The fearless girl named Mavis

By Raivenismyname

694 120 10

I have no fear literally. Bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko that i am different from others. Wala ako... More

Prologue
1-She was born without fear
2-A ghost from the past
3-Annoyed
4-Haunted by the memories
5-She's back
6-Partners in crime
7-Courting Mavis
8-Deserve
9-Playing with fire
10-Better than revenge
11-Weakness
12-Daughter
13-Payback time
14-Hidden
15-Quit
16-We are all rebels
17-Take a hint
18-Crush
19-Trust
20-Who are you?
21-Wake me up
22-Great Pretender
23-Part of the plan
24-Tell me why?
25-Stay by your side
26- Just me and you
28-Kung wala ka
29-Begging you
30-All too well
31- New life , New lie
32- Nothing to be afraid of
33-Destiny
34-Begin Again
35- Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

27-Start of sufferings

15 4 0
By Raivenismyname

"Psssst , wake up"

Bulong ko sa tenga ni Mc.

"Shhh , pinuyat mo ako kagabi. Please 5 minutes lang" Wika ni Mc na tila ba ayaw pang pakawalan ang pagkakayakap sa katawan ko. Umagang umaga pakiramdam ko nanaman pulang pula ang pisngi ko sa kilig.

"Sira ulo ka , may pasok pa tayo"

"Hmmmp! Mavis naman eh."

"May pasok pa tayo."

"Hindi ko kasalanan Mavis , pinuyat mo ako kagabi"

"That's ain't my problem. May pasok pa tayo innamorato"

Inis kong pinalo ang balikat niya ng nagsisimula nanaman siyang halikan ang leeg ko pababa saaking dibdib. I can't help but to m*an.

"Hoy , may pasok pa tayo baka nakakalimutan mo"

"Kagabi , you keep on begging me to kiss you."

"And so?"

"It's my time to beg , please. . . "

"Mabilis lang ah?"

Agad naman siyang tumango.

It's been one month. And after Mc's birthday mas lalo kaming naging busy pareho. Hindi lang sa relasyon namin pero pati na rin sa pag aaral namin. Malapit na ang finals kaya naman todo kami sa pag rereview.

At sa buong life ko as a student ngayon ko lang naranasan na mag aral tuwing gabi ng may kasama at inaamin ko na sa tuwing magkasama kaming nag aaral tuwing gabi ay mas lalo akong ginaganahan mag aral. Pero nga lang , sa tuwing hindi pa kami pagod pareho ay minsan nauuwi ang lahat sa kama.

"What do you want?? You want me to cook omelet for you?" Tanong niya.

Agad naman akong tumango.

Siya ang incharge sa pag luluto at paghuhugas ng pinggan. While me ako ang bahala sa mga lilinisin.

Matapos kong ayusin ang magulo naming kama ay agad akong dumeretso sa kusina upang kamustahin ang naglulutong si Mc.

"Hey , ang bango niyan ah?" Wika ko.

Agad niya naman akong niyakap mula sa likod ng marinig niya ang boses ko.

"Sa tingin mo gragraduate ako?" Agad ko naman siyang tinitigan matapos niyang sabihin yun.

"Ano kaba , ikaw pa ba?? , Tsaka. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"

"Sa totoo lang , wala love eh. Alam mo naman na mas gusto ko maging doktor. Sadyang si Daddy lang ang nagpupumilit na maging abugado ako."

"Alam mo , may tiwala ako sayo. Alam kong gragraduate tayo kasi alam kong kaya natin."

"Talaga?"

"Oo naman , tsaka . If you want to be a doctor  , susuportahan kita"

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo naman , nako ikaw pa ba?"

Kaharap ko siya ngayon habang nag aalmusal.

"So , you want to be a pediatrician innamorato?" I asked

Agad siyang tumango.

"Bakit mo pangarap maging pediatrician innmorato?"

"Bata pa lang talaga ako yun na ang pangarap ko. Kasi idol ko yung pediatrician na nakilala ko noong bata ako. Siya yung gumagamot sa mga sugat ko sa tuwing sinasaktan ako ni Daddy. Kapit bahay namin siya , tapos tumatakas ako kung minsan para  kausapin siya"

"Mahilig ka naman sa mga bata kaya , sa tingin ko you will be a good pediatrician" 

"Salamat , tsaka naisip ko rin noon na kung mag kaka anak ako mismo ang gagamot sakanila. Tsaka kapag nagka anak tayo ako mismo ang gagamot sakanila"

Hindi ko mapigilang napangiti dahil sa sinabi niya.

"What did you say??" Pag klaklaro ko. Malay ko ba kung nagkami lang siya sa sinabi niya.

"Sabi ko , kapag nagka anak tayo. Ako mismo ang gagamot sakanila"

"Tsk , baka mamaya mag bago ang lahat tapos hindi na ako yung babaeng gusto mong pakasalan"

He glared at me.

"Hindi mangyayari yan. Kasi mas gugustuhin kong mamatay kesa mag pakasal sa iba"
.
.
.
"Mavis?? Sa tingin mo tama tong sagot ko?" Tanong ni Mc habang nag rereview kami for finals.

Agad kong tiningnan ang sagot niya.

"Okay na to , medyo may kailangan lag ayusin ng kaunti"

"Talaga??"

"Hmm" Agad kong sagot.

Nasa study table kami pareho nag aaral.

"Mavis?" Agad akong natigil sa pag susulat ng tawagin ako ni Mc.

"Yes , mon chéri?" I asked

"Good luck sa'tin tomorrow"

I smiled.

"Salamat. I belive in you too. Kaya natin to. Tiwala lang kay god and tiwala lang sa kakakayahan natin"

Alam kong kinakabahan siya sa finals namin dahil magdsisimula na ito bukas. How i wish i can feel the same feeling he's feeling right now. Hindi kasi ako kinakabahan sa tuwing may mga exam. Sana nararamdaman ko rin ang nararamdamang kaba ng ibang tao.
.
.
.
"Oh my god sa wakas natapos rin!!!!" Halos magtatatalon kaming lahat sa saya matapos ang finals week.

"Hoy , wag kayong magpaka saya. Baka nakakalimutan niyo natapos nga natin yung finals pero di tayo sure kung pasado tayo" Wika ni Solar habang iniinom ang juice niya.

Nasa isang club kami ngayon. Nag rerelax matapos ang nakaka stress na finals week.

"Bitter mo na ngayon ah?" Wika ni Maureen.

After ng birthday ni Mc agad namang nag sorry saakin si Maureen. I can't blame her, she's drunk and probably don't know what she's been doing.

"Mabuti naman at nandito na kayo!" Wika ni Maureen ng dumating na si Alaiza at Gella.

Mas naging close kami lahat dahil minsan sabay-sabay din kaming nag rereview.

"Pasensiya na , na traffic kami noh" Alaiza.

"Kamusta mga sagot niyo?" Saturn.

"Ayos naman yung sagot , ang tanong ay kung tama ba" nag si tawanan kaming lahat kay Gella.

Katabi ko si Mc na kanina pa hawak-hawak ang kamay ko.

"Hoy , PDA agad kayo!" Inis na sabi ni Solar ng mapansin ang busy sa pag haharutan na si Alaiza at Gella.

"Sus , inggit ka lang!" Gella.

"Kapag yang girlfriend mo hinalikan ko ewan ko na lang kung balikan ka pa niyan" Biro ni Solar.

"Hoy grabe ka!"

Halos lahat sila ay imiinomng alak. At ako naman ay panay inom lang ng strawberry shake na binili sakin ni Mc kanina.

"Wow , himala hindi ka umiinom kapatid!" Natatawang sabi ni Saturn.

"Oo nga , pansin ko rin. Ikaw tong napaka lakas uminom tapos ikaw pa nga nangunguna tapos ngayon ikaw pa tong puro  strawberry shake lang dyan?" Alaiza.

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan sa sarili ko. Ayoko lang talaga uminom.
Parang wala akong gana.

"Wala akong gana uminom"

"Bagong buhay na siya ngayon!!!" Gella.

"Psst , wag niyo ng asarin tong innamorata ko. Baka mamaya niyan maglasing nanaman tapos sumayaw"

"Pero sa totoo lang magaling naman yang sumayaw si Mavis." Saturn

"Sa sobrang galing minsan sinasayawan ako"

Halos mabulunan ako ng bigla iyong sabihin ni Mc. Siya ang naka rami na saamin kaya kung ano-ano ng pinagsasabi.

Panay naman ang ubo ko at panay naman sila tawanan.

"Hoy baka mamaya isumbong niyo yang si Mavis sa mommy at daddy niyo ah?" Maureen.

"Hindi na namin to isisumbong si bunso. Kasi ginagawa rin naman namin yun ng girlfriend ko. Tsaka hindi na rin siya menor de edad" Wika ni Saturn.

Maya-maya dumating na ang waiter dala ang mga inorder naming pulutan.

Tumikim ako. Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng sikmura ko kaya napatingin saakin ang lahat.

"Mavis , ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Mc saakin.

"Bunso , anong nangyayari sayo?" Nag aalalang tanong ni Saturn.

"May mani po ba kayong nilagay dito?" Tanong ni Solar sa waiter.

"Uhm opo ma'am"

"Kuya naman , sabi namin sainyo. Wag lagyan ng peanuts."

Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko. Dali-dali akong tumakbo patungong banyo.

Allergic ako sa mani , pero hindi naman ganito ang nangyayari saakin sa tuwing kumakain ako ng bawal saakin.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang may babaeng pumasok.

"Kamusta kayo ng kapatid ko?"

I glared at her.

"Kamusta ang buhay ng mga criminal katulad mo" i cross my arms while staring at her in a very sharp way.

Sakastiko siyang tumawa.

"Sabi nila , galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw. Does it mean na galit din ang mamatay tao sa kapwa niya mamatay tao??"

I smirked.

"I know that you are a psycho Yumi , but me i bad. And a little bit mad" I smirked.

"May sakit ka rin Mavis , baliw ka rin!"

Hindi ko maiwasang matawa. Habang tumatawa ako ay pasimple kong ini-on ang ballpen ko na may hidden voice recording device.

"Wag mo akong igaya sayo. Hindi maluwag ang turnilyo ng utak ko"

"Hmm , parang ang sarap mong panuorin habang nilalagyan ng turnilyo yang utak mo."
Wika niya na tila ba sobrang ganda ng ideyang naisip niya.

"Kating kati na akong patayin ka Mavis."

"I want you to kill you so bad"

"Hindi ako titigil hangga't hindi nagagawang impyerno yang buhay mo"

Akmang lalapitan na sana niya ako ng biglang may babaeng pumasok upang mag c.r.

I took the chance to walk away and go back to our table.

"Where have you been?? Natagalan ka ata??" Nag aalalang tanong ni Mc.

"Uhm , sorry. Medyo sumama kasi pakiramdam ko"

Naupo ako sa tabi niya.

"Gusto mo bang umuwi na tayo?"

Umiling ako.

~•~•~•~

"Congrats mga anak!!!!!" Hindi mapigilan ni mommy ang maiyak ng mabalitaan nila ang results ng mga grades namin.

"Sobrang proud ako sainyong tatlo" Wika ni Daddy habang isa-isa kaming niyakakap ng mahigpit.

"Congrats din sayo iho" wika ni Daddy kay Mc na naka pasa rin.

Sobrang saya ko dahil natupad ko ang goal ko. Natupad ko ang matagal ko ng inaasam-asam.

"Congrats sayo innamorata ko!!!" Wika ni Mc ng umuwi kami sa condo naming dalawa.

"Congrats din sayo. Finally gragraduate na tayo"

"I'm proud of you. Sobrang proud ako sayo Ms. Summa Cumlaude!"

"Sus , proud din ako sayo." Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at saka siniil ako ng halik.

"Hindi ako nag sisi na minahal kita Mavis"

~•~•~•~

"Zamora , Celestial Mavis Monteverde. Summa Cumlaude" Hindi ko maiwasang mapaluha sa saya ng tawagin ang pangalan ko sa stage. Si daddy ay halos mabasa na ang damit sa kakaiyak habang sinasabitan ako ng medalya. This is the moment i've been waiting for in my entire life.

Masaya ako kasi , napasaya ko ang mga magulang ko.

"PROUD AKO SAYO MAVIS!!!!!!! I LOVE YOU!!!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Mc habang sinasabitan ako ng medalya.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa niya. Kasi parang wala siyang pakealam kung anong iisipin ng ibang tao , basta ay maisigaw niya lamang ang nararamdaman niya.

Sobrang saya ko talaga. Pakiramdam ko'y nasa langit ako habang suot ang medalyang pinaghirapan ko.

Ngunit ang ngiti sa mga mata ko ay naglaho ng biglang nahagip ng mata ko si Yumi na tinitingnan ako mula sa malayo. At tila ba may binabalak nanaman.

Sa isang kisap mata ko lamang ay biglang hindi ko na siya natagpuan.

Sa oras na ihagis namin ang mga suot namig sumbrero ay bigla akong niyakap ng mahigpit ni Mc at saka marahang idinikit ang kanyang labi sa labi ko.

Tila wala na kaming pakealam kung napapalibutan man kami ng mga kapwa namin estudyante. Ang mahalaga lang saamin ay ang nararamdaman ng isa't-isa.

"I love you , Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay Mavis" Mc

"I want to spend the rest of my life with you too"

"Can i ask you something??"

"Yes?" Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Kahit pa napapaligiran pa kami ng mga kaklase ko. Napatingin sila saamin at ang iba pa nga'y kinikilig pa.

"Will you marry me?? I promise that i'll wait for you until we reach our dreams."

Inilabas niya sa bulsa niya ang isang pulang kahon at saka ito binuksan sa mismong harap ko.

Simple lamang ito at may katamtamang dyamante sa gitna.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay halos hindi ko na mapakinggan ang hiyawan ng mga kaklase kong pinapanood kami.

Akala ko noon wala ng lalakeng mag mamahal saakin dahil sa mga masasama kong nakaraaan. Pero ngayon wala na halos mapaglagyan ng tuwa ko ng ibinigay ng panginoon ang lalakeng ito sa harap ko. Hindi man siya perpekto ngunit sapat na upang mahalin ko ng buong buo.

I love him so bad.

Agad akong tumango.

Napa talon naman siya sa saya at naghiyawan naman sa saya ang nga estudyanteng nakapalibot saamin.

Loving him is red.
Mahigpit ko siyang niyakap at ganun din siya saakin. Ngunit sa kalagitnaan ng pag sasaya namin pareho ay nahagip ng mata ko si Yumi na tinitingnan kami mula sa malayo. Sa paraan pa lang mga pag titig niya ay ramdam ko na ang nagbabadyang gulo sa mga mata. Sa paraan pa lang ng pagtitig niya saamin ay tila ba hinahayaan na niya kaming magpakasaya ng saglit bago niya guluhin ang mga buhay namin.

Gustong gusto ko siyang paslangin. Ngunit nangako ako na magbabago na ako. At pinag sisihan ko na ang ginawa ko noon. Ay ayoko ng ulitin yon. Ayoko ng idaan sa karahasan ang lahat ng bahay. But i have no choice.

This is the start of the new terrifiying chapters in my life. This is the start of new beginnings and sufferings.
.
.
.

"Hey Mc , sigurado kaba talaga dito?" Nag aalala kong tanong kay Mc habang nasa loob kami ng kotse niya.

Suot niya ang isang simpleng white shirt and black pants. Habang ako naman ay nakasuot ng isang simpleng itim na lace dress. Nakalugay naman ang buhok ko na ikinulot ng kaunti.

"Oo naman , gusto kong ipakilala kita sa daddy ko. Ayaw ko naman na itago na lang kita habang buhay sakanya"

Napangiti ako. A blissful smile that the only reason is him.

"Magustuhan niya kaya ako?"

Marahan niyang hinawakan ng aking baba upang hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.

"Ako nga nagustuhan kita , kaya i'm sure my dad will like you too"

Pag pasok pa lang namin sa mansyon nila ay napatingin na agad saakin ang mga body guards nila. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng dali-daling lumabas si Mc mula sakanyang kotse at saka dali-daling pinagbuksan.

"Mas gusto kong nakikita kang komportable da suot mo" wika niya.

"Talaga?? Hindi ako bagay mag dress ganun?" Taas kilay kong tanong.

"No you look , beautiful. Concern lang ako , kasi mukang mainit yang tela ng dress mo"

Sa totoo lang , Kanina ko panto gustong hubarin at palitan ng malaking t-shirt at pajama. Kaso nga lang baka mag muka akong tanga kapag ganun ang suot ko sa harap ng daddy niya. Gusto ko naman maging elegante hindi mukang tambay na parang nag hithit ng kung anong dahon.

Mahigpit ang aking kapit sa braso ni Mc pag pasok namin sa mismong mansyon. Sinalubong kami ng mga kasambahay upang batiin.

"Kuya!!!" Agad kaming napalingon kay Violet na nasa sala. Dali-dali siyang lumapit sa kuya niya upang yakapin ito.

"Congrats kuya!"

I can't belive that this child still stays in this house. Bukod sa wala parati dito si Mc ay napaka depressing pa ng bahay. Hindi ko man lang maramdaman ang simoy ng kasiyahan sa mansyon nila Mc kahit pa nagtagumpay siya sa pag aaral niya.

Ito ang ayaw ni mommy sa isang mansyon. Kaya mas pinili ni Mommy ang tumira sa isang simpleng bahay kesa sa isang mansyon na malaki nga , hindi naman kami nag kaka tagpo-tagpo.

"Hi , Violet" Bati ko kay Violet sabay abot sakanya ng dala kong paper bag na naglalaman ng libro.

Kahit pa masama ang titig niya saakin ay binuksan niya parin ang paper bag.

"I already read this one" Walang gana niyang sagot.

"It's the sequel Violet"

Agad siyang napatingin sa libro na bigay ko.

"How did you got this??"

"I got it online"

Pansin ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi dahil sa bigay kong libro. Alam kong tinatago niya lang ito.

"T-thank you" nahihiya niyang sabi.

"Your welcome"

"Mc!"

Napalingon kami sa isang malalim na boses na nagmula sa hallway.

"Dad!"

Lumapit si Mc sa kanyang ama at agad itong niyakap.

He stared at me emotionless.

Kahit pa niyakap siya ni Mc ang kanyang ama ay hindi man lang siya nito niyakap pabalik.

"Good evening" bati ko sa tatay ni Mc.

Matapos bumitaw ni Mc sa yakap ay agad kong nilapitan ang daddy niya.

Niyakap ko siya.

"I don't like you , for Mc" Bulong niya.

I smirked.

"The feeling is mutual sir" Bulong ko rin pabalik.

Ng bumitaw ako sa pag kakayakap sa daddy niya ay binigyan ko siya ng nakaka lokong ngiti.

This is my firstime meeting one of my victims in personal.

"Pasensiya na at hindi ako nakapunta sa graduation mo Mc. May meeting ako kanina" Wika ng daddy ni Mc.

"Ah ayos lang po"

Dahil walang umakyat ng stage para kay Mc kanina ay pinakiusapan ko si Daddy na siya na lang ang umakyat ng stage for Mc.

Sa totoo lang gusto kong sigawan ang daddy ni Mc for doing that to him. Oo nga at hindi niya totoong anak si Mc. Hindi niya man lang ba nararamdaman na mahal siya ni Mc. At ang tanging gusto lamang ni Mc ay kahit minsan ay maranasan niyang mahalin ng tinuturing niyang ama.

Ramdam ko ang lungkot sa mata ni Mc kung kaya't hinawakan ko ng mariin ang braso niya.

"I'm here for you. " Wika ko.

"I love you"

"I know"

Dahil sa naging sagot ko ay napangiti na lang siya.

"Let's go to my office" Utos ni daddy ni Mc.

Agad naman kaming sumunod sakanya.

Akmang papasok kami ng pintuan ng kanyang opisina ng bigla akong tinitigan ng masama ng daddy ni Mc.

"Hindi ka parte ng pamilyang ito , hindi ko sinabing pumasok ka ng opisina ko" Mariing sabi ng daddy ni Mc.

Gusto ko siyang batukan. Kanina ko pa siya pinaparay sa isip ko. At gusto ko siyang kalbuhin. Ngunit iniisip ko si Mc.

"Dad , Mavis is staying"

Dahil sa sinabi ni Mc ay hinayaan niya kaming pumasok.

Maupo kami sa visitor's seat sa harap ng table niya.

"Kamusta ang graduation mo?? Balita ko mataas daw grades mo."

"I'm just inspired dad"

"You should be , ikakasal na kayo ni Maureen. Gusto kong maging maayos na ang lahat. Lalo na't napag bigyan na namin ang hiling mo na hayaan ka muna na naming mag tapos sa pag aaral"

Napalunok si Mc.

"Oh? Bakit hindi ka sumasagot dyan?" Inis na tanong ng daddy ni Mc.

"Dad , ayaw namin ni Maureen ang ikasal"

His dad shot him a dagger look.

"Ayaw mong pakasalan si Maureen , dahil ba sa malanding babaeng toh?"

I glared at Mc's dad.

"Dad , don't call her that" 

Malakas na hinampas ng matanda ang kanyang desk dahil sa inis.

"NAPAG USAPAN NA NATIN TO MAVEN CASPER!!!!"

"Dad hindi ako pumayag!"

"NAKA HANDA NA ANG LAHAT. WALA KA NG MAGAGAWA!"

"Dad , Mavis and i we're engage" Napatayo si MC mula sakanyang kinauupuan at saka matapang na hinarap ang kanyang ama.

"Wala akong pakealam!! Matutuloy ang kasal ninyo ni Maureen sa ayaw at sa gusto mo!"

"Mahal ko si Mavis dad!!"

My heart was flattered. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Yung tipong may tao na handa akong ipaglaban.

Akmang susuntukin si Mc ng kanyang ama ng bigla kong hinarang ang kamao niya.

"Tinanggap ko po ang patawag niyo saakin ng salitang 'malandi' pero hindi ko po tanggap ba saktan niyo si Mc"

"Ano ba talagang habol mo sa lalakeng to ha??!! Pera ba???!!!! Pwes magkano ang gusto mo para lang wag ng pestihin tong si Mc!!!"

I made an sarcastic laugh.

"Kung pera po ang pag uusapan , kaya kong kitain yan. Pero sa tingin ko ho mali ang sinabi niyo na pera lang ng habol ko kay Mc. Hindi ba't kaya niyo ipapakasal si Mc at Maureen para sa negosyo?? Ngayon ho sabihin niyo saakin kung sino ang mukang pera?" Nanlaki ang mata ni Mc dahil hindi niya inaasahan na sasabihan ko ng ganun ang tatay niya.

"Sinasabi mo bang muka akong pera??!"

I made a sarcastic laugh for the second time to insult him even more.

"Kayo ho ang nagsabi niyan. Hindi ako"

"Mavis tama na" Napalingon ako kay Mc.

"Ito ba ang gusto mong pakasalan Mc??? Bukod sa mayabang masama pa ang ugali!!!"

"I'm sorry sir , tao po ako. Hindi salamin ng mga ugali niyo"

"Mavis!"

"Hinding hindi kita matatanggap para kay Mc!!!! Kahit kailan hindi kita magugustuhan para sakanya!!!"

"Hindi ko rin naman ho kayo gusto. The feeling is mutual sir"

"Mavis , please tama na" Pag mamakaawa niya.

"Walang wala ka kay Maureen. Hindi ka nababagay kay Mc"

"Hindi rin ho kayo bagay maging ama sa mga anak niyo."

"MAVEN CASPER!!! PAALISIN MO ANG BASTOS NA BABAENG YAN SA OPISINA KO!!!!"

Marahas na hinila ni Mc ang braso ko papalabas sa opisina ng ama niya.

"Bakit mo kailangan sabihin yun sakanya Mavis!!!" Inis na sabi ni Mc.

Hinagod ni Mc ang kanyang buhok upang alisin kahit papaano ang inis sakanyang sistema. Habang ako ay inis kong itinapon ang bag ko sa sofa.

"Anong gusto mong gawin ko??? Panoorin ka na lang habang iniinsulto ka niya???!" Inis kong sabi.

I rolled my eyes at him.

Inaamin ko na mali ang ginawa ko  , pero nagawa ko lang naman yun dahil ayokong makita siyang nasasaktan ng ganun.

"Sana kahit umarte ka na lang na mahinhin ka kahit papano!"

I glared at him.

"Pasensiya kana ha??? War freak kasi ang fiancé mo at hindi maria clara gaya ng babaeng gustong ipakasal sayo ng ama mo!!!" Inis kong ibinato ang sapatos ko sa sofa.

"Bakit ka nagagalit ha??? Ikaw ang may mali tapos ikaw pa tong may ganang magalit satin ngayon??!!"

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya ay parang mga blade na sumusugat sa puso ko. Napalunok ako. 

"Maling binastos ko ang daddy mo. Pero nagawa ko lang yon dahil hindi ko masikmura na ganyan ka na lang niya ituring" Napankuyom ako ng palad.

"Pero sana inirespeto mo naman siya kahit kaunti!!!"

Dahil sa inis ko ang napa sabunot na lang ako sa sarili ko.

Oo na ako na ang mali. Hindi ko naman ikinakaila yun eh. Pero sana naman intindihin niya rin naman kung saan yung pinanggagalingan ko!

"Pasensiya na ha???? Hindi ko kasi ugaling rumespeto ng mga taong hindi ako kayang irespeto!"

Akmang tatalikuran ko na sana siya ng biglang may humatak ng kamay ko na naging  dahilan upang matigilan ako sa paglalakad.

"Mavis , I'm sorry... pasensiya na. Nadala lang ako sa galit ko"

Maging ako rin naman ay nagpadala sa bugso ng damdamin ko. Hindi ko naman siya masisi.

Hindi ko siya pinansin. Masyado pang mainit ang ulo ko.

Tinalikuran ko siya at nagtungong cabinet upang kumuha ng damit.

Bigla ko na lamang naramdaman ang mga brasong yumayakap sa bewang ko patalikod.

"Hey , i'm sorry. Oo nagkamali ako. Mavis mali yung sinigawan kita. Naiintindihan kita. Pasensiya na kung nadala ako sa galit ko."

"I know" simpleng sagot ko.

Matapos naming nag dinner magkasabay ay agad kaming naghanda upang matulog.

Alam kong nagpapa-party sila Mommy ngayon. Pero alam naman nilang ayaw na ayaw ko sa mga ganung party lalo na't iniimbintahan nila ang mga kapamilya namin. I hate those kind of event.

"Mavis?"

Agad kong nilingon si Mc na kanina pa ako tinititigan.

Ipinatong ko ang librong binabasa ko sa side table namin upang pakinggan siya.

"What??"

"Galit ka pa ba sakin?" Umiling ako.

"Nagtatampo na lang ako"

Niyakap ako ng mahigpit ni Mc.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit parang pakiramdam ko ay ito na ang huli niyang yakap.

Natatakot ako. Pagdating talaga sakanya , hindi ko maiwasang matakot.

Isiniksik niya ang sarili niya saakin na tila ba ayaw niya akong pakawalan.

"Mavis , kapag ba may ginawa akong ikasasama ng loob mo. Mapapatawad mo pa ba ako??"

I glared at him.

Ano bang nangyayari dito?? Bakit ganito na lang siya kung magsalita?
Ano bang sininghot nito?

"Depende kung anong ginawa mo. Pero sa tingin ko mapapatawad parin kita eh. I am weak when it comes to you" sagot ko.

"Ano bang nagawa ko , para ibigay ka ng diyos sakin?"

Marahan ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan."

"Mavis , mahal kita. Mahal"

Habang nakasiksik siya saakin ay bigla ko na lang naramdaman na mariin niyang hinahalikan ang leeg ko.

"Hey , you're doing it again"

"Ayaw mo?"

"Well , wala akong sinasabi"

We made love again that night.

Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap saakin matapos naming gawin ang bagay na iyon. Yakap na para bang hindi niya ako gustong pakawalan. Nasa ilalim kami ng makapal na kumot. Mahigpit siyang nakayakap sa bewang ko na tila ba ayaw itong pakawalan.

"I love you..." Bulong niya sa mismong tenga ko.

Kahit gising na gising pa ang diwa ko ay nagpanggap akong tulog. I wanna hear his words. I wanna hear how much he cares for me.

"Mavis , mahal na mahal kita. Sana wag mong kakalimutan yun kahit anong manggyari. Sorry." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.

Sa totoo lang kulang ang salitang "kaba" sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kung pakitunguhan ako. He's the only one who can make me feel fear. At sa totoo lang , natatakot ako. Yes he's sweet. At natatakot akong maglaho lahat ng to. Natatakot ako kasi hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas kung wala siya. Hindi ko maisip kung anong mangyayari saakin kapag wala siya. Nasanay na akong palagi siyang nandito sa tabi ko.

Paggising ko.

Buong akala ko may babati saakin ng magandang umaga. Iginala ko ang paningin ko sa paligid.

Wala man lang kahit anino niya.

Bumangon ako sa kama. Tinawag ko ng paulit-ulit ang pangalan niya. Ngunit walang sumagot.

Akala ko nasa banyo lamang siya. Kung kaya't agad kong binihisan ang hubo't hubad kong katawan.

Pagpasok ko sa banyo. Wala akong naabutang Mc.

Tila bumaliktad ang sikmura ko ng hindi ko malaman kung bakit. Agad akong lumapit sa sink at saka nagsusuka.

Asan kana???

Matapos kong maghilamos ay nagtungo ako ng kusina. Nadatnan ko sa dining table ang mga pagkain na nasisiguro kong siya ang nagluto. It was pancakes with strawberry  on top. Tapos may whip cream pa.

Para akong naglaway ng makita ko ang strawberries na nasa ibabaw ng pancakes.

May isang basong gatas ring nasa tabi ng plato. May mga maliit na hiniwang strawberries ang laman ng gatas kung kaya't hindi ko na ito inurungan pa.

Hindi lumipas ang ilang minuto ay agad ko rin itong naubos.

Akala ko ay may pinuntahan lang siya. Naghintay ako ng halos isang oras. Naligo na ako't nakapag linis na ngunit wala akong natagpuan ni bakas ng anino niya.

Nakaramdam naman ako ng labis na pag aalala ng paulit-ulit ko siyang tinawagan ngunit hindi man lang niya sinasagot.

𝖳𝗈: 𝖨𝗇𝗇𝖺𝗆𝗈𝗋𝖺𝗍𝗈❤️

𝖬𝖼 𝗄𝗈??? , 𝗐𝗁𝖾𝗋𝖾 𝖺𝗋𝖾 𝗒𝗈𝗎?? 𝖪𝖺𝗇𝗂𝗇𝖺 𝗉𝖺 𝗄𝗂𝗍𝖺 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗐𝖺𝗀𝖺𝗇. 𝗉𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗍𝖾𝗅𝗅 𝗆𝖾 𝗐𝗁𝖾𝗋𝖾 𝗒𝗈𝗎 𝖺𝗋𝖾. 𝖨 𝖺𝗆 𝗐𝗈𝗋𝗋𝗂𝖾𝖽. 𝖨 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗒𝗈𝗎❤️ 𝗉𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗒.

𝖳𝗈: 𝖨𝗇𝗇𝖺𝗆𝗈𝗋𝖺𝗍𝗈❤️

𝖸𝗈𝗎'𝗋𝖾 𝗆𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝗆𝖾 𝗆𝗈𝗋𝖾 𝗐𝗈𝗋𝗋𝗂𝖾𝖽. 𝖶𝖺𝗅𝖺 𝗄𝖺 𝗆𝖺𝗇 𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺 𝗌𝗂𝗇𝖺𝖻𝗂 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝗌𝖺𝖺𝗇 𝗄𝖺 𝗉𝗎𝗉𝗎𝗇𝗍𝖺. 𝖨 𝗋𝖾𝗌𝗉𝖾𝖼𝗍 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝗉𝖾𝗋𝗌𝗈𝗇𝖺𝗅 𝗉𝗋𝗂𝗏𝖺𝖼𝗒 𝗆𝗒 𝗅𝗈𝗏𝖾. 𝖡𝗎𝗍 𝗉𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗒. 𝖧𝗂𝗇𝖽𝗂 𝖺𝗄𝗈 𝗌𝖺𝗇𝖺𝗒 𝗇𝗀 𝗐𝖺𝗅𝖺 𝗄𝖺. 𝖨 𝗆𝗂𝗌𝗌 𝗒𝗈𝗎. 𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗋𝖾𝗉𝗅𝗒. 𝖭𝗈𝗇 𝗉𝗈𝗌𝗌𝗈 𝗏𝗂𝗏𝖾𝗋𝖾 𝗌𝖾𝗇𝗓𝖺 𝖽𝗂 𝗍𝖾.💕

Umabot na ng hapon ngunit wala parin siya.

Balak ko sanang magbihis upang puntahan sila Mommy. Hihiram sana ako ng shirt mula kay Mc ngunit halos pagsukluban ako ng langit at lupa ng makita ko ang cabinet niya.

Wala itong laman. At nawawala rin ang maleta niya.

Paulit-ulit ko siyang tinawagan.

Hindi siya sumasagot.

"Mc , asan kaba??"

𝖳𝗈: 𝖨𝗇𝗇𝗆𝗈𝗋𝖺𝗍𝗈❤️

𝖧𝗂𝗇𝖽𝗂 𝗇𝖺 𝖺𝗄𝗈 𝗆𝖺𝗀𝖺𝗀𝖺𝗅𝗂𝗍 𝗌𝖺 𝗉𝖺𝗀 𝖺𝗅𝗂𝗌 𝗆𝗈 𝗇𝗀 𝗐𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗉𝖺𝖺𝗅𝖺𝗆. 𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝖾𝗅𝗅 𝗆𝖾 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗒𝗈𝗎'𝗋𝖾 𝖼𝗈𝗆𝗂𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖼𝗄 𝗂𝗇𝗇𝖺𝗆𝗈𝗋𝖺𝗍𝗈. 𝖧𝗂𝗁𝗂𝗇𝗍𝖺𝗒𝗂𝗇 𝗄𝗂𝗍𝖺. 𝖲𝖺𝖻𝗂𝗁𝗂𝗇 𝗆𝗈 𝗅𝖺𝗇𝗀. 𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝗌𝖺𝖻𝗂𝗁𝗂𝗇 𝗆𝗈 𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝖺𝗌𝖺𝗇 𝗄𝖺. 𝖭𝖺𝗀 𝖺𝖺𝗅𝖺𝗅𝖺 𝗇𝖺 𝖺𝗄𝗈 𝗌𝖺𝗒𝗈. 𝖧𝗂𝗇𝖽𝗂 𝖺𝗄𝗈 𝗀𝖺𝗅𝗂𝗍. 𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾. 𝖳𝖾𝗅𝗅 𝗆𝖾 𝗐𝗁𝖾𝗋𝖾 𝗒𝗈𝗎 𝖺𝗋𝖾.

Inabot na ako ng gabi kaka text sakanya. Paulit-ulit. Minu-minuto. Ngunit wala parin.

Kinabukasan.

Nagising ako sa mismong sofa ng condo. At gaya ng palaging nangyayari ay nagsususuka nanaman ako sa banyo. Matapos kong maligo. Agad kong tiningnan ang telepono ko kung nag reply man lang ba siya.

Napaupo na lang ako sa kama dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Continue Reading

You'll Also Like

33K 1.6K 21
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
3.2M 298K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...