I'm Born as an Eryndor! (Seas...

Bởi itsmarresemonika

418K 24.9K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... Xem Thêm

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173

Chapter 50

2.2K 154 5
Bởi itsmarresemonika


"Narito na po tayo, Kamahalan." bigay-abiso ng mayordomo ni Emperador Audrick nang tumigil ang sinasakyan niyang karwahe sa harap ng Palasyo ng Cyan.

Sumilip siya sa labas. Alam niyang biglaan ang pagpunta niya dito, lalo na't lingid ito sa kaalaman ni Vencel na naririto siya ngayon. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Kinakailangan niyang makita ito sa lalo madaling panahon. Bumaling siya sa kaniyang personal na tagapagsilbi. "Ipagbigay-alam mo sa mga kawal na naririto ako. Hinihiling kong makita ang Emperador ng Cyan." matigas niyang utos.

Bahagya itong yumuko saka lumabas ng karwahe.

Nang marinig niyang nagsara ang pinto ay humalukipkip siya't hindi mapigilang kumawala ng marahas na buntong-hininga. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Bago niya naisipang pumunta dito ay hinahanap niya ang tinutukoy na magiging tagapag-alaga ni Otis subalit bigo siya mahanap ito. Kahit sa kasuluk-sulukan ng Palasyo ay hindi nila mahanap. Sinubukan din niyang puntahan ang silid ng unang prinsipe ay bigo pa rin siya. Wala ito. Gayundin ang kanang-kamay nito na si Egos ay wala din. Hindi niya malaman kung nasaan ang kaniyang anak.

Pabalik siya ng kaniyang silid ay hinabol siya ng isa din sa mga tagapagsilbi niya, sinasabi na umalis daw ang unang prinsipe at tutungo ito ng Cyan upang makita ang nag-iisang prinsesa.---si Prinsesa Styriniana. Dahil d'yan ay agad niyang ipinag-utos na ipahanda ang kaniyang karwahe at pupunta siya sa bansang Cyan nang wala sa oras. Lalo sa mga nalaman niya. Nasa Cyan na pala ang kaniyang unang anak.

Ilang saglit pa ay muli nagbukas ang pinto ng karwahe. Agad niya 'yon binalingan. Nakabalik na ang kaniyang personal na mayordomo.

"Kamahalan, pinagbigyan na po tayo ng kamahalan, ang Emperador ng Cyan na hinihiling nating makita siya. Pinapasabi niyang mag-uusap daw po kayo sa hardin ng Palasyo." magalang nitong sabi.

Sunud-sunod niyang tango, naiitindihan niya ang ibig ipahiwatig ni Vencel. Muli sumakay ang mayordomo saka umusad na ang karwahe hanggang sa tagumpay sila nakarating sa loob ng Palasyo. May dalawang butler at dalawang maid ang nakatayo sa isang direksyon, nakaantabay sa kaniyang pagdating. Marahil ay pinagsabihan ito ni Vencel na ito ang magsusundo at maghahatid sa kaniya papunta sa sinasabing hardin.

Pinagbuksan siya ng pinto nang huminto na ang sasakyan. Nilapitan at nagbigay-pugay ang mga tagapagsilbi ng mga Eryndor nang makita siya. Sinabi ng isa sa mga lalaki na sundan siya't ihahatid siya ng mga ito kung nasaan na ngayon si Vencel at kasalukuyan na ito naghihintay sa kaniyang pagdating. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil pinagbigyan siya nito na makipagkita kahit biglaan.

Agad niya natanaw si Vencel na tahimik na nakaupo ngunit nakatalikod ito sa kaniya. Kahit na nakatalikod ito ay nakikita niya na nainom ito ng tsaa. Dahil sa tunog ng kaluskos mula sa damo na kaniyang tinapakan ay nakuha niya ang atensyon nito. Agad ito tumayo saka lumingon sa kaniyang direksyon. Binigyan siya nito ng malamig na tingin na karaniwan niyang nakikita noong mga bata palang sila.

"Binabati ko ang Emperador ng Thilawiel." kahit pagbati nito ay nanatili pa ring malamig. "Anong nag-udyok sa iyo at naparito ka sa aking teritoryo?"

Mariin pumikit si Emperador Audrick. "Naparito ako dahil sa importanteng bagay, Vencel." walang pasubali niyang sabi.

Kusang kumunot ang noo nito. "Anong importanteng bagay na ito?" medyo naguguluhan na tanong sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago siya muli nagsalita. "Naalala mo pa ba ang binabanggit ko sa iyo tungkol sa sagradong itlog ng agila ng niyebe?"

Naningkit ang mga mata nito. "Sinasabi na hindi pa ito nababasag sa loob ng mahigit limang daan na taon. Sa oras na mabasag ito sa ika-isang libong taon, ito ang magiging hudyat na magiging tagapag-alaga ng susunod na magiging Emperador at magiging Emperatris ng Thilawiel. Tama?"

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Kung ganoon...?"

"Nabasag na ang itlog, Vencel." mabilis niyang sabi. Natigilan si Vencel. "Nagising na ang bunga sa pamamagitan ng basbas ng agila ng niyebe. Para sa akin ay masyadong maaga pa upang mabasag ito. Pero, itinuro na niya kung sino ang mapapangasawa ni Otis."

Kumunot ang noo ni Vencel. "Sino kung ganoon?"

"Ang nag-iisa prinsesa, si Prinsesa Styriniana."

Natigilan si Vencel sa naging pahayag niya. Kitang-kita niya kung papaano kinuyom nito ang mga palad. Habang papunta palang siya dito ay alam na niya na ganito ang makukuha niyang reaksyon sa oras na sabihin niya ang bagay na ito. Lalo na't may kinalaman ang nag-iisa nitong anak na babae, si Rini. Wala na rin siyang oras na asarin ito dahil seryosong usapin ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa.

"Vencel," tawag niya dito.

Umigting ang panga nito. Pinipigilan nito na magalit o magwala. "Papaano mong nasabi na may kinalaman si Rini upang magising na ang magiging tagapag-alaga ng iyong anak, Audrick?" matigas, mas seryoso, mas malamig na tanong nito sa kaniya.

"Nakita ko na nag-usap sila sa loob ng hardin ng Palasyo sa Thilawiel." tugon niya, hindi siya nagpatinag. Nagsusukatan sila ng tingin. "Kahit kami ng aking esposa, ang dating Emperatris, ay hindi nangyari sa amin ang bagay na 'to pero hindi ka ba nagtataka kung bakit?"

Tumalim ang tingin nito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Sinasabi sa propesiya na magiging mas tagumpay ang Cyan sa oras na ipapanganak ang mga mata ng kaluluwa? Hindi mo ba napapansin na marami na nangyayari na kakaiba na naging malaking balita na may kinalaman sa iyong bunsong anak?"

Natahimik si Vencel."Huwag mong sabihin na ipapakasal mo ang anak mo sa anak ko?" diretsahan nitong tanong. "Kung ganoon man, hinding hindi ako papayag. Hangga't maaga palang ay tumatanggi na ako. Ayokong maging biktima ang anak ko na ipapakasal siya nang dahil sa politika." malamig niyang turan.

"Ganoon din ako, Vencel. Ayoko din na pakasalan ni Otis ang babae na hindi rin niya mahal. Dahil 'yon ang itinuro ko sa kaniya." matigas niyang wika. "Pero kung hindi magawang maging isa ang dalawa, mawawala din ang bunga ng basbas ng agila ng niyebe nang parang bula.... Ang mas malala pa ay nakadugtong na ang mga buhay nila sa sinasabing tagapag-alaga."

Nanlaki ang mga mata ni Vencel. Walang sabi na kinuwelyuhan siya nito. Nagngingitngit ito sa galit. "Sinasabi mo ba sa oras na mawala ang tagapag-alaga, mawawala din ang anak ko, ha, Audrick?!"

Hindi agad nagsalita ang Emperador ng Thilawiel. Mataimtim siya nakatingin nang diretso sa mga mata ni Vencel. "Masakit man pakinggan pero 'yon ang totoo, Vencel." mahina niyang sagot.

Ramdam na niya ang panginging ng kamao ni Vencel dahil sa galit. Sa huli ay nagawa siyang bitawan ngunit marahas. Tinalikuran siya nito. "Pag-iisipan ko." malamig nitong sambit. "Titingnan ko kung sasang-ayon ba si Rini dito." madamdamin pa niyang dagdag.

Marahang pumikit si Emperador Audrick. "Naiitindihan ko kung anong nararamdaman mo, Vencel. Tulad mo, isa din akong ama, ayoko din mawala si Otis. Kailangan ko din protektahan ang anak ko." wika niya sa mahinang boses. Mas kalmado.

