After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 2.4

85 6 0
By shytryfly

Nandito na ako sa labas ng faculty at binaybay ang daan papunta sa room ko. Hindi naman ito kalayuan dahil nga nasa harap lang ng faculty ang pwesto nito kaya hindi ko naman na kailangan na magmadali. Isa pa, maaga rin natapos ang meeting namin kaya napagdesisyunan ko na pumunta na lang sa room kahit maaga pa. In truth, 9:15 pa lang at may 25 minutes pa ako na natitira. Hindi naman gaano mabigat ang dala ko kaya mabilis din ako na makakapunta sa room dahil ang 1st subject kasi nila ay Reading and Writing lang after naman noon ay recess na nila.

Lakad. Lakad. Lakad.

Finally nandito na ako sa room!

Binukas ko na ang pintuan at hindi ko alam na mapapaaga pala ang punta ko sa South Korea dahil sa lamig na sumalubong sa akin. Ang lamig as in sobrang lamig na akala mo yung jowa mo yung nandito sa sobrang lamig, char! Ang aircon din na yan ang isa sa mga iniisip ko na nagpapamahal sa tuition fee ng mga bata bukod sa mga tinuturo namin sa kanila. Iniisip ko tuloy, siguro dapat kung mayroon man na electricity problems like brown out, dapat siguro binabawas din yun sa tuition fee nila kahit pa saglit lang or ano. Mayaman man kasi o mahirap, mahirap pa rin kumita ng pera.

Sinara ko na ang pintuan at daglian na pumasok at baka lumabas pa ang lamig ng aircon. Sayang naman sa kuryente! At dahil sa hindi rin naman ako sanay na ganoon ang lamig at baka rin sipunin ang mga bata ay pumunta ako sa aircon para hinaan ang thermostat at kung kanina ay 7, ginawa ko naman na 5.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa teacher's table na nasa harapan at umupo muna para hintayin sila dito. Ito lang din yung unang beses na may ganito na ganap kaya kailangan mas maaga ako sa kanila dito baka kasi mamaya kapag nakita pa na sarado ang room, minsan magcoconclude agad yung mga bata na walang pasok kahit 10 minutes pa lang. Then, yayain na yung parents or guardian nila na umuwi hanggang sa maglupasay sa lapag. Natural lang yan kasi nasa nature ng mga bata ang sobrang pagkainipin.

It is already 9:30 AM which means 15 minutes na lang at magsisimula na ang klase.

Napagpasiyahan ko na lang na tignan yung mga flashcards na dala ko na gagamitin ko for both Reading and writing. Ito lang ang dinala ko aside from ito lang naman ang kailangan ko ay para na rin buo ang attention ko sa mga bata at sa aking pagtuturo. Mayroon naman na whiteboard marker sa drawer ko dito kaya hindi na ako nagdala.

A is for apple...

B is for Breez--

Mali. Mali. Mali.

Ball, Shaze! Ball!

Hindi ko maintindihan kung ano na ang nangyayari sa sarili ko pero ngayon ako na lang mag-isa, yung sakit na iniipon ko, kumakawala na sila sa kulungan nila. Wala naman kami pero hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit nito daig ko pa nga ang na brokenhearted sa sobrang lungkot. Bakit kasi may B sa alphabet eh! Pwede naman na C na lang ang kasunod ni letter A para naman hindi na mahirapan yung mga bata!

Like, A, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V--.

*tok* *tok* *tok*

Narinig ko na may kumatok sa pinto at pumunta naman agad ako doon. When I open the door I saw again the cutest little girl I have ever seen! Miles Villamor. Nakatingala siya at nakatingin lang siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung tao ba siya or doll. Nakalagay naman yung mga kamay niya sa harapan pero magkasaklop na parang naka 'o' shape yung mga braso niya. She has those pretty cinnamon-colored eyes with wave-like eyelashes. Thin-eyebrows, pointed small nose, and thin lips. Nakaheadband din siya na red and high socks na white.

Behind her beautiful and innocent face, there is something that she is battling with, her trauma. Expected ko na talaga na maaga siya na papasok dahil she is on the stage of coping her traumatic experience with us, teachers. Ayaw kasi palagi ni Miles na nahuhuli siya sa klase dahil feeling daw niya papagalitan ko siya. Absent siya kahapon kasi sabi ng mommy niya ay susunduin daw nila ang daddy niya from work na matagal na nilang hindi nakasama. She is a transferee dito two weeks after ng start ng klase. The reason for her trauma was because of her previous teacher who got angry on her dahil sa nalate lamang ang yaya niya sa paghatid sa kaniya dahil both parents ni Miles ay nasa work. And worst, at a young age, she also experienced bullying from her classmates because of the useless reason of her teacher.

"Good morning, Miles!" Bumaba ako ng konti para magkalevel kaming dalawa at nginitian siya. Hindi pa rin siya nagsasalita at diretso lang talaga ang tingin niya sa akin na animo pinag-aaralan ang mukha ko. Tahimik din siya sa room kaya sanay naman na ako na hindi siya gaanong nagsasalita every time na ina-approach ko siya plus, ayaw ko rin naman kasi na pilitin siya. Matalino din siya and active kaya nagsasalita naman siya kung may reci--.

"H-hello po Ma-Ma'am Shaze! G-good morning po!" Halos matumba na ako sa posisyon ko ng bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil walang mapaglagyan yung saya na nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, after all days na palagi ko siya na ginigreet, ngayon lang niya ako binati pabalik. OA man kung titignan pero feeling ko maiiyak ako sa lagay namin eh! I do not know the reason behind that hug but, I pray that Miles trust her teachers again and overcome her trauma and fear. Let's win this battle, Miles!

Kakalas na sana ako sa pagkayakap namin na dalawa at itatanong sa kaniya kung nasaan ang bag niya. Nilingon ko naman sa magkabilang gilid ko baka binaba muna niya pero wala din. Humarap na ako sa kaniya pero biglang lumingon naman siya sa boses na tumawag sa pangalan niya kaya yumuko naman ako habang papatayo. Si Miles naman ay sinundan kung nasaan ang boses na iyon.

"MILES!" It is a voice of a man. Medyo may pagkamatinis na konti pero lamang pa rin ang pagkalalim. Thus, ang lambing din ng boses niya which makes me think of someone who also has the same kind of voice.

Nang makatayo na ako mula sa posisyon kanina ay dahan-dahan naman ako na nag-angat ng tingin hanggang sa masaksihan ko ang napakatamis na pangyayari sa harapan ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakayuko siya at nilalagay ang bag ni Miles sa likod niya pagkatapos ay binigyan ng lalaki ng halik sa noo ang bata. The man bent down on his knees para magkalevel sila ni Miles and say something to her which probably not in a way of whispering dahil naririnig ko kasi eh.

"My princess, susunduin ka ni Daddy mamaya so no need to worry na po neh? Daddy always love you so so much!" Pamilyar talaga yung boses niya pero hindi ko pa din malaman kung sino ito dahil nga medyo malayo ng konti sila sa akin. Nasa harap kasi niya si Miles kaya hindi ko rin makita ang mukha pero ang mahalaga ngayon ay mukha nakikita ko na ang konting improvement ni Miles. Malaking tulong talaga siguro si Mr. Villamor sa pagheal ni Miles.

Hindi ko na rin napakinggan pa ang buong pag-uusap ng mag-ama at hindi ko na rin pa kinilala siya dahil sa sunod-sunod na nagsidatingan ang mga bata at pati si Cher na ngayon ay nakikipag-usap na sa mga friends niya habang papasok sa loob ng classroom. Hindi siya sumabay sa akin kanina kasi inaayusan pa siya ng Mommy niya at sanay na din siya na mag-isa na pumasok sa room dahil nga sa sobrang lapit lang nito sa faculty.

Ako naman ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit sobrang kinakabahan ako ngayon eh araw-araw naman na ganito ang ginagawa ko. Paano ba naman kasi ang usual ko na ginagawa everyday ay kapag may bata na pumapasok, I always greet them with a sincere smile, even with the person they are with like, their guardian or parent. But now, hindi ko makuha na ngumiti na abot sa tenga, tipid na tipid ang ngiti ko at buti na lang hindi rin nila napansin yun at ngumiti na lang din sila sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin?! Shaze your job! Job before lovelife, okay?! 'Susunduin' daw Shaze hindi 'ihahatid' kaya kalma, okay?!

Isasara ko na sana yung pinto pero nakita ko na papasok pa lang pala si Miles, naglambing pa siguro siya sa Daddy niya. Noong nasa pintuan na siya, I am shocked dahil nag smile siya sa akin. Hindi ko na lang pinahalata ang gulat ko at nginitian ko din siya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang isasara ko na sana ang pintuan at tumalikod na papunta sa table nang may narinig ako na tumawag sa pangalan ko.

"Ma'am Shaze!" This time, I know who is the owner of that cheerful and innocent voice. That is Gavin! The nephew of someone who owns my heart but, I never have his heart for our lives is actually a thousand miles apart. 

Lumingon naman agad ako at sinalubong si Gavin ng tipid ng ngiti na ngayon ay mag-isa na nasa harapan ko na. Mukha nga na tumakbo pa siya dahil hinihingal pa. Paano ba naman kasi may pawis na rin maliliit ang namumuo sa noo niya. Pero bakit gwapo pa rin?! Nasa lahi ba talaga ng mga Theodon ang pagiging gwapo kahit anong mangyari?! Wait, nasaan ang naghatid sa kaniya? Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero baka pinapunta na lang ni Breeze dito si Gavin dahil nalaman niya na ako ang teacher ni Gavin kaya ngayon naman ulit ay umiiwas siya sa akin?! Hindi naman masakit! Pero bakit naman niya hinayaan na mag-isa lang pumunta si Gavin dito? Ang sungit talaga!

"Good morning, Gav--."

"Gavgav, are you okay?! *sipat kay Gavin* Do you want water?! *hawak sa chin ni Gavin* Lala is worry about you, apo. Wag na wag na tatakbo ng ganoon hah?!" Breeze's mother said. Yes, the lady infront of me na nasa right side ko ay Nanay ni Breeze, nakaharap kasi ako sa kanila tapos si Gavin sa left side ko naman na naka tingin sa side ng Lola niya na nakaharap sa kaniya ngayon. Hindi ko naman alam kung magble-bless ba ako kasi kapag ginawa ko yun parang feeling close naman ako sa kaniya. In truth, nakapagbless na ako sa kaniya ng hindi ko man lang nalalaman na Mommy pala siya ni Breeze. Kasi naman yung mga kaklase ko nagble-bless sa kaniya kaya nagbless na din ako. Hindi naman ako tinanong kung sino ako at pinagbless naman ako. Magble-bless ba ako or wag na? Saka baka nakalimutan na din niya ako eh. What to do?!

Pero nawala na sa isip ko ang iniisip ko nang pagmasdan ko si Mrs. Theodon na naging dahilan kung bakit lalo tuloy akong humanga sa angkan nila dahil as in lalong walang pinagbago ang itsura ng mommy niya. Nakita ko na kasi ito dati tuwing recognition or may event sa school na kailangan sila after noong makilala ko na siya pala yung Mommy ni Breeze. She is so sweet, elegant, and kind-hearted. Now, I start wondering if they have the blood of vampires, for their ethereal beauty is limitless regardless of their age. I realized hindi talaga kami pwede ni Breeze!

"Lala, Gavin is okay po. *smile with teeth* I am so excited po kasi to share my new toy with my classmates! *Look at me and smile* Ma'am Shaze, Tito Breeze gave it to me po yesterday hehehe. *lumukot ang mukha at tumingin sa akin* But, Ma'am Shaze diba po when someone is older than you, you should bless po?" Hindi ko naman inaakala na babanggitin niya yung pangalan ni Breeze at talagang doon sa pagblebless.

Wala man akong nagawa kaya nagbless na lang ako kay Mrs. Theodon na nakangiti lamang sa akin habang pinagble-bless ako.

Nakita ko naman na si Gavin na ngayon naman ang dalawang kamay niya ay nasa strap ng bag niya na at mas lalo naman na akong kinabahan ng napatingin ako ulit sa Mommy ni Breeze na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin na para bang iniisip kung sino ba ako.

"A-ah ve-very good, Gavin! Seems like you are re-ready na for your activity. Say bye na to Lola *tingin sa Mommy ni Breeze*" Nauutal na pagkakasabi ko kay Gavin. Hindi pa rin naaalis yung tingin sa akin noong Mommy ni Breeze kaya mas lalo akong natakot at nahiya na din sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro sa mga panahon na palagi na sinisinok yung anak niya kasi walang palya ang pagkwento ko sa mga moments ko with Breeze noong high school pa kami sa mga kaibigan at pinsan ko.

Nagsalita pa si Gavin kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng Lola niya.

"Ma'am Shaze, do not call Lola po si Lala. Lala will be magagalit po to you if you tawag po again siya ng Lola. Right po Lala? *twinkling eyes sa Lola niya*" Mahinahon at inosente na turan niya sa akin. Mas lalo tuloy akong natakot dahil sa sinabi ni Gavin.

"Yes, apo. But, Lala also means Lola kaya it's okay. I will go na and mag sta-start na ang class mo. *yuko kay Gavin and cup his face* Be a good boy to your classmates and be a good student to Ma'am Shaze *tingin sa akin* okay?" Sobrang kalmado na pagkakasabi ni Mrs. Theodon habang hinalikan din ang apo sa noo. Hindi ko naman masabi ang name niya kahit sa isipan ko dahil feeling ko wala akong karapatan na tawagin siya na kahit ano maliban sa Mrs. Theodon.

Akala ko ay tapos na ang nakakakabang scenario na ito pero nagsalita naman ulit si Gavin. Feeling ko namana niya ang kadaldalan sa Tito niya!

"I am naman po Lala. *smile* I will be like Tito Breeze po when I grow up but, I am more handsome than him po kaya. *pout* Right po Ma'am Shaze? *tingin sa akin na seryosong mukha* Am I more handsome po ba than Tito Breeze? *kurap-kurap*" Sabi ni Gavin na animo ay nagpapacute pa sa harapan namin ng Lola niya at si Mrs. Theodon naman ay tawang-tawa sa kakulitan ng apo niya.

"Ah--." Naputol ang pagsasalita ko nang sumagot at bumaling sa akin si Mrs. Theodon na sobra ko naman na ipinagpasalamat dahil hindi ko rin alam ang sagot ko at sa tingin ko ay makakapagsinungaling ako ng wala sa oras.

"I am sorry Ma'am Shaze. Pagpasensyahan muna po ang apo ko hah, manang-mana po ng kakulitan at kalokohan *bumulong sa akin* sa Tito Breeze niya. Ay, kagwapuhan po pala Ma'am *wink* *smile sa akin then kay Gavin*. *tingin sa akin* Alis na po ako Ma'am Shaze. See you when I see you po ulit. *baling kay Gavin* Gavin, yung reminder ko hah? Love you, apo! *kiss sa forehead then hug*" At tuluyan na nga na umalis si Mrs. Theodon habang hindi pa rin nagproproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Nakakahiya naman na hindi man ako nakapag-bye sa kaniya dahil after talaga niya na sabihin yon ay umalis na kaagad siya.

Pero masaya na rin ako kasi medyo gumaan yung pakiramdam ko sa kaniya noong ngumiti siya sa akin at sumakay pa sa kalokohan ng apo niya. Therfore, I conclude na baka kay Mr. Theodon nagmana ng kasungitan si Breeze!

Dahil sa kung ano-anong iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakapasok na pala si Gavin sa classroom kaya naman tuluyan ko na sinara ang pintuan. Si Gavin na lang kasi at si Miles na lang ang kulang kaya’t ngayon ay kumpleto na sila. Ang section ko which is Peace ay mayroong 35 students.

Sakto lang naman ang bilang nila para sa akin at hindi naman sila ganoong kagulo kagaya ng nasasaksihan ko ngayon. Yung iba ay nasa upuan na nila at pinaglalaruan ang mga kamay nila. Yung iba naman ay nakikipagdaldalan sa katabi nila pero yung iba ay nagala-Dora na gumala pa talaga sa pwesto ng ibang kaklase para makipagdaldalan. Yung iba naman ay nakatahimik lang like Miles. Yung iba naman ay nag-uusap about yata sa assignment nila sa Science like Cher and Gavin. At, yung iba naman ay nagdradrawing ata sa mga notebook nila. Hay, hindi man ako binayayaan talaga ng lalaki na magmamahal sa akin ng tunay pero binayayaan naman ako ng mga bata na magbibigay ng kulay at saya sa aking buhay.

Patuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Naglakad na rin ako papunta sa table ko para makapagsimula na kami sa lesson nila for Reading and Writing dahil nakita ko sa relo ko na late na kami ng 10 minutes para dito.

"Okay kids, time is up na po for 10 minutes free time!" Alam na nila ang meaning niyan kaya naman ang kaninang mga nakatayo ay nag-unahan na papunta sa mga upuan nila at umayos ng upo. Ganoon din naman ang ginawa ng iba. Makikita mo na ready na sila kapag ang mga mata nila ay nakatingin na sa harap at ang mga kamay na magkasaklop ay nasa ibabaw ng mahahabang lamensa.

"Very good kids! Okay po, who wants to lead the prayer po?" At usual, dahil umaga ngayon ay sobrang energetic ng mga iyan kaya halos kalahati ng section nila ang nagtaas ng kamay. Ang kaninang tahimik na classroom ay nabalot naman ng ingay dahil kahit na nakataas ang isang kamay ay talagang may words of persuasion pa sila na baon.

"I want to... I want to be the prayer leader po Teacher Shaze!" si Logan na nakataas pa ang ulo na parang tinitignan pa ang mga kaklase niya at nananatiling nakataas ang kanang kamay.

"Me! Me! Me! Me po Teacher Shaze!" si Alessia na tinuturo pa ang sarili sa akin na nakatayo pa.

"Teacher Shaze, I am kind po so please pick me po. Please??" si Cia na pumunta pa sa harapan ko at nagpuppy eyes habang nakaparang pang-pray pa.

"Teacher! Teacher! Teacher! Prayer Leader me! Me! Me! Me!" The youngest and tallest among them said which has the name of Hunter.

"Teacher Shaze... Teacher Shaze, I have never been the prayer leader po, teacher." Si Zoe na habang sinasabi ito ay sumisilip pa sa akin mula sa kaniyang upuan dahil sa mga nakaharang na nakatayo na kaklase.

Ang ilan pa sa kanila ay patuloy akong kinukumbinsi na maging prayer leader sila dahil katulad ni Cia, pumunta rin sila sa harapan kaya heto ako ngayon dinudumog ng mga bata.

"Okay okay kids, calm down. *tingin sa kanila* Calm down po and be quiet. *lagay ng point finger sa lips* Go back to your proper seats muna po then Teacher will decide who will be our prayer leader for today, okay po?" I said while administering these cute little angels sa mga upuan nila. After nga noong sinabi ko ay nagnod naman sila at saka nangingiti na bumalik sa mga upuan nila. Kids are truly chaotic but adults are more chaotic!

And then I made my decision to give the chance to Zoe since totoo nga naman na hindi pa siya nakakapaglead dahil noong turn na kasi niya unfortunately ay umabsent siya.

"Are you ready to pray classmates?" Zoe said while looking at her classmates since nasa harapan na siya na katabi ko.

"Yes we are!" Sabay-sabay naman nilang respond pero yung mga mata pa rin ay kung saan saan naman gumagala.

"In the name of the Father...and of the Son... and of the Holy Spirit... Amen." Mabagal na pagkakasabi ni Zoe dahil talagang hinihintay niya pa yung mga kaklase niya na matapos. Tinitignan din kasi niya kung sumusunod ba yung mga kaklase niya sa kaniya. Ako din naman ay nag sign of the cross na at yumuko while the kids close their eyes.

"Angel of God, my guardian dear to whom God's love commits me here. Ever this day, be at my side, to light and guard, to rule and guide. Amen." After our prayer ay dumilat naman sila and inangat ko na ang ulo ko at ngumiti sa kanila dahil sa masiglang bati nila.

"Good morning, Ma'am Shaze! *tingin sa akin* Good morning, classmates! *tingin sa lahat ng sides nila*" At hindi pa sila nakuntento sa bati dahil yung iba ay nakipagshakehands pa sa mga nasa unahan nila na akala mo ay isang politiko na nangangampanya.

Binati ko na rin sila at ngayon naman ay nagsisimula na sila na kuhanin ang notebook for Reading and Writing kahit hindi ko pa naman ini-instruct sa kanila na gawin. Hay!

"Kids, repeat after me po. Okay po?" Sabi ko habang nakatayo pa rin at hawak-hawak ang mga flashcard ng alphabet. Nagnod naman sila at sabay sabay na nagsabi ng, "Yes po, Teacher!".

"A, ah"

"A, ah"

"B, ba"

"B, ba"

Ilang minuto rin ang nakalipas hanggang sa nakarating kami sa Z. Hindi naman na nagkaroon ng kahit na anong gulo dahil talagang seryosong-seryoso sila sa pagpronounce. Hindi pa sila titigil niyan kakapronounce kahit na ibang subject na. Araw-araw kasi namin ginagawa yan kapag may Reading. Ang paraan lang para matigil sila diyan ay activity na talagang nagrerequired sa kanila ng focus. Ofcourse, sa Science!

"Good job, kids! *two thumbs up* Next, bring out your books na po for reading and *in-act yung paglipat ng page* carefully turn on page 45." Nakita ko naman sila na kinuha ang libro at binuksan nga sa page na sinabi ko kaya naman pumunta na ako sa upuan ko. Binuksan ko na rin ang drawer sa baba para kuhanin yung libro dahil bukod sa marker ay nakalimutan ko na sabihin na nandito rin yung ilan sa mga libro namin.

Mga words lang naman ulit yung babasahin nila ngayon para hindi naman sila mabigla kapag sentence na ang babasahin nila sa next lesson  if nakikita ko naman na kaya na nila at para makita na rin if pwede na silang mag move sa prepatory. The saddest part of my job pero sure naman ako na may kapalit sila. And my love for each one of them is always equal! Iiwan nga nila ako but, I know that maybe someday they will somehow remember me and sure that some of them would also be like Breeze. They just know my name but not who I am in their life.

"Kids, those words that you see ay mga words po na nagstastart sa letter U *pakita yung page* okay po?" As usual, they nod their heads and state their expected line, "Yes po, Teacher!".

"Uni-corn"

"Um-bre-lla"

"Uni-verse"

"Uni-form"

"Up"

Nagtataka kayo siguro kung bakit English ang words na binabasa nila ayon ay dahil sa tapos na sila sa Filipino words at inuna ko iyon noong mga nakaraan na quarter.

Napansin ko na natahimik sila sa number 20 dahil sa mahirap para sa kanila na basahin iyon. May 'r' kasi ang word na ito at mahaba kaya nahihirapan sila dahil yung iba medyo nabubulol kapag may 'r'. Ang word kasi ay underwater.

"Okay kids, read it slowly. You can all do it!" I utter to them with a smile ofcourse.

Syempre, naniniwala ako na kaya nila yan dahil kailangan nila na i-overcome yung fear nila sa pagbabasa ng mahahabang words. Hindi kasi matututo ang isang bata kahit naman din tayo, kung palagi tayong masasanay na mayroon tao na tutulong sa atin. But, when I see naman na nahihirapan sila then doon palang ako papasok. When it comes to teaching kasi, my principle is always "Try first before you burst because something will not become worst when you immerse".

"Who wants to try to read the last word po?" Mahinahon at may lambing na pagkakasabi ko pa rin sa kanila. Kung kanina ay halos kalahati sa kanila ay nagkukumahog na sumagot ngayon naman ni isa wala akong makita. Kapag naman tumitingin ako sa isa sa mga kanila ay nag-iiwas naman ng tingin at kunwari ay may binibilang sa kamay pero reading pa lang naman ang subject namin at hindi math.

"Come on, kids. Teacher believes that you can do it! If mahirap pa rin, isigaw lang ang word na--"

"Darna!" Talaga naman na tinaas pa nila ang left na hand at ang right hand ay nasa bewang.

"Very good, kids! Darna po ah, hindi wonder pets. *serious face* So, let us try to read the word. *smile* 1, 2, 3, and go." I jokingly and softly said to them while wiggling my eyebrows to them with a soft smile.

"Uderter" See? Napakawitty ng mga bata na ito at talagang nagshoshortcut pa.

"Once again po, please read it very sloooowly po." Dinahan-dahan ko din yung pagkakasabi ko para maintindihan nila. Minsan kasi kung ano talaga yung ipinaparinig at ipanapakita mo sa kanila, ginagaya nila even tono ng boses. Hays, ang kulit!

"Un-der-a-ter" Konti pa.

"You are very close to pronounce the word correctly, kids! *smile* But, I am sorry to say that you need to try again. *sad face*" Hindi naman sila nagpatinag at umulit ulit hanggang sa nabasa na nila ang underwater.

"Underwater!"

"Underwater!"

"Underwater!"

"Okay kids, stop na po sa underwater. See? You did it! Give yourself 5 claps." Tuwang-tuwa naman sila at dahil sa tuwa ay sumobra ng 2 o isa ang palakpak na dapat sana ay lima lang.

"Kaya po your assignment for tomorrow ay magbasa ng mga long words okay po? Because Teacher will call 5 of you tomorrow to read the words that I will prepare. Be ready po, okay?" Alam niyo na ang response nila, "Yes po, Teacher!".

Lumipas ang ilang minuto at sumapit na ang recess nila kaya naman medyo tumahimik na sila, may pagkain kasi eh. Natapos na din namin ang subject nila na writing na ang ginawa lang namin ay spelling. Akala ko nga ay maboboring sila sa subject na iyon pero hindi ko inaasahan na magkukulang pala ang words na inihanda ko dahil sa nag-eenjoy daw sila...nag-eenjoy daw sila na manghula!

But, that is not true dahil katatapos ko lang na icheck ang mga spelling pad nila at halos lahat naman ay mataas ang nakuhang score. Wala man na naka-20 or pefect pero ang pinakamataas na ay 18 which turns out na sina Miles and Zoe. Sunod naman sina Gavin, Cher, and Deli na nakakuha ng 17. And to my surprise, wala naman nakakuha ng mababa pa sa 11. Scam yung mga bata na ito sa part na nanghuhula sila!

I am just sitting here in my chair and looking at them made me realize that these kids are really something else. But at the same time, I am wondering if Breeze will fetch Gavin later. Kasi kapag nangyari yon, then I am on a disaster!

Continue Reading