SPECIAL CHAPTER: THE SPECIAL WEDDING

11.3K 162 4
                                    

Jeca's POV



Kinakabahan na ako, ilang oras nalang at ikakasal na naman ako kay Royce. Di ko akalain na aabot na naman kami sa ganitong sitwasyon. HAAY! Ano ba yan! Parang di ko na yata kaya ang kaba!




" Jeca? Ready ka na ba? " tanong ni Mommy nang pumasok sya sa kwarto ko.




Naka ayos na ako, may dala na ring akong wedding bouquet na sobrang ganda, galing pa daw 'tong Mexico at pinagawa ni Royce sa isa sa mga sikat na flower designer. TEAL & GOLD na kasi ang ang wedding theme namin.




Itong namang si Royce, pa iba-iba ng desisyon. Kesyo daw gusto nya sa Teal & Silver pero gusto naman nya maiba kaya natagalan kami sa final decision. What makes me so much happy kasi kami mismo ni Royce ang nag plano simula sa simbahan hanggang sa reception.




Hindi naman engrande ang kasal namin ngayon, unlike before na puro mga business partners ni Royce. Ngayon, yung mga importanteng tao saming buhay ang mga bisita.




" Anak, baka umiyak na si Royce kakahintay sa'yo sa simbahan! " biglang sabi ni mommy kaya nabalik ulit ako sa katinuan.




" Kinakabahan po kasi ako Mom! " sabi ko sabay himas ng aking dibdib.




" Talagang batang 'to! Ngayon ka pa ba kakabahan? Ang rami nyo ng piangdaanan ni Royce. You should be proud! " sabi naman ni Mommy at niyakap ako




" Baka kasi, makalimutan ko yung lyrics nung kanta pag nagsimula na " sagot ko.




" Asos.... kay Royce ka lang tumingin habang kumakanta! " anya at tumango ako. Heto na!




Royce's POV



" Hoy Royce! Nakaka ilang tubig kana! Baka umihi ka sa gitna ng kasal! " bulyaw ni Aragon.




" Takte pare! Kinakabahan ako! " sagot ko at uminom na naman ng tubig

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon