After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 2.9

142 7 1
By shytryfly

"Get your things and we will have lunch."

"Get your things and we will have lunch."

"Get your things and we will have lunch."

"MA'AM SHAZE?!" Ang malakas na boses na iyan ang nagpabalik sa akin sa wisyo.

"P-po? Ma-Ma'am Pil a-ano po sabi niyo?" Medyo lutang at gulat na sabi ko kay Ma'am Pil.

Hindi pa rin ako nakakapasok sa room dahil noong sakto na papasok na ako at hindi na nga pinansin pa si Breeze ay dumating naman si Ma'am Pil na hindi pa yata alam na nandito siya. Baka tapos na rin siya maglinis ng room kaya nakabalik na dito. Nandito pa rin kasi ako sa may pintuan at bukas na bukas na ang pintuan. Hindi rin ako makalabas para kausapin siya dahil nandito pa rin si Breeze sa bukana ng pinto at nakayuko at nasa bulsa pa rin ang mga kamay. Si Ma'am Pil naman ay nandoon lamang sa may kapantay na ng couch habang kinausap ako dahil paano niya ako makakausap ng malapit kung nakaharang ang isang ito?!

Theodon, ano ba nakain mo at ayaw mo pa na umalis?! Saka bakit mo ba sinabi yung mga sinabi mo na iyon kanina?! Hah?! Ayan ka na naman sa mga galawan mo eh! Nagmalfunction na naman tuloy ang utak ko!

At kamalas-malasan sa harap pa nga ni Ma'am Pil nangyari ang pagmalfunction nito. Si Ma'am Pil na mahilig mang-asar! Sigurado ako na laman na naman ako ng kwento nito mamaya sa faculty. Sana naman wag muna siya na mang-asar ngayon. Please lang po, Ma'am Pil! Not today po. Please?? Hays.

"Ayos ka lang ba, Ma'am Shaze? Matino ka pa naman kanina noong magkasama tayo sa canteen, huh?!" Then she slowly walked to my direction na parang nagtataka pa. May patilt pa ng ulo sa right side. Nakacross-arms pa. "Ano ba iniisip mo, Ma'am Shaze?! Yung kumatok sa pinto mo kanina?" Saglit siya na napahinto at tinanggal ang cross-arms. Nakatilt naman ngayon ang ulo sa left side.

Huwag, Ma'am Pil! Huwag ka po na lalapit! Please! Please po, Ma'am! Please!

Eto na naman yung tibok ng puso ko na parang nangangarera nang walang humpay. Papikit pikit pa ako na nakatingin ng diretso sa direksyon ni Ma'am Pil na kung saan ay nasa likod na ni Breeze sa right side. Ibig sabihin lang noon ay malapit na talaga siya dito at makikita niya talaga ang masungit na ito. Kung saan-saan naman naglakbay ang mga mata ko at nang mapasulyap naman ako saglit sa direksyon niya ay nakatingin pa rin sa akin ng diretso. Para naman akong matutunaw sa tingin niya kaya mabilisan ko na binalik ang tingin ko kay Ma'am Pil na ngayon ay binigyan ako ng naguguluhan na mukha habang ang mga kamay ay nakalagay sa bewang.

Nilagay ko naman ang mga takas na mga buhok ko sa likod ng aking tenga dulot nang agresibo na pag-iling ko na binigay bilang sagot sa tanong ni Ma'am Pil. Gusto ko na magsalita pero parang umaatras ang aking dila at tanging pagbukas at sara lang ang nagagawa ko. Nagpapasma na din ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Kinakabahan ako kasi mentras na lalo siya na naguguluhan, mas pupursigihin pa niya na lalo ka na gulihin. Isa pa kapag nagsalita ako ay baka lumapit siya di--.

"Oh hindi naman pala eh! Eh kung ganoon, Ma'am Shaze, sino ang iniisip mo, aber?!" Sabi niya pagkatapos ay pinagpatuloy ang paglalakad papunta dito. Pero huminto ulit siya sa may pinaka likod na ni Breeze na dalawang lakad na lang ay makikita na niya si Breeze. Nagcross-arms ulit siya.

Nataranta naman ako at palinga-linga kung saan-saan para makahanap ng ibang sagot sa tanong niya. Ang mga kamay ko nga ay pinagsaklop ko na at nakashape na ang mga braso ko na pa-o. Yung sagot kasi ay nandito sa harapan ko kaya hindi ako pwede tumingin sa harap dahil malalaman ni Ma'am Pil at maging si Breeze na iniisip ko siy---. Teka, mali, hindi siya yung iniisip ko, yung mga sinabi niya!

Pasensya na Ma'am Pil pero magsisinungaling muna ako sa iyo ngayon! Forgive me po, Ma'am Pil! Ayaw ko man na gawin ito pero para sa kapakanan ko at ng nasa harapan ko, gagawin ko!

Mapapaisip ka na lang talaga na kapag nasa bingit ka na ng kahihiyan at kamatayan, kakapit ka na lang talaga sa paggawa ng kasinungalingan.

"Ah... wa--."

"Ehem."

Nanlaki ang mga mata ko sa pag-ubo na ginawa ni Breeze. Hindi naman ito mahina at medyo lang na malakas pero rinig pa rin ng kahit sino na nandito. And for the fact na, kami lang na tatlo ang nandito. Hindi rin naman ako makatingin sa kaniya dahil nga naiilang at nanghihina ako sa mga tingin niya. Kaya naman pinatili ko na rin ang tingin ko kay Ma'am Pil na sa ngayon ay humakbang na ng isa at ayan na, isa na lang ay talagang makikita na niya si Breeze!

"Ah ang sabi ko po ay...kamustanamanpokayongboyfriendniyo?!" Pag-iiba ko sa usapan para hindi na niya tanungin pa kung sino ang iniisip ko. Baka nga kasi madulas pa ako ng wala sa oras o maging traydor ang mga mata ko na mapatingin kay Breeze. Isang delubyo iyon dahil nahahalata ko sa mukha ni Ma'am Pil na nagtataka na siya kung bakit hindi ako makatingin sa taong nasa harap ko at mukhang halata din niya ang kaba na nasa dibdib ko!

Sana hindi na lang niya naintindihan ang sinabi ko! O kaya ano... ano... maintindihan man niya pero huwag na siya na lumapit! Pakiusap, Ma'am Pil! Nakakastress na po kasi! Aish.

"All of the sudden, Ma'am Shaze?!" Nagtataka pero nakangiti ng abot sa tenga na sabi niya. Still, nakacross-arms pa rin. Isang himala din na hindi pa rin siya naglalakad at nakahinto pa rin sa kinatatayuan niya. Mabuti na lang! Sasagot na sana ako kaso may kasunod pa pala ang tanong niya. "Of course, we are okay and happily inlove with each other." She said while nakatingala pa na parang inaalala yung boyfriend niya pagkatapos naman ay tumingin sa akin at parang bata na nagsusumbong sa akin in a mataray version. "Pinagalitan nga ako ngayon dahil late na naman daw ako kumain! Eh ano naman ang magagawa ko diba?! Trabaho ito! Saka ngayon lang naman, aber?!" Pagkatapos niyan ay umirap pa siya sa kawalan at napatingin sa may gilid niya! Sa gilid niya! Sa kinalalagyan ni Breeze! Nakikita ko naman na ngayon ay naka lean forward na naman ang kaliwang paa at nakayuko! Pero syempre, diretso pa rin ang tingin ko kay Ma'am Pil kahit kating-kati na ako na tumingin kay Breeze at sabihin ito.

Theodon, kahit ngayon lang naman makisama ka! Huwag ka muna gagawa ng kahit na ano diyan! Pleaseeee?!

Katapusan ko na ata at sige na tatanggapin ko na na aasarin niya ako mamaya, pati bukas, pati sa susunod na araw, pati sa susunod na ta--.

"Ma'am Shaze, okay ka lang ba talaga?! Konti na lang at iisipin ko na, na iniisip mo yung Tito ni Gavin kung bakit ka nagkakaganiyan!"

Halos naman hindi na yata matatawag na singkit ang mga mata ko dahil sa sobrang paglaki ng mga mata ko ngayon. Tila ako ang naging pipi na hindi makapagsalita at madepensahan ang sarili ko sa alegasyon niya. May pag-alala man kasi sa boses niya pero alam ko na may part pa din sa kaniya ang nang-aasar. Hindi ko nga din alam kung nakita niya ba si Breeze kaya nasabi niya iyon. At dahil diyan gusto ko na talagang magpalamon sa lupa!

Sa mga oras na ito, may narealize ako na mahalagang bagay na magliligtas sa akin kay Ma'am Pil. Una, mas okay na pala na asarin niya ako sa faculty kaysa sa harap ni Breeze. Pangalawa, narealize ko din ngayon na mas maganda pala na ipaalam na sa kaniya kanina pa na nandito si Breeze at nang nafifilter niya yung mga sasabihin niya sa akin. Nakakahiya kasi!

"Ah hi-hindi po, Ma'am P-Pil." Tumingin naman ako kay Breeze para isignal kay Ma'am Pil na nandito siya. Teka! Ang masungit ay nakaangat na pala ang ulo at parang nasisiyahan pa sa mga narinig niya. Paano ba naman kasi naka smirk na siya na nakatingin sa akin at ito rin ang unang beses after five years na nakita ko ng malapitan ang ganiyan reaksyon sa mukha niya!