"Tingin mo ba... Nabigo ako sa tungkulin ko bilang ama ni Rini?" namamaos na tanong ni Vencel. "Dahil sa propesiya ng Thilawiel, mapapahamak na ang buhay niya. Hindi ko nagawa ang pangako ko..."

"Hindi ka nagkulang bilang ama sa kaniya, kahit sa mga prinsipe. Nagampanan mo nang maayos ang responsibilildad mo bilang ama sa kaniya. Sadya lang nangyayari na talaga kung ano ang mga dapat mangyari." sagot niya. "Isa lang ang maipapangako ko sa iyo, Vencel sa oras na tanggapin ni Prinsesa Styriniana kung ano ang nakatadhana para sa kaniya."

Malamig siya nitong sinulyapan. Inaabangan ang susunod niyang sasabihin.

"Hinding hindi ko gagamitin ang anak mo sa politika. Hinding hindi ko siya papakailaman Ituturing ko din siyang anak ko tulad ng pagtrato ko sa mga anak ko." tinapik niya ang isang balikat ng kaharap. "Ipapangako ko na poprotektahan ko siya sa poder ko.

Namumungay na ang mga mata nito. "Buhay mo ang kapalit sa oras na malaman ko na nasaktan si Rini sa Thilawiel."

Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya. "Malakas at matalino ang anak mo, Vencel. Tulad mo, hindi siya ang tipong magpapatalo, hindi niya rin ipapakita kung ano ang kahinaan niya. Hayaan mo minsan na madiskobre at maranasan niya kung ano ang tunay na mundo na ginagalawan natin. Iyon ang magpapatibay pa sa kaniya."

**

Halos dalawang linggo nang nakalipas ay nagawa nang makabalik ng Jian Yu si Prinsipe Ting Fei, pati ang kanang kamay niyang si Liu Du Yi na anak ng isa sa mga ministro. Samakatuwid ay isa ito sa kanilang pinsan na malalapit naman talaga sa magkapatid---ang emperador at ang prinsipe. Simula pagkabata ay ito na ang inatasan na magiging kasama at kanang-kamay ng pangalawang prinsipe.

Sadyang binagalan na nina Ting Fei at Du Yi ang pagpapaandar nila sa kanilang mga kabayo nang narating na nila ang Kapitolyo. Ilang saglit nalang ay mararating na nila ang Palasyo na dala nila ang isang masama at magandang balita. Hindi lang sigurado si Ting Fei kung matatanggap ba ng kaniyang nakakatandang kapatid ang masamang balita pero nananalig siya na magawa pa rin mapagalingin ito sa pamamagitan ng nakakagamot na nakakagaling na gayuma na mismo si Binibining Ceola ng Cyan ang nagrekomenda sa kaniya, tutal ay bihasa ito sa paggamit ng mga mahika at mga gamot.

Dahil sa suot nilan itim na han fu, ang tradisyonal nilang kasuotan, hindi agad sila matunungan na kabilang sila sa pamilyang Imperyal. Hindi rin sila makikilala agad dahil sa suot nilang malapad na sumbrero na yari sa kawayan.

Tulad ng karaniwang araw sa Kapitolyo ng Jian Yu, puros mga abala at maiingay ang mga mamamayanan. Mas gusto ni Ting Fei ang ganito. Nagkakaroon ng kapayapaan sa kaniyang sistema. Hindi tulad ng kanilang ninuno na puro gulo, away at digmaan ang palaging nagaganap sa kanilang Kaharian. Kung hindi rin dahil sa kanilang ama, ang yumaong Emperador, na kilala bilang isa sa mga pinakamarangal na tao ng Jian Yu, ay hindi nila matitikman ang ganitong pamumuhay. Kung kaya ginagawa nila magkapatid ay sundan kung ano ang nasimulan ng kanilang ama.

Hindi kalaunan ay papalapit na sila sa Palasyo ng Imperyo. Pinagmasdan sila nang mabuti ng mga kawal ng Palasyo. Nang masilayan nila ang kanilang mga mukha ay hindi sila nagdalawang-isip na pagbuksan ang malaki at malapad na tarangkahan ng Palasyo. Talagang inanunsyo pa nila ang kaniyang pagdating. Nang madadaanan niya ang mga bantay ay agad yumuko ang mga ito sa kanila bilang pagbati. Tumango siya ng kaunti saka muli niya pinagtuunan ng pansin ang kaniyang nadadaanan.

Itinigil lamang niya ang kabayo nang napadpad na siya sa harap ng Palasyo ng Emperador. Bumaba na siya mula sa pagkasampa niya dito. Gayundin ang kasama niyang si Du Yi. Humarap siya sa direksyon ng Palasyo, sumalubong sa kaniya ang nakahilerang mga tagapagsilbi ng mahal na emeprador, parte ng pagbati sa kaniya sa kaniyang pagbabalik. Tahimik siyang humakbang hanggang sa marating niya ang silid kung nasaan naroroon ang nakakatandang kapatid, si Emperador Yu Shan.

"Kamahalan, Mahal na Emperador, hinihiling kang makita ng mahal na prinsipe, si Prinsipe Ting Fei." anunsyo ng lalaking tagapagsilbi mula sa labas ng silid.

"Maaari siyang makapasok." rinig niyang sagot nito mula sa loob.

Agad siya pinagbuksan ng pinto. Humakbang siya papasok at nanatiling nakatayo. Naabutan niya ang kaniyang kapatid na kakatapos lang uminom ng pinakulo na halamang gamot. Hinintay niya na matapos makainom ang emperador ng gamot. Hindi rin nagtagal ay ibinalik na ng emperador ang hawak nitong mangkok sa mayordomo nito. Tinanggap ito ng mayordomo at umatras nang isa saka yumuko bilang pagpapaalam. Tahimik itong umalis sa silid.

"Ting Fei," nakangiting tawag sa kaniya ng nakakatandang kapatid. "Halika."

Doon na kumilos ang pangalawang prinsipe. Humakbang siya papalapit nang kaunti saka lumuhod siya nang nakaupo sa harap ng Emperador ng Jian Yu. Bakas sa mukha nito na nahihirapan na sa iniindang sakit pero dahil may dala siyang gamot, ipinapanalangin niya sa dragon at piniks na sana ay tuluyan nang mawala ang sumpa na nakabalot sa katawan ng nag-iisang kapatid.

"Nakabalik na po ako, mahal na Emperador." magalang niyang panimula.

Tumango ito. "Ano nang balita sa iyong paglalakbay, Ting Fei?" bakas sa mukha at boses nito ang kagalakan. Sabik na marinig ang magagandang balita na kaniyang hatid.

"Tagumpay ko pong nakausap ang nag-iisang prinsesa ng Cyan, kamahalan." pormal niyang pagbabalita. "Malaki ang pagpapaasalamat namin ay ipinaunlakan niya ang hiling namin na makausap siya at nagawa nga niyang tumulong ukol sa inyong sakit."

Kusang sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Emperador Shan sa magandang balita. "Kung ganoon ay kasama ninyo na siya?" bakas sa tono nito ang pagkasabik.

Mas iniyuko niya ang kaniyang ulo. "Patawad, pero hindi po namin siya kasama. Nasabi ko din po sa kaniya na siya ang itinuturo ng propesiya na siya ang mapapangasawa ninyo." ngumiwi siya. "At hindi ko po akalain na mismo ang Emperador at mga Prinsipe ng Cyan ang tumanggi na mapapangasawa ninyo ang nag-iisang prinsesa. K-kahit mismo ang prinsesa ay tumanggi. Pinapasabi po niya na tinanggihan niya ito at mas maganda daw kung maghanap na lang daw po kayo ng iba."

Mahinang tumawa ang Emperador, hindi mapigilang iangat ni Tin Fei ang tingin niya sa kapatid. Gumuhit sa mukha niya ang pagtataka. "Tulad ng inaasahan, masyadong pinoprotektahan ng mga Eryndor ang nag-iisang prinsesa. Alam ko din na hindi nila basta-basta bibitawan ito lalo na kung may kinalaman sa Jian Yu." marahan niyang sambit. "Hindi ko rin akalain na masyado palang prangka ang mahal na prinsesa." kahit na nakangiti ito ay hindi rin maiwasan sa mga mata nito ang kalungkutan.

"Kamahalan..." nag-aalala niyang tawag sa Emperador.

Tumingin ito sa kaniya. "Pero may lunas pa rin daw ba para sa sumpa na nakabaon sa aking katawan?" pilit maging masigla ito sa harap niya.

Bago siya sumagot ay may inilabas siyang mga bote ng gamot mula sa loob ng suot niyang han fu. Marahan niyang ipinatong ito sa mababang mesa sa harap nito. Bumaba ang tingin ni Emperador Shan doon. "Hindi man namin tagumpay na makuha ang kamay ng nag-iisang prinsesa, binigyan naman niya kami ng ibang paraan upang makahanap ng gamot para sa inyong sakit, kamahalan. Iminungkahi niya kami sa malapit niyang kakilala na isa sa mga pinakamagaling na salamangkero na kasamahan niya din sa paligsahan ng pyesta ng pangangaso, na ngayon ay kilala din isa sa mga bayani ng Loray. Si Binibining Ceola. At iyan po ang mga gamot na inirekomenda niya sa akin. Ang sabi po ni Binibining Ceola, ang epekto po nito ay hindi agad mawawala ang sumpa, sa halip ay paunti-unting niya ito aalisin mula sa inyong katawan." pagpapaliwanag niya.

Umawang ang bibig ng Emperador nang marinig niya tungkol sa bagay na ito. Agad niyang hinawakan ang bote ng nakakagaling na gayuma. Gumuhit sa mukha niya ang kagalakan, na nakakita siya ng pag-asa upang mabuhay pa nang matagal. Na para mapapamunuan pa niya ang iniwan na Dinastiya ng kanilang ama.

"Sa oras na umepekto nga ang gamot na ito, ako na mismo ang bibisita sa Cyan upang maghatid ng pagpapasalamat sa mga Eryndor, kay Binibining Ceola, lalo na sa nag-iisang prinsesa ng Cyan... Si Prinsesa Styriniana."

Gulat na tumitig si Ting Fei sa Emperador. 'Huwag niyang sabihin na itutuloy talaga niya ang nakasaad sa propesiya na ito nga ang magiging Emperatris niya?' sa isip niya.

Pero mas ipinagtataka niya kung bakit ganito na ang inaakto ng Emperador. Habang lumalaki ay nakikilala niya ang kaniyang nakakatandang kapatid na matalino, marangal at maingat sa pagdedesisyon. Pero ni minsan ay wala siyang nabalitaan na may mga babae na pumupukaw ng kaniyang atensyon. Kaya kahit sa edad na dalawapu't tatlo ay nagawa pa rin itong manatili bilang binata bagama't ilang beses na ito kinukulit ng lupon at mga opisyal na mag-asawa at magkaroon na ng mga supling upang mababanggit bilang susunod na tagapagmana ng Dinastiya ng Jian Yu. Kahit na ilang beses na ito ipinakilala sa iba't ibang dalaga na nanggaling pa sa kilala at prestihiyosong pamilya. Subalit bakit ang isang dayuhan na prinsesa ang nakakuha ng atensyon ng Emperador? Dahil lang ba talaga ito sa propesiya na ibinigay sa kanila? O may dahilan pa?

"Kuya?" hindi niya mapigilang tawagin ito.

"Ano 'yon, Ting Fei?"

"Bakit siya ang gusto mong maging Emperatris? Bakit hindi mo nalang siya gawing karaniwang asawa (Concubine/Mistress) o hindi kaya maging Imperyal na marangal na asawa (Imperial Noble Consort) ng isang Emperador? Sa palagay ko ay katanggap-tanggap ito ng lupon." isinatinig niya kung ano ang kaniyan naiisip.

Mapait na ngumiti si Emperador. "Maitanong ko lang, nasaksihan mo kung anong kayang gawin ng nag-iisang prinsesa ng Cyan, tama?"

Tumango siya bilang tugon.

"Sa tingin mo ba, sa mga nakita mong kakayahan niya at naging kampeon sila sa malaking paligsahan na 'yon, maihahanay ko lang siya bilang isang karaniwang asawa lamang ng Emperador? Ayokong sayangin ang isang tulad niya." marahan itong pumikit. "Alam mo kung anong titulo na katumbas ng Emperatris ng Jian Yu. Iyon ay ina ng lahat sa ilalim ng kalangitan, ang ina ng bansa. At siya ang pinakaperpekto na halimbawa, Ting Fei."

Napatulala siya sa naging pahayag ni Emperador Shan. Napalunok siya at bumaba ang tingin. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung bakit ipinakita nito ang determinasyon na magpagaling.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

108K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
4.2K 546 34
I am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...