CHAPTER 46: COLD ROYCE

6.2K 150 6
                                    

Jeca's POV

Sunday na ngayon, ang sabi ni Royce sa friday sya uuwi pero lumagpas na ng friday. Hindi ko na nga sya makontak. Asan na kaya sya? Waaaaaaaaaa.. Namimiss ko na ang asawa ko. T_T

" Mommy! Nandito na si Tito Daddy! " sigaw ni Yam kaya nagmamadali akong bumababa ng kwarto. Nandito na sya.

Nakita ko syang kinakarga si baby Mallows at niyayakap si baby Yam kaya di ko mapigilang maiyak na naman! Opo! Iyakin po talaga ako! 

" Miss me? " tanong nya at naka ngiti sa'kin. 

" Akala ko Friday? Bat naging Sunday? " pag susungit ko sa kanya.

" Sorry na! Bawi nalang ako! " anya at niyakap ako. Ni hindi man lang nya sinabi ang rason.

Pumunta na sya sa kwarto at iniwan kami ni baby Yam na nakatingin lang sa kanya. Ano kayang nanyari sa business trip nya? Ba't parang pagod na pagod sya?

*******************

Days, weeks has been past. Parang nagiging cold na si Royce sa'kin. Pag may sinasabi ako sa kanya hindi sya nakikinig, minsan naman pag nasa kama kami hindi na sya tulad ng dati na humihingi ng HOME RUN sa'kin.

Nagiging malandi na siguro ako, pero obligasyon ko din naman ang ibigay ang mga gusto nya. Hindi ko naman sya tinatanggihan. Kaya nga naninibago ako sa mga kilos nya. 

Parati syang may ka skype tapos pag nilalapitan ko, ang parati nya ring sinasabi sa'kin " DUN KA MUNA! IMPORTANTE 'TO " . Di na nga ako makapasok sa mini library nya kasi ni lo-lock na nya. 

" May problema? " tanong ni Malcom sa'kin.

Nasa Kolks Nook kasi kami ngayon, pero hindi ako nag-iisa ha! Nandito rin si Vanessa. May clase kasi si Marie at  Carine. Habang patungo kami ni Van dito sa Kolks Nook ay nakita kami ni Malcom kaya sinamahan na nya kami.

Instant Mommy & DaddyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant