The fearless girl named Mavis

By Raivenismyname

662 120 10

I have no fear literally. Bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko that i am different from others. Wala ako... More

Prologue
1-She was born without fear
2-A ghost from the past
3-Annoyed
4-Haunted by the memories
5-She's back
6-Partners in crime
7-Courting Mavis
8-Deserve
9-Playing with fire
10-Better than revenge
11-Weakness
12-Daughter
13-Payback time
14-Hidden
15-Quit
16-We are all rebels
17-Take a hint
18-Crush
19-Trust
20-Who are you?
21-Wake me up
23-Part of the plan
24-Tell me why?
25-Stay by your side
26- Just me and you
27-Start of sufferings
28-Kung wala ka
29-Begging you
30-All too well
31- New life , New lie
32- Nothing to be afraid of
33-Destiny
34-Begin Again
35- Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

22-Great Pretender

9 2 0
By Raivenismyname

"Celeste... dito ang kwarto mo anak..." Nakangiting sabi ni Mommy habang nasa loob kami ng kwarto ko.

Walang nagbago sa kwarto ko. Naging mas malinis lang ito lalo.

"Anak ako na niyan" Wika ni Daddy sabay kuha ng dala kong bag na may lamang gamit ko.

"Magpahinga kana muna anak , sabi ng doktor masama daw na masyado kang napapagod. Bakit naman kasi umuwi na tayo , doon ka na lang dapat nagpahinga sa hospital" wika ni nanay haabang inaalalayan ako sa pag upo.

Isang linggo matapos kong magising. Nagpumilit akong umuwi na at dito na lang sa bahay magpahinga. It was hard convincing them pero sinabi ko na lang na natatakot ako s hospital. Napaka tagal bago ko sila makumbinsi. Pero in the end pumayag din kaagad sila.

"Sige mom , dad. Magpapahinga muna ako"

"Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo" daddy

"No need dad. Baba na lang po ako..." Agad naman silang napangiti sa tawag ko sakanila.

Bago sila umalis pareho nila akong hinalikan sa pisngi at bakas parin sakanilang mata ang tuwa sa pagbabalik ko sa bahay namin.

Pagsara ng pinto agad na nagbago ang ekspresyon ng muka ko. Naglaho ang mga matatamis na ngiti sa mga labi ko at mawalan ng emosyon ang muka ko.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. I'm wearing a white wrap dress at simpleng puting sandals. Nakalugay din ang buhok kong humaba. Ang dati na hanggang balikat lang ay napalitan ng hanggang ibaba ng dibdib ko.

Napangisi ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.

So this is Celeste??

Tsk.

Hindi ako toh.

Inis kong hinubad ang sandals ko at pinalitan ng tsinelas. Ang suot ko namang dress ay pinalitan ko ng pajama at komportableng t-shirt.

Hindi ako sanay sa mahaba kong buhok kaya itinali ko ito. Saka ulit ako humarap sa salamin.

Sa halos dalawang buwan kong pananatili sa hospital ay ngayon lang ako tila nakahinga ng malalim.

Ngayong mag isa ako. Tama na ang pagpapanggap ko.

While i was in coma. That is my worst nightmare.

Pakiramdam ko paralisado ang buong katawan ko. Kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa. Nahihirapan ako sa paghinga ngunit hindi sara ang diwa ko. Naririnig ko ang nangyayari sa paligid ko at nakakapag isip ako ng maayos. It was hard being in that kind of state. Pakiramdam ko bawat oras mawawala na ako sa mundo. Naririnig ko lahat ng pinaguusapan ng kung sinong bumibisita sakin. Alam ko ang ginawang pag sira ni mommy sa mga plano ko.

Hindi ko maiwasang mapa luha ng mapatingin ako sa glass cage ni Dracky. Wala na itong laman at wala ng Dracky na gumagapang sa leeg ko sa tuwing nangangailangan ako ng kaibigan.

It was my karma of course. Hindi ko man lang siya nasaman sa huling chapter ng buhay niya.

I miss my snake friend. Literal na snake na friend.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Nawalan na ako ng alaga noon. Si Lucifer at ngayon naman si Dracky.

Alam ko na inilibing si Dracky sa garden namin. Narinig ko yun kay Saturn habang naka coma ako.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot kong kama.

Mc and Maureen's Engagement party...

Alam ko rin.

Sa totoo lang gusto kong umiyak ng marinig ko yun mula kay Solar. Pero dahil sa kalagayan ko hindi ko magawa.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. I want to wake up but i don't know how.
I wanna cry but how can i???

Pilit kong ginigising ang sarili ko ngunit hindi ko magawa.

Napatingin ako sa suot kong singsing.

An excruciating emotional pain stab me direct to my heart. Para akong sinisilaban sa habdi. Apoy na mismong sa puso ko nanggagaling.

Habang nakatitig ako sa singsing ko ay isang luha mula sa mata ko ang kumawala. Ngunit bago pa man tuluyang bumagsak ang luha ko ay pinunasan ko na agad ito gamit ng palad ko.

I will never cry again.

Pagbaba ko , kahit sobrang hindi ako kumportable sa suot kong pink dress ay nakuha ko paring ngumiti sa harap nila. It wasn't easy. Kailangan ko pang magkunwaring gustong gusto ko ang suot ko kahit sa totoo lang ay hindi ko ito gusto.

I hate fcking pink.

"Mom , dad"

Pagbaba ko ay naabutan kong naghahanda na sila para sa dinner namin.

"Mavis , you look good. I mean Celeste" Wika ni Saturn.

"I look good??? Bakit ngayon niyo lang ba ako nakitang palaging nakasuot ng dress??" I asked innocently.

"Ah , wala. Sorry bunso. Masaya lang si kuya na nandito kana at magaling kana kaya pagpasensiyahan mo na kung nabibiro kita minsan"

Kahit kailan , hindi ko sila tinawag na Kuya o Ate.

Si Ate Vida lang ang tanging tinatawag ko ng ganun.

"Tita Mavis!!!" Nagkaunwari akong nagulat ng biglang may batang tumawag sakin.

It was Livie. Ate Vida's daughter.

Mahigpit niya akong niyakap at agad naman siyang kinarga ni Ate Vida. May ibinulong sakanya si Ate Vida ngunit hindi ko ito gaano narinig.

"Pero Mama mas sanay akong tawagin siyang Tita Mavis kesa Tita Celeste. Nakalimutan niya na po ba ako mama??" Malungkot na sabi ni Livie sakanyang ina.

Gusto kong alisin ang lungkot niya pero baka maghinala sila sakin.

"Celeste. Siya ang anak kong si Livie. Naalala mo naman siguro ako diba?" Baka ang lungkot at pag aalala sa mga mata ni Ate Vida. Matapos niyang ibaba ang anak niya ay mahigpit niya akong niyakap.

"A-anong pangalan mo nga ulit?" I asked.

Hindi ko sila intensyong saktan pero kailangan ko silang madamay kung ayaw kong mabuko sa mga plano ko.

"Ako ang Ate Vida mo"

Hinawaka niya ang pisngi ko.

"Sorry kung ang drama ko ah?" Wika niya habang pinupunasan ang luha niya.

"Sobra kasi akong nag aalala sayo. Akala ko mawawalan na ako ng kapatid . Sorry kung naging busy si Ate ah? Hindi ko na kayo masyadong nadadalaw dito. Pasensiya na talaga. Babawi si Ate sayo promise"

I hate seeing her cry.

Kahit hindi kami biological na magkapatid ni Ate Vida. For me she's my sister. Mahal ko siya. I hate seeing here cry and sobbed like this. I hate myself of making her cry.

"Naiintindihan ko po..."

Sa kalagitnaan ng hapag kainan ay natigilan sila sa sinabi ko.

"Kailan po ba ako makakabalik sa skwela mom?" I asked making them stop from eating.

"Celeste , kalalabas mo pa lang sa hospital pag aaral na agad ang iniisip mo" Dad.

Kailangan ko silang kumbinsihin na mag aaral na ako. Malapit na ang finals and for sure marami na akong namiss na gawain sa skwelahan. Hindi naman ako nalumpo or anything. Ayokong walang gawin. Hindi ko maisasakatuparan ang mga plano ko kung hindi ako gagawa ng action.

"Dad , wala naman po akong gagawin dito sa bahay. I heard that i'm taking political science. I want to go back to study. Pakiramdam ko mas mapapadali po ang pagbabalik ng ala-ala ko kung babalik po ako sa pag aaral"

"Mavis kalalabas mo pa lang anak sa hospital. Kailangan mo pa ngang nagpahinga"

"How about my requirements mom , dad?"

"Pwede ka pa namang humabol. Baby mas importante ngayon na ibalik mo muna ang lakas mo."

"But i promise not do any trouble? Diba sabi niyo po i am an honor student . May tiwala naman po kayo sakin na hindi ako gagawa ng kahit anong ikakapahamak ko right?"

"Baby , kailangan mo munang magpahinga"

dmn it!

"Ayaw niyo po bang mas mapabilis ang pag balik ng ala-ala ko??"

Nagtama ang paningin nila Mommy and Daddy. Habang ang mga kapatid ko naman ay napa iwas ng tingin.

"Hindi sa ganun Celeste. We just want you to rest for a while. Kapag nakapag pahinga kana at kapag sinabi na ng doktor mo kung pwede ka ng bumalik sa mga regular activities mo ay pagbibigyan namin ang hiling mo. Okay?"

Sht.

"May i ask , what happend??? Bakit po ako na  coma??"

Batid kong ayaw nilang pag usapan ang patungkol dito. But i wanted to know , if they already catched the cluprit behind this sht.

Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanila.

Kung sino man ang naglason sakin. Humanda na siyang humarap sa lumikha sakanya.

I hate to admit this.

But i look gorgeous.

I'm wearing a purple snake print croptop and a high waist purple snake print skirt.

Naka low pony tail ang buhok ko na si mommy ang nag ayos. Siya rin ang nag ayos saakin.

Noon sila lang ni Solar ang nag shoshoping kapag ganitong mga araw.
Pero ngayon kasama na nila ako.

Simula noong nagising ako. Mas naging malapit sila saakin. Bawat minuto kinakamusta ako ng pamilya ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa. It was a nice feeling that i'm out of stress. Pero bawat galaw ko ay pinagiisipan ko bago ko gawin. Ayokong magpahalata sakanila. Ayokong malaman nila na nagsisinungaling ako.

Maging ang takot na nararamdaman ko ay pinepeke ko rin. Ang alam nila. Nakakaramdaman na ako ng takot. Pero sana oo. Pero hindi parin talaga. Puro arte ko lang ang takot na nararamdaman ko.

It was hard , pero dahil gusto ko. Kailangan kong paghusayan ang ginawa ko.

It's been two weeks. Wala akong mintis sa pag inom ng gamot ko. Nakakapag gym na rin ako ngayon. At nagsisimula na akong mag review. Next week kasi ay papasok na ako. Pinayagan na ako ng doktor ko na bumalik sa mga usual activities na ginagawa ko bago ako ma coma.

"So , are you ready anak?" Tanong ni Mommy.

Simpleng pag tango lamang at ngiti ang iginawad ko sakanila ni Solar.

Kitang kita ang colar bone ko dahil sa manipis na strap ng suot kong damit.

Nilalamig ako , buti na lang may dala akong blazer.

"Celeste , look at this dress! bagay to sayo!" Nakangiting sabi ni Solar habang hawak ang isang dress na napili niya saakin.

Masyado nila akong ginagawang girly. Naiinis ako. Kung pwede ko lang putulin ang buhok ko sa dati nitong haba. But my mom wont let me cut my hair.

Nawala na ang kulay nito , At naging purong itim na lamang.

Hindi ako sanay na mahaba ang buhok.

"That looks great!" Nakangiting sabi ko kahit sa totoo lang hindi ko gusto ang damit na pinili niya. It was nice for a girly like her. But i don't like those types of clothes.

Nakapatong lamang ang blazer sa balikat ko. Dahil sobrang tagal ni mommy at Solar mamili ng damit. Ay pasimple akong tumakas sakanila patungong bookstore na pinupuntahan ko noon.

Nagbago ng kaunti ang itsura nito.

Pero mukang hindi naman. Marahil siguro ay naninibago lang ako dahil ngayon lang ako ulit nakalabas ng bahay. Ngayon lang ako naka gala.

Habang namimili ako ng libro ay palinga-linga rin ako sa paligid at tinitingnan ang mga posisyon ng cctv.

Isang fiction na libro ang nakita ko. At matapos kong basahin ang blurb nito ay parang ayaw ko ng pakawalan. It was intersting. I wanna grab a copy. And i was lucky because this book is too famous. At ito  na lang ang last copy na available sa book store na ito.

Tumungtong ako sa blind spot ng bookstore.

Sht , wala akong dalang pera!

Nakalimutan ko na si Mommy pala ang gagastos.

Ayoko ng bitawan tong librong to!

Kahit labag sa loob ko. I dis something bad as Celeste.

"Miss , This book was given to me by my boyfriend"

Wika ko ng makalapit ako sa counter.

"Ibabalik ko sana at papalitan ng iba , kasi meron na akong copy nito. Sayang ng pera. Wala pa naman siyang damage as you can see hindi ko pa siya nabubukasan. Maybe i can excahange this with other book"

"Ah , ganun po ba ma'am?? Dala niyo po ba yung resibo??"

Agad akong umiling.

"Binigay lang kasi to ng boyfriend ko"

"Ah , sorry ma'am. Kung wala po yung resibo hindi niyo po maisasaule yan"

I pouted my lips to look like i'm upset.

"Ah , ganun po ba? Miss pwede pahingi na lang ng paper bag. Hindi ko na lang isasauli. Nakakalungkot lang. Wala naman kasing binigay si Baby ko eh" Malungkot kong sabi.

"Pasensiya na po talaga ma'am"

Matapos niyang balutin ang libro ay , umalis na ako.

(A/N: Wag niyong gagayahin yung ginawa ni Mavis Guys , masama yun)

"Oh my god Celeste! Saan kaba nanggaling??" Nag aalalang tanong ni Mommy ng maabutan ko siya sa labas ng store kung saan sila naroroon kanina.

"I just grabed some book mom."

"Wala ka namang perang dala Celeste, how did you get that??"

"Uhm , someone paid it for me" pagsisinungaling ko.

"Mom ,mabuti kumain na muna tayo bago tayo mag shopping ulit"

Agad naman na sumang ayon si Mommy sa sinabi ni Solar.

Kumain kami sa isang fancy restaurant. Hindi ako fan ng mga ganito but i wala akong pera. Magrereklamo pa ba ako?

"Celeste , don't drink too much wine okay?" Paalala ni mommy.

I quicky nodded.

Ng matapos kaming kumain ay nag aya si Solar na mag rere-touch daw kami sa banyo. At agad naman akong pumayag.

Solar is wearing an yellow slip dress that made her look like an goddest. Solar is the most beautiful in our family. She has an angelic face unlike me.

"Lagyan ka ng lipstick ni ate" akmang lalagyan niya ako ng lipstick ngunit pinigilan ko na.

"No need ate , kaya ko na"

Nakakapagod mag panggap lalo na kapag nakasanayan mo na.

Habang nag aayos kami pareho. Isang babae mula sa isang cubicle ang lumabas at nakisik-sik sa sink ng c.r. at saka humarap sa salamin upang mag ayos din.

"So , it's really true na gising kana Mavis" Wika ni Maureen.

Solar shots her with a dagger look.

Agad siyang hinawakan ni Solar sa braso upang ilayo sakin.

"Maureen , respeto naman. Kung wala kang sasabihing maganda sa kapatid ko pigilan mo na lang yang bunganga mo"

Rinig ko rin noon na nag karoon ng matinding away si Solar at Maureen dahil sa engagement party nila.

"I'm not saying anything yet" Mariing sabi ni Maureen.

"Celeste , lumabas kana. Pumunta kana kay Mommy ako na bahala rito"

Hindi ko kailangan ng pro-protekta sakin.

Napa kunot noo naman si Maureen sa tinawag saakin ni Solar.

"Celeste???"

"Ate , sino siya?"

Mas lalong bumakas ang pagtataka sa reaksyon ni Maureen sa naging tanong ko.

I wanna slap her 360 degrees. But i need to calm myself. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko.

"Anong nangyayari??" Takang tanong ni Maureen.

"Wala kang pake , at wala ka ring karapatan mag tanong"

"Ate , tama na" Inawat ko sila at saka pinaglayo.

Dati si Solar ang sumusuway sakin. Ngayon bumaliktad na ang mundo. Hays.

Akmang hihilahin ko na si Solar papalayo ng bigla akong hawakan ni Maureen sa magkabilang braso.

"Hindi kana sana nagising pa!"

"Let go of me nasasaktan ako!"

Bwisit na toh , pasalamat ka may plano ako kung hindi kanina pa nagdurugo nguso mo!

"Tama na Maureen! Maawa ka sa kapatid ko!" Inis na tinulak ni Solar si Maureen.

Tsk , dapat nilakasan niya pa. Napaka hina naman nun.

"Maaawa??? She almost ruined my wedding with Mc!!"

"I don't even know you! Kung sino ka man na epal ka. Stop ruining our day. Ni hindi nga kita kilala"

"Hindi kilala Mavis?? Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?" Maureen.

"Hindi naman kasi required na kilalain ng utak ko ang babaeng katulad mo na maganda ka , para namang walang pinag aralan ang ugali" Her lips parted.

Halos mapatalon sa gulat si Solar ng bigla kong sampalin si Maureen.

"That's because you touched me. Malay ko ba kung mahawa ako ng kahit anong sakit mo dahil sa pagkawak mo sakin"

"Anong sakit??? Do i look like a sick person?!"

"Oo muka kang sakit hindi mukang may sakit. Kalandian ang sakit mo. Stage 4 "

"Let's go Celeste. Let's don't waste our time here."

"Nakakatakot siya ate" sumbong ko na tila isang bata.

Saktong paglabas namin ng pintuan ay tinulak ako ni Maureen. Dahilan upang matapilok ako at mabangga ang isang lalake.

"Celeste!"

Mabuti na lang nahawakan ng mismong nabangga ko ang kamay ko.

Galing siya ng men's c.r.

Gulat siyang napatingin sa singsing na suot ko.

At dahil doon ay nabitawan niya ang kamay ko.

Matumba ako , at agad naman akong inalalayan ni Solar.

"Celeste, Are you okay?"

"Solar" Tawag ng lalake sa kapatid ko. Na naging dahilan upang mapatingin ako sakanya.

Ng makatayo kami ay agad na tumayo sa harapan ko si Solar. Habang ako ay nasa likod niya.

"So , what a coincidence. Nagkita-kita pa lang tayo sa campus kanina. Nandito nanaman kayo" Taas kilay na sabi ni Solar.

Nagtama ang paningin namin ni Mc at agad akong umiwas.

"Mavis , you're awake...." Bakas ang saya at guilt sa mga mata ni Mc. Kaya agad akong umiwas.

Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya ulit nakita.

He looks good. Mukang hindi man lang ako dumaan sa buhay niya. Malayo siya sa Mc na kasama ko noon. Hindi siya nakangiti. At seryoso lamang.

"K-kilala ko ba sila Ate??? Sino ba sila at bakit nila ako tinatawag na 'Mavis??' "

Tanong ko kay Solar.

Mc looked at me with full of confusion.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Kung pwede ko lang ilabas ang totoo kong mga saloobin at hinanakit. Kung pwede lang.

"Wag mo na lang silang intindihin okay?? Masama sayo ang ma stress..."

Akmang aalis na sana ng biglang may humawak sa braso ko.

"Mavis , pwede ba tayong mag usap??"

Hindi ko magawang sumagot.

"Mc , pabayaan mo na muna ang kapatid ko. She has a amnesia. Side effect ng pagkakalason sakanya. Wag mong bigyan ng stress ang kapatid ko. Hayaan niyo na muna siya. Wag niyo na siyang idamay sa mga gulo niyo"

Ni hindi man lang niya inintindi si Solar.

"Mavis... let me explain"

May mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ngunit mas inisip ko ang pride ko.

"Sorry  , pero hindi kita kilala. Baka magkakamali lang po kayo. I really don't remember you. I'm sorry..."
.
.
.

"Celeste , are you sure na wala kana ba talagang nararamdaman na kakaiba sa katawan mo. Sigurado kana bang okay kana?" Nag aalalang tanong ni Daddy.

Nasa indoor Gym ako ng bahay namin kasama si Daddy at Saturn upang mag ehersisyo. Bukas ay babalik na ako upang mag aral. I'm excited and a bit curious about my surroundings after i was poisoned. Sa ngayon kailangan ko munang habulin ang mga kailangan kong habulin para makapaghanda na ako sa finals.

"Of course yes Daddy , I am bored and i feel like i wanna waste my time to study"

"Masama sayo ang ma-stress bunso. Dapat isang buwan ang pahinga mo sabi ng doktor. Mahahabol mo pa naman yung mga grades mo. Alam naman ni Dean ang sitwasyon mo. Hindi mo kailangan mag madali"

"Pero Kuya , gusto ko ng maka recover kaagad. At sa tingin ko mas mapapabilis ang pagbabalik ng ala-ala ko kung mananatili ako sa mga gawaing ginawa ko noon. Please let me daddy. Tsaka kuya naman , i can handle myself" i gave them the sweetest smile i could ever give to them.

"Hindi pa nahuhuli ang lumason sayo anak. Nag aalala lang kami sa kaligtasan mo"

Ang mga lumason sakin ang dapat mag alala para sa kaligtasan nila.

"Dad , Natatakot po ako kasi hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sakanila. Natatakot na baka ulitin nila yun"

As if.

"Kaya nga dito ka na lang sa bahay anak"

"Pero , hindi ko hahayan na maulit yun. I won't let that happend again. Natatakot ako but it doesn't mean na magpapadala ako sa takot ko"

Sana nga talaga totoo na lang na nakakaramdaman ako ng takot. Hindi yung pakiramdam ko para akong alien na naghihintay ma sunduin ako ng mga kapwa ko alien.

Kinabukasan.

Dahil nga sa excited akong pumasok ay maaga pa lang ay nagising na ako.

At dahil nga kailangan kong i-maintain ang sweet aura ko ay maaga pa lang nag ayos na ako. It was hard lalo na't natuto lang ako dahil sa panonood kila mommy.

Matapos kong maligo ay agad kong inayusan ang sarili ko.

I styled my hair in high ponytail. Nagiwan din ako ng kaunting buhok sa may muka ko para naman bumagay. Ikinulot ko ang dulo ng buhok ko para naman maiba sa totoo kong itsura.

Parang gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Dahil noong bata ako ayaw na ayaw ko na may ribbon ang panali ko. Pero dmn. Tingnan mo nga naman ngayon. Kasing laki ng paa ko ang pulang ribbon na nasa ulo ko.

Naglagay ako ng kaunting make-up. At kaunting red lipstick.

Matapos kong isuot ang uniform ko. Ay nagsuot ako ng chanel jacket na mula kay Mommy. Ang dati na simple na back pack ko lang ay napalitan na ng vintage chanel na hand bag.

Suot ko rin ang paborito kong ankle boots.

I look fcking different. Noon hindi ako ganito ka effort kapag nagaayos. Simpleng t-shirt at pajama lang ayos na ako. Pero ako muna si Celeste ngayon kaya kailangan kong mag-tiis.

Tama na muna ang magiging "Mavis"
"Celeste" needs to shine , so that Mavis could manipulate them.

"Good morning Everyone!" Nakangiti kong bati sa pamilya ko na nagaalmusal na.

Mom and Solar complemented me for my outfit for today. While Dad an Saturn just stared at my like i'm a different person.

"Dad , can i ask??? Sakin ba yung motor sa garage??" I asked innocently.

"Yes, pero hindi ka muna pwedeng mag motor. Sasabay ka sa kotse ng kuya mo"

Tsk. Miss ko na motor ko.

I just nodded like i'm a certified good girl.

Pagbaba ko pa lang mula sa sasakyan ni Saturn ay agad ng napatingin saakin ang mga taong dumaraan sa campus.

Para silang nakakita ng artista na sikat na sikat.

Sakto namang pag abot sakin ni Saturn ng isa ko pang bag na naglalaman ng mga gamit ko para sa eskwela ay itinaas ko na ang suot kong shades.

Hindi ako sanay na ganito ang tingin sakin ng mga school mate ko.

"Celeste , samahan na kita sa dean's office" Saturn.

Sasabihin ko na sana na kaya ko na ang sarili ko. Mabuti na lang at bigla kong naalala na dapat wala nga pala akong maalala.

"Uhm ,kuya. Paki turo na lang sakin ng directions. Mag isa na lang akong pupunta doon"

"Sigurado ka?"

"Yes , kuya. Magtatanong-tanong na lang ako if ever na maligaw ako"

Kahit alam ko na ang direction papunta doon ay matyaga parin akong nakinig sa sinasabi niyang direksyon.

Habang naglalakad ako ay panay parin talaga ang tingin sakin ng mga school mates ko.

Paano ba naman kasi. Hindi halata na papasok ako sa skwela bagkus ay muka akong mag momodel sa isang fashion show.

Pagpasok ko ng dean's office ay agad na niya akong sinabihan sa mga avtivities na gagawin ko upang makahabol.

"Ms. Zamora. Naiintindihan namin ang sitwasyon mo kaya hindi mo kailangan mag alala. Alam namin na mahihirapan ka sa pagbabalik mo kaya naman napagdesiayunan namin na. Bigyan ka ng estudyante na mag gagabay sa pagbabalik mo sa campus. Kaklase mo siya at tutulungan ka rin niyang tapusin ang activities mo."

"Hindi na po kailangan Dean"

"No , we insist Ms. Zamora. Actually parating na yung mag a-assist sayo"

Pareho kaming napalingon ng dean ng biglang may kumatok sa pintuan ng dean's office.

Kayang kaya ko naman talaga gawin yun, mag lalaan ako ng oras upang tapusin ang kailangan ko. Pero kung patuloy kong tatangihan ang offer nila. Baka paghinalaan pa nila ako.

My lips parted when i realized who is it.

"Mr. Gabriel. Have a seat"

Agad naman na naupo si Mc sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

"Ms. Zamora. Noong naghanap kami ng estidyanteng mag a-assist sayo. Hindi nagdalawang isip si Mr. Gabriel natanggapin ang offer namin"

Ng kaharap ni Mc ang dean ay seryoso lamang siya. Ngunit ng humarap siya saakin ay ipinakita niya ang malawak na ngiti na saakin niya lamang ipinapakita noon. The smile that always wipe my problems away.

Mga ngiti na hindi ako sigurado kung pwede kong tawaging akin. Wala siyang suot na singsing na kapares ng suot ni Maureen.

Umiwas ako ng tingin ngunit ng mapawi ang ngiti ni Mc at bumakas sa ningning mga mata niya ang pighati ay hindi ko maiwasang tumitig sakanya.

Umaasa ako na ako ang sanhi ng lunkot sa kanyang mga mata. Umaasa ako, na sana nasasaktan siya sa ginagawa kong pagpapanggap. Kasi sa paraan man lang na iyon ay nasasabi kong mahal niya parin ako.

Sana ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. At saka ako rin ang dahilan upang mabawi iyon.

Kahit masakit makikinig ako sa paliwanag niya. Paliwanag sa kung bakit niya ako natiis na hindi man lang dalawin habang nag aagaw buhay ako. Hindi niya ako nakuhang dalawin habang inaasikaso niya ang nakatakdang kasal niya sa babaeng kinamumuhian ko.

"Ms. Zamora. Naalala mo ba siya??"

Umiling ako. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Mc. At bakas yun sa paraan ng pagtitig niya saakin.