Don't get me wrong, Theodon! Assuming ka! Hindi naman kita iniisip no! Uulitin ko hah, yung mga sinabi mo lang ang iniisip ko pero hindi ikaw!

Mabilisan ko naman na binaling si Ma'am Pil na nandoon pa rin sa kinatatayuan niya at mukha naman na hindi pa rin niya ako nagegets kaya dinugtungan ko na ang naudlot na sasabihin ko sa kaniya. Bwisit kasi na lalaki na ito, nagsmi-smirk pa! Akala niya naman, kinagwapo niya pero... pero... sumobra nga sa pagkagwap-- Hindi kaya! Hays.

"Ah a-ano... ano po... ano po, Ma'am Pil...ka-kasi po... an--."

*thud* *thud* *thud*

"Ano na nga, Ma'am Shaze?! Puro ano ka naman diyan, aber?!" Mabilis na lumapit siya sa akin habang ang mga... mga kamay ay... ay nasa magkabilang gilid na. Halos takasan na yata ako ng dugo ngayon at hindi rin nakadagdag ang nakapatay na aircon kaya nagkukumpulan na ang mga pawis ko sa noo ko. Alam ko na nakakahiya ang itsura ko ngayon pero mas nahihiya ako sa mga salita na lumalabas sa bibig ni Ma'am Pil!

"Ka-kasi po, Ma'am..." Tumingin muna ako sa kaniya na parang nagmamaka-awa tapos saka ako tumingin kay Breeze. At mabuti na lang ay bumalik na sa walang reaksyon ang mukha niya. Ngunit, nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman binaling ko na lang ulit kay Ma'am Pil ang tingin ko. "Ma'am ano po...an--."

*thud* *thud* *thud*

"Ah ano, ay este!" Napapikit pa siya na may kasamang iling. Pagkatapos ay dumilat at may ngisi naman na sumilay sa mukha niya. "... Alam ko na, Ma'am Shaze!" Nagniningning pa ang mga mata niya at magkasaklop ang mga kamay na parang nagdadasal. Naka bend pa ng konti ang mga tuhod.

"P-po?" Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko sa susunod na sasabihin niya kaya heto ako at napahawak sa lever ng pintuan. Para kung sakali na kahihiyan ang masabi niya ay madali ako na makakatakas. Pero joke lang iyon, ang rude naman kapag ganoon. Hinawakan ko lang ang lever with my left hand para lang may hahawakan ako kung sakali na manghina ako ngayon.

JUSQ. Ang lakas naman mangyari ng mga nasa utak ko! Ayoko na talagang mag-isip ng kung ano-ano, kung mangyayari agad. Wala man lang palugit at ora mismo nangyari! Kaya wala sa oras na hinigpitan ko nang sobra ang hawak sa lever. Tila nanlambot na rin ang mga tuhod ko dahil nga sa sunod na sinabi ni Ma'am Pil.

"Gusto mo na magkaboyfriend, ano?! Tapos ideal guy mo yung Tito ni Gavin?! Tama ba ako, Ma'am Shaze?!" Nasa harapan ko na siya na tinuturo pa ako kapag natatapos siya sa isang tanong. Bali, nakatalikod na siya kay Breeze.

Nagtataka siguro kayo kung paano siya nakapunta dito? Dire-diretso siya kanina sa pagpasok at dahil sa maingay niya na paglalakad dahil sa heels ay naramdaman yata ni Breeze na dadaan ito kaya gumilid siya. Kaya naman ngayon, nandoon na si Breeze sa pwesto niya kanina, sa right side ko. Naka cross-arms at teka! Ayan na naman yung s-sm-smirk niya! Sa itsura niya nga ngayon ay masasabi ko na nangaasar din siya! Magsama sila ni Ma'am Pil!

"Hi-hindi po, Ma'am Pil. Ka-kasi po, ano... ano." Nililinga ko si Breeze sa kaniya pero hindi niya yata nakuha na naman dahil hinawakan niya lang ako sa magkabilang elbow. Yung mukha niya ay naging soft na rin.

"Hindi naman masama yun, Ma'am Shaze, kung gusto mo na magkaboyfriend. You're now at the right age na." May sincere na ngiti sa labi niya tapos pinalitan naman ng ngisi at hinampas ako ng mahina. "And gwapo naman kasi talaga yung Tito ni Gavin, walang panama si Sir Sind but, as what we have told you, masungit at hind--."

"Ah Ma'am Pil, nagugutom na po ba kayo?" May awkward smile pa yan na kasama pagkatapos ay tinignan ko naman si Breeze na wala na ngayon na reaksyon ang mukha.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ni Ma'am Pil kaya ganoon na lang ang reaksyon niya?! Sinasabi ko na nga ba kasi at hindi maganda ang sasabihin ni Ma'am Pil! Pinuri nga niya sa una kaya lang nilaglag naman sa huli. Naestatwa na ba siya o ano?! Pero, mabuti na lang talaga at nakikisama siya at hindi sumasabat ngayon hindi katulad noong nag-uusap kami ni Hiro. Aish.

"Okay pa naman ako, Ma'am Shaze. Pero, nakita ko yung Tito ni Gavin kanina sa canteen bumili pa nga ng carbonara pero hindi naman kinuha!" Kumunot pa ang noo niya at nagcross-arms. "Eh alam mo naman, nakipag chikahan pa ako kay Ate Flower. Ayaw nga ibigay ni Ate Flower sa kaniya yung huling carbonara. Yun yung dinamihan niya ng cheese? Dahil baka nga daw kuhanin mo kaso lang hindi ko naman na narinig ang sunod na usapan nila dahil umalis na ako." Nakatalikod pa rin siya kay Breeze at hindi alam na ang tinutukoy niya ay nandoon lang sa gilid.

"Ah ganoon po ba? Sige po, Ma'am Pil... ano..." Tinignan ko saglit si Breeze na seryoso naman ngayon ang mukha at hindi na sa akin nakatingin, sa sahig na. Bago niya pa ako mahuli na nakatingin sa kaniya ay binaling ko naman agad kay Ma'am Pil ang tingin ko. "Hintayin niyo na lang po a-ako sa faculty or kung nagugutom na po kayo Ma'am, mauna na po kayo na kumain. Pasensya na po kung natagalan."

"Sige sige, Ma'am Shaze." Nakatagilid na siya which is a sign na aalis na at konting-konti na lang ay makikita na niya si Breeze sa mismong aangat niya ang kaniyang ulo, nakayuko kasi siya. Kaya lang, bumaling naman ito agad sa akin at hinawakan ako ulit sa elbow.

"Pero, sigurado ka ba na ayos ka lang? Gusto mo ba na samahan kita sa clinic mamaya? Or hindi mo kaya? Ako na lang kukuha ng gamot? "

"Ah hindi na po, Ma'am Pil. Hindi na po kailangan. Ayos lang po ako, Ma'am Pil. Wala naman po ako na sakit at okay lang po talaga ako." Para naman hindi siya mag-alala ay sinundan ko pa ng mahina at awkward na tawa.

"Sabi mo yan, Ma'am Shaze! Siguro ay nakita mo yung Tito ni Gavin kaya ka nagkaganiyan ano?!" Tumagilid na ulit siya at tuluyan na nga na haharap sa may pintuan pero nagsalita pa ulit siya na nakatingin sa akin. Ang katawan niya ay nakatagilid pa rin. "Crush mo no?!"

"Ma'am Pil!" Tinuturo ko naman sa kaniya si Breeze gamit ang mata ko at this time, sinamahan ko na ng ulo para ipakita sa kaniya kung nasaan si Breeze.

"Ano, Ma'am Shaze? Oo at hindi lang ang sagot pero sige, Ma'am! Take your time at ienjoy mo muna ang pagsusung--." Diyan na siya napahinto dahil nakaharap na siya sa pinto at nahinto din ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakatingin na sa akin while his eyebrows arched. Ano na naman, Theodon?! "... Ah... " Humarap sa akin si Ma'am Pil at binigyan ako ng tingin na nagsasabi na 'Kanina-pa-ba-siya-nandito-look'. Tumango naman ako sa kaniya ng nakapikit pa ang mga mata.

"Ma'am Shaze!" Lumapit pa siya sa akin at hininaan ang boses niya na medyo pasigaw. "Bakit hindi mo naman sinabi sa akin?! Feeling ko tuloy narinig niya..." Tumingin muna siya kay Breeze tapos ngumiti at binalik ulit sa akin ang tingin. "...yung mga sinabi ko!"

"Eh Ma'am Pil, ginawa ko naman po. Ano po kasi... kanina ko pa po siya sa inyo tinuturo." With awkward smile.

"Huh?! Tinuturo?!" Napatakip pa siya sa bibig niya dahil medyo napalakas ang kaniyang boses.

"Opo, Ma'am Pil. Pero huwag niyo na po intindihin si Breeze." Sinulyapan ko naman ang masungit na may kausap sa phone niya. "Hindi naman po siguro niya seseryosohin yung mga sinabi niyo po. Mabait naman po siya, Ma'am Pil." This time, sincere na smile naman ang binigay ko sa kaniya.

"Okay, sabi mo iyan, Ma'am Shaze! Kapag inaway ako niyan..." Tinignan naman niya sa may pintuan si Breeze. Saka tinuloy ang sasabihin at pinanlakihan pa ako ng mata. "... ikaw ang ihaharap ko, Ma'am!" Natawa naman ako sa sinabi niya at ending, nakitawa na rin siya.

Totoo naman kasi na mabait si Breeze. He seems to be cold type at yes, masungit siya pero, hindi naman siguro sa lahat siguro sa akin lang. Masungit siya pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya mabait or snob na. He is really gentleman. He shows his true self siguro sa mga tao na pinagkakatiwalaan at malapit siya. Masungit man siya but, he never forgets to give respect to other people. For the strangers naman na hindi niya kilala, what I notice about him is that, kahit papaano nakakalimutan naman niya ang kasungitan niya. Like now, he is giving Ma'am Pil a polite smile.

"Ma'am Shaze, hintayin na lang kita sa faculty, hah?!" Nandoon na siya sa labas ng pintuan kaya naman lumabas na din ako. Bumaling naman siya kay Breeze habang ako naman ay diretso pa rin ang tingin sa kaniya. "Ah, Sir....Have a n-nice day po. I hope that you won't mind po yung mga sinabi ko kanina. I'm sorry po." She smile at Breeze while looking down.

"Okay lang po, Ma'am. No need for you to call me Sir po, Breeze is enough and it's not a serious thing po. I hope your day goes well too po."

Feeling ko hindi si Breeze yung kausap ni Ma'am Pil. Sinapian siguro ito ng ibang espirito kaya ganiyan ang ugali niya! Hindi lang kasi ang way ng pagsasalita niya ang iba eh, yung ngiti din sa labi niya. I can sense that he is truly sincere with his words pero, hindi pa rin ako makapaniwala na NAKANGITI siya ngayon! In our entire conversation today, this is only the time na ngumiti siya kahit sabihin pa man na polite smile lang at hindi labas ang ngipin. Smile pa din iyon!

Ngumiti lang din si Ma'am Pil sa kaniya at tinignan ako.

"Alis na ako, Ma'am Shaze! See you later!" May ngisi naman sa labi niya ngayon. Akala ko titigil na siya sa pang-iinis pero yun pala izza prank!

Ngayon na umalis na si Ma'am Pil ay kami na lang na naman ang naiwan dito ni Breeze. He is now finished talking with whoever called him kasi naman ay nakalagay na ang mga kamay sa mga bulsa and deeply staring at me. Nabalik na naman kami sa kaninang pwesto. Ako na nasa harapan ng bukas na pinto while he is now on my right side. Sobrang lapit pa. His scent really lingers on my nose. Ang bango, kainis! Nakakahiya tuloy yung amoy ko na amoy pawis kaya naman umusog ako ng konti sa may left side ko.

"So, are you still in for our lunch?" Based on my peripheral vision, he rubs the back of his neck and looks down. Ewan ko ba pero parang naging maamo siya ngayon. Ano na ba nangyayari dito?! Narinig niya lang kanina na gwapo siya eh parang bumait na?! So, required din pala na sabihan siya ng 'gwapo' para mahinto sa pagiging masungit at bumait.

Tinangala ko siya. "Ah thank you sa offer, Breeze pero, may gagawin pa kasi talaga ako. Pasensya ka na." I shyly smile at him. He just look at me for a seconds and that's it, wala naman na yata siya na sasabihin kaya I take that as a signal for me to enter again on this door.

Dapat pala hindi na lang ako pumasok ulit as my right feet taps the shining tiles of my room, katulad kanina napahinto na naman ako sa sinabi niya.

"Okay. I'll wait you here." And he make his way to the couch and sit comfortably. He even lean again his upper body forward while his elbows are being placed on the top of his lap. He then tap something on his phone.

"Hindi na. Kumain ka na baka nagugutom ka na din at saka si Gavin din hindi pa kumakain yon." I even add shaking of my head from side to side to show my disagreement.

He stopped from what he is doing and look at me na para ba na hindi siya makapaniwala as his bottom lip slightly drops. He stay like that in some seconds then, he wears again his usual reactionless face.

"Tss... I already have lunch, Shaze." At bumalik siya sa cellphone niya at sumimangot. "... and don't worry about Gavin. For sure, busog na iyon ngayon." Hindi na rin siya tumingin sa akin at nagtatype na naman sa cellphone niya.

Kumunot naman ang noo ko as my eyes narrowed and head tilted nang tinignan ko siya.

Teka kasi! Ano sabi niya?! Already have lunch?! Eh kumain na pala siya eh! Why pa nang-iistorbo dito?! Hindi naman siya mukhang matakaw with his tone body. Saka, grabe paano mabubusog si Gavin eh hindi ba, siya ang sumundo dito?! Ano kakainin non?! Pencil at Papel?! Dapat hindi ako ang inaaya niya kumain eh, yung pamangkin niya dapat!

Before I speak to him ay napa-sigh na lang ako nang mahina.

"Ah huwag na, Breeze. Puntahan mo na lang si Gavin baka mapano pa siya." I literally make my voice sounds with authority pero parang wala lang din dahil tinignan niya lang ako ng matalim. Ano na naman ba ginawa ko?! "Ah... Si-sige, pa-pasok na ako."

I did not wait for his response at mabilisan ko na sinara ang pintuan.

Ano na naman ba kasi ang ginawa ko?! Tama naman diba ang sinabi ko na puntahan niya si Gavin?! Bata pa naman kasi iyon at baka maglikot at hindi natin alam ang takbo ng utak nila. Parang yung kausap ko lang kanina, magulo na nga kausap, hindi mo rin maintindihan.

Binuksan ko muna ang aircon at pagkatapos ay sinimulan ko na ang paglilinis ng room. Sigurado ako na hindi ako maaabala ng kahit sino man dahil nilock ko ang pintuan. Kaya naman winalisan ko na ang sahig ng bawat row na hindi naman ganoon na kakalat. Walis lang naman at pag-aayos ng shelves lang ang gawain namin na mga teachers dito. Sina Kuya o yung mga janitors na ang nagmo-mop.

"So, are you still in for our lunch?"

"Okay. I'll wait you here."

"Tss... I already have lunch, Shaze."

Aish. Erase. Erase. Erase. Shaze, trabaho bago? Lovel---Trabaho lang, wala ka naman na love life, okay?! Huwag umaasa sa taong paasa!

Nalagay ko tuloy sa shelves ng Math ang Science notebook ng mga bata dahil sa naririnig ko pa rin sa isipan ko ang mga pinagsasabi ni Breeze. Natapos na ako magwalis kanina kaya naman sinunod ko nang gawin at ilagay ang mga libro at notebook na nakalagay doon sa ibaba ng table ko papunta dito sa shelves.

Bakit ba kasi ayaw pa na umuwi! Wala naman na dito yung pamangkin niya at for his information, anong oras na?! 2:50 PM.

2-2:50 P-PM?! Hala! My gasoline, hindi pa ako kumakain! Kita niyo na?! Halos magdadalawang oras na siya dito! Pero hindi man lang ba naisip ni Breeze na maaari talaga na gutom na ang pamangkin niya?! 2:50 PM na! At paano talaga siya nakakasiguro na busog na iyon eh baka nga iniwan niya lang iyon sa loob ng sasakyan niya. At hindi rin naman ibig-sabihin na kumain na siya eh, gagawin na niya lahat ng gusto niya.

Dahil nga masyadong late na para sa lunch ay binilisan ko naman na ang paglalagay ng Science notebooks sa shelf nito. Ang shelves kasi ay nakalagay sa left side ng teacher's table na didiretsuhin mo lang and yung isa pa ay nandoon naman sa gilid ng row 6. Hindi ito nakasabit pero nakadikit ito sa wall at mabuti na lang din at mababa lang ito, tama lang sa height ko na 5'2. Sa ibaba ko kadalasan nilalagay ang mga notebooks at books. Nakalagay kasi ang mga charts, flashcards, at mga educational toys sa taas noon. Para siya na upuan kung titignan kapag din wala ang mga iyon.

Nilagay ko na ang last na notebook sa Science at nakita ko na kay Gavin pala ito. Naalala ko na sila nga pala ang huli na nagpasa ng activity sa Science kanina. At iyon ay dahil sa masyado sila na focus sa gyera na gawa-gawa nila. They are too sweet to apologize for something that they did not do anything wrong. Naaawa tuloy ako sa kanila kasi at a young age, parang may pressure agad na kailangan sila na harapin. Some parents tends to think kasi na matalino ang isang bata kapag natututo agad na magbilang, bumasa, at magsulat sa murang edad. Isang definition nga ng intelligence pero, ang tanong, how does parents teach those skills to their children? I smile bitterly at tuluyan na iniligay ang notebook ni Gavin sa shelf.

Umusog naman ako ng konti sa right side at nanatiling nakasquat. Kinuha ang mga ilan na libro ng Math para ilagay sa shelf nito na katabi lang ng Science kaya lang nahinto ako dahil sa katok na narinig ko. Ayaw ko sana na lingunin dahil baka mamaya eh talagang multo na ang kumatok sa akin kaya lang baka importante ang kumakatok na iyon kaya liningon ko na din at pumunta sa pintuan para buksan.

For sure, umalis na si Breeze dahil hindi naman niya totohanin yung sinabi niya dahil wala naman siya na sadya sa akin. Diba?! Wala naman?! Hays.

Ang niluwa naman ng pinto ngayon ay ang tao na sana kasama ko sa pagiging forever single club pero, ayon sa kaniya ay hindi na daw dahil natagpuan na daw niya ang mamamahalin niya na 'panghabambuhay' sa main gate kahapon. Of course, I noticed his favorite handkerchief na color blue. He always carry it kaya kung ibang tao ang makakakita sa kaniya, palagi na iisipin na baka hindi niya nilalaban ang panyo. He always carry that handkerchief dahil sa he always feel safe daw kahit saan man siya magpunta, he always thought daw na whenever he goes, he is with his mother. His handkerchief that he is holding becomes his favorite dahil bata pa lang si Sir ay naulila na siya sa ina at yung handkerchief na iyon ay ginawa ng Mama niya the day before she died. That is what he told us when we asked him curiously.

"Yes po, Sir Sind?" Mahina pero masigla na sabi ko sa kaniya. Hindi na ako lumabas pa ng room dahil saglit lang naman siguro ang sadya ni Sir Sind.

Mukhang hindi niya yata narinig ang sinabi ko dahil nananatili siya na nakatagilid sa akin at nakatingin doon sa may couch. His eyebrows and upper eyelids are being raised, lips parted, and his jaw dropped. Hindi kaya nakita niya yung sinasabi niya na mamahalin niya ng panghabang-buhay? Teka! Feeling ko naman umalis na si Breeze kaya naman siguro babae na ang nakaupo doon ngayon o baka kaya lang nagulat si Sir Sind ay dahil baka nakita niya yung pinagkakautangan niya.

"Sir Sind?" Medyo nilakasan ko na at lumapit ng konti sa pintuan. "Hello po, Sir Sind. Yes po?" Hindi kami nag-uusap sa phone pero dahil sa hindi pa rin siya sumasagot ay nagiging ganoon. Hindi rin nga tumitingin sa akin eh, titig na titig doon sa tinitignan niya.

Baka naman malusaw, Sir Sind! Napaisip tuloy ako kung ganito ba ako kanina? Kung ganito ako kanina, gusto ko na umuwi sa sobrang kahihiyan! Bakit kailangan pa na makita ni Breeze lahat ng kahihiyan na iyon?! Why?! Bakit?!

"Sir Si--."

"Ehem. Ma'am Shaze, ah itatanong ko lang sana kung sasama ka ba sa amin kila Ate Rew?" Napakunot-noo naman ako sa lalim ng boses niya. Mabilisan naman siya na lumingon ulit sa tinitignan niya kanina habang ang katawan ay naka harap na sa akin. Siguro nahuli siya na nakatingin kaya mabilisan din na bumaling sa akin.

"Ay Sir, nagpunta na po kami nila Ma'am Pil po noong nakaraang araw po kila Ate Rew. Nagpaalam pa nga po kami sa inyo eh."

Pero ngayon ko lang narealize na ang rude naman pala ng sinabi ko dahil sa nagulat na mukha na naman si Sir Sind.

"Ah ang ibig ko po na sabi--."

"O-oo nga pa-pala, Ma'am Shaze!" Ngumiti siya sa akin ng awkward at sumulyap sa right side niya. "Ba-baka kasi gu-gusto mo ulit pu-pumunta, Ma'am Shaze." At saka siya tumingin sa akin. Pero grabe naman ang lalim ng boses niya kahit nauutal, dinaig pa yata ang Mariana Trench sa lalim!

"Ah tignan ko po pa po, Sir Sind."

At ngayon lang din nagsink-in sa utak ko, hindi naman ganoon ang boses niya kapag nag-uusap kami sa faculty or kahit saan dito. Ngayon ko lang narinig ang boses niya na ganoon kalalim. Tsk, tinamaan yata ni Kupido at nagpapapansin doon siguro sa tinitignan niya kanina pa. Napatawa na lang ako at tuluyan na lumabas ng pinto para hampasin siya sa braso.

"Sir Sind, galawan mo hah!"

"A-ano, Ma'am Sha-Shaze?" Kung kanina ay lingon siya ng lingon sa tinitignan niya, ngayon naman ay parang iniiwasan niya na mapalingon doon. He even blink too much at nervous smile is being plastered on his face.

Bad move yata ang ginawa ko. Hala, nahawa na ba ako ni Ma'am Pil sa pang-aasar?! Okay, tama na, Shaze, Merene! Okay?! Okay.

"Ah wala, Sir Sind." I also give him a smile while wiggling my eyebrows at nakacross-arms. He just rolled his eyes on me.

HALA! Nasira ko yata ang diskarte ni Sir! Napahiya yata siya. Hala, sorry, Sir Sind. Pasensya na at naabala pa kita sa diskarte mo po! What to do?! What to do?! Tama! Tutulungan ko siya kahit na iiwan na niya ako sa forever single club!

"Ah ang sabi ko po kasi Sir kanina, ang gwapo mo po ngayon." Sana tumalab ang pagtulong ko sa kaniya at baka kamuhian niya ako kapag nagkataon. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Saka hindi naman talaga kasinungalingan na gwapo si Sir Sind. Like Hiro and Breeze, he looks very gorgeous too. Sobrang linis sa katawan and maayos palagi ang postura. Palagi din na mabango.

Pero kahit na ganoon, Hiro and him are nothing compared to the handsomeness of Breeze Ryte Theodon.

Aish. Erase. Erase. Erase.

Pero parang hindi naman nagustuhan  ni Sir Sind yung mga sinabi ko at hinawakan ang elbow ko.

Galit na ba siya?! Hala! Kulang pa ba yung sinabi ko?! Ang epal ko talaga! Hays, dagdagan pa nga natin para naman hindi na siya magalit. Bago muna ako magsalita ay tinanggal ko muna ang mga kamay niya sa elbow ko at baka magselos yung pinopormahan niya. Baka imbes na isipin na siya yung gusto ni Sir Sind, eh mapagkamalan pa na ako ang gusto nito.

Ang hirap naman maging si Kupido at talagang ako pa ang napili na gumanap sa role niya! Ako pa talaga! Ako na walang love life ever since! Hays.

"Ah ang ibig ko po na sabihin ulit, Sir Sind, ay hindi po kayo gwapo ngayon..." Pinakaramdaman ko muna ang reaction niya para naman alam ko kung sasabihin ko pa yung susunod na sasabihin ko. Mukha naman na okay na sa kaniya iyon dahil parang nabunutan siya ng isang daan na tinik sa dibdib niya. Nakahawak pa kasi sa dibdib niya eh. Ako din naman nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa may ngiti na rin sa labi niya. Pero kahit na, desidido na talaga ako na bumawi sa kaniya! "... Hindi po kayo gwapo ngayon, Sir Sind, dahil sobrang gwapo niyo po ngayon." Sobrang lawak ng ngiti pa ang iginawad ko sa kaniya pero nawala din iyon kasabay ng makita ko na mabilisan din na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Mukha nga siya na napa face-palm eh.

Hala! Kulang pa din?! Tama naman diba yung sinabi ko na sobrang gwapo niya ngayon? Kulang pa ba iyon? Hala! Baka dapat hindi lang ngayon kung... kung hindi araw-araw! Nako, ewan ko na lang hah kapag hindi pa ito nasiyahan sa sasabihin ko! Eh bakit ba ako nagsasabi nito sa kaniya?! Oo nga pala, may kasalanan nga pala ako sa kaniya. Okay, for your lovelife's sake, Sir Sind!

"A-ah hindi la-lang po ngayon, Sir Sind. You are v-very radiant po everyday!" Ngayon ay awkward smile na lang ang binigay ko sa kaniya at sinamahan ko pa nang pagtango. Diniinan ko pa nga yung word na 'everyday' baka kasi yun lang ang hinihintay niya para masatisfied na siya at hindi na magalit sa akin.

"Oww." Then he laugh pero bakit parang may halong nerbyos? "Th-thank you, Ma-Ma'am Shaze for the co-compliment." Ngumiti pa siya ng tipid. O guni-guni ko lang? Hays, hayaan na nga!

"Ay, wala po iyon, Sir Sind." Ngumiti naman ako ng pagkalaki laki sa kaniya dahil sa wakas ay hindi na yata siya galit sa akin. Hindi ako sure pero malay natin.

Tumango lang siya sa akin ng may awkward smile while he rubs the back of his neck in a way that I did not expect him to do. Mahinhin at ang pinky finger ay nakatikwas pa. Hindi ko na masyado inisip iyon at nilingon ko na ang tinitignan niya kanina para naman makilala ko na ang natitipuhan ni Sir Sind o kung hindi man iyon ang dahilan.

Bumaling na ako sa tinitignan ni Sir kanina kaya lang hinawi ko muna ang buhok ko na nalaglag na naman at inilagay sa likod ng aking tenga. "Ah, hello p--". Natigil ako sa pagbaba ng kamay ko na nasa pinaka dulo na ng tenga ko. Yung ngiti sa labi ko kanina ay mabilisan na nawala as my lips parted together with my eyes being widened.

Ba-bakit nandito p-pa siya?!

Continue Reading