Chapter 18

0 0 0
                                    

Lumipas na ang ilang araw mula no'ng nagnakaw ng mga sandata sina Valle Harmona at Valle Shanta. Marami silang mga sandatang nanakaw mula sa Yuconia.

Nandito ngayon ang mga Clea, mga Cleo, si Quero Kenneth at Quera Reina sa bilog na mesa.

"Bigo man tayong taluhin sila ngunit para sa akin ay maganda ang ating ginawa. Dahil napatunayan nating malakas na tayo. Nagagawa na nating masundan sila gamit ang ating mga kapangyarihan." Sabi ni Quera Reina.

Untu-unti nang naghihilom ang mga galos at sugat na kanilang natamo.

"Ngunit nanakaw nila ang mga sandata natin. Saka maraming mga Yuconian ang binawian nila ng buhay. Ang mga Yuconian na bihasa sa paggawa ng mga magagandang sandata pa ang nawala. Malaking kawalan ang pagkawala ng mga Yuconian." Sabi ni Cleo Marius.

"Oo nga. Paano kung susugurin nila tayo? Malaki ang posibilidad na manalo sila sapagkat nasa kamay nila ang mga magagandang sandata na gawa ng mga Yuconian." Sabi ni Cleo Blake.

"Nakakasiguro akong hindi nila 'yon gagawin sa atin." Sabi ni Quera Reina.

"Bakit?" Sabay naman na tanong ng lahat habang nakakunot ang kanilang mga noo at bakas na bakas sa kanilang mga mata ang matinding kuryosidad.

"Kagabi ay nagpadala sila sa'kin ng liham pangkapayapaan." Sagot ni Quera Reina habang nakatingin sa kawalan.

"Pangkapayapaan? Matapos nila tayong paglaruan ro'n sa Yuconia?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

"Ito." Sabi ni Quera Reina habang inilabas ang liham at agad  na binuksan.

"Sinabi nila sa liham na ito na sadyang nangangailangan lang talaga sila ng nga sandata para sa kanilang kasundaluhan. Ngayon na sapat na ang kanilang mga kagamitan para sa kanilang mga kasundaluhan ay wala na silang balak pa na magnakaw ulit." Sabi ni Quera Reina.

"Sigurado ka bang totoo at sinsero sila sa kanilang paghingi ng tawad?" Tanong ni Clea Fortia.

"'Yon lang. Hindi ko alam kung talagang sinsero at totoo ba ang kanilang mga isinaad dito sa liham." Sabi ni Quera Reina.

"Dapat ay humingi tayo ng patunay na sila ay sinsero at totoo sa kanilang paghingi ng tawad." Sabi ni Quero Kenneth.

"Ano namang patunay ang hihingin natin sa kanila?" Nakakunot noong tanong ni Cleo Ion."

"Alam ko na." Sagot ni Clea Gia na ngayon ay nakaukit na sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

"Ano?" Sabay na tanong ng lahat habang nakakunoy ang noo at nakatingin kay Clea Gia. Bakas na bakas sa kanilang mga mata ang matinding kuryosidad at bakas na bakas sa kanilang nga noo ang isang napakalaking question mark.

Nandito ngayon ang nga Valle at si Quera Violeta sa mahabang mesa rito sa kaharian ng Maligouania. Tilanpara bang nagpupulong ito.

"Ano ang susunod nating hakbang, mahal na quera?" Tanong ni Valle Sheba.

"Nandito na sa ating kaharian ngayon si Viscus. Wala na tayong espiya na magbabantay sa bawat hakbang ng mga Agonian." Panimula ni Quera Violeta.

"Ang ginawa ko ay nagpadala ako ng liham pangkapayapaan." Dagdag ni Quera Violeta.

"Ano?!" Sabay na sigaw ng lahat na ngayon ay nakakunot ang mga noo at may mga nagtatanong na tingin.

"Oo. Mainam 'yon. Nang sa gayon ay malaya tayong makakalabas pasok sa kanilang kaharian." Sabi ni Quera Violeta.

"Patawad, mahal na quera. Ngunit kailangan kong makisali sa inykng pagpupulong. Matagal ko nang kilala ang mga Agonian. Hindi sila basta basta naniniwala." Sabi ng kung sino.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now