Marie's POV
Nagmamadali akong lumabas ng classroom namin. Tinawagan kasi ako ni Jeca at sinabing nasa labas na raw sya ng Western Ville. Aabsent nalang ako sa dalawa kong subjects. Hindi kasi kami magka klase nina Van at Carine. Nasa kabilang building rin yung classroom nila.
" Excuse!!! Bilis-bilisan ang paglalakad! " sabi ko dun sa mga estudyante na nasa unahan ko.
Nang makalabas na ako, agad akong nagtungo kay Jeca na ngayon ay naka busangot ang mukha. Ba't ang tamlay nya? Tapos parang pumapayat na din sya. DIBA HINDI PWEDING PUMAYAT ANG BUNTIS?
" Napano ka? " tanong ko sa kanya pero nag pout lang sya. Parang naiiyak.
" Bakit? Ano bang nangyari? May problema ba? " tanong ko sa kanya pero yakap lang ang sinagot nya. Yakap na parang namatayan ng milyong-milyong lamok. Sobrang higpit kaya.
The last time na niyakap nya ako ng ganito ka higpit tapos umiyak ay nung nalaman nyang namatay si Gino. Di namin sya nakausap nun ng mga one month yata. Kaya parang nagulat ako bigla sa ginawa nyang pag yakap.
" Jec? Bakit? " tanong ko ulit pero humagolgol lang sya sa pag-iyak. Hinimas himas ko lang yung likuran nya para tumahan sya. Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to? Parang walang planong tumahan.
" Ma....ma.......marrriiiieeee........ " pa utal-utal nyang sabi habang himihikbi.
" Oh? bakit? Ano ba kasing nangyari? " tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa'kin na pulang-pula ang mga mata.
" Pwedi mo ba akong samahan! May aasikasohin lang akong inportante! " sagot nya.
" Oo naman! Asan ba tayo pupunta? " tanong ko pabalik sa kanya. Nakikita kong naiiyak na naman sya. ANO BA 'TO! Baka may masama na namang mangyari, ako na naman ang mapapasabak sa gyera ng bunga-nga ni Vanessa.
" Punta tayong City Hall! May kailangan kasi akong asikasohin para sa'min ni Royce! " nabigla ako sa sagot nya.
Carine's POV
" Ano daw ba sabi? " tanong ni Vanessa sa'kin.
" Hindi daw pumasok sa clase nila. " sagot ko rin. Kanina pa kasi namin hinihintay si Marie dito sa Kolks Nook pero ni anino ng bruha hindi pa nagpapakita.
" Baka naman ka date si Kris " anya sabay subo ng custard cake.
" Nasa office naman daw si Kris. May ini entertain na guest from Czech Republic. " sagot ko.
beeeeeeep....beeeeeeeep....
1 message recieved
From: Rosemaria
" Girls, si Jeca........... T____T! "
" Shit! " napa sigaw nalang ako.
" Ano daw sabi? " tanong ni Van na biglang tumayo sa harapan ko.
Agad kong dinial ang number ni Marie. Asan na kaya yung babaeng yun, tsaka anong nangyari kay Jeca? Kinakabahan na naman ako!
***kkkrrrriiinnnngggg***
***kkkrrrriiinnnngggg***
" CARINE! " pa sigaw na sagot ni Marie sa tawag ko.
" Asan ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap? Tsaka anong nangyayari kay Jeca? "
" Easy lang! Teka muna! *Miss! paki hanap ulit as much as possible 100 times nyong hanapin! Baka mamatay na tong kasama ko sa kakaiyak!* Carine! Hello! Carine? " anya kaya nalilito na naman ako sa kanya. ASAN BA KASI SYA?
" Hindi na talaga ako na tutuwa! Ano? Sasama ka ba sa-------- " biglang nyang pinutol ang sasabihin ko
" Hoy! Liit! Wag ka munang High Blood! Punta nalang kayo ni Vanessa sa Mansion ng mga Brayzon! Dali!!!! " sabi nya at biglang....
tooot...tooot......tooot......tooot......tooot.
" Van! Punta daw tayo sa Mansion nila Jeca.. ASAP! " sigaw ko kay Vanessa at dali-dali naman syang tumayo ulit.
Jeca's POV
" Ano ba kasing gagawin natin dito? " tanong ni Marie sa'kin ng makapasok na kami ng City Hall. Hindi ko na sya pinansin at agad-agad nag tungo sa Office of the Civil Registrar.
Ayokong isipin ang mga negatibong bagay. Mga bagay na pweding maging dahilan ng pagsuko ko. Ayokong iwan si Baby Mallows, si Baby Yam at si Royce. Hanggat maari, kakayanin ko ang lahat wag lang kaming maghiwalay ni Royce.
" Ah, Miss... Kasi ano..... Ahm.... Ano kasi Miss.... " sabi ko sabay kamot sa ulo. Di ko kasi alam kung saan ko uumpisahan ang pagpapaliwanag ko sa na umaasikaso ng mga dokumento.
" Jeca, Ako nalang mag kamot, sige! mag tanong kana! San ba makati? " sabi ni Marie. Gusto ko na talaga syang sapakin. Sa lahat pa ng naging kaibigan ko, sya pa talaga ang dinala ko dito?
" Ano po ba yun Ma'am? " tanong nung babae.
" Kasi Miss, Gusto ko sana mag Inquire kong may file po ba kayo ng Marriage Contract namin ng asawa ko! Heto po yung copy namin pero wala po kasing nakalagay ng registered number! " pagpapaliwanag ko.
" Teka lang po Ma'am! check ko lang po sa Database namin! " sagot nya.
Habang naghihintay kami ni Marie, panay naman ang dasal ko na sana may kopya sila o mga katibayan na legal kaming ikinasal ni Royce. Iniisip ko pa lang kung anong masamang mangyayari, naiiyak na naman ako.
" Ma'am! Sigurado po ba kayo sa Marriage Contract nyo? " tanong nung babae.
" Bakit Miss? Ano po bang resulta " tanong ko
" Wala po kasing Jeca Michelle Castillo at Royce Oliver Brayzon na naka rehistro! " sagot nya at na istatwa ako bigla.
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
" Ano...po.....bang.......ibig.......nyong...........sabihin.....? " pa ngiyak-ngiyak kong tanong
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
" Wala pong bisa ang Marriage Contract nyo Ma'am kasi hindi naka rehistro! " sagot nya kaya napa upo ako bigla sa sahig.
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
" Null and Void? " tanong ko ulit at tumango ang babae..
" Hindi pwedi Miss! Kinasal kami! Heto oh.... kita mo 'tong singsing? Wedding rin 'to kaya imposible yang sinasabi mo! " sigaw ko sa babae habang umiiyak.
" Jeca..... uwi muna ta'yo! Di ka pweding ma stress! " awat ni Marie
" hindi..... pwedi.... tignan nyo ulit... wag sa computer... dun sa hardbound copies nyo! " sigaw ko sabay pahid ng luha. I HAVE TO BE STRONG!!
" Miss! Pasensya na! hanapin mo kaya ulit! " suhestyon ni Marie.
HINDE PWEDI!
Kinasal kami! Pero panong naging NULL ANG VOID? Yun nalang yun? Pagkatapos naming maging INSTANT MOMMY AND DADDY tapos ganon na lang kadaling maging INSTANT BROKEN FAMILY?
Ano nang mangyayari sa mga anak namin ni Royce? Ni Royce? Ayoko silang iiwan! Hinde pwedi! Ayoko pang sumuko. MAHAL AKO NI ROYCE ALAM KO YAN!
*************
Umuwi ako sa Mansion na parang lutang ang kaluluwa. Maga ang mga mata, walang kain, walang pakialam sa mga tao sa paligid ko. Ayoko silang kausapin. Alam kong nag-aalala na sila pero hindi sila ang kailangan ko.
SI ROYCE.........................................
Pumasok ako sa kwarto at ni lock ito. Gusto kong mapag isa. Gusto ko munang balikan ang nakaraan. Ini isa-isa ko ang mga masasayang pangyayari naming dalawa ni Royce. Ang rami na palang nangyari, ba't pa nya ako na kuhang iwan?
Malcom's POV
Hingal akong nakarating sa Mansion ng mga Brayzon. Ang sabi ni Carine sa'kin sa phone kanina may nangyari na naman daw kay Jeca. Kaya yung praktis sana namin sa Finals pina cancel ko na at agad hiniram ang motorbike ni Agravante para maka punta dito.
" Asan sya? " tanong ko kina Luis at Erwin na naka upo lang sa swing.
" Nasa kwarto pare, simula kanina hindi parin lumalabas " sagot ni Erwin sa'kin. Naka suot rin sila ng business suit. Parang ka gagaling lang din sa trabaho.
" Ano daw bang nangyari? " tanong ko tsaka pinakita sakin ni Luis ang Marriage Contract nina Royce at Jeca. Bumabalik na naman yung sakit nung oras na kinasal sila at wala man lang akong nagawa.
" Oh? Anong meron dito? " tanong ko at winagayway ang kontrata
" Wala daw kasi yan registered number. Ang sabi daw, pag ganyan, may chance na hindi legal ang kasal " sagot ni Luis. Natigilan ako bigla. HINDE LEGAL ANG KASAL?
Unang nasagip ng utak ko si Jeca kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto nya. Kinatok ko ang ito at sinubukang buksan pero naka lock. SHIT! Parang may naririnig akong agos ng tubig sa loob.
" Jeca.... buksan mo 'to! Jeca!!! " sigaw ko pero hindi sya sumasagot!
" Jeca naman! Hindi magandang biro 'to! Buksan mo 'to kundi mapipilitan akong buksan 'to! " pagbabanta ko pero wala paring sumasagot. Agos lang ng tubig ang naririnig ko galing sa loob.
Kinuha ko yung I.D ko at sinubukang buksan ang pintuan nya gamit 'to. Nang ma buksan ko na, wala si Jeca sa kwarto nya kaya agad akong nag tungo sa C.R pero wala naman. Naisip kong puntahan sya sa Bathroom at nakita ko syang naka tunga-nga sa loob ng bathtub at basang-basa na.
Agad ko syang niyakap, hindi sya gumalaw pero alam kong umiiyak sya. Alam kong nalulungkot sya. KAWAWA NAMAN 'TONG BABAENG MAHAL NA MAHAL KO, SINASAKTAN LANG NG MAHAL NYA!
" Kinasal kami Malcom! " biglang sabi nya habang niyayakap ko sya.
Bawat pangarap na ating pinagusapan
Pupunta na lang ba ito sa wala
" May wedding ring pa nga kami! " dagdag nya sabay hikbi
Pupunta na lang ba ito sa wala
Hayaan mong ituwid ang pagkakamali
Sa mga oras na to alam kong ika'y lito
" Tama na! Wag mo na syang isipin! " mahina kong sabi habang hindi panay ang agos ng shower.
Lumalamig ang gabi
Hindi na tilad ng dati
" Pano na yung mga bata? Pano na yung anak namin? Pano ako? " tanong nya at patuloy parin ang ag iyak habang nababasa.
" Jeca.....magkakasakit ka nyan! " sabi ko at pilit syang pinapatayo
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
" Hindi kami mag hihiwalay! Hindi ko syan iiwan! Mahal ko sya....Mahal ko syyyaaaaa..... Malcom! Pleasseeeeeee!!!! MAHAL KO SI ROYCEEEEE........." ma ngiyak-ngiyak nyang sabi kaya napa iyak na rin ako.
AN: ( Jeca and Malcom's picture in the right side )
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
Lintek na Royce 'yan! Tignan lang natin bukas!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
AN: Sorry po sa LATE NA UD, bawi nalang ako sa weekends hap! Busy na kasi sa office! Salamat sa mga bumabasa. Please Vote and Share your comments! SALAMAT NG MARAMI ^___^