A/N: Hi, Loves! First of all, I just want to say sorry for not updating my story lately. Because we just got an emergency in our family, that's why. And I hope you do understand, guise! Ang hirap po palang mag-stay sa hospital...
Lalo na pag yung WiFi may password. Dejk. Basta yun na yun. Sorry talaga sa paghihintay, loves. :( Support naman jan oh! :')
______________________________________
3 months later...
KENNETH'S POV.
"Anak, can we talk? Kahit sandali?" Nagulat ako nung biglang tumabi si Papa sa akin habang nagpapahangin ako sa terrace namin.
"Oo naman po, Pa. Tungkol saan po?" Sagot ko.
"Uhmm..." Paputol na tugon ni Papa. Parang may kakaiba sa kanya ngayon.
Base sa mga kinikilos niya, parang may kakaiba akong nararamdaman tungkol sa sasabihin niya sa akin kung ano man yun. Pero sana naman mali tong pinag-aakala ko. Tss
'Ano ka ba, Daniel! Wag ka ngang Nega!' Sa isip ko.
"Uh... Tungkol sana sa inyong dalawa ng girlfriend mo." Pagpapatuloy ni Papa. At dun na ako nagsimulang kabahan. Ano ba yan, sinabi lang na tungkol sa amin ni Katherine eh. Ang OA ko naman masyado.
Pakshet naman oh! Pero nakakapagtaka naman kasi, ba't pag-uusapan namin ni Papa ang tungkol sa amin ni Kath? Tsk, ang weird.
'Why not, Daniel? Wala namang masamang mag-open up. Papa mo naman yan.' Singit nitong echosero kong isip. Oo nga naman.
"Ah, bakit po, Pa? Anong meron sa aming dalawa?" Medyo nine-nerbyos kong saad. Nagpapanic naman kasi 'tong kaloob-looban ko pag ganito ka-thrill o ka-intense ang usapan lalo na, si Papa ang kausap ko.
Di pa ako masyadong sanay makausap siya ng matagalan. Alam niyo naman, di kami close talaga. Pero noon yon. Tina-try ko nang maging close at mas maging nice sa kanya ngayon. O diba! Pero sersyoso, kinakabahan talaga ako.
"Eh kasi anak..." Paputol ulit ni Papa. Ano ba naman yan! Ba't di nalang niya kasi diretsuhin. Tsk
"Ano nga po yun, Pa?" Medyo naiinis na ako. Pero di ko masyadong pinapahalata. Si Papa naman kasi, para namang nasa teleserye kung makapagpa-thrill. Psh -.-
"Teka lang 'nak. Nagmamadali? May taxi?" Pa-bagets na sambit ni Papa.
Aba! May nalalaman pala 'tong ganito itong erpats ko? Akalain niyo yun? Papa ko, nakikiuso na din? Pffft! Kung sabagay.
"Eh kasi naman po kayo, paputol putol ng pagsasalita. Kinakabahan tuloy ako sa inyo." Napakamot ako sa batok ko. Tapos biglang huminga ng napakalalim si Papa. Nako! Lalim ng hugot ah!
"Eto na! Eto na!" ... "Nagkausap kasi kami ng Daddy nya yesterday."
"Oh? Ano daw po sabi? May problema ba? May nangyari po ba kay Kath? Ano po?" Nagpapanic kong tanong kay Papa. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.
I feel something weird in this conversation. Todo talaga ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba talaga ang kutob ko eh.
"Teka lang! Mahina ang kalaban, 'nak! Ang hot mo naman masyado eh. Let me finish first. Okay?" Sabi ni Papa
Nag-nod na lamang ako bilang sagot at tumingin tingin sa paligid.
"Kenneth, anak... Kailangan niyo nang-------"
"KAKAIN NAAAA!"
Bullshit! Biglang naputol yung sasabihin ni Papa nung sumali sa eksena 'tong magaling at pasaway kong kapatid na si Christian kaya napalingon kami sa kanya sa gulat at sinabing kakain na daw! Pucha!
Nandoon na eh! Sasabihin na ni Papa, naputol pa. Litsing kapatid naman ito eh. Tsk
Kaya ayun! No choice! Kumain nalang kami. At di na natuloy yung sasabihin ni Papa.
May next time pa naman eh. Tatanungin ko nalang siya ulit tsaka parang iba ang kutob ko dun sa sasabihin niya eh. May iba akong nararamdaman.
Siguro nga, tamang di muna natuloy yun. Kasi pagka-tama yung hinala ko, baka hindi ko na alam ang gagawin ko't makalimutang rumespeto. Yung... alam nyo na!
Tama lang yung pagsingit ng kapatid ko sa eksena. Hindi pa din kasi ako ready sa kung ano man yang nakakakabang sasabihin ni, Papa.
___________________________________________
"Hi, babe!"
"Hello, D! Anong meron at napatawag ka?"
"Ehhh. Bawal bang ma-miss ang napakaganda, napakacute, napakabait at napaka-AWESOME kung Girlfriend?"
