CHAPTER 60: BEING AN INSTANT DADDY

10.6K 170 10
                                    

Royce's POV

" Baklang Igwana? Hahaha!!! Wala bang mas panget dun Royce? " pang aasar ni Luis sa'kin 

Imbes na magalit, napatawa nalang ako sa mga reaksyon nila. Oo! Ang panget nga naman pero yun lang ang naisip kong paraan para makita ko si Jeca at malamang OK lang sila ng mga anak namin.

Pumasok si Erwin dala-dala ang pinalabhan kong Mascot na ilang linggo ko nang sinusuot. Grabeh, parang pinaparusahan talaga ako pag sinusuot ko ang Malaking Mascot na 'yun. Ang hirap huminga at hindi pa ako makagalaw ng maayos. Tiniis ko nalang kahit mainit, gusto ko kasi araw-araw ko syang napapa saya, kahit na ba IBANG PANGALAN ANG BINIBIGKAS NYA..............................

" Royce......hindi ka ba nasasaktan pag sinasabihan ka nyang MALCOM? " tanong ni Kris at umiling ako

" Nasaktan ko kasi sya eh! Kahit na ba, gusto ko nang ipakita sa kanya 'tong gwapo kung mukha. " sagot ko at nilingon sila.

?___? - Erwin

@__@ - Kris

" Royce..... wag ka namang masyadong mahangin sa harapan ko! Nakaka walang respeto! " pang aasar ni Luis kaya napa tawa kaming apat!

" Salamat sa inyo ha! Kundi dah------------- " hindi na ako pinatapos ni Luis at nagsimula na rin syang masalita.

" Mag iisang libo na yata yang pasasalamat mo at mag iisang libo kana rin naming sinabihang OK LANG.... Ano ka ba Royce.... naninibago na kami sa'yo! Nuon, ang sunget ng dating mo! Pero ngayon para na yatang batchmate ni Cupido. " pang aasar ni Kris at napa tawa na namin kaming apat.

Sa mga nakaraang buwan na wala ako sa tabi ni Michelle, sila ang naging sandigan at ka tuwang sa panga-ngailangan ng asawa ko. Sa mga oras na dapat sanay ako ang kasama ni Michelle sa pagpapa ultrasound ng anak namin. Sa panahong may gusto syang kainin dala ng paglilihi nya.

Kaya ngayon, bumabawi na ako sa mga pagkukulang ko. Kahit na ba late na ako palagi sa board meeting. Kahit na ba may lipstick at eye shadow pa ang mukha ko dala ng pag papanggap ko bilang isang bakla. Kahit na hindi nya kinakain ang binibili ko para sa kanya. OK LANG, basta makita ko sya......sila at ng kambal na nasa tyan pa nya.

Instant Mommy & DaddyWhere stories live. Discover now