Xtra's R-18 (Short Stories Co...

By PinkyTsarmi

461K 6.6K 773

This is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories. More

Note
Van and Lisden -Enemy's Crap
Van and Lisden -Enemy's Crap (2)
Van and Lisden- Enemy's Crap (3)
Van and Lisden- Enemy's Crap (4)
Van and Lisden -Enemy's Crap (5)
Van and Lisden - Enemy's Crap (End)
- Katarina and Jeimx- Demure Bitch.
Demure Bitch 2
Demure Bitch- 3
Demure Bitch 4
Demure Bitch 5
Demure Bitch 6
Demure Bitch 7
Demure Bitch 8
Demure Bitch End
Childhood Sweetheart -#CharCoal
Childhood Sweetheart 2
Childhood Sweetheart 3
Chapter 4
Childhood Sweetheart 5
Childhood Sweetheart 6
Childhood Sweetheart 7
Childhood Sweetheart 8
Childhood Sweetheart Ending
Taming Wildness(Renzo x Maegan)
Forbidden
Forbidden 2

Demure Bitch 9

8.4K 220 14
By PinkyTsarmi

"Coleen, okay lang talaga ako..."

"Make sure of that! You didn't even bid goodbye to me and you just vanished!"

Napangiti siya kahit na magbuga na ng apoy si Coleen sa kabilang linya. Nagvideo call silang dalawa dahil naalala niyang hindi pala siya nakapag-paalam dito.

"Are they mean to you? Inaapi ka ba diyan? Tell me and I'll fly there in a snap."

Napangiti na lang siya at napailing. Kahit na masungit si Coleen ay ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya.

"Mabait naman sila sa 'kin. At saka masaya ako dito."

Napaingos si Coleen sa kanya.

"You look glowing. Are you in love? Don't tell me you fell in love with your baby daddy?"

Hindi siya umimik.

Napasinghap si Coleen.

"Omg, you're so marupok! Gurl, ang bilis, ha!" Sabay irap nito sa kanya.

"Masisisi mo ba ako? Jeimx is a good catch, he's the only man that showed me genuine feelings, and he's really caring." Sabi niya.

Coleen sighed.

"If that's the case, I'm relief giving you to that man. But if he'll hurt you kindly remind him that your big sister is mafia boss' wife and lady mafia's heiress."

Napangiti siya at tumango.

"Oo na, hindi rin ako papayag na sasaktan niya ako, 'no."

"At hindi rin naman kita sasaktan." Biglang singit ni Jeimx sa kanyang likuran sabay halik sa kanyang pisngi.

Napasinghap silang dalawa ni Coleen. Siya sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot nito at si Coleen dahil namukhaan niya ang lalaki.

"You're familiar..." Ani Coleen.

Napangiti lang si Jeimx.

"I'm that antagonist on Hover Benjamin's story." He said.

"Oh, you're Chen's best friend. I remember you na." Sabi ni Coleen na tila wala lang.

Oo nga't nasabi ng binata na nagkaayos na ito dati ang ang kababata.

Pero sino nga ba talaga si Chen sa buhay ni Jeimx?



"Jeimx, nakabalik na diay ka gikan Manila." Nakabalik ka na pala galing Manila. Sabi ng isang lalaking nakasalubong nila.

"Oo, 'tong niagi." Oo, 'nung nakaraan.

Napatingin sa kanya ang lalaki at napangiti.

"Maganda pala 'tong mapapangasawa mo. Akala ko talaga kayo ni Chen ang magkakatuluyan."

Tila nawala ang sigla niya sa sinabi nito. Pinilit na lang niyang ngumiti. Naramdaman pa niya ang paghawak ng binata sa kanyang kamay, mukhang hindi nito napansin ang pagbagsak ng sigla niya.

"Kaibigan lang kami ni Chenchen, loy." Pagdidismis ni Jeimx sa usapan.

Nagpaalam na ito sa lalaki at nagpatuloy sila sa paglalakad. Papunta kasi sila sa maliit na talipapa kung saan may nagbebenta ng isda. Gusto niya kasi ng paksiw na isda.

Nang makalapit sila ay masayang sinalubong si Jeimx ng mga may edad na tindera.

"Oi, ka-gwapo jud! Ay, abi nako si Chen imo tapad." Akala ko si Chen ang nasa tabi mo.

Wala siyang naintindihan sa sinabi nito pero dahil sa pagbanggit nito sa pangalang Chen ay nag-iba ang timpla ng modo niya.

"Si Katarina po, mapapangasawa ko."

"Ka-gwapa! Parehas sila gwapa ni Chen!"

"Mas maganda 'tong asawa ko, Tiya."

Pinigil niya ang ngiti sa sinabi ni Jeimx. Abala ito sa pamimili ng isda, hindi ba nito alam ang epekto ng sinabi nito?

"Pero kumusta naman si Chen? Balita ko mayaman ang napangasawa. Ka-swerteng bata."

Tumango lang si Jeimx.

Bahagya siyang nainis.

Bakit ba si Chen na lang ang palaging bukambibig ng mga ito? Palagi bang magkasama si Jeimx at Chen lagi dahilan para palaging hinahanap ng mga ito si Chen kay Jeimx? Nagdududa na tuloy siya kung magkaibigan lang ba talaga ang dalawa.



"May problema ba? Kanina ko pa pansin na tahimik ka..." Marahang tanong ni Jeimx.

Nasa silid na sila at oras na para matulog. Nakapagbihis na rin siya ng pumasok ang binata sa silid.

"Wala naman." Sagot niya lang.

Kumunot ng noo ng binata, hindi kumbinsido sa sagot niya. Iniwas na lang niya ang tingin at humiga.

"Katarina."

The hair in her nape rose up on how he called her name. Napalunok siya sa ibang epekto 'nun sa kanya.

"Inaantok na ako, Jeimx."

"Hindi, pag-uusapan muna natin kung anong problema." Giit ni Jeimx.

Ang problema ko ang Chen mo! Nais niyang isatinig, nagpupuyos talaga ang damdamin niya. Masyado siyang sensitibo lalo na't buntis siya pero sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Siya 'yung kasama pero iba naman ang hanap ng mga tao.

"Inaantok na kami ng anak ko. Bukas na lang." Aniya at ipinikit ang mata.

She heard Jeimx sighed and walks towards her. Hinalikan nito ang noo niya kaya mariin siyang napapikit.

Nagseselos pa rin siya.

"Anak natin, Kat. And I'm sorry, I know that you're upset. Sleep tight, pangga." He kissed her temple before he walks away and enter the bathroom.

Doon niya pinakawalan ang hininga. Bumilis naman ang tibok ng puso niya halos hindi siya makahinga.

She got it bad. She fell that hard.













"OH, nagka-ayos na ba kayo ni Jeimx?" Tanong ng ina ng binata kinabukasan.

"Po? Hindi naman kami nag-away." Tanggi niya.

Tumulong siya sa paghahanda ng agahan, gusto niyang ipagluto si Jeimx.

"Hay, naku, Katarina. Napagdaanan ko na 'yan, kita ko na masama ang timpla mo kahapon. Mukha kang nagseselos. Tama ba?"

Agad na nag-init ang pisngi niya sa tanong nito. Sapul na sapul siya, hindi nakailag.

"Sino bang pinagselosan mo? Hindi ka  na dapat magselos, halos hindi nga mawalay sa 'yo ang tingin ng anak ko, eh. Oras-oras ka pang bukambibig."

Talaga? Parehas kaya sila ng nararamdaman ni Jeimx? Ni minsan ay hindi niya kasi ito narinig na sinabihan siyang mahal siya nito. Pero sapat na siguro 'yung pinakasalan siya, kasi nga 'yung usapan nila ay magpapakasal lang sila kung mahal na nila ang isa't-isa. Pero kasi..gusto niyang marinig mula sa labi nito ang katagang 'yun.


"Maayong buntag, pangga."

Napasinghap siya at muntik ng mapatalon sa gulat ng naramdaman biya ang pagyakap ni Jeimx sa kanyang likuran. May kasama pang paghaplos sa umbok niya.

Pinigil niya ang pagngiti, pero ang pamumula ay hindi niya napigilan. Kinakabahan rin siyang baka marinig ng binata ang malakas na pagtibok ng dibdib niya. Nakakabingi!

"M-maayong..ba..bungkag." She tried to repeat his greeting pero tila nanigas ang dila niya.

Jeimx laughed and kissed her neck.

"Ang cute mo."

Namula siya. Mali ba ang nasabi niya?

"Tama ba? M-maayong bungkag?"

Nagpipigil sa pagngiti ang binata at umiling. Ito na ang naghain ng niluto niyang ulam sa plato.

"No, it's maayong buntag."

"Maayong buntag." Pag-uulit niya.

"Very good."

Napangiti naman siya.

"Anong ibig sabihin 'nun?"

"Good morning."

Napatango-tango naman siya.

"Bawas-bawasan niyo ang pagiging malandi niyo at nilalanggam na ako rito." Pagtataray ng ina ng binata pero may ngiti naman sa labi.

"Inggit ka lang, Ma. Mag-jowa ka na kasi para masundan ako." Pang-aalaska ni Jeimx sa ina.

Nakatanggap naman ito ng kurot sa bewang.

"Ikaw talagang bata ka, sa halip na problemahin mo ako bakit hindi mo tanungin ang pagseselos ng aasawahin mo?"

Napasinghap siya at natuod sa kinatatayuan. Napalingon naman ang binata sa kanya. May pagtataka at pagkaaliw sa mata nito.

"You're jealous?"

Hindi siya nakaimik at umiwas ng tingin. Mas lalo siyang kinabahan ng nagpaalam ang ina ng binata kaya silang dalawa na lang sa kusina.

"Katarina..." Tawag sa kanya ng binata pero hindi niya ito nilingon.

Jeimx held her chin to make her look at him. Napalunok na lang siya.

"Nagseselos ka?" He asked gently.

Napanguso siya. Hindi pa rin nakaimik.

"Come on, pangga. Tell me, anong problema, hmm?" Malambing na tanong ng binata.

Doon na nangilid ang luha niya, sensitibo dahil buntis.

"Eh, kasi naman!" Suminghot siya at tinampal ang dibdib ng binata. Sinubukan pa niyang itulak ito palayo pero ayaw.

"Hmm? Anong problema? Sino ba 'yang pinagselosan mo, pangga?"

Napanguso siya. Jeimx wiped the tears of her face.

"Si Chen!" She blurted out.

Natigilan ang binata at napataas ng kilay na tila nagtataka kung paano nasali ang kababata.


"What about her?"

"Mas gusto siya ng mga tao para sa 'yo! Palagi lang nilang hinahanap si Chen! Puro na lang Chen, Chen, Chen!" Palatal niya sabay iyak.

Napaawang ang labi ni Jeimx saka dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi. Aba, tuwang tuwa pa!

Sinamaan niya ito ng tingin. Natutuwa ba ito na maraming gusto na kay Chen na lang ito?

"Oh, Kat, there's nothing to be jealous."

"Tumatanggi ka pa! Ngumingiti ka na nga, eh. Nagustuhan mo namng hinahanap si Chen sa 'yo." Dagdag pa niya.

Jeimx faced become serious. Kinabahan siya doon lalo na't hinila nito ang kamay niya at naglakad sila palabas.

"S-sandali, saan tayo?"

"Magpapakasal na tayo ngayon din." He declared.

Napaawang ang labi niya sa gulat at wala ng nagawa sa paghila ng binata.

Ano daw?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...