CHAPTER 30: INSECURE

7.9K 161 6
                                    

Jeca's POV

Last day na namin dito sa Japan at ngayon nandito parin kami sa Osaka kung saan matatagpuan ang sikay din na  USJ ( Universal Studio Japan ). Sobrang ganda at sobra excited na ako na akong subukan ang mga rides at ang tourist spot sa lahat, ang bagong "The Wizarding World of Harry Potter". Di ko nag mapigilang mapasigaw sa sobrang tuwa. 

" Happy? " tanong ni Royce hawak-hawak ang malaking stuff toy ni HELLO KITTY. Para kasi akong bumalik sa pagkabata. HAHA

" Bagay naman sa'yo ah.... ikaw na kasi ang magdala " sabi ko sabay tawa ng mahina. 

Kanina pa yan naiirita sakin pero pinipigilan nya lang. Eh, kasi pina bitbit ko sa kanya ang stuff toy ni Hello Kitty tapos may tatlong paper bags din syang bitbit laman ang mga Hello Kitty souvenirs na binili rin namin. HAHA. Kawawang Royce.

" People think that I am gay.... This fucking kitty is sooo pink! " pagmumura nya. Napatawa na naman ako. Ang sungit ng manliligaw ko.

" Ako na nga ang magdadala nyan " sabi ko at aagawin sana yung mga paper bags na dala nya.

" NO! It's Ok! Kumapit ka lang sakin para di ka naaagaw ng iba " anya at hinila ako palapit sa kanya!

Kung pwedi lang sanang magpasabog ng milyong-milyong kwitis dito sa sobrang kilig ay ginawa ko na pero since maginaw at may konting snow na ring kaya imposibli ko ng gawin.

" Dun ta'yo Royce " turo ko sa Hello Kitty Cupcake Dream.

" Hello Kitty na naman! " sabi nya pero di ko na ininda kasi hinatak ko na sya.

Ang ganda dito! Parang tuloy ayaw ko nang umuwi mamaya sa Pilipinas. Nilibot talaga namin ang buong Theme Park ng USJ. Pati nga rin mga rides sinakyan namin. 

" Dun naman tayo Michelle " sabi ni Royce at tinuturo ang Space Fantasy Ride.

Ngayon ko lang napagtanto na ibang Royce pala ang kasama ko. For 3 days kaming magkasama buong araw pati pag tulog. I never expected na may gan'tong side pala sya yun tipo na hindi masungit, hindi time conscious, hindi mayabang at higit sa lahat hindi ako hinahayaang mawala sa tabi nya.

" Ready? " tanong nya nang malapit na umandar ang ride na sinasakyan namin.

" Ready na po! " sagot ko at nginitian sya. Hinalikan na naman nya ang kamay ko at pagkatapos ay nilapit nya ako ng konti sa kanya at niyakap ng mahigpit.

" I'll never let you go, I'll hold you in my arms " kanta nya. 

" Akala ko ba na babaduyan ka sa wedding song natin? " tanong ko habang nakangisi sa kanya.

" Dahilan ko lang yun para di mo malaman na nasaulo ko na yung kanta! hihihi " anya at tumawa ng mahina.

Instant Mommy & DaddyWhere stories live. Discover now