Forbidden Love

Per franzmaru

79.8K 2.4K 707

They say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love... Més

Prologue
Chapter 1: Karylle
Chapter 2: Anne
Chapter 4: Sibling
Chapter 5: Sister
Chapter 6: Naked Truth
Chapter 7: Knowing Better
Chapter 8: Bonded
Chapter 9: Misinterpreted
Chapter 10: Chocolate
Chapter 11: Jealousy
Chapter 12: Stop and Stare
Chapter 13: Fireworks
Chapter 14: Feelings
Chapter 15: Birthday Surprise
Chapter 16: Paranoia
Chapter 17: Deepened
Chapter 18: The Deal
Chapter 19: The War
Chapter 20: Questions
Chapter 21: Addicted
Chapter 22: Confused
Chapter 23: Her Side
Chapter 24: The Other Side
Chapter 25: Denial
Chapter 26: Night Out
Chapter 27: Sweet Pain
Chapter 28: Nurse
Chapter 29: Reminisce
Chapter 30: Unspoken
Chapter 31: Confused II
Chapter 32: Sunset
Chapter 33: Three Words
Chapter 34: Fears
Chapter 35: Heartache
Chapter 36: The Come Back
Chapter 37: Changed
Chapter 38: Hurt
Chapter 39: Truth
Chapter 40: Pain
Chapter 41: Revealed
Chapter 42: Struggle
Chapter 43: Last Dance
Chapter 44: Fall Apart
Chapter 45: The Finale
Epilogue
This story was stolen.

Chapter 3: Untamed

1.9K 60 5
Per franzmaru

..isang linggo matapos ang kaarawan ni Anne

"ANNE! Bumangon ka na dyan! Hindi ka na naman papasok ha!?" galit na sambit ng daddy ni Anne habang patuloy na kinakatok ang kwarto nito. 

"BUKSAN MO NGA 'TONG PINTO! BUKSAN MO 'TO ANNE!" patuloy pa rin siya sa pagkatok habang si Anne ay parang wala pa ring pakialam. "BUBUKSAN MO BA 'TO O-" 'di na natapos ang sasabihin niya nang pagbuksan na siya ni Anne ng pinto.

Pagkabukas niya ng pinto ay muli lang humilata si Anne sa kanyang kama habang walang tigil kadadaldal ang kanyang daddy. 

"ANO!? ANO'NG PLANO MO HA? ISANG LINGGO KA NA NGANG 'DI PUMASOK EH! BAGSAK BAGSAK PA GRADES MO! TAPOS NGAYON ANO!? HINDI KA PA RIN PAPASOK!? MABUTI PA SI KARYLLE-"

Agad na nagpanting ang tainga ni Anne nang marinig ang pangalan ni Karylle. Kaya naman sinagot niya bigla ang daddy niya.

"FINE! Compare all you want dad! Mas magaling siya? Mas matalino? Mas masipag? Lahat na dad! Kulang nalang palayasin mo 'ko dito eh tutal may bago ka nang anak na perpekto at magaling!"

"ALAM MO NAPUPUNO NA AKO SA'YO HA!" sabi ng daddy niya na akmang sasampalin na siya pero pinigilan siya ni Zsa Zsa, ang nanay ni Karylle.

"Lovey, let me talk to her okay?" sabi niya at pinahinahon ito.

"Pagsabihan mo 'yan ha! Kung hindi makakatikim na talaga sa'kin 'yan!" naiinis na sabi ng daddy ni Anne at lumabas na ng kwarto. 

Naupo naman si Zsa Zsa sa tabi ni Anne. Habang si Anne ay nagpipigil ng kanyang iyak. 

"Pagpasensyahan mo na ang daddy mo Anne ha, syempre gusto lang naman niya na pagbutihin mo sa pagaaral."malambing na sabi ni Zsa Zsa.

"You know what!? I don't get it! Bakit ba kailangan mo pang mangialam!? Why don't you just let him slap me?" 

"Kasi nga, anak na kita. I don't want you to get hurt. Okay!? Stop crying" sabi ni Zsa Zsa habang nakayakap kay Anne. Kumalas naman agad si Anne sa yakap at nagtaray na naman.

"Fine! Papasok na ako kung 'yan ang gusto niyo. At pwede ba!? 'Wag mo nga akong daanin sa lambing lambing mo!" sabi ni Anne at agad na pumasok ng banyo

sa IST University...

Kasalukuyang nasa lobby ang magkaibigang sina Anne at Vice at nagkukulitan nang biglang may mapansin si Vice.

"Teka teka teka ano 'to?" sambit ni Vice at kinuha ang teddy bear na nasa loob ng bag ni Anne

"Akin na nga 'yan! Pakialamerang bakla!" sagot naman ni Anne sa kanya at kinuha ang teddy bear at binalik sa kanyang bag.

"So.. kanino galing?" pataas taas kilay na sambit ni Vice na halatang iniintriga ang kaibigan.

"Wala ka na dun!" pagsusungit ni Anne.

"Wow taray! Sungit ni ati! Kumusta nga pala ang birthday mo?" tanong ni Vice.

"'Wag mo na tanungin, that's my worst birthday ever!" sagot naman niya

"Sus! Anning every year mo kayang sinasabi 'yan! Ano nga kasing nangyari? Nagkita na ba kayo ng dad mo ulit? Bakit kasi ngayon ka lang pumasok teh!" 

'Di naman sumagot si Anne sa tanong ni Vice at sa halip ay iniba niya ang usapan.

"Asan na ba si Vhong?"

"Ano pa nga ba, eh 'di pumasok sa klase ni Mr. Atienza. Excited pa nga pumasok ang mokong dahil may bago daw kayong chics na kaklase. Last week pa yata nagpalipat ng section yung chics na sinasabi niya. Ewan! 'Di ka kasi nagpapapasok eh"

"Gosh.. I have to go.. May quiz nga pala kami!" aligagang sambit ni Anne

"WOW seryoso ba 'yan? Akala ko ba ayaw mong pasukan yung klase ni Mr. Atienza? At WOW bakit? Nakapagrebyu ka ba!?"

"I really have to go. See you later Vicey babe" sabi ni Anne at iniwan si Vice magisa sa lobby.

~

"...so to get the answer.. we have to solve for X." pagdadaldal ni Mr. Atienza, ang instructor sa kursong Algebra. Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang dumating ang late na late na niyang estudyanteng si Anne. "Aaaaaandd for the nth time you're late." 

"Sorry sir." nakatungong sabi ni Anne at akmang uupo na sa pinakadulong upuan pero pinigilan siya ng kanilang guro.

"Miss Anne. I think it's better if you will sit here beside your sister" sabi niya habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ni Karylle na nakaupo sa pinakaharap.

Napuno naman ng bulungan ang klasrum dahil sa sinabi ni Mr. Atienza na magkapatid sila.

"Shhh.. class quiet. " pagkuha ng atensyon ni Mr. Atienza sa klase niya.  "Yes, magkapatid nga si Miss Karylle at si Miss Anne. Sa mga 'di nakakakakilala, Miss K enrolled here ngayong semester lang. Galing siya sa kabilang block section pero nagdesisyon siya na lumipat dito sa section na 'to para makasama ang sister niya. Sweet 'di ba?"

Tahimik naman na umupo si Anne katabi ng kanyang kapatid na si Karylle.

"So.. would you mind explaining why were you absent for a week? Ano 'yan? Extended ang birthday celebration mo!? Are you aware that we have a quiz today? Ano naman ang maisasagot mo? Pangatlong ulit mo na 'tong Algebra ah!" sabi ni Mr. Atienza kay Anne na para bang may halong pangaasar at inis.

"Uhmm kasi... kasi po sir" sabi ni Anne. Tiningnan naman siya ni Karylle na tila ba naawa sa kanya.

"Uhmm, sir she was sick po kasi. Pero don't worry, tinuturo ko naman po sa kanya yung mga tinuturo niyo eh. I'm sure she could get a perfect score" sabi ni Karylle na may ngiti sa mga labi niya at tumango nalang si Mr. Atienza

"Anne pakilala mo kami!" sambit ng isang lalaking kaklase nila.

"SHHHH Class quiet. Okay going back to my discussion...." sabi ni Mr. Atienza at nagsimula na namang magdadadaldal tungkol sa lesson nila.

Tahimik lang si Anne na nakatingin sa harapan na animo'y nakikinig kahit na hindi naman talaga habang si Karylle naman ay sa katabi niyang si Anne nakatingin.

"Don't look at me" sambit ni Anne kaya naman tumingin nalang din sa harapan si Karylle.

"..okay and that ends the discussion. I'll just go to the washrrom at 'pag balik ko, ready na kayo for a quiz. Get one whole sheet of yellow paper" sambit ni Mr. Atienza at lumabas na nga muna ng room.

"Pahinging papel" 

"Ako rin penge"

"Uy pakopya ha"

Sabi ng mga kaklase nila. Si Vhong naman na mula pa sa likuran ay agad na tumabi kay Anne.

"Huy Anne, nagrebyu ka!?" bulong niya

"HINDI! Penge ngang papel!" mataray na sabi ni Anne.

"Wala rin nga ako e. Ayan o kapatid mo meron" pagturo ni Vhong kay Karylle sa pamamagitan ng nguso niya. Lumingon naman muna si Anne kay Karylle bago lumingon muli kay Vhong

"Ayoko nga"

"Sus. Ako na nga" sabi ni Vhong "Uhmm excuse me.. Karylle 'di ba?" nakangiting bati ni Vhong kay Karylle. Tumango naman ang huli. "Pwede pengeng papel?"

"Sure." sagot ni Karylle at inabutan siya ng papel pero isa lang.

"Sana hiningi mo na rin ako 'di ba!?" bulong ni Anne kay Vhong pero nginitian lang siya ni Vhong. 

Agad naman na inabutan nalang ni Karylle si Anne ng papel kahit na hindi siya humihingi. 

"Thank you" nahihiyang sabi ni Anne kay Karylle at muling humarap kay Vhong. "May extra ballpen ka?" 

Ngumiti naman si Karylle at inabutan ng ballpen si Anne. Napabuntog hininga nalang ang huli

"Uy pakopya ha. Tinuturuan ka naman pala ng kapatid mo eh. Dali na"pagpupumilit ni Vhong

"Ayoko dito, tara sa likuran tayo" sabi ni Anne at tatayo na sana para lumipat sa likuran at tumabi sa orihinal na ikinauupuan ni Vhong pero biglang pumasok na ulit ang instructor nila.

"Mr. Navarro! Go back to your seat!" sabi ni Mr. Atienza. 

Napakamot ulo nalang si Vhong at lumipat sa likuran. Habang si Anne ay napabuntong hininga dahil ayaw naman talaga niyang tabihan si Karylle.

"Okaaaay solve the following problems" sabi ni Mr. Atienza at nagsimula nang magsulat sa white board.

Si Anne ay nginig na nginig na nagsusulat sa kanyang papel habang si Karylle naman ay dire diretsong sinagot ang mga katanungang nakalagay sa white board. Nagsimula nang magalakad lakad si Mr. Atienza sa buong klasrum para mahuli kung meron bang nangongopya kaya mas lalong kinabahan si Anne. Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa rin siyang nasasagot ni isa sa mga tanong.

"Anne.. kumopya ka na" bulong ni Karylle habang nilalapit ang papel niya kay Anne. 

Nagaalangan naman na kumopya si Anne kay Karylle pero sa huli ay kumopya na nga rin siya at nginitian nalang niya si Karylle bilang pasasalamat.

"Ngayon lang 'yan ha,  but don't worry next time I'll teach you" bulong muli ni Karylle kay Anne.

Matapos ang quiz ay nagpalitan na ng papel ang magkakaklase para ma-check-an ito. Matapos noon ay pinasa na rin nila sa harapan at isa isang binasa ni Mr. Atienza ang mga score na nakuha nila. Malaki naman ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ni Mr. Atienza ang score na nakuha ni Anne.

"Wow.. Anne Curtis! You got a score of 19 over 25" masayang bati ni Mr. Atienza na nakapagpangiti rin kay Anne. "Karylle, you really did a great job in tutoring her" pagpuri naman niya kay Karylle kaya napasimangot na naman si Anne.

"Okay.. Mr. Ferdinand Navarro, ano ba naman 'yan! Bagsak na naman.. 3 over 25" sabi ni Mr. Atienza at nagpailing iling. "Bakit 'di mo gayahin si Anne, mataas na ang score niya ngayon" 

Napakamot ulo nalang si Vhong habang si Mr. Atienza naman ay nagpatuloy sa pagbabasa ng score ng kanyang mga estudyante.

"Okay.. so let's clap our hands for Miss Karylle, only her got a pefect score" sabi na naman ni Mr. Atienza at ang lahat ay pumalakpak maliban kay Anne.

"So.. that's it for today, class dismiss" pagpapaalam ni Mr. Atienza sa kanyang mga estudyante. Agad agad naman na lumabas si Anne nang 'di kinakausap si Karylle.

~

"Tingnan mo 'tong si Vhong, pinanindigan talaga niya yung pagsabi na magpapatutor siya kay Karylle.. ughh kaasar" sabi ni Anne sa kaibigan niyang si Vice habang sila ay nasa library at tinitingnan ang magkasamang sina Karylle at Vhong.

'Di naman na naging lingid pa sa kaalaman ni Vice ang tungkol kay Karylle dahil nabanggit naman na sa kanya ni Anne ito. Nabanggit na rin niya ang nangyari kamakailan lang sa klase nilang Algebra kung saan ay bumida nga si Karylle na talaga namang ikinainis ni Anne.

"Eh bakit kasi ayaw mo dyan sa sisteret mo teh, maganda naman siya"

"What? Anong konek Vice?"

"HAHAHA ewan ko rin. Ano na nga ulit yung sinasabi mo?"

"Alam mo 'yang si Karylle, pumapapel lang naman 'yan eh. Feel na feel niya na bida siya kay daddy. Kahit yung mommy niya nakakainis din, masyadong bait baitan, pinagplantsa pa nga ako at pinaghanda ng agahan kanina e"

"O? Talaga teh? Eh 'di ang swerte mo pala!"

"Akala mo lang! Naiinis ako sa kanila.. kahit 'yang si Vhong nakakainis na rin e. Naturingang kaibigan tapos ganyan. Sinabihan ko na siya na 'wag kaibiganin si Karylle e."

"Pero wait.. 'di nga, magkapatid talaga kayo? Anyare sa'yo? HAHAHA.. Siya matalino.. ikaw... hahaha nevermind"

"SHUT UP VICE!"

"Pero seryoso 'teh.. si Vhong, sure ako kaya lang dumidikit 'yan kay kurba eh dahil may kailangan 'yan.. alam mo na nagpapabida sa gelpren niyang si Angel kaya dapat makapasa na..HAHAHA"

"Kurba?"

"OO teh! Seksi kaya"

"Baliw. Tomboy ka ba?"

"Pagnaseksihan sa babae, tomboy kaagad? Sus! Baklang bakla ako maka tomboy ka naman."

"Fine. Fine." sabi ni Anne na napairap nalang.

"Pero Anning, payong kaibigan lang, mabait naman pala 'yang si Karylle sa'yo eh.. samantalahin mo na!"

Napangiti naman si Anne na para bang may naisip bigla na masamang plano.

~

Samantala, ang magkasamang sina Vhong at Karylle naman ay kasalukuyang nagaaral ng kursong Accounting. Natuwa pa nga si Vhong dahil kahit na pang 3rd year ang kursong iyon at si Karylle ay 1st year pa lamang ay naituro niya iyon ng tama dahil talaga namang likas na matalio si Karylle.

Matapos siyang turuan ni Karylle ay humingi ito ng pabor na kung maari ay tulungan niya itong mapalapit sa kapatid dahil kahit na nga raw nakatira sila sa iisang bubong ay parang hindi pa rin sila nagpapansinan. Nagalangan naman si Vhong sa pabor na iyon dahil alam niyang magagalit si Anne sa kanya oras na mangialam siya.

Sasagot na sana siya kay Karylle nang biglang lumapit na sina Anne at Vice sa kinaroroonan nila Vhong.

"Tara na Vhong.. kumain na tayo" mataray na pagkakasabi ni Anne at hinila ang kamay ni Vhong.

Susunod din sana si Karylle sa kanila palabas ng library  pero nilingon siya ni Anne.

"Bakit sumusunod ka? Nanghihimasok ka na nga sa pamilya ko, pati ba naman sa mga kaibigan ko!? 'Wag ka sumama sa amin.. ."

Tumango tango nalang si Karylle at pilit na ngumiti kahit na ang katotohanan ay nasasaktan siya.

"Anne I know you don't like me as your sister-"

"Mabuti naman alam mo!"

"But I just want you to know that.. I'm not giving up on you. I'll do everything for you to like me"

"HA! Trust me, susukuan mo lang din ako. At para sabihin ko sa'yo, hindi kita gusto at kailan man hindi kita magugustuhan. Sorry but my dear STEP sister, you can't tame me."

"I could my dear." confident na sabi naman ni Karylle habang nakatingin nang diretso kay Anne napaiwas naman agad ng tingin ang huli bago muling nagalita.

"No! Hindi kita magusgustuhan! NEVER and just so you know, I keep my word"

"I keep my word too. I'm not giving up on you" serysosong sabi muli ni Karylle "Sige na, I'll go ahead" sabi niya bago iniwang magkakasama sina Vhong Anne at Vice na pare parehong sinundan siya ng tingin.

Napangiti nalang si Anne dahil kahit papaano ay iba ang dating sa kanya ng mga huling sinabi ni Karylle sa kanya.

^___^ yeahh.. slow transition.. ewan ko ba, mas kaya ko i-express ang sarili ko 'pag slow transition e..

Continua llegint

You'll Also Like

65.7K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.2M 146K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
46.9K 514 19
Ito ay nababase sa totoong buhay... Pero syempre hindi naman lahat... Goodlucks guys... Thanks for reading;) #SPG
2.3K 149 62
#1 Generation Started: September 2018 Ended: December 2018 Katutungtong ko palang ng highschool wala pa akong alam sa pag-ibig na yan hanggang sa n...