"Nakita ko lang siya noong isang araw sa mall. Hindi ko siya maalala. Pero mukang malapit rin ho siya saakin"

"Sana makatulong si Mr. Gabriel sa pagbabalik ng alaala mo Ms. Zamora."
.
.
.
"T-tara. Pasok na tayo sa classroom natin"

Hindi ko sana siya balak kausapin ngunit ng mapansin ko si Maureen na mukang may hinahanap ay agad kong hinawakan ang kamay ni Mc.

Alam kong mapapansin niya kami ni Mc dahil tiyak na siya si Mc ang hinahanap niya.

Gusto kong umusok ang ilong niya sa galit. Guayo kong sirain ang araw niya.

Gulat na napatingin sakin si Mc ng hawakan ko ang kamay niya ng mahigpit gamit ang kaliwa kong kamay kung saan suot ko ang singsing na bigay niya.

I misa holding his hands. Magaspang man ito katulad ng palad ko ngunit komportable ako kapag hawak ko ang kamay niya. Sana mabigyan ako ng pagkakataon upang mahawakan ito ng mas matagal. Matagal habang walang sagabal.

"Gusto ko lang sana tanungin kung ano tayo. aminin ko man o hindi. Parang kilala ka kasi nito" Untag ko sabay turo sa puso ko.

Ang lungkot na nararamdaman niya ay tila napawi dahil sinabi ko.

Sa paraan man lang na ganito mabawasan ko ang lungkot niya. Ayoko siyang husgahan dahil sa pambabalewala niya habang nag aagaw buhay ako. Naniniwala ako na may dahilan siya---mali umaasa ako na may makahulugan siyang rason.

"T-talaga??"

Tumango ako.

I gave him the sweetest smile i could ever give.

"Magkaibigan ba tayo??"

Umiling siya.

"Hindi ko sasabihin kung ano tayo. Gusto kong maalala mo na lang." Umiwas siya ng tingin.

"I'm sorry about what happend the other day. Nabigla lang ako"

Napa atras ako kay Mc ng biglang may tumulak saakin papalayo sakanya.

Muntik pa akong matuba mabuti na lang inalalayan ako ni Mc.

"Bakit mo hinahawakan yung kamay niya?!" Inis na sabi ni Maureen.

"Kasi ayokong hawakan yung sayo" agad na kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Maureen , pwede ba. Tigilan mo si Mavis. Alam mo naman kung anong kundisyon niya diba. Tigilan mo siya kung ayaw mong magka gulo tayo"

Gusto kong ilabas ang dila ko s harap ni Maureen upang inisin siya kaso ayoko naman mag mukang sira.

"Nilalandi ka niya Mc! fiancé kita!"

"Well i don't see any ring on his Hand. Anong katibayan mo na fiancé mo siya"

Gusto kong humalakhak sa paraan ng pagtitig niya sakin. Akmang lalapitan niya ako ng harangin siya ni Mc.

"Nag usap na tayo tungkol dito. Pumayag ako sa kasunduan ni Daddy at Tito. Pero hindi ako papayag na sasaktan o guguluhin mo si Mavis. Tigilan mo to Maureen. Hindi na ako natutuwa sa pagiging ganyan mo" Seryoso niyang sabi.

"Tara na Mavis" Akmang aalis na kami ng pigilan ko si Mc.

Lumapit ako kay Maureen upang iabot ang kamay ko.

Hanggang ngayon inis na inis parin talaga siya.

"Let's stop this nonsense fight miss. You look really mice. Or should i say nice. let's be friends" Inilapit ko pa lalo ang kamay ko sakanya.

"Hindi ako makikipagkaibigan sa mang aagaw at Malandi"

"Paalala ko lang miss ah?? Hindi mo ako salamin , wag ka ng sumimangot. Peace na tayo."

Inirapan niya lang ako.

"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo , napaka pamilyar mo kasi. Ikaw ba yung nawawala kong aso?? O ikaw yung nasawala kong alagang daga?"

"Pwede ba Mavis! Lumayo kana lang!"

"It's Celeste. Not Mavis. I hope we can be friends!" Ako na lang ang humawak sa kamay niya. Arte niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 90.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
58.7K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1M 34.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
28.3K 7 40
R18