CHAPTER 42: SUPERMAN

8K 180 13
                                    

AN: (Jeca and baby Mallows' picture is in the right side. Please do imagine that Jeca is a bit bigger than the picture. )

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Marie's POV

" Oo na! Ang atat mo rin! " bulyaw ko kay Kris na naghahanda sa dadalhin namin kasi panunuorin namin si baby Yam sa school nya.

" Kahit kailan ang bagal-bagal mo talagang kumilos anak, kaya ka parating late eh! " sita din ni daddy sa'kin.

Lintek na Kris kasi, dito pa natulog sa'min. Itong si Daddy naman, botong-boto kay Kris, ayun at dun pa talaga pinatulog sa kwarto ko. Pero di kami magkatabi ha! 

Daldalhin ko kasi yung tarpaulin na pinagawa ko pa, para e cheer namin si Yam mamaya sa school. May nakalagay pa na " YAMMY BANANA " at may picture pa ni Yam. Supportive na tita kasi ako.

" Anong oras ba daw magsisimula ang Mr. & Ms. Nutrition? " tanong ni Kris na katatapos lang din nya maligo. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

" 1pm daw. " sagot ko

" Ok! After natin mag breakfast, punta na tayo kina Royce " sagot nya at sinaluhan kami ni Daddy sa pagkain.

Royce's POV

Mas nauna akong nagising kaysa kay Michelle. Tulog mantika talaga 'tong babaeng 'to, palibhasa ang raming FATS! ( WAG NYO PO AKO ISUMBONG! ). After kung maligo ay pinuntahan ko na sya sa kama. I'm wearing pink hello kitty boxer short. Still remember her christmas present? Yeah! I always wear this! 

" Rise and Shine myloves! " sabi ko sabay pingot sa ilong nya.

Nawala na kasi yung galit at duda ko ng malaman kong I was the one who took her precious one. I admit, naging unfair ako kasi parang nagmumukhang napilitan lang syang gawin yun kasi nga galit ako nung time na yun. 

You can't blame me for being that rude to her last night, ganun ako magalit. Maski naman siguro yung ibang lalaki dyan, kung makita nilang may kayakap yung girlfriend o asawa nila, magagalit din siguro. Pero ang mali ko rin, I was not able to hear her side. SORRY NAMAN!

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon