After Five Years

Da shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... Altro

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 2.8

84 7 0
Da shytryfly

"Ma'am Shaze!" Nagulat naman ako sa tawag ni Ma'am Heil na nandoon sa pwesto kanina ni Breeze matapos ko na mabuksan ang pintuan.

"Ma'am, tapos na po ang class niyo?" Nasa pintuan ako na nakaharap sa dalawang bata at ang right hand ko ay nasa door lever. Si Ma'am Heil naman ay nasa right side ko habang nasa left side ko naman ang Tito ni Terrence.

"Yes, Ma'am Shaze! Pasensya ka na at natagalan ako kasi may--...Wait lang, sagutin ko lang ito, Ma'am. Saglit lang po." Sinignalan niya naman ako na wait lang gamit ang kaliwang kamay habang nasa kanan na tenga na ang cellphone. Pumunta naman siya doon sa may gilid ng hagdan dito sa may daan ng Grade 6 sa right side ko pero nasa ibaba siya noon. Yun yung hagdan na ginagamit papunta sa second floor. Naalala ko tuloy si Kuya Roberto na sabi din ay saglit lang pero hindi na rin bumalik kanina. Ayan tuloy inulan ako ng mga magugulo na tanong ni Breeze!

Parang CCTV naman na gumagalaw ang mga mata ko para hanapin yung masungit na iyon! Nilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng labas ng room ko at maging sa couch, wala. Nandito lang yun talaga kanina pero... pero nasaan naman nagsuot ang masungit na iyon? Siguro umalis na. Salamat naman ulit kung ganoon.

Napabaling na lang ako sa dalawang bata sa harapan ko na nagbubulungan. Nasa loob pa rin kasi sila at hindi pa lumalabas, nasa right side pa rin sila ng pintuan kung nasaan sila kanina. Si Cher sa right at kapantay ko habang si Terrence naman ay nasa left niya.

Bumulong pa sila pero naririnig ko rin naman. Pero bakit noong bumulong si Breeze, hindi ko naman nadinig?! Bakit pag sa ibang tao nadidinig ko agad?! Siguro kailangan ko na magpatingin kung may sakit na ba ako sa puso at saka sa tenga. Hays.

"I'm going to win this time, Ter! You can't beat me this time! You cheat, right?!" Pabulong na medyo pasigaw na sabi ni Cher. Ang kaliwa na kamay pa nga ay nakatakip sa bibig niya habang binubulong iyan sa tenga ni Terrence.

Kumunot naman ang noo ni Terrence at saka tinanggal ang mga kamay sa strap ng bag niya at bumaling din kay Cher at bumulong with his left hand naman ang pinantakip.

"No! No! No! I would not let that to happen! I am going to win again, Cher! I am going to win! I am going to wiiiin!"

"Kids, pahinga na po kayo at tama na muna po sa laro, okay po? Hindi pa kayo kumakain. Ayan na sila Mommy and Tito." Bago pa talaga nila maisagawa ang plano nila ay inunahan ko na sila. Magpapaunahan na naman kasi eh. Tumingin din ako kila Ma'am Heil at Hiro pero si Hiro lamang ang nakatingin sa akin at ngumiti dahil hindi pa rin tapos si Ma'am Heil sa kausap niya. Ngingitian ko sana pabalik si Hiro kaya lang nabalik na naman ang atensyon ko sa dalawang bata. Nakakahiya!

"Yes we will po, Ma'am Shaze! But, I should win po over him! You cheat, right?! Right?!" Tinuro pa ni Cher si Terrence pagkatapos na tumingin sa akin na nakanguso pa.

"No! No! No! I will win again! I will win against you!" May masama naman na tingin na binaling si Terrence kay Cher pero medyo tumingala siya dahil nga sa pagkakaiba ng height nila. Yung mga kamay niya ulit ay nasa magkabilang strap ng bag.

"Really?! You cheated kaya! That's why you won!" Hindi naman tumitingin si Cher kay Terrence at nakatingin lang sa ceiling at nakanguso pa rin.

Masama pala talaga ang epekto ng nagapapalipas ng gutom. Kung sa mga matatanda, nababadtrip sila pero parang baliktad sa mga bata. Napakahyper kasi na animo na hindi nauubusan ng energy kahit wala pa naman sila na kinakain. Pero kahit ganoon, innocent, cute, and sweet pa rin sila!

"I did not cheat kaya!" Humarap naman na si Terrence kay Cher this time which means nakatalikod na siya sa akin. Yung kamay naman na ay nasa magkabilang gilid.

"Yes kaya!" Cher said while tilting his head on the left side.

"No kaya!" May pa-cross gamit ang mga kamay pa si Terrence.

"Yes." Binaling naman ngayon ni Cher sa right side ang ulo niya.

"No!" Terrence said while shaking his head to the both sides.

At dahil sa hindi na yata sila titigil ay pumagitna na ako sa kanila.

"Okay, kids. Enough na po. Say sorry to each other na po. Fighting is bad po, remember?" Malumanay at may ngiti pa rin na sabi ko sa kanila kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan na ako dahil baka magsuntukan pa sila.

Tumingin naman sila sa akin ng sabay at sabay rin na yumuko. Si Cher ay magkasaklop ang mga kamay habang si Terrence naman ay nakaharap na sa akin at nakalagay na naman ang mga kamay sa strap ng bag niya.

"I am sorry po, Ma'am Shaze." Para naman sila na choir na sabay pa na sinabi sa akin iyan.

"I am sorry, Ter." "I am sorry, Cher."

Sabay rin na sabi nila tapos nagkatinginan pa sila na dalawa. Mabilis naman din sila na dalawa na bumalik sa kaninang pwesto at yumuko ulit. Hindi ko tuloy alam kung sincere yung apology nila sa bawat isa pera baka naman.

Napatingin naman ako sa left side ko dahil narinig ko na tumatawa ng mahina si Hiro na ang kaliwang kamay pa ay nasa bewang. Hindi naman din mapapagkaila na gwapo din si Hiro. He looks stunning with his outfit na beige polo shirt, white trouser, and white shoes na may black watch sa left hand. I think he and Breeze have the same height kasi hanggang malapit lang din niya ako sa balikat. Galing man siya sa work pero walang bakas na pagod sa mukha niya.

He has the same face shape with Breeze but, they really have a big difference when it comes to another facial features. He has those big eyes with double eyelids that makes him more lively and lovely to look at. Above his eyes are thick and straight eyebrows. He also have slim and pointed nose that will make you feel envious. Full lips that are being separated from each other because of his continuous laughing. All in all, his facial features greatly match his barbers haircut and pale skin.

If Breeze has those Western beauty, I can say that Hiro claims the standards of Asian beauty.

"Sorry, I just can't help myself from laughing. These two are friends so don't worry, they will not punch each other's face f---."

"Tito, why are you laughing? You too po kaya! You should apologize to me too! You always tease me that I am small! Ma'am Shaze! Ma'am Shaze! Tell him po na bad po ang ginagawa niya!" Lumabas na nga si Terrence nandoon sa pwesto ni Breeze kanina, masama ang tingin at nakapout pa sa Tito niya. Noong bumaling naman sa akin ay parang maiiyak naman na ang itsura.

Lelevel dapat ako sa kaniya kaya lang naunahan ako ni Hiro sa kaniya at binuhat si Terrence. Bali, nakatalikod naman sa akin si Hiro. Tahimik naman na nakatingin lang si Cher na nakaharap sa magtito.

"Sorry, baby. I am laughing because the two of you are so cute. But, do you know the reason why I am always teasing you?" Hindi ko naman alam kung nakangiti si Hiro noong sinasabi niya iyan pero ang alam ko lang ay nakasibangot pa rin si Terrence sa Tito niya na nakahalukipkip pa at hindi nakatingin kay Hiro.

"Because you love me?"

"Because you love him."

Sabay na naman na sabi nina Terrence at Cher na sinabi iyon sa magkaibang tono. Yung isa ay hindi sigurado habang yung isa naman ay sigurado.

"You're right, baby and you impress me, young man." May ngiti at natutuwa na sabi niya sa dalawang bata. Binigyan lang siya ng ngiti at nod ni Cher habang si Terrence ay nananatiling nakasibangot pero nakapalupot naman na ang mga kamay sa leeg ni Hiro.

"I do not love you, Tito!" Nabigla naman ako sa sinabi ni Terrence at akala ko ay malulungkot at masasaktan si Hiro sa sinabi ng pamangkin niya pero tumawa lang ito at hinagod ng marahan ang likod ng bata. Si Cher naman ay palinga-linga at hindi alintana ang tantrums ng kaibigan niya. Hinahanap siguro si Ma'am Heil na nandoon lang naman sa gilid. Paano naman kasi makikita ni Cher si Ma'am Heil eh diretso ang tingin niya which means sa may canteen siya nakatingin. Hala! Baka nagugutom na siya!

"Right, baby! From what you did right now, it seems like you truly not love Tito." Humarap naman na si Hiro sa banda ko kaya ngayon si Terrence na ang nakatalikod. Kung kanina ay si Terrence ang naka pout ngayon naman ay si Hiro na sinisilip si Terrence. Mukha na nga sila na magtatay sa lagay na iyan eh. Like Breeze kasi Hiro is also the younger brother of Terrence's mother.

"I do kaya! But, I love Ma'am Shaze more than you!" Diyan na siya napaharap sa Tito niya. Masaya ako sa narinig ko pero hindi ko naman alam kung bakit ako nasali sa usapan nila na magtito. Nananahimik na nga ako sa gilid eh.

Malambing si Terrence kaya alam ko na hindi naman magtatagal ay bati na ulit sila ng Tito niya. Masarap mang-asar ng bata at kung ano na kadali na inisin sila ay ganoon naman kahirap sila na amuin. Masaya sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka nila at masaya sa piling mo pero sobrang sakit naman sa pakiramdam kapag lumalayo sila sa iyo at sasabihin na ayaw na nila sa iyo. Mas masakit pa yata iyon sa break up!

"Me too."

Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Hiro dahil bigla naman na kumabog ang puso ko dahil sa pangalan na sinigaw ni Cher na nakasilip pa sa left side. Nasa right na kasi si Hiro doon nga sa pwesto ni Breeze kanina na buhat-buhat si Terrence tapos ako ay nandito pa rin sa may pintuan.

"TITO BREEZE!" Masigla at malakas na sabi niya na nagpabaling din kila Hiro at Terrence. Habang ako, estatwa na naman ang status. Yung mga paa ko nasa labas na ng pintuan kanina ay kusang pumasok sa pinto at ang mga kamay ko rin ay napahawak na naman sa pintuan. Nagpapasalamat talaga ako dahil nilagyan nila ng pintuan ang room ko. Malamang lalabas ang lamig kung wala na pinto! Shaze, act normal! Act normal! Utak ay gamitin!

Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya at tanging nakikinig lang ako sa usapan na mayroon sa gilid ko. Nasa labas na rin naman si Cher dala ng excitement niya nang makita si Breeze.

Bakit ba excited sila na makita ang masungit na iyan?! Nag-aalala naman ako sa mga bata baka mamaya ay pagsungitan din ni Breeze! Jusq, subukan lang niya at susungitan ko din siya! Hmmp.

"Tito, where is Gavin po? I thought you pick him up na po?" Si Cher. Kapag kasi may tono ng pagdududa sa boses, anak na ni Ma'am Heil yan.

Hindi pa man din niya nasasagot ang tanong ni Cher ay nagsalita naman si Terrence na ngayon ay nagpapababa na sa Tito niya at pumunta sa may gilid ko kung nasaan sina Cher at Breeze.

"Oo nga po, Tito Breeze! We could play pa po sana pero, it's okay lang po." Nararamdaman ko naman na nakapout si Terrence dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Pag may pout din at parang nagtatampo na salita, pamangkin na ni Hiro yan.

"Ah Gavin is on the car na wi---."

"THEN, WHY ARE YOU STILL HERE PO?!" Sabay na naman na sabi nina Terrence at Cher.

Tama! Why are you still here, Theodon?! Siguro ay may pinopormahan ito na teacher sa Junior High kaya naisipan ulit na sunduin si Gavin! Tss. Siguro yun yung katext niya kahapon?! Tapos magkikita sila?! Tapos si--.

"Ma'am Shaze, I am very sorry that you need to witness the tantrums of my nephew. If he act like that in you--."

"It's nothing, Hiro. Terrence is a good and sweet student. Huwag mo alalahanin iyon." Nakangiti ko naman na sabi sa kaniya at wala sa loob na napabaling kila Terrence na may ngiti pa rin sa labi. Pero daglian naman na nawala ang ngiti ko nang mapansin ang pinagigitnaan ng dalawang bata sa couch na may masamang tingin sa akin. Walang iba kung hindi ang masungit na may brand name na panlaba! May bottled water na siya sa kamay at parang gusto ko naman na maglaho na lang dito na parang bula sa sama ng tingin niya sa akin. Pero ang sama niya din dahil hindi niya pinapansin yung mga bata na sabik na sabik siya na makita. Parang ginawa niya rin ito kay Gavin kahapon hah! Ang sungit talaga!

"If ever na pasaway siya, you can call me... I mean I will tell it to my ate right away!" Buti pa si Hiro, pag kinakausap ako nito, palagi na may ngiti at magaan kausap. Habang yung isa, ewan! At dahil nga mababaw ang kaligayahan ko ay napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. Ang bwisit na traydor ko na mata ay basta na lamang na napatingin sa gawi ni Breeze na nakalean forward at ang mga kamay ay nakapatong sa mga hita. Salamat naman at hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi sa bottled water na lang na nasa right hand niya.

"Hiro, there's no need for that. If ever man na may concern ako about Terrence, I will really tell it to Mrs. Vidal and even you. Kaya huwag ka na po mag-alala about Terrence, he is a good kid po." I smiled sincerely to him kasi sobrang lambing naman talaga ni Terrence kaya wala naman na problema sa kaniya. His performance din sa klase ay excellent kaya no worries about him. Although, lahat naman sila na student ko, hindi naman sila sakit sa ulo. Pero, hyper nga lang!

"It is good to hear that, Ma'am Shaze! But, I promise to always tell to him na bawasan ang pagtantrums at mang-asar para hindi ka na mahirapan din sa kaniya. I know how tiring your work is that is why I... I want to thank you also for your patience and hardwork." He even smile bigger to me which is different from his usual smile that he always give to me.

Para naman na gusto ko na maiyak sa sinabi niya kasi totoo yun eh. Ayoko lang na sabihin kay Nanay kasi imbes yata na makarinig ako sa kaniya na magpahinga ako, she will tell me that it is my fault. Na nagteacher pa kasi ako kaya dapat na harapin ko yung consequences ng daan na pinili ko. She is against of my profession even from the start until now. Akala ko nga matutuwa ulit siya sa akin noong nakagraduate na ako. We are okay naman, nag-uusap kami pero alam mo yung parang may wall pa rin between the two of you. Na may limitations pa rin at dapat filtered ang lahat ng sasabihin mo sa kaniya. Sometimes I even think noong nag-aaral pa ako na, I should give up my dream na lang kasi yung tao na nagsabi sa akin na susuportahan niya ako sa lahat ng mga pangarap ko, nawala. I do understand her and even forgave her not only as she is one of us, a teacher, but also because of one thing that she experienced back then, her view about her own profession changed.

"Tha-thank you, Hiro. Ah ano... baka nagugutom na si Terrence." Alam ko na nagtutubig na ang mga mata ko dahil mababaw ang luha ko na namana ko sa aking Lola. Kaya naman pinagana ko talaga ang utak ko at nag-isip ng mga bagay na nakakahiya na ginawa ko at baka sakali na umurong ang mga luha ko.

Okay, Shaze! Diba diba noong Grade 7 ka tinabi ka lang kay Breeze, umiyak ka na?! Kasi ang palusot mo noon ay puro maiingay ang nasa left side mo? My brain tells me.

JUSQ. Oo nga! Nakakahiya! Bakit ba kasi ang iyakin ko! Nakakahiya ka, Shaze Merene! Kaya nga nafeel ko noong mga oras na iyon baka iniisip niya na ayaw ko sa kaniya kaya umiyak ako noong time na iyon. Nakakahiya! Jusq. Nakakahiya. Sobranggg nakakahiya!

Pero naaalala mo pa ba yung nagpakamartyr ka noong Grade 7 din kay Breeze? May activity kayo noon na by partner sa English and feeling mo naman partner ka na niya! Pero sa activity lang iyon for he has a girlfriend that time. Sinabi mo pa nga sa kaniya na mag recess na siya at tutuloy mo na lang yung activity niyo kahit na alam mo na pupunta lang siya sa girlfriend niya! My heart's brutal way to convince me not to cry.

Sabi ng hindi ako iiyak eh, nakakahiya kaya yung mga iyon! Dapat tumawa ka Shaze! Tumawa ka! Itago mo yan! Hindi ka iiyak! Salita lang iyon! Mas malakas ka doon! Ang OA mo na hah! Tumigil ka, Shaze! Tama na! Tumahan ka!

Hindi ako iiyak! Hindi...hindi... pero nararamdaman ko yung mga luha na nagpapaunahan na kumawala sa mga mata ko. Para sila na sina Cher at Terrence kanina na nagkakarera. Sabi sa inyo, mababaw talaga ang luha ko. Nakakainis ang babaw ng dahilan, iniiyakan ko pa! Hindi naman kasi nakakahiya lang iyon eh, ang sakit kaya!

Ang sakit lang na marealize na ang selfish at ang t*nga ko pala.

Binaling ko ang ulo ko sa gilid at hinayaan na matakpan ng medium length na hair ko ang aking mukha. Ayoko kasi na makita nila na umiiyak ako. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko.

Nakakainis din naman kasi dahil yung isa din na dahilan sa pag-iyak ko ngayon ay nandito pa rin sa gilid ko. Paano ko nalaman? Naririnig ko kasi ang pangalan niya na binabanggit noong dalawa.

"Here." Napa-ayos naman ako ng buhok at mas binilisan ang pagpunas ng mga luha ko.

"Ah... Thank you, Hiro, pero, hindi naman na kailangan. Ayos lang ako. Pinatay ko na kasi yung aircon kanina, kaya ayan, pawisan. Mainit kasi, oo. Tama! Ang init sa labas eh." Mahina at nakayuko na sabi ko dahil kapag inangat ko ang ulo ko ay malalaman niya na umiyak ako. Paano ba naman kasi dahil sa ilong ko, na sa tingin ko ngayon ay namumula na. Nararamdaman ko naman na nakatingin lang siya sa akin at binalik na ulit sa bulsa ang panyo na inilahad niya sa akin kanina.

"I'm sorry to say those words, Ma'am Shaze. I should be sensitive for what will I am going to say. I am very sorry. I did not mean to make you cry. But, always remember that you should rest too. You deserve a rest. Pahinga ka after mo dito." Napatawa naman ako sa sinabi niya at napa-angat ang tingin sa kaniya. Nakangiti lang din siya sa akin. Ano pa ba na bago? Pero, his words really comfort my heart. Somehow, I feel fine.

"For the nth time again, Hiro, it's okay. As if naman na hindi mo rin kailangan ng pahinga. I will repeat what have you said to me, yo--."

"Terrence is hungry."

Ano ba naman ito! Nakita na nag-uusap yung tao eh tapos sisingit siya. He is now beside me pero nasa gitna namin siya ni Hiro and nanliit naman ako sa height ko dahil para sila na mga building na kailangan ko pa na tingalain. His still holding his bottled water na may laman ng konti at nakalagay ang right hand sa bulsa niya. Wala na talagang mas susungit pa sa kaniya! Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya at pinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko kay Hiro.

"You should als--."

"The child is starving. Go and feed him."

Isa pa at malilintikan na ito sa akin. Siya yata dapat magsabi na maging sensitive sa mga sinasabi niya. At siya rin yata ang dapat ko pagsabihan noon dahil mukha na muntikan niya na din makalimutan kahapon na hindi pa naglu-lunch ang pamangkin niya kung hindi siya busy na busy sa katext niya! And now naman, he has a nerve to say that! Buti na lang at tinawanan lang iyon ni Hiro. Nakakahiya!

"Yah. You're right. That kid is always hungry." He said to Breeze na may ngisi sa labi at saka bumaling sa akin. "Ma'am Shaze, alis na kami and don't forget what I told you. Take care of yourself. See you on some other day!" He suddenly give me a wink na ikinatawa ko naman. Saka siya umalis sa harapan ko at nagpunta na sa couch na ikinauupuan noong dalawa. "Come on, baby! Let's go home na and someone said na you are hungry na. Young man, we will be going na. Be a good kid to your mother." He give a glance at Breeze noong sinabi na 'someone' but, immediately turn his head to Cher na nakangiti lang din na nagnod sa kaniya. Si Breeze naman ay parang bored na bored na pinaiikot ang tubig ng bottled water niya. His left foot is slightly lean forward at nasa bulsa pa rin ang right hand.

Nakita ko naman na hinigit ni Terrence ang kamay ni Hiro kaya napatigil sila sa paglalakad. Nandoon na sila sa may labas ng gate na bakal.

"Wait, Tito! I will just go to Ma'am Shaze!" Narinig ko na masigla na sabi ni Terrence at tumatakbo pa nga sa gawi ko. I mean sa gilid ko dahil nakaharang sa harap ko si Breeze.

"Ma'am Shaze! Ma'am Shaze! I will go na po with Tito Hiro. See you tomorrow po!" He even ask for a hug for he widely spread his arms. Of course, tatanggi ba ako sa anak ko na ito?! Hinug ko naman siya at ngumiti sa kaniya.

"Okay po. Be safe po and see you tomorrow!" Sinabi ko iyan nang kumalas ako sa yakap namin.

"Kayo din po, Ma'am Shaze! And same to you din po, Tito Breeze!" Bumaling pa siya kay Breeze na ang ngiti ay hanggang tenga pero yung sinabihan niya, umayos lang ng tayo at nagnod sa kaniya nang hindi man lang ngumingiti.

Ano ba problema niya?! May toyo siguro na sangkap yung nakain niya ngayong lunch kaya mas naging masungit!

"Sige na, anak. Go to Tito na and eat well po! Huwag na tumakbo papunta kay Tito hah?" Inayos ko muna ang gulo na buhok niya pagkatapos ay nginitian niya ako at nagwave pa sa akin saka umalis. Nagbid din siya ng bye kay Cher na ngayon naman ay nakatalungko na sa couch.

Pinuntahan ko si Cher at bago pa ako makapunta dito ay tinignan ko muna si Breeze na inulit na naman ang pwesto kanina. Hilig niya din gawin yan sa corridor noong senior high pa kami. His left foot being lean forward. Nasa bulsa pa rin ang kamay niya. Nakayuko siya kanina pero noong naramdaman niya na huminto ako sa harapan niya, inangat niya ang ulo niya. Our eyes met and my heart begins to be crazy. Kainis dapat ay iirapan ko siya kanina pero hindi ko nagawa dahil... dahil... dahil hindi ko pa rin kaya na titigan siya ng matagal sa mata. Kaya nga mabilisan ako na nakapunta sa couch eh sa sobrang kaba at dagundong ng tibok ng puso ko.

"Cher, are you hungry? Do you want to go na sa faculty? Tar--."

"Ma'am Shaze! Pasensya ka na at natagalan ako. Yung isa kasi na estudyante ko ay nagpaalam ang magulang na hindi muna daw makakapasok ng one week because of personal matters. Tapos sumunod naman na tumawag yung is--." Napatigil si Ma'am Heil sa sinasabi niya nang napasulyap siya doon sa may pintuan ko, sa kinatatayuan ni Breeze. Hindi niya siguro ito nakita dahil dali dali siya na umupo sa couch at umupo sa left side habang ako naman ay nasa right side na nakatalikod kay Breeze at nasa gitna naman si Cher.

"I...isang magulang din n-na, may sakit daw yung anak. Kaya pasensya na, Ma'am Shaze at natagalan ako na bumalik." I just smiled and nod at her. Bumaling naman siya kay Cher at hinug pa ito na animo ay hindi na makahihinga si Cher. "My Chaster, are you hungry na anak?"

"Yes, Mommy! Can we eat na po? I am hungry na po kasi eh. Please??" Sabi naman ni Cher sa Mommy niya na mas siniksik pa ang ulo sa leeg ng Mommy niya at tinignan ang mommy niya.

Tumingin muna siya kay Cher na ngayon ay nakahawak na sa kamay niya dahil nakatayo na sila na mag-ina. "Okay, okay, my Cher! Of course, kakain na po tayo. Let's go and..." Bumaling naman siya sa akin na nakaupo pa rin sa couch nang may makahulugan na tingin. "...ask Ma'am Shaze first, if she wants to join us." Diniin pa yung 'wants'. Lumilinga pa nga kay Breeze eh. Nakakahiya!

"Ma'am Shaze, come on na po. Let's eat na po. You still did not eat lunch din po eh. Let's go na po!" Hinahatak pa yung right hand ko.

"I'm fine, Cher. Go with mommy na. The crocodiles in your stomach are so loud na. Seems like they are very hungry!" Napatawa naman sila na mag-ina sa sinabi ko kasi ba naman ay sakto na tumunog ang tiyan ni Cher noong sinasabi ko yung about sa crocodile. Nabitawan niya tuloy yung kamay ko at bigla napatigil na nagpipigil ng tawa ulit. Nakalobo pa kasi ang mga cheeks niya tapos nakatingin lang ng diretso. Ngumiti na lang din ako dahil na rin sa kacute-an niya.

"Hehehehe. Sige po, Ma'am Shaze. Bye po and wait... Tito Breeze, do you want to join us po?" Paalis na dapat sila pero nakita niya si Breeze at sinabi iyan ng may ngiti sa labi.

"I'm fine. Eat your lunch well." This time, nakahalukipkip na siya habang hawak pa rin ang bottled water. Nandoon pa rin siya sa pwesto niya kanina. 

Pero teka! Bakit may tipid na ngiti siya na binigay kay Cher? Samantalang kay Terrence, blank face?! Aba at may favoritism pala ang masungit na ito! Nako, huwag talaga siya na lalapit sa akin! Huwag talaga... huwag na huwag... huwag talaga kasi... kasi...ewan!

"Wow! Amazing po! You have the same answer po with Ma'am Shaze, Tito Breeze!" Mangha na mangha siya at nanlaki pa ang mata. "But did you copy her answer po? Oh no! You cheat po?! Ma'am Shaze, Tito Breeze cheat po oh!" May mapangakusa na tono na ang boses niya. Tinuro pa nga sa akin si Breeze na ngayon naman ay biglang nawala. Nasaan na naman iyon?! Nag ivictus ba ulit?! Pero mabuti na lang din at umalis na siya dahil makakagalaw na ako ng payapa.

"Ma'am Shaze, do not mind him. Alis na kami at gutom na rin ako." Masigla at malakas ang boses niya. "Enjoy your time with Gavin's Tito!" Humina naman ngayon noong sinabi niya iyan na may kasama pa nga wiggle of eyebrows. "Pero don't forget to eat lunch, Ma'am Shaze!" May pagkastrikto na nahihimig sa boses niya. Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti. Tuluyan na nga sila na pumunta sa may faculty dahil doon naman sila madalas na mag lunch. Kami lang ata ni Ma'am Pil ang palaging kumakain sa canteen. Si Ma'am Kells naman ay sa faculty din kumakain dahil madalas na ganitong oras niya kausap ang fiance niya.

Tumayo na ako at pumunta sa room ko para maglinis na muna. Nagbago na kasi isip ko na parang ginanahan ako na maglinis ngayon at maging productive. Pero napapansin ko lang hah palagi na lang na hindi ko na tuluyan na nabubuksan ito na pintuan ko na ito! Bubuksan ko dapat kaso may pipigil. Isa pa at nakakagigil na!

Buti naman this time ay wala na kahit ano at sino na pumigil sa pagpasok sa room ko dahil nabukas ko ito ng matiwasay at nasa loob na ako. Nakatalikod pa lang ako at ang right hand ko ay nakahawak sa lever. Isasara ko na dapat ang pintuan ko ng ganoon na pwesto kaya lang naamoy ko yung bango ng panlaba at naramdaman ko na may presensya sa likod ko. Ang kahali-halina sa ilong ng amoy na iyon pero hindi ko naman din pinansin dahil baka mali lang ang naamoy ko at baka sa damit ko lang iyon kahit na hindi naman ganoon ang amoy ng downy or kahit powder na ginagamit ko sa damit ko. Saka baka hindi naman din yung brand name ng panlaba ang nasa likod ko, malay ko ba na madami din pala na gumagamit ng ganoon na sabon. Imbes na lamunin ako ng kaisipan na iyon ay pinagpatuloy ko na lang ang pagsara sa pinto ng nakatalikod pa rin.

"Is that how you will treat me after five years?" Mabilis pa sa internet connenction na napaharap ako sa kaniya at dahil din diyan ay nabukas ko nang tuluyan ang pintuan na dapat sana ay isasara ko. Nakakahiya pa na humarap sa kaniya sa ganitong itsura, muntik pa kasi akong madulas dahil sa gulat sa boses niya. Sino ang hindi mahihiya kung medyo magulo ang buhok mo, yung singkit na mata ay biglang lumaki, tapos mukha pa ako na nagzumba sa sobrang hingal. Yung puso ko din, hindi matigil sa pagtibok ng malakas na parang may microphone sa loob. Sino ang hindi mahihiya niyan?! Pasimple ko naman na inayos ang buhok ko at pinakalma ang sarili ko. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Shaze, act normal! Act normal!

Siya na nasa mismong pintuan naman ay nakataas lang ang isang kilay habang wala pa rin na reaksyon ang mukha. Ayun na naman ang mga kamay sa loob ng mga bulsa, siguro ay kaya siya nawala kanina ay tinapon niya ang plastic bottle doon sa may Grade 6, doon lang kasi may basurahan dito sa area namin na pinakamalapit. Ang sumunod na ay yun doon sa harap ng room ni Ma'am Ap. Pero bakit hindi pa rin ba siya umuuwi?! Saka baka mapano na si Gavin! Aishhh.

"Ah" Tumingin pa ako kung saan-saan kasi hindi ko naman talaga malaman kung ano ang isasagot sa kaniya! Alam ko na dati noong high school pa ako, kaya ko na punuin yung isang papel kahit baliktaran pa ng mga thoughts ko pero bakit ngayon, ni isang sentence hindi ko magawa?! Kainis! "... Huh?" Bahala na! Tumingin lang din ako saglit sa kaniya pagkatapos ay yumuko na ako dahil sobrang nakakahiya!

"For how many years did you met the guy earlier?" Hindi na matabang ang tono niya katulad kanina pero seryoso naman na may pagkainteresado na tono ngayon. Nakahalukipkip pa yata at diretso ang tingin sa akin.

Ako yung teacher pero parang siya eh kung gumalaw parang yung masungit na uri ng teacher na nahuli lang ako na nakatingin sa kaniya ay ako naman agad ang tinawag para sagutin ang tanong na walang nakakasagot!

"Ah... a-ano... ano" Nananatili pa rin ako na nakayuko at tila hindi talaga nagfufunction ng mabuti ang utak ko ngayon! "... Bakit?" This time, tumingala na ako sa kaniya. Ang ganda ng sagot ko diba?! Bakit?! Bakit talaga! Bakit niya tinatanong yun?! Ano ang kailangan niya sa impormasyon na iyon?! Jusq. Ang gulo niya!

"Tss. You're too friendly, you know that?" He said na nagwhiwhine na mahina kaya hindi ko masyado na maintindihan. Yumuko kasi siya at tinanggal ang mga kamay sa pagkahalukipkip at ginawa na naman ang usual na gawain niya. His one foot lean forward. Pinaglalaruan pa nga ang bracelet niya. "Anyways, have you eaten lunch?" Tumingala na siya sa akin at tinigilan na ang bracelet niya.

Ano daw?! Bakit ganoon?! Pa-fall naman nito! Have you eaten lunch daw?! Kumain na daw ba ako?! Tss. Galawan ng mga paasa. Narinig niya lang siguro kanina na hindi pa ako kumakain kaya baka kunwari eh magtatanong lang tapos aalis na. Kung ganoon eh sana nga umalis na siya dahil masyado na akong stress na stress na stress na stress ngayooon! Aish.

"Narinig mo naman siguro kanina na hindi pa, hindi ba?! Bakit nagtatanong ka pa?!"

Ayan yung linya na gusto ko na sabihin sa kaniya dahil nabubuwisit na talaga ako. Kaya lang syempre, wala ako na lakas ng loob na pagtarayan siya. Pero bakit ko naman nagawa kagabi?! Baka siguro dahil wala siya sa katinuan kaya medyo matapang ako kahapon! Tama! Ayun ang dahilan! Hindi na niya maaalala yung mga sinabi ko na iyon! Tama!

"Ah hindi pa. May gagawi--."

"Tss. Still the old you. Stubborn." Aba at inirapan pa ako. Feeling naman nito, kilalang-kilala niya ako! Nakacross-arms pa rin siya at diretso pa na nakatingin sa akin. Samantalang ako naman ay nakayuko lang at napapapikit na sa inis.

Aba ako pa ngayon?! Stubborn?! Ako?! Ako?! Ako?? Wow! As in wow! Kung kanina pa siya umalis ade sana natapos ko nang linisin ang room ko at nakakain na ako ng lunch. At siguro nga sa mga oras na ito ay nasa bahay na ako at nagpapahinga! Kaya lang hindi pa siya umaalis para lang buwisitin pa yata ako lalo. And guaranteed, successful ang plan niya!

Hindi ko na lang siya pinansin at nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. And then again, our eyes met. But then again, I fastly looked away at tatalikod na sana sa kaniya habang hawak na ang door lever with my right hand kaya lang literal na napanganga ako sa sunod na sinabi niya.

"Get your things and we will have lunch."

Continua a leggere