The fearless girl named Mavis

By Raivenismyname

694 120 10

I have no fear literally. Bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko that i am different from others. Wala ako... More

Prologue
1-She was born without fear
2-A ghost from the past
3-Annoyed
5-She's back
6-Partners in crime
7-Courting Mavis
8-Deserve
9-Playing with fire
10-Better than revenge
11-Weakness
12-Daughter
13-Payback time
14-Hidden
15-Quit
16-We are all rebels
17-Take a hint
18-Crush
19-Trust
20-Who are you?
21-Wake me up
22-Great Pretender
23-Part of the plan
24-Tell me why?
25-Stay by your side
26- Just me and you
27-Start of sufferings
28-Kung wala ka
29-Begging you
30-All too well
31- New life , New lie
32- Nothing to be afraid of
33-Destiny
34-Begin Again
35- Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

4-Haunted by the memories

30 3 0
By Raivenismyname

⚠︎𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑⚠︎

-𝑯𝒂𝒖𝒏𝒕𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔-

Dalawang araw makalipas ng pangyayaring yun ay nakakuha nanaman ako ng litrato mula sa locker ko.

Ang isang litrato ay litrato ng totoong mata , ang pangalawa naman ay litrato ng karagatan. At ang pangalat lo ay isang papel na may nakasulat na letter "U". Ng inamoy ko ang papel ay amoy dugo ito. Ang pinangsulat sa letrang inilagay sa locker ko ay dugo.

Eyes , Sea , and Letter "U"

I see you...

Alam kong nahanap na niya ako. Gaya ng pangako niya ay babalikan niya ako.

It's been 9 years since the last time i saw that b*cth who's trying to mess with me.

Gaya ng dati ay itinapon ko ito sa basurahan.

Sa tuwing uuwi ako ay kapansin-pansin ang pag aalala saakin ni Solar. Luckily , wala pa naman siyang nasasabi kila Mommy. Ayokong sabihin kay Mommy dahil baka ma-trigger ko ang other personality niya.

Mom has D.I.D. also known as Multiple personality Disorder. She has a other personality . Hindi naman siya agresibo , everything is normal naman.

Imbes na intindihin ko ang nagpapadala sakin nito ay naging tutok na lamang ako sa pag aaral ko.

Iniiwasan ko parin si Mc , pero kapag tungkol sa school works ay kinakausap ko siya.

"Mavis..."

Nasa garden ako mag-isa ng biglang lumapit saakin si Mc.

"What do you need?" I asked

"Pwede bang pahiram ng notes mo??" Alam kong nahihiya siya kaso no choice kaya sakin siya lumapit. Base yun sa observation ko sakanya.

I let him copy my notes.
At agad ko naman siyang tinalikuran pagkatapos.

Nandyan parin talaga yung ilang sa tuwing makikita ko o kahit makasama ko lang siya.
Sa tuwing makikita ko kasi siya naaalala ko ang pamamahiya niya sakin noon.

Kinabukasan ay puyat ako sa pag rereview para sa quiz namin. Kahit puyat ako ay pumasok parin ako sa skwelahan. Solar suggested that i can put a hidden camera sa locker ko. Pero tinanggihan ko siya. Kilala ko narin naman kung sino yun , bakit ko pa hahanapin?

Pagbukas ko ng locker ko ay isang picture frame ang tumambad saakin.

A black picture frame . Na may picture ng tatlong dalagita.

"b*llsh*t..." I muttered.

It was a photo  , 10 years ago.

It was my photo with them.

The younger Mavis , there's a two girls beside me.
The one has a short hair and the one has a light brown curly long hair.

Ang babaeng kulot ay may mala anghel na muka , she look like an angel. Napapagitnaan namin siya. Ang katabi niya naman ay halatang pilit ang ngiti.

I can't belive i was this girl i am seeing right now.

My blue-green eyes was full of happines...

Tatlo kaming may hawak na ice cream at pawang nakangiti kaming tatlo sa litratong to.

Napalunok ako ng marealize na sa tatlong dalagita , ang babaeng may kulay berde at asul na mata ang pinaka masaya.

The girl with curly hair named 𝑮𝒆𝒍𝒊𝒏𝒆.
Nakaakbay siya saaming dalawa ni----i really don't wanna mention her name.

I was happier back then....

Ang Mavis na nakikita ko noon ay may mahabang buhok. Kitang kita ang walang kagalos-galos na noo. My eyes were screaming with happiness.

Biglang sumagi sa isipan ko ang ala-ala sa likod ng litratong toh.

~•~•~•~•~•~

Third person's POV

"𝑴𝒂𝒗𝒊𝒔! 𝑷𝒊𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆 𝒕𝒂𝒚𝒐!" Aya ni Geline sa Dalagitang si Mavis.

Kahit busy sa pagkain ng hawak niyang Ice cream ay hindi nagdalawang isip si Mavis na daluhan ang matalik niyang kaibigan sa pagkuha ng litrato.

"Mayumi , halika dito!" Gaya ni Mavis ay hindi rin nagdalawang isip si Yumi na tumabi sa ng batang si Geline.

Matapos silang kunan ng litrato ay agad na niyakap ni Geline si Mavis at Yumi.
Dahil doon ay mas lalong napangiti si Mavis.

Mavis was really happy with her bestfriend.
For her friendship is her tresure in life.

Geline was a really happy girl living her life with Mavis. Masaya silang dalawa pero mas lalo pa silang sumaya ng dumating si Yumi sa buhay nila kahit bago pa lang si Yumi sa paaralan nila ay hindi nagdalawang isip si Geline sa pakikipagkaibigan sakanya.

Mavis was hesitant to make friends Yumi , pero dahil sa respeto niya kay Geline ay hinayaan niyang mapasali si Yumi sa pagkakaibigan nila.

"Sa susunod Yumi ah? Hangout ulit tayo ni Mavis??" Aya ni Geline sa dalagitang si Yumi.

"A-ah baka di ako payagan ni tatay" Yumi.

"Ipagpapaalam ka namin Yumi , tsaka next time mag mall tayo nila Geline!" Nakangiting sabi ni Mavis.

Friendship was her happiness.

"Mavis, salamat dahil tinanggap mo ako , tinaggap niyo ako ni Geline" Yumi almost cried but Mavis hugged her.

"Ano kaba! Nakakadiri ang drama kaya dapat masaya lang tayo!"

"Tama si Mavis!! Tara bili tayo ng cotton candy doon! Libre ko kayo!... may nakita akong batang pulubi dun kanina , balak ko sanang bigyan ng barya" Geline

~•~•~•~•~•~

Geline was my bestfriend since i was 8...
kahit medyo weird ako , tinanggap niya ako.
Hindi ako palakaibigan pero siya mismo ang lumapit sakin upag makipagkaibigan saakin.

Alam niya ay mga kalokohang ginawa ko pero noong sinabi niya sakin na mali yun ay tinigil ko lahat ng kalokohan ko noon.

I was a troubled girl , pero ng dahil kay Geline   nagbago ako. We became bestfriends until we're 11. Hanggang sa dumating siya sa buhay naming dalawa. Ng mapasalib siya sa groupo namin ay mas lalo kaming naging masaya. Pero siya pala ang magdadala saamin sa trahedyang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Ng akmang tutulo na ang luha ko ay agad ko itong kinontra. Mas pinangibabaw ko ang galit sa puso ko. Ng ginawa ko yun ay tila parang umurong ang namumuong luha ko.

Ng mangyari ang trahedyang yun ay pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magkakaroon ng kaibigan. Dumating si MC sa buhay ko at ng niloko niya ako ay mas lalong nagbago ang pananaw ko sa salitang "pagkakaibigan"

Itinapon ko sa basurahan ang frame , pero ang litrato ay itinago ko.

Pinunit ko ang litrato na may litrato ng babaeng kinamumuhian ko.

Pasakay na sana ako ng motor ko ng makita kong may nagiwan ng kulay pulang kahon sa ibabaw ng motor ko.

May kulay itim itong laso at may note na naka ipit dito.

𝑴𝒂𝒗𝒊𝒔 𝒁𝒂𝒎𝒐𝒓𝒂.

𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚 𝒅𝒆𝒂𝒕𝒉 𝒂𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚.

-𝑴𝑹

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na wag kong bubuksan ang naturang regalo , ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong binubuksan ang kahon.

Halos masuka ako sa amoy ng makita ko ang dalawang putol na daliri na tila naagnas na.

I was not scared , obviously.

I think i'm gonna throw up because of the f*cking smell.

Dali-dali akong pumunta sa kalapit na basurahan at itinapon ag regalo. Akmang pupunta na sana ako ng banyo ngunit hindi ko na napigilan ang sarili kong masuka.

Ramdam ko ang ilang mga yapak ng mga estudyante papunta sa kinarorooonan ko.

Tinanong nila ako kung ayos lang daw ba pakiramdam ko pero di ko na sila nasagot dahil muli akong nasuka.

Pag uwi ko sa bahay ay dumeretso na ako ng kwarto. Di na ako kumain pa.

___

Patulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Ayoko na sanang may kumausap saakin pero in the end pinapasok ko parin ang kumatok sa pintuan ko ng malaman kong si mommy iyon.

Pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang lumapit sa side table ko upang ilagay doon ang isang basong gatas na dala niya.

"Anak, Hindi na normal ang oras ng pagkain mo. Sinabi sakin ni Saturn kanina na hindi ka daw nag lunch" Ramdam ko ang pag aalala sa boses niya habang hinahaplos niya ang braso ko.

"Mommy , ayos lang ako. Salamat sa gatas"

I tried to avoid her pero dahil sa huli niyang sinabi ay natigilan ako.

"Mavis , Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Geline. Biktima ka rin. Biktima ka rin kaya sana mapatawad mo na ang sarili mo."

Me?? Victim?

Should i still have to be called as a 'victim' after what i did?

"Anak , sobrang laki ng pasasalamat ko hanggang ngayon kay Geline dahil kung hindi dahil sakanya ay wala na ngayon ang bunso ko" i heard her start snobbing.

"Anak , Nagpapasalamat ako sakanya . Pero sana mapatawad mo na ang sarili mo. Dahil biktima ka lang rin ng nangyari sainyo"

I remained emotionless. Pero deep inside i wanna scream outloud.

"Goodnight mom , you can go now" Paunti-unting nag init ang gilid ng mga mata ko ng mawala si mommy sa kwarto ko.

Anong silbi ng kawalan ko ng takot , kung wala akong nagawa noong panahon na paunti-unting pinapatay ang kaisa-isang tao na naging tunay kong kaibigan?

Anong silbi ko?

Hingang malalim.
Napapikit ako sa labis na galit ng bigla kong naalala ang pagkamatay ng kaibigan kong si Geline.

Dumating na nga ang araw na pilit kong kinamumuhian. Naiinis dahil may pasok kami ngayon. Balak ko sanang mag lasing pero may pasok pa kami kinabukasan.

"Mavis , anak sigurado kabang papasok ka ngayon?" Nag aalalang tanong ni mommy saakin.

Kahapon isang death threat nanaman ang natanggap ko. Isang text ang natanggap ko mula sa isang di kilalang numero ang natanggap ko. At naglalaman ito ng death threat saakin.

Gusto kong mainis sa sarili ko , dahil hindi man lang ako nakaramdam ng kaba sa mga sinesend sakin na death threat. Natatawa pa nga ako dahil daw , sa sobrang ganda ng mata ko ay gusto daw itong hiwain.

"Opo mom , ayos lang naman po ako. Hindi niyo na ako kailangang kaawaan. Ayokong mag self pity ngayong araw mom"

My mom smiled.
Because she knows that i'm doing better now. Noon kasi halos patayin ko na ang sarili ko dahil sa labis na galit. Ngayon kasi nakakaya ko ng magpanggap na ayos na ako. Sa sobrang galing ko magpanggap ay halos akalain nila na ayos na ako.

Inaya ako ni Solar na sumabay sakanya dahil gusto niyang mag mall kami mamaya. Pero tumanggi ako dahil may balak pa akong bisitahin mamaya.

Hindi ko man maamin sa sarili ko , apektado parin ako ng araw na toh. Ilang taon na ang lumipas pero sadyang hindi ko magawang makalimutan ang nangyari ng araw na toh.

I glared at Mc who's checking me every minute , in the middle of our disscussion.

Mc knows that i hate this date , pero di niya alam kung bakit ko kinamumuhian ang araw na toh.

Lunch time , hinayaan ako nila Solar na mag Isa gaya ng gusto kong gawin nila. Magisa akong kumakain ng spicy cup noodles sa likurang bahagi ng library. Dito komportable ako kahit napaka creepy na ng parte na toh. Dumaan ako sa may bintana dahil bawal kumain dito.

Hanggang sa pagkain ko ay naalala ko ang dati kong kaibigan. She used to eat spicy with me.

It's her 9th death anniversary...
Ngayon ay nakalibing na rin sana ako , kung hindi dahil sakanya matagal na akong nasa impyerno. 

Nagpapasalamat ako kay Geline , kasi kung hindi dahil sakanya ay buto na lang ako. Baka twins na lang si Solar at Saturn , hindi na kami triplets.

Pero naiinis ako , kasi sana hinayaan na niya lang ang plano ng tadhana. Sana hinayaan niya na lang akong mamatay.

She deserves the world more than i.
She's the most kindest person in my life.
Siya lang talaga ang naging tunay kong kaibigan.

Never na akong nagkaroon ng kaibigang babae after Geline Died.
Hindi ako na-trauma dahil sa rare condition ko. Pero gabi-gabi akong binabangungot ng nakaraan kong pilit kong tinatakasan.

Gabi-gabi kong naririg yung mga sigaw niya habang paunti-unti siyang nalalagutan ng hininga.

Habang kumakain ako biglang tumunog ang cellphone ko ng nakatanggap ako ng mensahe mula sa unknown number na nagsesend sakin ng mga death threats.

Isang mensahe , kalakip ang isang litrato.

𝖥𝗋𝗈𝗆: 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇

𝖨 𝗅𝗂𝗄𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝗐𝖺𝗒 𝗒𝗈𝗎 𝗌𝗍𝖺𝗋𝖾 , 𝗂 𝗋𝖾𝖺𝗅𝗅𝗒 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝖾𝗒𝖾𝗌. 𝖨 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝖿𝖺𝖼𝖾 , 𝗉𝖾𝗋𝗈 𝗆𝖺𝗌 𝗆𝖺𝗀𝖺𝗇𝖽𝖺 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝖺𝖺𝗅𝗂𝗌𝗂𝗇 𝗆𝗈 𝗒𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗇𝗀𝗌 𝗆𝗈. 𝖭𝗀 𝗆𝖺𝗄𝗂𝗍𝖺 𝗄𝗈 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝗀𝖺𝖺𝗇𝗈 𝗄𝖺𝖻𝖺𝗀𝖺𝗒 𝗌𝖺 𝗆𝗎𝗄𝖺 𝗆𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗋𝗄𝖺 𝗇𝖺 𝗀𝗂𝗇𝖺𝗐𝖺 𝗄𝗈. 😘

Ng tiningnan ko ang litrato ay tila kumulo ang  dugo ko sa galit.
Isa itong litrato ko habang nasa c.r. ako kanina. Nakatingin ako sa salamin inaayos ang naka lugay kong buhok.

Dali-dali akong nagtipa ng mensahe sakanya.

𝖳𝗈: 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇

𝖨 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗐𝗁𝗈 𝗒𝗈𝗎 𝖺𝗋𝖾 , 𝖫𝖾𝗍'𝗌 𝖼𝖺𝗍𝖼𝗁 𝗎𝗉 𝗍𝗈𝗆𝗆𝗈𝗋𝗋𝗈𝗐. 𝖣𝗈 𝗐𝗁𝖺𝗍𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗒𝗈𝗎 𝗐𝖺𝗇𝗍. 𝖩𝗎𝗌𝗍 𝖽𝗈𝗇'𝗍 𝗅𝖾𝗍 𝗆𝖾 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗇𝖼𝖾 𝗍𝗈 𝗄𝗂𝗅𝗅 𝗒𝗈𝗎.

𝖥𝗋𝗈𝗆: 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇.

𝖮𝖿 𝖼𝗈𝗎𝗋𝗌𝖾! , 𝖳𝗁𝖺𝗇𝗄 𝗀𝗈𝖽 𝗒𝗈𝗎 𝗂𝗇𝗌𝗂𝗌𝗍𝖾𝖽!
𝖫𝖾𝗍'𝗌 𝗆𝖾𝖾𝗍 𝗎𝗉 𝗍𝗈𝗆𝗆𝗈𝗋𝗋𝗈𝗐. 𝖨 𝗆𝗂𝗌𝗌 𝗒𝗈𝗎 𝖻𝖾𝗌𝗍𝗂𝖾!

𝖳𝗈 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇:

𝖶𝖺𝗅𝖺 𝖺𝗄𝗈𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗂𝖻𝗂𝗀𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗇𝗀𝗀𝖺𝗀𝖺𝗆𝗂𝗍 𝖺𝗍 𝖺𝗇𝖺𝗄 𝗇𝗂 𝗌𝖺𝗍𝖺𝗇𝖺𝗌.

𝖥𝗋𝗈𝗆 : 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇

𝖸𝗈𝗎 𝗌𝗍𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖺𝗍𝖾 𝗆𝖾?
𝖣𝗂𝖻𝖺 𝖽𝖺𝗉𝖺𝗍 𝗆𝖺𝗌 𝗌𝖺𝗒𝗈 𝖺𝗄𝗈 𝗀𝖺𝗅𝗂𝗍 , 𝗇𝗀 𝖽𝖺𝗁𝗂𝗅 𝗌𝖺𝗒𝗈 𝗎𝗅𝗂𝗅𝖺 𝖺𝗄𝗈.

𝖳𝗈 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇:

𝖨 𝗐𝖺𝗇𝗇𝖺 𝗁𝗎𝗀 𝗒𝗈𝗎 𝗍𝗂𝗀𝗁𝗍 𝗎𝗇𝗍𝗂𝗅 𝗒𝗈𝗎 𝖽𝗂𝖾 .

~•~•~•~•~

Uwian na , at saktong pagtunog ng bell ay lumabas na ako upang dalawin siya.

Pinaharurot ko ang motor ko papuntang flower shop.

Sa totoo lang ayoko talaga sa mga bulaklak.
Bukod sa allergic ko ay talagang hindi ko gusto. Kahit gaano pa man kaganda ang isang bulaklak ay hindi ko ito gusto.

Pero kahit ganun ay bumili parin ako.

Matapos kong bumili ng bulaklak ay dumiretso na ako ng simenteryo.

Kung noon , hindi ko magawang tumapak dito kahit anong gawin ko. Ngayon ay payapa na akong nakakapaglakad dito.

Alam ko kasing dito rin ang bagsak ko balang araw. Bakit kailangan kong kamuhian ang lugar na ito kung dito rin ang tuloy ko.

Ilang minuto ang ginugol ko sa paghahanap ng libingan niya. Dalawang taon na rin kasi simula noong tumigil ako sa pagdalaw dito.

When i finally found where she stays. Ay agad akong naupo sa grass. Nagsindi ako ng kandila sa puntod niya sabay patong ng bulaklak sa ibabaw ng puntod niya.

Pansin ko rin na mukang may nauna na saaking bumisita , marahil ay ang mga magulang niya.

"Geline , Siyam na taon na rin pala noh?"

Pilit akong nagsalita kahit parang may naka bara sa lalamunan ko.
Ayokong umiyak sa harapan niya , kaya kahit nahihirapan ako.

"Alam mo bang hanggang ngayon , kinamumuhian ko parin ang araw na toh. Kinamumuhian ko parin ang huli kong ala-ala sayo."

Napapikit ako , at biglang pumasok sa isip ko  kung paano siya pinatay sa harap ko.

"Alam mo bang hindi ko parin mapatawad ang sarili ko dahil wala akong nagawa ng panahong nahihirapan ka dahil sakin. Wala akong nagawa habang sinasalo mo ang paghihirap na ako sana ang dumaranas. Sa totoo lang nakokonsensiya ako. Kasi ako dapat yung nasa posisyon mo eh. Ako dapat yung nakahimlay ngayon. Naiinis ako sayo kasi napaka buti mo Geline"

I wiped my tears when they started falling.

"Naiinis ako kasi dapat nandito ka eh , ikaw dapat ang tumutupad ng mga pangarap natin. You have a lots of dreams,... pero nawala lahat yun ng dahil saakin"

Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Pero salamat,... kasi naging mabuti kang kaibigan. Salamat kasi inialay mo buhay mo sakin. Pangako Geline. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala mo. Bibigyan ko rin ng hustisya ang mga biktima na katulad mo. Ibibigay ko sakanila ang hustisya na hindi ko naibigay sayo. Tutulong ako sa mga taong kapuspalad kagaya ng pangarap mo Geline. Tutuparin ko sila para sayo...."

Ng malusaw ng tuluyan ang kandila ay isang mensahe at litrato nanaman ang natanggap ko mula sa taong may kasalanan kung bakit ko kinamumuhian ang araw na toh.

𝖥𝗋𝗈𝗆: 𝖴𝗇𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇

𝖯𝗋𝗈𝗆𝗂𝗌𝖾𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗆𝖾𝖺𝗇𝗍 𝗍𝗈 𝖻𝖾 𝖻𝗋𝗈𝗄𝖾𝗇 , 𝖺𝗇𝖽 𝖬𝖺𝗏𝗂𝗌 𝖹𝖺𝗆𝗈𝗋𝖺 𝗂𝗌 𝖻𝗈𝗋𝗇 𝗍𝗈 𝖻𝖾 𝗋𝗎𝗂𝗇𝖾𝖽.

Tiningnan ko ang litratong pinadala niya.
Litraro ko ito ngayon habang nagpupunas ng luha.

She's here , watching me how i make promises to her.

She found me.

Pero di ko hahayaang masayang lahat ng galit ko sakanya.
Siya ang dahilan kung bakit ako nagka ganito.

At pinapangako ko na hindi ako magpapaapekto sakanya Geline , Pero hindi ko maipapangako sayo na mapapatawad ko siya dahil siya ang pulo't-dulo kung bakit nawala ang pangarap natin. Siya ang dahilan kung bakit , nasira ang buhay nating dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...