CHAPTER 50: BUNTIS SI JECA

8.1K 164 17
                                    

Jeca's POV

" Uy!..Jeca.... Teka! Hintay! Hoooooooy! " sigaw ni Malcom. 

" Humabol ka! Player ka pa naman! Ang bagal-bagal mo! " sigaw ko sa kanya at nagpatuloy sa pag jo-jog.

Nandito kasi kami ngayon sa Abellana Sports Complex. Niyaya kong mag jogging si Malcom kasi napagtanto kong ang taba-taba ko na siguro kaya ganun nalang ang pakikitungo ni Royce sa'kin.

" Jeca! Wait! " sigaw ni Malcom pero di ko na sya pinakinggan.

" Sige pa, Kaya mo yan! Kailangan mo 'yan! Wag kang huminto! " sabi ko sa sarili habang patuloy na nag jo-jog.

Mag da-dalawang linggo na simula nung sinigawan ako ni Royce sa phone. Hindi ko nga alam kong anong ibig nyang sabihin. Ni hindi nya rin sinasabi sa'kin kung anong picture yun. Wala akong idea sa mga sinasabi nya nun. Hindi na sya tumatawag, ni wala ng text pero OK lang. Naiintidihan ko pa sya.... ACTUALLY SILANG DALAWA..

Parang bumagsak ang mundo ko nung inamin nyang si Rashale pala yung dahilan kung bakit sya walang oras sa'min. Syempre, nung una nagalit ako. Hindi ko sya pinansin nun buong araw pero napag isip ko rin kung hindi ko sya papansinin baka puntahan nya si Shale kaya hindi ko matiis at pinansin ko rin.

After nya mag confess, naka HOME RUNS na ulit sya. Ang sabi nya na miss nya daw yun kaya todo effort ako sa pagkayod. Naging OK na naman kami nun. Walang tawag at text kay galing kay Shale, nagsisimba na kami every Sunday na kasama na si Royce until tumawag yung Mommy ni Shale at may nangyari daw. IF I KNOW NAGIINARTE LANG YUN!

" Ba't........Ba't....... Ba't ang bi-bilis mo tumakbo......." hingal na sabi ni Malcom.

" Hindi kaya! Ayaw ko na mag jogging! Sige na! bili kana ng pinya! " utos ko sa kanya 

" Are you Pregnant? " biglang sabi ni Malcom kaya napatingin ako sa kanya.

" Anong pinagsasabi mong buntis? Hindi ha! " sagot ko

" Ba't panay ang kain mo ng pinya, tsaka you're not like this before! " anya at binigyan ako ng tubig.

Instant Mommy & DaddyМесто, где живут истории. Откройте их для себя