CHAPTER 6: MOODY

12.8K 247 6
                                    



[EDITED]



Royce's POV




Nandito ako ngayon sa WESTERN VILLE BUSINESS SCHOOL at hinihintay si Michelle. Ang tagal-tagal naman nang babaeng 'to.




"Kanina kapa ba Royce?" tanong nya habang dala-dala ang libro nya sa finance at Polsci ba yun? ay ewan may Philippine flag kasi sa harap ng libro.




" Tss. 20 minutes kanang late, akala ko ba 8:30 p.m ang uwian nyo? eh, bat ang tagal mo?" pag susungit ko sa kanya.




Ayaw-na ayaw ko kaya ng may nale-late. Sa office nga pag may na le-late na board member sa meeting I need an ACCEPTABLE REASON. 




"eh, kasi punta pa akong cr tsaka ma------------" 




"PASOK!, daming rason.."  sabi ko sabay upo sa driver's seat.




" Sorry Royce di ko kasi alam na time conscious ka pala. " sabi nya nang naka yuko at yakap-yakap ang libro nya.




May nag babantay sa bata ngayon. Yung kasambahay namin nuon. Almost 25 years na din syang kasama namin, Nanay-nanayan ko din pag wala si mommy.




 Ang tawag ko sa kanya ay Nanay Ester. sya yung nag aalaga sa akin simula bata hanggang naging gan'to na ako. Loyal din sya sa family namin. Pati asawa nya driver din nila daddy at mga anak nya na puro babae sa Kompanya ko na rin pinatrabaho. 




I decided na kunin si nanay Ester kasi nag aaral pa si Michelle, pero pag weekends kaming dalawa ang nag babantay. At kahit nandyan si nanay ester I will never change my plan to get married with Michelle at ayoko nang kumuha ng ibang yaya, kay nanay ester lang ako komportable kasi sya nag alaga sakin. 




Tsaka pag nandyan lang si Michelle tumatahimik si baby Mallows, pag kay nanay Ester di kasi tumatahimik. Umiiyak lalo. 

Instant Mommy & DaddyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora