Chapter 1

8 2 0
                                    

Kasalukuyang nandito na ngayon sina Quera Reina kasama si Quero Kenneth. Kagagaling lang nila sa pagpupulong at mayro'ng malaking halaga ng pera nanaman ang nawala. Nanakawan nanaman ang pondo ng kaharian.

"Hindi 'to pwede! Dapat kumilos tayo! Dahil kung hindi, pwede itong ikabagsak ng ating kaharian. Malaking kahihiyan 'to para sa atin." Nanggagalaite sa galit na sabi ni Quera Reina. Hinilot-hilot  nito ang kanyang sintido habang nakatingin kay Quero Kenneth.

"Pake ko? Kumilos ka mag-isa mo." Malamig na sabi ni Quero Kenneth habang ang mukha ay walang emosyon at ang mata ay ay blangko na tila ba parang walang inihahayag na ekspresyon.

"Ano ka ba Kenneth?! Umayos  ka nga!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Reina.

Kasalukuyang nandito na sila ngayon sa kanilang kwarto at kagagaling lang nila sa pagpupulong kasama ang buong konseho ng kaharian.

"Bakit? Magulo ba ako? Sinabi ko lang naman na kumilos ka mag-isa ah." Pamimilosopo ni Kenneth na malamig pa rin ang tono ng pananalita at blangko ang mga mata.

"Hindi. Pero please naman. Makisama ka naman sa'kin. Kenneth hindi j lang cleo, isa kang hari!" Sigaw ni Reina na bakas na bakas na sa kanyang mga mata ang pagkainis.

Cleo - Mga lalaking kasama ng mga Clea na namumuno.

"Bakit? Sa tingin mo ba nakakalimutan ko na y'ong ginawa mo?" Tanong ni Kenneth kay Reina.

Kaya naman ay agad na napako si Reina sa kanyang kinatatayuan at nagmistulang isang bato ang kanyang katawan. Agad na naglaho ang kaninang galit na kanyang nadarama. Agad itong napalitan ng lungkot, awa at pangungulila.

Agad na napatungo si Reina pagkatapos ay napapikit nalang ng mariin.

"See? Suit yourself. Siguraduhin mo munang karapat-dapat mong sabihin sa'kin 'yang mga pinagsasabi mo ngayon." Sabi ni Kenneth na malamig na malamig pa rin ang tono ng pananalita at blangko ang mga mata. Saka agad nang naglakad palabas ng kwarto.

"H-Hindi ko naman 'yon ginusto ah." Nauutal na sabi ni Reina. Pagkatapos ay naramdaman nalang niyang umagos na ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

*FLASHBACK*

"Mahal na quera. May bisita po kayo." Sabi ng kanyang heneral.

Kasakukuyan ngayong nakaupo sa kanyang trono si Reina. Nang sabihin no'ng heneral 'yon ay agad na napakunot ang kanyang noo.

"Sino? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah." Nakakunot noong tanong ni Reina.

Ngunit tanging ngiti lang ang tugon ng kanyang heneral. Pagkatapos ay lumingon sa bansang entrance ng kaharian.

Kaya naman ay agad ding napalingon si Reina sa gawi kung saan lumingon ang kanyang heneral. Nang nilingon niya ang gawi na 'yon ay agad niyang nakita ang isang napakaputing babae na suot ang napakaputi ring suot.

Agad na umukit sa labi ni Reina ang isang ngiti.

"Mahal na Quera. Narito po ako para bisitahin kayo." Nakangiting sabi ng isang babae at pagkatapos ay agad na tumungo bilang pagbigay galang.

"Maiwan nyo muna kami." Pag-utos ni Reina sa kanyang heneral. Kaya naman ay agad na tumungo ang kanyang heneral saka sabay na nagsilabasan ang kanyang mga kawal at nagtungo sa pasilyo.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now