CHAPTER 59: BEING AN INSTANT MOMMY

10.5K 174 7
                                    

Jeca's POV

 Mag si-six month na ang tyan ko. Lumalaki na nga at hindi pa ako bumabalik kay Doktora sa Ospital. Naging busy kasi ako sa photoshoot namin ni Mr. Clifton. Nagtataka siguro kayo kung anong nangyari sa'kin sa gitna ng kalsada.

< flashback >

Nagising nalang ako na puro puti ang nakikita ko. TEKA! Asan na ba ako? Ang huling pagkakatanda ako tatawid na sana ako pero may narinig akong banggaan.

" Gising ka napala my girl! " bati ni Mr. Clifton. Yung manager ko before sa THE CODE COMPANY.

" Hala! Mr. Clifton! Bakit po kayo nandito? " tanong ko sa kanya na ngayon ay pinapaypayan ang sarili nya.

" Anong bakit? Hindi mo ba ako nakita bago ka nahimatay? Ikaw talagang bata ka! Kinabahan ako sa'yo! Akala ko kung na pano kana! " pag tatalak nya sa'kin

" Ano po bang nangyari? " tanong ko habang pinipilit inaalala ang nagyari.

" Nahimatay ka sa gitna ng kalsada nang may marinig kang pagbusina ng sasakyan. Abay, akala ko kung napano kana! yun pala buntis ka at nagpagod kana naman daw sa sarili mo! Ayun! Ako tuloy ang pinagalitan ng doktor mo! " pa sigaw nyang sabi. Hindi po sya nagagalit, ganyan lang po sya magsalita parang nagagalit. 

" Ganun ho ba? Eh........Salamat po Mr. Clifton! " sabi ko.

" Hoy babae! Aminin mo? Naglayas ka noh? " tanong nya sabay turo nh hintuturo nya sa'kin.

" Mr. Clifton..... wag nyo pong sabihin kay Royce..... Ayoko pa pong magkita kami........ " sabi ko at buti nalang naintindihan nya.

< end of flashback >

Sinabi ko sa kanya lahat-lahat ng tungkol samin ni Royce. Simula nung unang pagkikita namin hanggang sa nabuntis ako at nalaman kong nabuntis nya din si Shale. Pwera nalang sa mga pangyayari na kami lang ni Royce ang nakakaalam.

Instant Mommy & DaddyWhere stories live. Discover now