BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY...

By ChiefInShallowBlueth

668 265 172

"How could I ever forget when the warmth of our past still lingers in my soul." "I tried to love another man... More

Disclaimer!!!
Simula - [Sorry]
Kabanata 1 - [Warmth]
Kabanata 2 - [Prize]
Kabanata 3 - [phone call]
Kabanata 4 - [preparations]
Kabanata 5 - [official]
Kabanata 6 - [wait for me]
Kabanata 7 - [I'll never leave]
Kabanata 8 - [trust]
Kabanata 9 - [sweet night]
Kabanata 10 - [heavy heart]
Kabanata 11 - [confrontation]
Kabanata 13 - [crossed paths]
Kabanata 14 - [first day]
Kabanata 15 - [still yours]
Kabanata 16 - [sudden]
Kabanata 17 - [secret wish]

Kabanata 12 - [one last time]

17 6 7
By ChiefInShallowBlueth

Nangunot ang kanyang noo habang tinitignan ang caller.

Nakakapagtaka tuloy kung sino iyon. Gusto ko mang silipin ay hindi ko magawa. Napabuntong hininga sya at matamlay na tumingin sakin.

"Excuse me for a minute. Kailangan ko lang sagutin yung tawag. Mabilis lang 'to." Tinanguan ko lang sya bilang pagtugon.

Tumayo sya at sinagot ang tawag. Hindi naman sya lumayo kaya naririnig ko ang pagkausap nya dito. Hindi ko naman hilig makinig sa mga pag-uusap pero ano magagawa ko? Ehh sa naririnig ko ehh.

"kuya." Pagsalubong nya sa caller. 

"Nasa school ako... hindi pa." Napatangotango pa sya ngayon sa kung ano man ang sinasabi ng kuya nya.

Makalipas lamang ng ilang saglit ay biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Mula sa pagiging mahinahon ay napuno ngayon ang kanyang mukha ng pag-aalala. Nakakunot ang kanyang noo habang patuloy sa pakikinig.

"What?! No! Kuya alam mo namang ayaw ko." Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila para makareact ng ganun si Ander. He looked worried, hesitant, hurt, and sad... all at the same time.

Natahimik sya matapos ng huli nyang sinabi. Napahawak sya sa noo at mariing napapikit. Sa itsura nyang yun ay para bang pasan pasan na nya ang problema ng buong mundo.

Naawa ako ngayon sa kanyang itsura. Nangangati na ang bibig kong magtanong pero pilit ko itong pinipigilan dahil hindi magandang magtanong habang may kausap pang iba ang taong nais mong kausapin. Yun ang turo sakin ni mama simula bata palang ako.

Hinintay kong maibaba nya ang tawag at makaupo muli bago sya simulang interogahin. At dahil may natitira pa akong kabaitan sa katawan ko, hinayaan ko munang lumipas ang ilang minuto bago ko siya sinimulang kausapin.

"Uhmm... Ander." Tawag ko sa kanya.

Hindi naman ako nabigo dahil nilingon naman nya ako pero hindi ko inaasahan sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. "Ander?"

Nagtataas baba ang kanyang balikat at nababasa ang aking damit, tanda na siya'y umiiyak ngayon. "Ander, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi naman kasi mabilis umiyak si Ander. Pero alam nya kapag si Ander umiyak, ibig sabihin nun ay hindi na niya kinakaya ang bigat na dinadala nito.

"Please just let me cry." Basag ang kanyang boses. Medyo nahihirapan syang magsalita pero magsalita pero hindi ito naging sagabal para mahsalita sya. "I promise to tell you later but for now just let me hug you." Puno ng pagsusumamo at lungkot ang kanyang boses. Nahahabag ang puso ko.

I hate to see him like this. I never liked seeing the broken Ander. It always breaks my heart. I wish I could take all his pain away.

"Okay. Let it all out. I'm right here." I said and patted his back gently.

Hinaplos ko anb kanyang likod hanggang sa tumahan sya. Humiwalay sya sakin at umayos ng upo. Pininasan nya ang kanyang mga luha bago ako tinignan.

Ang kanyang mata ay puno ng iba't ibang emosyon. Puno iyon ng intesidad pero sya ang unang nag-iwas ng tingin.

Huminga ng malalim. "Tumawag si kuya." Paninimula nya. Nakatitig lamang sya sa kanyang pinaglalaruang kamay habang nagsasalita.

"He informed me that mommy's condition is getting worse." Doon palang ay parang nahuhulaan kona kung saan patungo ang usapang ito.

"Kanina daw inatake sa puso si mommy. Sobrang trabaho daw ng doctor para lang mailigtas sya... Nakasurvive naman si mommy pero ang sabi ng doctor, maaaring hindi na nya kayanin kapag inatake nanaman sya ulit. Kailangan na daw talaga nyang madala sa ibang bansa... doon mas matututukan ang kondisyon nya. Mas mataas ang tsansa nyang gumaling."

Bakas sa kanyang mukha ang labis na sakit at lungkot. Syempre sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang iyong ina ay nasa kundisyon na kung saan anumang oras ay maaring may masamang mangyari.

"At... bukas..." napalunok ako. Sa hindi malamang kadahilanan ay labis na kaba ang aking nararamdaman. "Kailangan na naming umalis." Kasabay ng katagang iyon ang pagpatak ng aking luha.

Hindi ako tanga para hindi makuha ang nais nitong iparating. Kailangan nilang dalhin sa ibang bansa ang kanyang ina at sa kasamaang palad sya ang natasang samahan at alagaan ang kanyang ina.

"Semi, I... I don't wanna leave you but I can't just my mom die." Napayuko ako. "I'm sorry. I badly wanna stay, Semi. I really do."

"No, Ander. Stop explaining. I understand..." napangiti ako ng mapait. "...that you have to go." Kailangan na nyang umalis at hindi ko sya pipigilan.

Why? Dahil ganito naman talaga ang pag-ibig diba na kahit anong sakit kailangan mong tiisin para sa ikakabuti. Alam kong mahal na mahal ni Ander ang mommy nya kaya hindi ko nais maging sagabal sa pagpapagaling nito. Ayaw kong patunayan sa tiya ni Ander na tama sya. Dahil hindi ako kailanman gagagwa ng bagay ikakahahadlang upang masaktan at mahirapan si Ander.

And instead, I want to help him fix his problems as much as possible and this time iisa lang ang solusyon, ang hayaan syang umalis.

At isa pa, hindi ako immature para hindi intindihin ang sitwasyon nya. Kung masakit para sakin, malamang ay mas dobleng sakit ang nararamdaman nya. Hindi ko nga maisip kung paano nya nakakaya ang sakit. I just admire him for that, for being strong despite all the burdens that came in his life.

"Semi." Masuyong pagtawag nya sa aking pangalan. Hindi ko sya tinignan. Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong makita nya ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

Napabuntong hininga sya. Hinawakan nya ang aking pisngi at sya mismo ang nag-angat sa aking mukha upang magtama ang aming tingin.

At doon naglaban ang tingin namin. Walang nagnais na magpatalo. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ito ng hindi ka masasaktan pero... pinapakawalan na kita."

Napasinghap ako sa. Nanlaki ang aking mata. Agad akong binalot ng gulat at sakin. Alam ko namang sasabihin nya din iyon pero hindi ko parin maiwasang magulat at masaktan.

"Pinapakawalan na kita, Semi. Ayaw kitang umasa sa walang kasiguraduhan." Pag-uulit nya pa. Pinunasan nya ang butil na tumulo sa aking mukha gamit ang kanyang hinlalaki.

"Hindi ko kasi alam kung kelan ako makakabalik or kung makakabalik pa ako. I swear, ayaw kitang pakawalan pero ayaw ko din namang maging unfair sayo. I want you to be mine alone but I also don't want to take your freedom away... especially that there's no possibility that we might meet each other again."

Wala akong naging imik kundi mga hikbi. Hindi ako makapagsalita. Tila ba nawalan ako ng gana na gamitin ang aking boses.

I wanna shout all my frustrations. I wanna beg him to not let me go. I wanna tell him everything that's running in my mind. But not of this came out.

Then I remembered... bukas na nga pala anb alis nya! Why did I almost forget about that detail. 

"Can I at least see you for the last time? Can I come with you in the airport?" May pagmamakaawang tanong ko.

"No. You don't have you. Baka hindi ako makatuloy kapag nandoon ka." Medyo pabiro nyang sabi pero lamang parin ang lungkot at kaseryosohan.

"Please Ander. Kahit sa huling pagkakataon lang. Can I at least see my boyfriend even for the last time?" My voice cracked but I didn't care.

He sighed heavily. "Fine."

I smiled.

Kanina pa ako tulala. Nakahiga ako sa aking kama habang walang sawang nakatingin sa kisame.

Wala akong maramdaman. Walang emosyon ang mukha ko. Namanhid na ata ako dahil sa naganap kahapon sa rooftop.

Nakakatawa palang isipin ang nangyari sakin. Napakamapaglaro talaga ng tadhana noh. Hinayaan muna akong sagutin si Ander bago kami paghiwalayin. Nakakatawang ang bilis natapos ng relasyon namin. Halos hindi nga namin naranasang sulitin ang pagiging opisyal namin.

Ang dami naming oras na nasayang. Kung alam ko lang sanang magkakawalay kami, edi sana sinagot ko na sya ng mas maaga pero huli na para manghinayang.

Habang inaalala ko ang mga masasaya at malulungkot naming alaala, hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Ang sakit. Ang sakit sakit ng puso ko.

Natauhan lang ako nang tumunog ang alarm ko. Ngayon nga pala ang araw na pag-alis ni Ander, ang aking Sodabear. Buti nalang nag-alarm ako. Baka makaligtaan ko pa ang huling tsansa kong makasama sya kung sakaling nagpabaya na naman ako.

Agad akong bumangon. Mabilisan akong nagbihis at nag-ayos. Simpleng jeans, white t-shirt, at sneakers lang ang sinuot ko. Hindi na ako nagdala ng iba pang gamit liban nalang sa cellphone ko.

Inilagay ko sa bulsa ang cellphone ko at diretsong lumabas na ng kuwarto. 3:30 am palang ng umaga kaya wala pang gising maliban sa akin.

Hindi na ako nakapagpaalam kila mommy at daddy. Nakaligtaan ko din naman itong sabihin kahapon dahil agad akong nagkulong sa kuwarto nang makauwi ako.

Imbes na dumaan sa bahay nila Ander ay sa airport na agad ako nagpahatid. Naghanap ako ng masasakyang taxi ay sumakay.

"Ma'am nandito na po tayo." Pag-iimporma sakin nung taxi driver. Doon ko lang din namalayan na tulala pala ako sa buong biyahe. Nakatingin lang ako sa bintana.

Nagbayad ako sa taxi. Bumaba na ako at dumaretso na sa loob.

Masaya ako dati sa tuwing pumupunta ako sa airport dahil madalas na dahilan na pagpunta namin dito ay kung naisipan ng pamilya namin na magbakasyon sa ibang bansa. Pero ngayon ay ibang iba ang emosyon na nararamdaman ko.

Lungkot at sakit.

Naglakad ako papunta sa mga upuan at doon nagpasyang maghintay. 5:00 am ang flight nila Ander kaya maghihintay pa ako ng ilang oras.

Palingalinga ako, hoping na makita ko na sila. Ilang saglit pa ay bigla akong napatayo. Nakita ko si Ander kasama yung nanay nya na nakaupo sa wheel chair, natutulog habang tinutulak ng isang tauhan. At may isa pa syang kasama, isang... babae.

Napako ako sa kinauupuan ko nang nakita kung gaano ka-close yung dalawa. Nag-uusap sila at nakangiti naman si Ander habang nakikinig.

Ang kaninang lungkot ay mas dumagdag pa. Nakakapanikip ng dibdib ang imaheng nakikita pero pilit kong iwinawaksi iyon dahil masama ang mag-akala. Marami pa naman ang namamatay sa maling akala.

Tumigil sila sa paglalakad nang marating nila ang counter. Doon hindi ko napigilang magselos nang yumakap yung babae kay Ander. Matapos nya itong yakapin ay umalis na yung babae.

Ako naman ay parang naestatwa na. Kanina pa ako nakatayo at mukhang wala pa akong balak na gumalaw. Tila ba may enerhiyang pumipigil sa akin para lapitan si Ander.

Nagpalinga-linga si Ander na parang may hinahanap. Natigil lamang sya nang magtama ang aming paningin. May sinabi sya sa kanyang mga kasamahan bago tinakbo ang aking kinaroroonan.

Isang mahigpit na yakap agad ang kanyang sinalubong sakin. Nung una ay hindi ako kumibo pero kalaunan ay sinuklian ko din ito ng mahigpit na yakap.

Susulutin ko na habang nanditon pa sya. Maaari kasing ito na ang huling pagkakataon na mayakap ko sya. Huwang naman sana. Hindi naman sigurong masamang mangarap.

"Chipster." Marahang tawag nya sakin. Napangiti naman ako. Ansarap talaga pakinggan ng palayaw ko. Buti naman hindi na Semi. Hindi naman sa ayaw ko sa pangalan ko pero mas gusto ko ang tawag nya sakin. Para kasi sakin iyon ang simbolo kung gaano nya ako kamahal, kung gaano nya ako pinahahalagahan.

"I guess this is goodbye." I said in a cracked voice.

He sighed. Bumitaw sya sa aming pagkakayakap at hinarap ako. Hinawakan nya ang aking pisngi at mayusong hinaplos.

"Tandaan mo... magkalayo man tayo, hindi ibig sabihin nun ay kakalilimutan na kita. Mananatili ka sa puso ko Semi. You are my one and only Chipster."

Nanubig ang mata ko sa pinaghalong mga emosyon. "Ikaw din, Sodabear. Hinding hindi kita makakalimutan."

"I will miss you, Chipster."

"Same with me. Ngayon pa nga lang namimiss na kita." Medyo natawa naman sya. "Huwag mo akong tawanan. Seryoso ako."

Nagseryoso sya. Nagsisi naman akong pinatagil syang tumawa. Mas okay palang tumawa nalang sya kaysa makita syang nalulungkot. Naglaban ng tingin ang pareho naming emosyonal na mata. Walang may gustong magpatalo.

Nasira lamang iyon nang may isang katandang lalaki ang tumawag tumawag kay Ander. "Sir Ander, kailangan na po nating umalis."

Parehas kaming napalingon sa gawi ng pinagmulan ng boses. Tinanguan sya ni Ander. Hindi naman ito nagtagal dahil agad din itong umalis.

Humarap muli siya sa akin. Naluluha ko syang pinagmasdan habang nakapikit sya at naglabas ng mahabang buntong hininga. Ramdam ko ang bigat na kanyang dinadala.

Nagbukas sya ng mata. Isang mapait na ngiti ang iginawad nya sakin. "Hindi ko inaakalang magtatapos tayo sa ganitong paraan." Pagak syang tumawa.

"Mahal kita, Semillia. Mahal na mahal kita." Nanubig ang mata ko. "Kung alam ko lang sana na magkakahiwalay tayo, edi sana noon palang pinaulanan na kita ng salitang ito. Gusto kong ipaalam sayo na ikaw lang ang babaeng minahal ko at patuloy kong mamahalin. Bata man tayo sa paningin ng iba pero ang pagmamahal ko sayo ay tunay at totoo."

Napapikit ako sa pagdampi ng mainit niyang labi sa aking noo. "Goodbye... Chipster." Tumalikod na sya.

Nakakatatlong hakbang na sya ng matauhan ako. Tinakbo ko ang aming distansya. Niyakap ko sya mula sa likod. "Mahal na mahal din kita, Sodabear." Humahagulgol kong wika. "Paalam..."

"I won't stop praying that someday our paths will cross again and when that happens, I promise you that we won't ever be apart again."

Yan ang huli nyang linya bago kami tuluyang nagkalayo.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng lumang mansyon ng mga grandparents ni Ander. Ang kaibahan nga lang ngayon ay mag-isa lang ako at walang Ander na sasamahan ako.

Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang gate.

Lakad pagong akong dumaretso sa may lagusan. Ginawa ko ang ginagawa ni Ander kapag pumupunta kami dito. Nabuksan ko ang lagusan at naglakad na papasok.

Emosyonal kong tinignan ang lahat ng nadadaanan ko. Puro mga masasayang alaala ang nangingibabaw sa aking isipan. Hindi ko papigilang mapangiti.

Bawat sulok ay may kaalibat na memorya. Mga memoryang sa puso ko'y panghabangbuhay na tatatak.

Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko ang sapa. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ko ang mga isdang lumalangoy. Ang iba ay may mga kapareha pa. Buti pa sila kasama yung mahal nila.

Nakakainggit naman.

I sighed. "Nababaliw na ata ako." Wika ko sa aking sarili. Sino ba naman kasi ang nasa tamang pag-iisip ang maiinggit sa mga isda? Ako lang ata.

Napatingin ako sa aking repleksyon sa tubig. Ang ganda sana ng tubig kung wala lang yung pagmumukha ko doon. Napaka-haggard na kasi ng mukha ko. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko kanina. Siguro mukha akong gurang.

Ang mga mata ko ang namumugto. Ang mukha ko ay namumula lalo na ang aking ilong dahil sa kakaiyak. Sa totoo nga ay hanggang ngayon ay nanunubig parin ang aking mga mata.

Dahil sa nagbabadya nanamang luha ay iniwan ko na ang sapa. Dumaretso naman ako sa tree house.

Pagtapak palang ay mas bumigat na ang aking kalooban. Mas marami ang mga alaalang nabuo namin sa tree house. Dito kasi kami mas madalas tumambay. Sa bawat paghakbang ko ay nakikita ko si Ander. Sa bawat paghakbang ko mga tawanan at kulitan namin ang aking naririnig.

Sa huli, hindi kona kinaya. Napaupo nalang ako bigla sa sahig. Medyo malakas ang pagkakabagsak ko pero hindi ko ito inalintana. Namukod tangi ang aking paghabgulgol. Iniyak ko lahat ng sakit.

Lahat ng nararamdaman ko, ibinuhos ko sa pag-iyak. Sa puntong ito gusto ko ng makakasama. Gusto ko ng taong masasandalan. Si Ander sana pero wala sya. Wala na akong ibang maisip na puntahan kundi ang pamilya ko.

Alam kong hindi pa kami nagkakaayos ni daddy pero sila nalang ang meron ako. Ayaw ko namang gambalain si Apoll dahil may problema din syang kinahaharap.

Hinintay kong tumahan ang aking sarili bago nagpasyang lumisan.

"Semi!" Sinalubong agad ako ng nag-aalalang mukha ni mommy pagkabukas ko palang ng pintuan. "Saan ka nanaman nagpunta? Pinag-alala mo nanaman kami ng daddy mo." Napatingin ako sa katabi ni mommy. Daddy is standing there with a serious face. In his eyes, I could see worry and sadness or maybe disappointment.

Kanina gusto kong sabihin sa kanila lahat. Gusto ko ng makakausap pero ngayong kaharap kona sila, parang umurong ang boses ko. Wala akong masabi.

"Semi? Did something happened? Are you okay?" Kalaunan ay tanong ni mom ng mapansin na wala akong balak na magsalita.

Mom sighed as I didn't answer. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok ng bahay. Pinaupo nya ako sa sofa at tinabihan.

"Semi. Please... magsalita ka naman. Nag-aalala na ako. May nanyari ba? Ha? Come one tell us what happened." Tinignan ko si mommy. She has a pleading eyes but I still don't have the voice to tell them.

"Naoni, huwag mo munang pilitin magsalita ang anak mo. Magandang hayaan mo muna sya magpahinga. She looks tired." Mom wants to protest but as she look at me, she realized that daddy is right.

And that was my que. I instantly stood up and went straight to my room.

I was staring at the ceiling when I heard a knock on my door. I guessed it was mom but I was wrong, dad opened the door and walked in.

Umupo si daddy sa dulo ng kama ko. Hinayaan ko lang sya at muling ibinalik ang tingin sa kisame.

Tahimik lang kami hanggang sa naisipan na nyang wasakin ang katahimikan.

He sighed. "I'm sorry." Napaangat agad ako ng tingin kay dad. Sorry? For what? "I know I'm a little late but I'm really sorry." Ahh oo nga pala. He just accused me that I did something that might ruin my future.

"Dapat hindi kita pinagbintangan. Dapat pinagkatiwalaan kita. Dapat mas maaga kong narealize na anak nga pala kita at may tiwala akong pinalaki kita ng maayos. Patawad kung-"

Bago pa nya matapos ang ilan pa nyang pagbingi ng tawad, nagsalita na ako. "Stop saying sorry and explaining, dad. I get it. I understand you. One sincere sorry is enough." I gave him a small smile which he gave back.

Mula sa pagkakhuga ay umupo ako ng maayos. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Dad?"

"Yes?"

"Can...uhmmm..." inangat ko ang aking tingin. "Can I get a hug?"

His eyes softened and immediately went to me. He sat beside me and gave what I wanted. A hug from someone. A hug that could make you feel at calm and warm.

As I hug daddy, I found the courage to open up to him. He listened closely and didn't speak. Hinayaan nya lang akong magkuwento at magpahayag ng aking mga saloobin.

"Umalis na sya, daddy." And again, I found myself crying but this time, in my father's arm.

"We're sorry if we aren't aware of the things you're going through. Sorry kung wala kaming kaalam-alam."

"You don't have to be sorry. It was my choice to keep it for myself at that time." Humiwalay ako sa yakap at tinignan si daddy.

"What am I gonna do now? I feel lost."

"Well, the best you could do is keep on moving forward. Just live your life as it is. Life is amazing and we shouldn't waste it. I don't want to give you hopes but... you know, may someday your paths might cross again." He smiled.

Our paths might cross again. I smiled at the thought of it.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 246K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
1.2M 30.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
264K 9.6K 35
The Sokolov brothers are everything most girls want. Intimidating, tall, broody, they are everything to lust after. Not that they... particularly car...
1M 89.9K 140
This is the continuation of short story collection 'Love me thoda aur '.