Chapter 5

6 1 0
                                    

Matapos ang pagpupulong nina Kenneth at Reina kasama ang mga cleo at clea ng kaharian ay agad na silang nagtungo sa kanilang kwarto. Kasalukuyang nandito na sika ngayon ni Kenneth at Reina sa kanilang kama.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang hatol ko." Sabi ni Reina na ngayon ay nakahiga sa kanilang kama katabi si Kenneth. Sinabi niya ang mga salitang 'yon habang nakatulala mula sa kawalan.

"Trabaho mo 'yan bilang quera. Dapat marunong kang magdesisyon sa sarili mo at hindi nakadepende sa iba." Sabi ni Kenneth na nakahiga sa tabi niya. Tila sinabi niya ang mga salitang 'yon nang may mga malalamig na tingin kay Reina at blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Pero ang hirap naman kasi. Sana kung kilala ko y'ong mga hinuhusgahan ko na mga kriminal edi mas madali na sanang humusga." Sabi ni Reina na ngayon ay nakaupo na sa kanilang kama at nakatingin kay Kenneth nang may halong tensyon sa mga mata.

"Hindi 'yon y'ong trabaho mo, mahal na quera." Sabi ni Kenneth na may halong pagiging sarkastiko ang tono ng pananalita at pagkatapos ay inirapan si Reina.

"Ang trabaho mo ay ang manghusga. Kahit na sinumang ipapahusga sa'yo ay dapat marunong kang magdesisyon. Ako ang trabaho ko ay ang mapalakas ang hukbo ng sandatahan ng ating kaharian. Sa'yo ay ang pamamalakad sa mga salapi at paghuhusga. Kaya darating din ang mga araw na maging ang mga taong inaakalang mong inosente ay huhusgahan mo rin. 'Wag kang tumingin sa harap ng isang tao, tumingin ka sa likod. Baka may hawak na patalim sa bandang likuran at magising ka nalang na nakasaksak na sa'yo ang patalim na dala ng taong inaakala mong inosente." Mahabang sabi ni Kenneth na ngayon ay nakatingin na kay Reina.

"Teka, akala ko ba bati na tayo?" Nakakunot noong tanong ni Reina.

"Oo nga. Eh ikaw lang naman..." Sabi ni Kenneth habang nakatungo at hindi na niya tuluyan pang narinig ang sinabi ni Kenneth dahil mas humina pa ang boses ni Kenneth no'ng bigkasin niya ang karugtong na mga salita.

"Anong sabi mo?" Nakakunot noong tanong ni Reina na ngayon ay mas kumunot pa ang kanyang noo.

"Wala. Mabuti pa matulog ka nalang." Sabi ni Kenneth at inayos ang malambot na unan ni Reina saka agad na marahang pinahiga si Reina.

Agad din namang ipinikit ni Reina ang kanyang mga mata.

Lumipas na ang dalawang oras at heto pa rin ngayon si Kenneth. Kasalukyan siyang nakatingin sa natutulog nang si Reina.

"Alam mo? Okay lang naman sa'kin na magselos ka sa'min noon ni Dalia eh. In fact ng sarap nga sa pakiramdam kong nagseselos ka sa'min. Pero sana, kung ikaw man talaga ang pumatay kay Dalia. Sana sinabi mo nalang na gusto moko at nagseselos ka. Handa rin naman akong ibigin ka, Reina. Hindi na kailangan pang kumitil ka ng buhay." Mahinang sabi ni Kenneth habang nakatingin sa natutulog na si Reina.

*FLASHBACK*

Nandito na ngayon sina Cleo Deo sa kanilang paaralan sa Aristrophis na isa sa mga school of magic dito sa mundo ng Agonia.

Nandito sila sa isang tagong hallway kung saan ay walang masyadong dumadaan. Sa lahat ng mga Cleo ay si Cleo Deo lang ang napiling maging Cleo mula sa paaralan ng Agonia. No'ng studyante pa lamang sila ay magkakaibigan na sina Cleo Deo at Quero Kenneth.

"Sigurado ka na ba talaga, tol?" Tanong ni Cleo kay Kenneth Bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Oo naman, tol. Ito lang ang alam kong paraan. I have no choice" sagot naman ni Kenneth at pagkatapos ay napatungo nalang saka napakamot sa kanyang ulo.

"Tss. Ang sabihin mo torpe ka." Sabi ni Cleo Deo.

"Pero sigurado kana ba talaga sa gagawin mo? Kapag nagkataong sinagot ka niya at malalaman niya ang tunay na dahilan ay magiging malaking gulo 'to. Pag-isipan mong mabuti, tol." Tanong ni Cleo Deo na bakas na bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن