Chapter 27

1 0 0
                                    

"Ayon sa nabasa kong libro na Tacticas De Lucha ay ang Quero raw ang lakas ng bawat kaharian. Ngayon, kung ikaw ang lakas ng Agonia. Ano pang laban nila sa Maligouania kung ngayon pa lang ay tatapusin na kita?" tanong ni Valle Sheba habang sakal-sakal si Quero Kenneth. Saka siya napangiti ng isang mala demonyong ngiti.

"Patay ka na bago mo pa siya mapatay." 'yan ang narinig nilang sinabi ng isang napakapamilyar na boses.

Kaya naman ay agad na sabay na napatingin sina Quero Kenneth at Valle Sheba sa lugar kung saan nagmula ang isang napakapamilyar na boses.

Agad din naman nilang nakita si Clea Gia na siyang nagsalalita. Kasama niya sina Cleo Deo, Cleo Blake at Clea Heya.

Nakita nila si Clea Gia na nakabuka ang palad at itinutok kay Valle Sheba ang perlas ng Ignis.

Ang lahat ngayon ay nakatingin kay Valle Sheba na bihag si Quero Kenneth.

Agad na tumayo si Valle Sheba na bihag pa rin si Quero Kenneth.

"'Wag kayong mag-alala dahil hindi ako inutusan ng aking mahal na Quera Violeta na kitilan ng buhay ang inyong walang kwentang Quero." Sabi ni Valle Sheba saka gumuhit sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

Agad niyang tinulak si Quero Kenneth patungo sa gawi nina Clea Gia. Nang matulak niya si Quero Kenneth ay agad niyang sinipa sa likod si Quero Kenneth na naging sanhi upang madapa ito sa harapan nina Clea Gia. Ngunit agad din naman itong tinulungan ni Cleo Deo upang makatayo at inalalayan niya ang nanghihinang si Quero Kenneth.

"Tuso talaga kayo." Sabi ni Cleo Blake.

Agad din namang mas lumapad pa ang mala demonyong ngiti na sumilay sa labi ni Valle Sheba.

"Hindi kami tuso. Wala namang usapan ang ating mga kaharian na bawal kayong sugurin kahit hindi pa araw ng digmaan. Saka 'yan kasi ang problema sa inyo. Puso ang ginagamit nyo sa labanan habang kami naman ay utak. Kaya nga nilikha tayo ng mga bathala na nasa mas itaas pang parte ang kinalalagyan ng utak kaysa sa puso. Upang diktahan ng utak ang puso, hindi ang diktahan ng puso ang utak. Upang mas gamitin natin ang utak at hindi ang puso." Mahabang sabi ni Valle Sheba.

"Pinapunta ako ng mahal na Quera Violeta rito upang ipaalam sa inyo na hindi kami natatakot sa inyo! Narito ako upang iparating sa inyo na may bago nang hahamon sa inyong panunungkulan at kapangyarihan sa buong mundo ng Alynthi!" sigaw ni Valle Sheba saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

"Ngunit paano ka nakapasok dito?" nakakunot noong tanong ni Clea Heya.

"Conice quid." Nakangiting sabi ni Valle Sheba na nangangahulugang 'Hulaan nyo'. Saka agad na muling gumuhit sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

Kaya naman ay agad na nagsalubong ang kilay ni Clea Gia saka walang pag-aatubiling pinakawalan ang napakalakas na enerhiya mula sa perlas ng Ignis. Saka agad na itinama kay Valle Sheba.

Ngunit agad na naglaho si Valle Sheba ng napakabilis na mas mabilis pa sa hangin.

"Punyetaaaaa!!!!" nanggagalaite sa galit na sigaw Clea Gia.

Makalipas ang ilang oras ay nandito na ngayon sina Quera Violeta, Valle Sheba, Valle Harmona, Valle Shanta at Valle Prospheta sa isang bilog na mesa na may mapa na nakalagay sa gitna ng mesa. Tila kanina pa ang mga ito nagpupulong.

"Ano?! Hindi lang ikaw ang Quera namin?!" naguguluhang sigaw ni Valle Harmona habang punong-puno ng kuryosidad ang kanayng mga mata.

Hindi lang si Valle Harmona ang naguguluhan sa ibinunyag ni Quera Violeta sa kanila. Kahit na sina Valle Shanta, Valle Prospheta at Valle Sheba ay may malalaking question mark din sa kanilang mga noo.

"Oo." Nakangiting sagot ni Quera Violeta.

"K-Kung gano'n ay sino ang pangalawang quera? Si Lady Viscus?" nauutal at nakakunot noong tanong naman ni Valle Prospheta.

"Hindi. Akala ko ba naman ay nakuha mo kaagad kung ano ang ibig kong sabihin Valle Prospheta dahil sa taglay mong katalinuhan." Nakangiti pa ring sagot ni Quera Violeta.

Agad na namutawi sa pagitan nilang lahat ang isang nakakabinging katahimikan.

"Hayaan nyong ipakilala ko siya sa inyo. Ang pangalawang Quera ng Maligouania! Si Quera Nnahja!!!" sigaw ni Quera Violeta saka muling sumilay sa kanyang labi ang isang ngiting abot hanggang langit.

Sabay-sabay silang lumingon sa bandang likuran ni Quera Violeta.

Agad na nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa kanilang mga nakita. Nanlalaki ngayon ang kanilang mga mata na para bang halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang katawan. Kung pwede pang mahulog sa lupa ang kanilang mga mata ay nahulog na ito.

"P-Paanong siya." Nauutal na sabi ni Valle Sheba.

"T-Totoo ba 'tong mga nakikita ko?" nauutal na tanong ni Valle Shanta.

"H-Hindi ba nagsisinungaling ang mga mata ko?" nauutal na tanong ni Valle Harmona.

"Unpredictable ka talaga, Quera Violeta. H-Hindi ka nabigo na surpresahin kami. I-Inaamin ko na nangunguna ako sa mga matatalino sa magic school noon ngunit hindi ko magawang mapredict ang bawat galaw mo, mahal na Quera. You always surprise us." Nauutal at mahabang sabi ni Valle Prospheta haabng namamanghang nakatingin sa nasa kanilang harapan ngayon.

"Yes, ang inyong mga nakikita ay totoo. Siya ay ang pinakamamahal na ina ng Quera ng Agonia na si Quera Reina." Sabi ni Quera Violeta saka muling umukit sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

"N-Ngunit paano mahal na quera?" nauutal at nakakunot noong tanong ni Valle Sheba.

"Simple lang." sabi ni Quera Violeta gamit ang kanyang isip.

"N-Ngunit bakit kailangan pang sa isip natin mag-usap mahal na quera?" nauutal at nakakunot noong tanong ni Valle Shanta sa pamamagitan ng kanyang isip.

"Dahil wala siyang alam sa  kanyang nakaraan. Binura ko ang kanyang isipan at pinalabas ko na siya ay isa sa mga Quera ng Maligouania." Sagot naman ni Quera Violeta.

"N-Ngunit paano mo siya nakuha mahal na Quera? Gayong mas bantay sarado ng Agonia ang mga lugar ng Agonia na siyang pinagmulan ni Quera Reina." Anuutal at nakakunot noong tanong naman ni Valle Harmona gamit ang kanayng isip na bakas na bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pagtataka.

"No'ng nasa kaharian kayo at sinubukan ang kapangyarihan ng perlas ng Liamen kung paano gamitin ay umalis ako sa inyo nang hindi nagpapaalam. Nagtungo ako sa bahay kung saan nakatira ang tanging nakatira nalang sa kanilang bahay na si Nnahja, ang ina ni Quera Reina. Matagal ko nang minamanmanan ang bahay ng pamilya ni Quera Reina. Balita ko ay nasawi ito no'ng ito ay naghahanapbuhay at pumalaot upang manghuli ng isda. Kaya si Nnahja nalang ang natira. Ang ginawa ko ay agad ko siyang dinukot at ginala rito sak haarian. Dito ko na binura ang kanyang buong alaala." Mahabang sabi ni Quera Violeta sa pamamagitan ng kanyang isip.

Kaya naman ay agad na nagliwanag ang mukha ng kanyang mga Valle senyales na naliwanagan na ito sa lahat na nangyari.

"Tingnan nalang natin kung magagawa pa ba ng mga Agonian na makapagpokus pa digmaan gayong alam nila na isa sa kanilang mga kalaban ay ang ina ng kanilang mahal na Quera. Tingnan natin kung makakaya ba ni Quera Reina na kitilan ng buhay ang kanyang ina." Sabi ni Quera Violeta saka agad na gumuhit sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon