BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY...

By ChiefInShallowBlueth

668 265 172

"How could I ever forget when the warmth of our past still lingers in my soul." "I tried to love another man... More

Disclaimer!!!
Simula - [Sorry]
Kabanata 1 - [Warmth]
Kabanata 2 - [Prize]
Kabanata 3 - [phone call]
Kabanata 4 - [preparations]
Kabanata 5 - [official]
Kabanata 6 - [wait for me]
Kabanata 7 - [I'll never leave]
Kabanata 8 - [trust]
Kabanata 9 - [sweet night]
Kabanata 10 - [heavy heart]
Kabanata 11 - [confrontation]
Kabanata 12 - [one last time]
Kabanata 14 - [first day]
Kabanata 15 - [still yours]
Kabanata 16 - [sudden]
Kabanata 17 - [secret wish]

Kabanata 13 - [crossed paths]

20 6 14
By ChiefInShallowBlueth

"Bro." Tawag ni Linus sa lalaki sa harap.

Nilapitan nya ito at niyakap. Binalingan ako ni Linus habang ako'y nakatitig lang sa kaharap.

"Semi, this is Ander Mikolo Goscicki, my younger brother." Pakilala nya sa kanyang kapatid ng nakangiti.

Ngayon naliwanagan na ako sa pagkakahawig nila. Noong una inakala kong coincidence lang yun pero hindi pala. Totoong magkapatid sila. Nakakapansising binalewala ko lang ang possibility nito noon.

Sinulyapan ko si Linus at tinignan muli ang lalaki sa kanyang tabi na ngayo'y nakangisi.

Shit! Bakit sa dinami dami ng maaari nyang maging kapatid, si Ander pa. Pilit kong tinago ang aking frustration sa pamagitan ng pagngiti.

"Mio, this is the my girlfriend, Semillia Dolora."

I cleared my throat and smiled again. "Hi. Nice to meet you... Mio" I extended my arm for a hand shake.

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. May naglalarong emosyon sa kanyang mga mata. Sa huli ay tinanggap nya din ang aking pakikipagkamay.

Note my raging nerves as I felt his warm touch.

"Nice to meet you too, Miss Semillia Dolora."

"Cut the formality please. Semi will do." Hinila ko na pabalik ang kamay ko. Naglagay pa ako ng konting puwersa dahil wala pa ata syang balak bumitiw.

Ngumiti sya. Napalunok naman ako. I really miss that smile. Shut it, mind. "Alright, Semi... if that's your case then I want to make my condition too." Nangunot ang noo ko. Condition? "Call me Ander instead of Mio."

Napatingin sya kay Linus nang magsalita ito. "Ander? Really bro? Akala ko ba ayaw mong tinatawag ka namin ng Ander."

"Well, things change bro." He said as he shrugged.

Tumingin sya sakin at ngumiti nanaman. I'm really torn between emotions in the way he smiles. I'm feeling something bitchy will happen. "If that's alright with you."

Tumango ako at bahagyang nagpilit ng maliit na ngiti. "Yeah. It's alright, Ander."

If it wasn't for Linus, our eye contact wouldn't be broken. Hinawakan ni Linus ang kamay ko at bumaling sa kanyang kapatid na ngayon ay seryosong seryoso na.

Ang bilis naman magbago ng mood nito. Epekto siguro ng pag-iibang bansa nya.

"Hindi mo ba kami papapasukin?" Natatawang tanong ni Linus kay Ander.

Mukhang natauhan naman si Ander dahil doon. Tumabi sya sa gilid upang magbigay daan sa amin. Hindi kona sya tinignan at nagpatianod sa paghila ni Linus.

Unang tapak palang sa loob ay kakaibang kapayapaan na ang bumalot sa akin. Elegante, payapa, at moderno ang datingan ng bawat sulok sa mansyon na ito.

Ang ganda pagmasdan. Maganda na ang labas pero may mas maigaganda pa pala ang loob. Bawat detalye ay mukhang masusing pinag-isipan.

Patuloy ako sa paghanga sa lugar habang hila hila ni Linus. Sa pagiging okupado ko ay hindi ko namalayang sa kusina pala kani pumunta. Binitawan nya ang aking kamay at dumaretso sa refrigerator.

Ako naman ay nagtungo sa lamesa. Umupo ako doon habang nakatingin kay Linus.

"Gusto mo din ba ng tubig?" Tanong nya sakin habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Yeah. Nauhaw ako kanina." Kinuha ko ang binigay nyang baso at umnom mula doon. Nakakaginhawa ang tubig. Hindi ko napigilang mapabuga ng hangin.

Parang nahimasmasan naman ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko.

Parang ngayon lang talaga nag-sink-in sa akin ang lahat. Ang kapatid ni Linus ay si Ander. Ang nag-iisang ex-boyfriend ko noong highschool.

Paano nangyari ito? Paano? Bakit ba hindi mo man lang nakilala ang kuya nya? Bakit hindi ko man lang nalaman kahit ang pangalan nito?

At teka nga... Goscicki? Kelan pa naging Goscicki ang surmane nya!

Dahil sa pagkakatanda ko. Dallarosa ang surname nya! Na isa pang dahilan kung bakit hindi ako naghinala na magkapatid sila! Shit!

"Love. Hey, are you okay?"

Napakurapkurap ako at tumingin kay Linus na kumalabit sakin. "Hmm"

"Kanina pa kita tinatawag. Nakatulala kalang. Okay ka lang ba? May problema kaba?"

"Wala naman. May naisip lang ako." I gave him an assuring smile kaya nakampante na sya. "So, bakit mo nga pala ako tinatawag?"

"Tatanungn ko lang kung nagugutom kana. Gusto mo bang magluto na ako ng breakfast?"

"Yeah sure. Good thing you asked."

"Of course. Alam mo namang ayaw kitang nagugutom."

"Awww how sweet of you, love."

"Ayaw kitang ginugutom dahil nakakatakot kang magutom. Nambubugbog ka kaya."

I pouted. "Hoy hindi ahh. Grabe ka naman sa bugbog. Hampas lang kaya yun. And take note my hands are soft and light kaya for sure hindi yun masakit." Pagdedepensa ko sa sarili.

Naiilng na tinawanan ako ni Linus. "Okay, sabi mo ehh."

"May balak paba kayong kumain o mag-aasaran nalang kayo dyan." Napatingin naman kami sa seryosong Ander.

Tinawanan sya ni Linus habang ako naman ay nanaliting tahimik habang nakatngin sa madilim na mata n Ander. May kung ano sa loob ko ang nagsasabing maaaring nagseselos sya pero sino ba naman ako para mag-assume. Isang ex lamang ako.

"Bro, chill okay. " natatawang asar ni Linus sa kapatid. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, love. Masyado lang syang bitter dahil hanggang ngayon wala parin syang naging girlfriend except one. And I'm telling you, noong highschool pa yun. "

Kinakakabahang akong tumawa. "Really?"

"Yeah. Isa lang yun sa mga patunay na sobra nyang minahal yung dati nyang girlfriend. Pero hindi ko alam kung naka move on na sya or mahal nya parin yung girl."

Mapait akong napangiti. I feel guilty about not telling him.

"Do you even realize that I'm here yet you are talking about me." Ander tried to sound joking but ended up sounding more annoyed.

"Oh come on, bro. Totoo naman ehh. You haven't moved on from your ex." Napatingin ako kay Ander na kasalukuyang nakatitig pala sa akin. Siya ang nang nag-iwas ng tingin. "Baka nakalimutan mong nahuli pa kitang umiiyak noon. At hindi lang isang beses." May panunksong wika ni Linus.

Sinamaan sya ng tingin ni Ander. "Fine. Oo hindi pa ako nakakamove on. Inaamin ko, mahal ko parin sya." Kasabay ng pagamin nya ay ang pagtingin nya sa gawi ko.

Napalunok ako. Hindi ko kinaya ang kanyang matinding tingin kaya niyuko ko ang aking ulo. Tears are building up and I tried so hard to stop them. Luckily, I restrained myself from crying.

Hindi pa sya nakakamove on? Oo nga Semi. Kakasabi nya lang diba!

"Sabi na nga ba ehh. Hay naku, bro." Lumapit si Linus sa tabi ng kapatid. Hinawakan nya ito sa balikat. "Huwag kang mag-alala bro, tutulungan ka namin sa buhay pag-ibig mo. Tell me... ano bang gusto mo? Ihanap ka namin ng babae o tulungan ka namin pabalik sa ex mo?"

Bakit ang sarap tirisin ni Linus ngayon? Ngayon ko lang ata hiniling na sana manahimik na ang bwisit. Fuck, Linus, stop asking questions!

Hindi ko magawang matanong yun dahil baka mag-usisa pa sya at maghinala. Hindi ko pa alam kung sasabhin ko bang matagal na kaming magkakilala ni Ander at ako nga pala ang ex nya.

Ano kayang magiging reaksyon nya. Imagine... ang nag-iisang mong kapatid ay inaasar mo sa ex nya without knowing na yung ex nya ay yung girlfriend mo. How shocking is that? Right?

"I love her but I don't have a plan on getting her back. Kaya dun ako sa first option. Ihanap nyo nalang ako ng babae." Sumigla bigla ang boses nya sa kanyang huling linya.

"Yun ohh. Finally, pumayag kana din. Don't worry pagkauwing pagkauwi natin sa Manila, hahanapan na kita ng the one mo."

Nagtawanan ang dalawa. Masarap sanang sumali pero hindi ko magawang tumawa. May kung anong dumagan sa puso ko. May parteng nalungkot.

"Love, tignan mo tong kapatid ko, naghahampas. Parang ikaw lang." Natigil sya sa pagtawa nang makitang seryoso ang mukha ko.

"Love?" Kinakabahang usal nya habang naglalakad ako papunta sa kanya. Pinagkrus ko ang aking kamay ng makalapit ako sa kanya.

Walang emosyon kong tinignan si Linus. "Alam mo na siguro ang kasalanan mo, Linus." Madiin ang pagsabi ko sa kanyang pangalan.

Napalunok sya. "L-love."

"Akala ko ba nagtanda kana? Gusto mo bang maulit ang nangyari sayo noon?" Punagtaasan ko sya ng kilay.

Iniling nya ang kanyang ulo. Nalukot ang kanyang mukha. Siguro ay naalala nya ang ginawa ko sa kanya noon. Isang nakakatakot na parusa lang naman ang iginawad ko sa kanya.

Pinakain ko lang naman sya ng most hated nyang pagkain, ang blue cheese.

Gusto kong matawa sa itsura nya ngayon. Halatang nandidiri na sya kahit iniisip nya pa lamang ito.

"Love, sorry na. Hind na talaga mauulit."

"Bro, naguguluhan ako sa inyong dalawa. Anong kasalanan? Wala naman syang ginawa ahh." Singit ni Ander.

"Wala? Wala, Linus?"

"Love, stop calling me Linus."

"Then what will you do for me to do so?"

"Eto na nga magluluto na." Padabong syang nagmartsa papunta sa sink. Nakanguso sya habang naghuhugas ng kamay. Tnawanan ko naman ang kakyutan nya.

"Hay nakakatakot ka talagang gutumin." Padabog nyang sabi pero narinig ko parin. 

"May reklamo ka, love?"

"Wala kaya. Happy nga akong ipagluluto kita." Peke syang ngumiti but I know that smile is deeply true.

I pinched his cheeks and laughed. He is so cute.

Halos mapaigtad ako sa gulat sa padabog na pagbagsak ng isang kamay sa lamesa. Isang seryosong Ander nanaman ang kaharap nakin. Madilim anv kanyang mata at halatang naiirita.

"Tawagin nyo nalang ako kapag kakain. Magpapahangin lang ako sa labas." Hindi na nya hinintay ang sagot namin. Diretso na syang umalis.

Nagkatnginan naman kami ni Linus. We shrugged and continue what we are doing. Si Linus nagluluto habang ako naman ay pinagmamalasdan lang sya. Wala muna akong balak tumulong. Nakakatamad din kaya magluto kaya buti nalang may Linus ako.

Halos trenta minutos ang inabot sa pagluluto. Simpleng breakfast lang ang nakahanda ngayon. Sinabi ko kasi kay Linus na huwag nang kabonggahan dahil gutom na talaga ako. Sa katunayan ay kanina pa ako patikim-tikim. Baka nga naubos kona yung tapa kung hindi lang ako sinita ni Linus.

"Love, ikaw na tumawag kay Mio. Ako na maghahain dito."

Imbis na umangal ay tinanguan ko sya. "Okay."

Tumayo ako. Inayos ko muna ang ilang lukot sa aking damit bago tinahak ang daan palabas. Inilibot ko agad ang aking paningin ara hanapin si Ander.

Hindi ko agad sya makita kaya nagtuloy pa ako sa paglalakad. "Ander!" Pagtawag ko sa kanya pero walang Ander ang sumagot.

Sa may hindi kalayan ay may naaninag akong duyan na nakadabut sa puno. Sa pagaakalang nandoon si Ander ay pumunta ako doon

Hindi naman ako nagkamali. Isang natutulog na Ander ang naabutan kong nakahiga sa duyan. Nakakrus ang kanyang paa at ang dalawa nyang kamay ang ginawa nyang unan.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Habang pinagmamasdan ang kanyang mukha, madaming memorya ang nagsimlang maglaro sa aking isipan.

Looking at his face, I noticed a lot of changes. Changes that I didn't pay much attention late ago. His features became more manly. His eyes are the same yet it became more intimidating as you look at them. His nose and jaw stayed perfect as ever.

His lips... I don't if it just me or his lips looked a little sexier.

"Are you done praising my handsome face." The handsome man spoke.

My eyes widened at the realization. Gising pala ang puta kaya kita ko yung mata nya. Ganun na ba talaga ako kalutang? Ang tanga ko naman.

Inayos ko ang aking sarili. "I'm not praising you. I'm just looking." Depensa ko pero tinawanan nya lang ako. "Pinapunta ako dito ni Linus para tawagin ka. Kakain na daw." Pagkasabi noon ay agad akong tumalikod.

Doon ko lamang nailabas ang napahiya kong ekspresyon. Tinakbo ko ang daan pabalik upang sa ganun ay kahit saglit lang ay makalayo muna ako kay Ander.

Pero bakit ko nga ba sya dapat layuan? Hindi ba dapat kaibiganin ko sya? He is the brother of my boyfriend so, I think I should be friends with him.

And past is past. What we have back then is nothing now.

Sa hapag, kapansin pansin ang pananahimik namin ni Ander. Tanging si Linus lang ang bumabasag sa katahimikan.

Minsan kinakausap nya ako, sumasagot naman ako pero ilang salita lang or pagtango ang sinasagot ko at maging si Ander ay ganun din ang ginagawa kapag sa kanya naman napunta ang atensyon ng kanyang kuya.

Matapos anb breakfast ay nagkanya-kanya na kami. Si Ander ay nagpaalam na mamasyal muna sa dalampasigan samantalang kami ni Linus ay piniling manatili nalang muna sa mansyon.

Bukas nalang kami mamamasyal. Isang desisyon na lubos kong sinang-ayunan. Hanggang ngayon ay wala parin ako sa wisyo kaya tama lang magpahinga muna ako. Baka tulog lang ang kailangan para malinawan ako sa mga pangyayari.

Sa totoo lang kasi, hanggang ngayon gulat parin ako. Hindi ko alam kung paano ako aasal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Love, tara na. Sa dulo ng left wing daw tayo."

"Okay." Nauna syang umakyat bitbit ang dala naming maleta. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya papunta sa kuwartong gagamitin namin.

Narating namin ang kuwartong tinutukoy ni Ander. Ako ang nagbukas dahil may bitbit si Linus.

I instantly roamed my eyes across the room.

A simple yet beautiful room welcomed my eyes. Malawak ang buong kuwarto ngunit walang masyadong gamit kundi ang mga karaniwang bagay na nakikita lang sa isanh kuwarto gaya ng kama, sofa, mini table, at  cabinet.

Pinaghalong puti at minimal brown ang buong lugar. At sa may may gilid ay naroon ang veranda kung saan matatanaw ang asul na karagatan. May ilang maliliit na halaman din sa ibang bahagi ng kuwarto na nakakapagrefresh sa buong kuwarto.

Binaba ko ang mga dala kong gamit sa isang sulok. Pagkarating sa kama ay patalon akong umupo. Napakalambot ng kama. Humiga ako ng tuluyan upang makumpirma ito.

Napabangon lang ako nang marinig ang pagtawag ni Linus. "Love, maliligo na ako."

"Okay." Pinagtaasan ko sya ng kilay nang hindi pa sya gumalaw. Nanatili syang nakatayo at tila ba may hinihintay.

"Maliligo na nga ako." Paguulit nya pa.

Napakunot ang noo ko. "Edi maligo kana nga. Pinipigilan ba kita?"

Ngumuso sya na nagpalala sa pagkakaknot ng noo ko. Ano nanaman ang gustong mangyari ng lalaking toh? "Ayaw mong sumabay?" Parang batang nyang sabi.

Nanlaki ang mata ko. Sabi na nga ba ehh! "Heh! Manahimik ka dyan. Napakaloko mo, lalaki. Maligo ka na nga." Binato ko sya ng unan na tinawanan nya lang.

Matapos nyang maligo ay ako naman ang naligo. Halos tatlumpong minuto lang ang tinagal ko sa banyo. Isang ternong panjama lang ang suot ko. Pagkalabas ay hindi ko nakita si Linus.

Dumaretso ako sa dressing table at nagsimulang patuyuin ang aking buhok. Kakatapos ko lang sa pagpapatuyo ng buhok nang bumukas ang pinto.

Dumating si Linus na may dalang tray. Puno ang tray ng mga pagkain. Nagliwanag naman agad ang mukha ko at napangiti.

"Naisip kolang na baka gusto mo ng pagkain habang nagmo-movie marathon." Nakangiti nyang wika.

Na-touch naman ako. Kilalang kilala na talaga ako ni Linus. He knows what I what and what I don't like.

Dumaretso sya sa sofa at nilapag ang tray sa lamesa. Ako naman ay agad na sumunod. Sinaksak ko muna ang tv. Kinuha ko ang remote sa tabi ng tv and dumaretso sa tabi ni Linus.

Si Linus ang hnayaan kong pumili ng panonoorin dahil paniguradong  magtatagal ako sa pagpili at baka sa huli ay hindi pa kami nakapanood.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang magtanong sya. Nakasandal sya sa sofa habang ako naman au nakasandal sa balikat nya.

"Ngayong na-meet mona ang brother ko, what do you think about him?"

I thought about it for a second. "Honestly, nothing changed on how I think about him. I think his really nice and..."

"And what?" Nilapit nya ng bahagya ang kanyang mukha.

"Fun to be with?" I shrugged.

He chuckled. "You're not sure?" Tinaas nya ang kanyang kilay habang may ngiti sa kanyang labi.

"Well, kakakilala ko palang sa kanya diba? So how would I know?" I retorted.

"Yeah you got a point."

"I always do, dear."

"Whatever you say, dear." He mocked, using the way I sounded when I addressed him dear.

"Tama na muna ang satsat. Manood muna tayo. Nasa exciting part na ohh."sabi ko sa kanya bago pa magtuloy tuloy ang aming pag-uusap.

Hindi kasi ako komportable sa topic and it's really hard to pretend that I am not bothered even though I'm a great actress. Linus just know me so well that's why it's a little tricky to hide my feelings from him.

Sumunod naman sya. Nanatili kaming tahimik habang nanonood pero mukhang siya lang ata ang nanonood dahil lumilipad nanaman ang utak ko.

Imbis na magfocus sa pinapanood ay mga isipin tungkol kay Ander at Linus ang bumabagabag sa akin.

Ano ngayon ang gagawin ko ngayong nagkita kami sa muling pagkakataon ni Ander, ang lalaki sa nakaraan ko.

Pero ang pagkikita namin ay hindi tulad ng inaasahan ko. Sino ba naman kasi talaga ang magaakalang kapatid pa talaga nya ang naging boyfriend ko.

Napaka mapaglaro talaga ng tadhana kaya dapat lang na handa talaga tayo sa mga bagay na maaaring mangyari.

At sa totoo lang, hindi ko dapat ito pinoproblema dahil ano naman kung magkita kami diba? Parehas na kaming may kanya kanyang buhay. Parehas na kaming naka-move-on. Nakaraan na yun. Matagal ng tapos.

Napabuntong hininga ako. Napabaling ako sa puwesto ni Linus. Pagkatngin ko ay hindi ko inaasahang isang natutulog na Linus ang makikita ko. Nakasandal ang kanyang ulo sa sofa at nakarus pa ang kanyang paa.

Napangiti ako. Linus is a great man. He's a man of his words. Lahat ng pangako nya ay tinutupad nya.

Sa buong pagkakakilala ko sa kanya, walang araw na pinakitaan nya ako ng masama. Napakabuti nyang tao. Kahit sa mga simpleng bagay ay kaya nya akong mapatawa.

He's the man that every woman would desire to have.

He's too perfect.

Kaya ngayon nakokonsenya ako.

Nakokonsensya ako dahil wala akong balak na umamin sa kanya. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang totoo. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin. Kung paano at saan ko sisimulan ang paliwanag ko kung sakali.

Pilit kong iwinaksi ang mga bumabagabag sa aking isipan. Pinaalala ko sa aking sarili na pumunta kami dito ni Linus para magbakasyon at pansamantalang lumayo hindi upang mamoblema sa mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin.

Inayos ko ang puwesto ni Linus. Una kong inayos ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa sofa. Ibinaba ko din ang nakapagdekuwatro nyang paa. Matapos nun ay saka ako humiga sa kanyang hita.

Malalim ang aking paghinga hanggang sa unti unti na akong hinila ng antok papunta sa mundo ng panaginip.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 153K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
513K 40.8K 32
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
326K 37.4K 26
"𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒃𝒓𝒆𝒂𝒌 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒊𝒏 𝒕𝒘𝒐 𝒃𝒖𝒕 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒊𝒕 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒔, 𝒊𝒕 𝒃𝒆𝒂𝒕𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖" ...
370K 1.1K 10
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...