CHAPTER 57: HIS WEAKNESS

8.5K 161 10
                                    

Erwin's POV

Katatapos lang naming kumain nina Luis at Kris sa niluto ni Malcom. Syempre, tinirhan din namin sina Shale na nasa sala at nag-uusap. Takam na takam ako sa Pringá at Pincho. Medyo matagal kasing lutoin yung Pringá kasi nga gawa sa karne ng baka kaya naman inabot ng dalawang oras din ang hinintay namin.

" Pare ang lupet talaga ni Heidelberg! " sabi ni Luis habang umiinom ng red wine.

" Hindi ka pa ba nakaka move on Luisito? " tanong ko sabay subo

" Kasi naman Aragon! Imagine nin mo 'yun! Si Shale yun! Yung minsang ini imagine ko sa mga kahalayang ginagawa ko. Tapos ganun lang kadaling natikman ni Heidelberg! Naku mga king kong! malupet yun grabeh! " anya na di parin makapaniwala sa nangyari.

" Edi mas mabuti na yun para wala ng sagabal sa pamilyang BRAYZON! " sabi ko at tumango naman sila simbolo nang pag sang-ayon.

" Maiba tayo! Alam nyo mga pare, kaka graduate lang pala ni Jhenry " dagdag ko.

" Talaga? kaka graduate nga rin nina Sharmaine Rose at ni Ivon Joy " sabi naman ni Kris

" Sabay pala sila nina Jun, Leizel, Richmond at Tweetee na kaka graduate lang din " sabi naman ni Luis

Beeeeepp..Beeeep

1 message recieved

From: CarineBabe

" Si Jeca nawawala, nag layas T___T "

ANO?

" Ano ba yan Aragon! Sumisigaw ka nalang bigla, ano bang nagyari? " tanong ni Robinson

" Pare, si Jeca daw naglayas! " sabi ko kaya nabigla ang dalawang mokong. Dali-dali kaming pumunta sa sala na kinaroroonan nina Shale at Malcom.

" Ah...eh.....Heidelberg...alis muna kami ha! " sabi ko

" Akala ko dito kayo matutulog..... " anya at tinignan kaming tatlo

" Kasi......ahm..... may pinapagawa kasi si Carine... ahhh.....dito ka muna... total kailangan ka dito ni Shale...you need to talk more on your future guys.... sooo..alis na muna kami! " pag papaliwanag ko.

" Ok! Si...sige..... " sagot ni Malcom kaya nagmadali kaming pumunta sa Mansion ng mga Brayzon.

" Bilisan mo Robinson! Baka magpakamatay si Royce dun! Naku!!! makukulangan na naman tayo ng isa pang gwapo! " pang aasar ni Luis. Si Kris kasi ang nag da-drive ng sasakyan ko.

" Pare, parang ang dilim..... wala na yata si Royce! " pang aasar naman ni Robinson kaya sa galit ko binatokan ko tuloy!

" Sige, mang-asar pa kayo! Kayong una kong papatayin! Kitang nasasaktan yung tao " pagbabanta ko.

Agad kaming pumasok sa Mansion, anong oras na ba at sobrang tahimik na ng mundo. Wala ni isang ingay na nanggagaling sa loon ng bahay. Deretso kaming pumunta sa pangalawang palapag nang bahay. Sa may bandang kanan may nakita kaming pintuan na naka bukas.

" Pare, baka nandun! " tugon ni Luis kaya hinay-hinay kami sa paglalakad. Baka kasi magising si baby Yam at baby Mallows.

" Royce.......... " tawag ko pero walang sumasagot

Hinanap namin sya sa kwarto, sa sala, sa C.R at sa terraces nila pero wala. Asan na kaya yung taong yun? Kinakabahan na kasi ako

" Sa laki ba naman ng Mansion na'to! San ba napili ni Royce magtago? " tanong ni Luis kaya napa isip naman ako bigla. San nga ba?

Instant Mommy & DaddyOnde histórias criam vida. Descubra agora