Chapter 25

1 0 0
                                    


Nandito ngayon si Pinunong Shintou sa isang madilim na pasilyo sa loob ng kaharian ng Agonia kung saan ay tanging mga kulay pulang ilaw lang sa bawat dingding ang nagsisilbing ilaw dito sa buong pasilyo.

Naglalakad ngayon si Pinunong Shintou patungo sa Niqueras. Isang silid kung saan nakalagay ang mga sandata na ang tanging pwedeng gagamit ay tulad ni Pinunong Shintou at iba pang mga engkantdong may matataas na posisyon sa kaharian ng Maligouania. Nakakagamit ng mga sandatang nasa Niqueras tulad nina Quera Reina, Quero Kenneth, mga Cleo at ang mga Clea.

Habang naglalakad si Pinunong Shitou ay agad siyang napahinto sa kalagitnaan ng paglalakad. Ngayon ay nandito na siya sa lugar kung saan ay medyo malapit na siya sa pintuan sa silid ng Niqueras.

Agad na napatingin si Pinunong Shintou sa bandang likuran niya. Ngunit ang nakikita lang niya ay ang dilim na medyo may ilaw na pula dahil sa ilaw na nasa dingding.

"Sino 'yan?!" sigaw ni Pinunong Shintou habang magkasalubong ang kilay. Tumitibok ang kanyang puso ng napakalakas habang isinigaw niya ang mga salitang 'yon. Tumitibok ito ng napakalakas na para bang gustong gusto na nitong lumabas mula sa kanyang rib cage.

"Nararamdaman kita. Kung sino ka man! Magpakita ka!" nanggagalaite sag alit na sigaw ni Pinunong Shintou.

Ngunit habang hinihintay na may sasagot o magpapakita sa kanya ay mas lalo lang siyang nainip. Kaya naman ay agad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan.

Agad niyang itinaas anng kaliwa niyan kamay at agad din namang lumabas doon ang larawan na gumagalaw kung saan ay may parang laser sa kanyang larawang nakikita ngayon. Nakita niya ang buong pasilyo kung nasaan siya ngayon. Agad niyang pinalibutan ng kulay pula na laser ang buong buong larawan at agad din namang napalibutan ng laser ang pasilyo na siyang kinatatayuan niya ngayon.

Habang pinagmamasdan niya ang paligin at ang laser ay agad na may parte ng laser na naging kulay berde naging sanhi ng pagsabog ng kung ano.

Nagkulay berde ang kanayng laser at ito ay nangangahulugang may nahagip na kung ano.

Agad din namang sumigaw na kung ano nang may sumabog saka agad itong bumulagta sa harapan ni pinunong Shintou. Napailing din naman kaagad si Pinunong Shintou dahil sa kanyang nakita.

Nakita niya lang naman ang nakabulagta nang ibon. Sunong na sunog ito dahil sa labis na pagsabog at labis na pinakawalang enerhiya na tumama sa katawan ng ibon.

"Tss. Ibon lang pala." Sabi ni Pinunog Shintou saka agad na lumapit sa gawi kung nasaan ang pinto ng Niqueras.

Agad niyang tiningnan ang nakalock na pinto ng Niqueras. Nakalock ito at kailangan mong isulat sa hangin ang sikretong salita upang makapasok sa Niqueras.

Sa harapan ni Pinunong Shintou ay may lumabas na mga letra na siyang dapat na idecode ni Pinunong Shintou upang makapasok siya sa Niqueras. Sa lahat ng silid ay ito lang ang may sikretong salita at may matindng seguridad dahil nandito ang lahat ng makapangyarihang sandata. Kahit na ang pinakasumpa-sumpang sandata ng Veteris Quera ng Maligouania na minsan na ring nagtangkang sakupin ang buong mundo ng Alynthi.

Pati ang amulet na isinumpa ng isang bathaluman ay nasa loob din ng Niqueras. Kahit ang tungkod ng Quera ng karagatan noon na isang sirena na si Quera Aquadita. Noong unang panahon pa umuugong ang kwentong 'yan. Hanggang ngayon ay nag-iwan ito ng isang napakatibay na ebidensya na may isang Quera Aquadita nga na nabubuhay dito sa mundo ng Alynthi noon. At ang ebidensya na magpapatunay ay ang kanyang makapangyarihang tungkod.

Nang makita ni Pinunong Shintou ang mga letra na nasa kanyang harapan ay agad niya itong sinumlan na idecode.

_ _._....._._.._._.._._...._.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now