Chapter 10

1 0 0
                                    

Bagong umaga ang sumikat ngayon rito sa kaharian ng Maligouania. Kasalukuyang nag-uusap na ngayon ang mga cleo, mga clea, si Quero Kenneth at si Quera Reina. Bakas sa kanilang mga mata ang pagiging seryoso hinggil sa usaping kanilang tinatalakay.

"We will check the maintenance of the weapons. Kasama ko si Cleo Ion." Sabi ni Quero Kenneth.

"Sige, kami na ang bahalang magbantay dito sa kaharian. Siguraduhin nyong maganda ang pagkakagawa ng mga sandata nang sa gayon ay magawa nating labanan ang sinumang nilalang na nagtatangkang sakupin ang ating kaharian." Tugon naman ni Quera Reina.

Pagkatapos no'n ay agad nang naglaho sina Quero Kenneth at Cleo Ion.

Kasalukuyang nandito ngayon sa lupain ng Yuconia ang mga Yuconian na siyang gumagawa ng mga sandata para sa kaharian ng Agonia.

Mga malalaki ang kanilang mga braso at makikisig ang tindig na para bang mga taga Gold Muscle Gym. Ang suot nila ay mga kalasag na gawa sa purong metal na galing sa armadillo na tinunaw at ginawang kalasag.

Ginagawa ngayon ng mga Yuconian ang spears. Tinutunaw nila ngayon ang isang metal sa naglalagablab na apoy.

"Komusta na ang ating mga sandata?" Tanong ng kung sino. Bakas na bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging maawtoridad.

Kaya naman ay agad na sabay na napalingon ang tatlong Yuconian na gumagawa ng sandata.

Agad din naman nilang nakita sina Quero Kenneth at Cleo Ion.

"Mahal na Quero. Mahal na Cleo." Sabay-sabay na sabi ng tatlong Yuconian at pagkatapos ay tumungo bilang pagbigay galang.

"Ang ating mga sandata ay nasa magandang kalidad pa rin, mahal na Quero." Sabi ni Hashni, ang Yuconian na namumuno sa paggawa ng sandata. Siya ang pinakapinuno ss kanilang tatlo. Mga pinuno rin ang kanyang mga kasama na sina Geshnu at Quishna. Ngunit siya ang may pinakamataas na ranggo.

Agad din namang napatango-tango si Quero Kenneth.

"Ba't kayong tatlo lang ang narito? Asan y'ong iba?" Tanong naman ni Cleo Ion.

"Nasa bandang silangan ang iba, mahal na Cleo. Naghahanap sila ng mga kasangkapan na gagamitin sa paggawa ng mga malalakas na sandata. Habang ang iba naman ay nasa kanluran. Naghahanap ng mga makakain namin." Sabi ni Geshnu.

Kaya naman ay napatango-tango rin si Cleo Ion.

"Sige, kung gano'n ay pupuntahan muna natin ang mga nasa silangan. Titingnan lang namin kung talaga bang ginagawa nilang mabuti ang kanilang mga trabaho." Sabi ni Quero Kenneth.

Pagkatapos ay agad na silang nagsimulang maglakad patungo sa silangan kung saan naroon ang masukal na kagubatan. Kasalukuyang naglalakad na sina Quero Kenneth at Cleo Ion ngayon sa masukal na kagubatan rito sa bandang silangan ng Yuconia.

Bawat ginagawa nilang pagtapak ay tumutunog ang mga tuyong dahon na nakakalat sa bawat daan na kanilang tinatahak. Kasalukuyan silang nag-uusap habang tinatahak ang daan rito sa kagubatan.

"Kailan ka ba aamin kay Quera Reina?" Tanong ni Cleo Ion.

"Wala po akong balak. Saka nalang siguro kapag naayos na ang problemang 'to. Baka kung aamin ako ay malalaman nila na may kahinaan na ang kanilang Quero. Malay natin baka nasa kaharian lang ang kalaban natin." Sabi ni Quero Kenneth.

"Oo nga naman. Totoo talaga y'ong kasabihan na 'Mas madaling pagkasunduin ang langit at lupa kaysa sa dalawang opisyak ng Agonia sa kahit na alinmang bagay.'" Sabi ni Cleo Ion saka tiningnan ng diretso sa mga mata si Quero Kenneth.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now