nang boses.

Agad din namang napatungo ang lahat nang sabihin ni Reina 'yon.

"See? Ngayon, kung ganyan kayo palagi. Nagnanakaw kayo ng pondo ng kaharian. Pwede tayong bumagsak dahil kahit anumang oras. Dahil may kalaban na tayo ngayon. Ninakaw pa nga nito ang perlas ng Liamen. Ang kinakabahala pa namin ngayon ay hindi namin kilala ang nagnakaw." Sabi ni Clea Heya.

"Kaya sa susunod ay 'wag ka nang magnakaw." Sabi ni Clea Gia habang nakatingin mula sa kawalan at napairap nalang.

"H-Hindi naman talaga ako ang nagnakaw ah!" Nauutal na sigaw ni Moira na nakasalubong ang dalawang kilay.

"Pero ikaw lang ang huli kong kasama noon, Moira." Sabi ni konseho Roel.

"Mawalang galang na, konseho Roel. Pero di naman pwede y'ong mang-akusa ka nang walang matibay na ebidensya!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Moira at pagkatapos ay agad na tumayo saka dinuro pa si konseho Roel.

"Mawalang galang na rin, konseho Moira. Pero ikaw lang ang nakita kong nagbilang ng pondo noong mga oras na 'yon no'ng kinukunan ko ng kape si Quera Reina. Nakita kong may kinuha kang pera at pinasok sa iyong bulsa. Patawad ngunit hindi na kaya ng konsensya ko na hindi sabihin ang aking mga nakita." Pagsabat ni Viscus na nandito na ngayon sa gilid ni Quera Reina.

Kaya naman ay agad na napatingin ang lahat kay Viscus bakas na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. Pagkatapos ay agad din namang nalipat ang tingin ng lahat kay Moira na ngayon ay mas nagsalubong pa ang kilay.

Kasalukuyang nakatingin na ngayon ang lahat kay Moira ng may mga nagtatanong na tingin.

"Wala muna akong hatol sa ngayon. Ikulong nyo muna si konseho Moira sa kulungan ng nga suspetsado. Wala dapat kayong gagawin sa kanya habang hindi pa ako nakakapagpasya." Sabi ni Quera Reina. Kaya naman ay nalipat agad sa kanya ang tingin ng lahat. Nakatingin ngayon si Quera Reina mula sa kawalan.

Kaya naman ay agad na lumapit ang mga sundalo kay konseho Moira at agad na pwersahang pinatayo.

"T-Teka, teka, hindi pwede 'to! M-Mahal na Quera, hindi ito ayon sa ating batas!" Nauutal na sigaw ni konseho Moira habang hinahatak siya ng mga sundalo palabas sa pinagpupulungan nina Quera Reina.

Patuloy pa rin ito sa pagsisigaw habang nagpupumiglas ngunit hindi na nila naintindihan pa ang mga pinagsisigaw ni konseho Moira.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now