"Asus! Ahihi Ayan ka na naman sa kakornihan mo eh. Nambola ka na naman. Haay Daniel!"
"Ang gwapo!"
"Woooaaah! LAKAS NG AIRCON! HOOO ANG HANGIN NG BOYFRIEND KO! HAHAHAHAHA"
"Ito naman! Support naman jan. Para ka namang di kinilig eh! Hahahaha"
"Ohmygoood! Hahaha Ewan ko sayo Kenneth Daniel!"
"Aysus! Kinikilig na yan! Ayeee"
"Shut up!"
Oo, kausap ko si Kath ngayon. Tinawagan ko siya. Na-miss ko na eh! Medyo may ilang araw na rin kasi kaming di nagkikita. Busy kasi siya para sa enrollment sa college.
At ako naman naghanap ako ng Summer Job pero part time lang nang may mapagkaabalahan naman ako. Ang boring kasi kung sa bahay lang. Di ko naman maaya si Alex kasi lumalandi este pumapag-ibig ni Chienna. Woooh! Ha-ha
At kaya mas lalong naging busy si Kath kasi minsan, pinapasabay ko na sa kanya yung mga requirements ko na kakailanganin. At oo, parehas kami ng School na papasukan at course. BSBA-Major In Marketing . At siyempre, ayokong mapahiwalay sa kanya noh. Mahirap na.
"Parang joke lang eh. Ito namang girlfriend ko, di na mabiro."
"Tse! Ang hangin mo kasi! Pwede pakibawas-bawasan naman poooo?"
"Ehh Sorry poooo! Pffft."
"Oh, tatawa pa?"
Aba! Ba't kaya ang sungit nang babaeng 'to ngayon. Tsk baka mayroon siya ngayon! Pfft hahahaha dejklang. Haha O di kaya, Mood swings.
"Oh, ba't ang sungit naman ng baby ko?"
Narinig kong huminga siyang malalim.
"So-sorry, sorry! Sorry, D."
"Shh... Eh bakit nga kasi ang sungit mo?"
"Wala. Stress lang siguro *sniff* toh!"
"Kath? Are you crying? Please tell me."
"W-wala toh. May *sniff* sipon lang ako, D! Don't you *sniff* worry about me."
"Aww! Kawawa naman baby ko. Pinapabayaan mo na yata ang self mo jan eh. Did you take meds na? Gusto mo pumunta ako jan?"
Siguro naman totoo ang sinasabi niyang sinisipon lang siya, ano? Wala naman siguro ibang nangyari o dahilan. 'Paranoid ka na naman, Daniel.' Sa isip ko.
Eh panong hindi? Girlfriend ko, may sakit tapos wala ako sa tabi niya. Anong klaseng Boyfriend ako? Tsk. 'Alam mo Kenneth, ang weird mo.' Ewan ko ba.
Kasi parang may part sa akin na hindi naniniwalang sinisipon lang siya eh. May hindi ba siyang sinasabi sa akin? Haay
"No, D! No need. Makakaabala lang ako sa work mo. Tsaka, I'm okay! Don't worry about me. And yes, I already take my medicines. It's okay."
"You sure, you're really okay Kath? Pwede naman akong mag-absent dito eh."
"Okay na nga! Huwag ka nang mag-alala. Okay lang *coughs* ako."
Ano yun? Inuubo siya? Waaah hindi na pwede ito. Masama na 'to.
"Ayan! Inu-ubo ka pa! Please, Kath. Papuntahin mo na ako diyan."
"Ang kulit naman *sniff* eh. Wag na nga kasi. Just do your work first. Okay lang nga ako, promise! *sniff* Tsaka, I don't have ubo. Nasamid lang ako sa laway ko."
"Kath naman eh! Alagaan mo naman kasi ang sarili mo. Lalo na ngayon, wala ako lage diyan sa tabi mo. Pasensya na talaga kung di kita maaalagaan. Please take care of your self, babe. I don't want you to get sick." Sobrang worry na talaga ako! Di ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang sumugod sa kanila.
"Yes, Sir! I will. Please stop worrying about me, okay? I'm fine. I can handle this. This is just a sipon okay? Okay na." Kalma niyang pagkasabi.
"At bakit di ako magwoworry? Eh may sakit girlfriend ko?"
'Shit! Sana kasi di nalang ako nagtrabaho. Nasa tabi na niya sana ako ngayon. Gago mo, Kenneth' Pabulong kong sabi.
"Okay lang nga ako. And Kenneth Daniel? Hmm narinig ko yun ah. Tsk tsk Okay lang *sniff* nga kasi. Huwag ka nang magpanic diyan. As I said, I can handle this. Chill ka lang."
Tsk, narinig niya pala yun..
"Oo sige na! Basta Kath ha? Magpagaling ka. Don't forget to drink your meds. Miss na miss na kaya kita, alam mo ba yon?"
"Miss na miss na *sniff* miss na rin po kita! Sige na, may work ka pa! Huwag mo na akong alalahanin pa. Okay lang ako. Ipagpapahinga ko lang ito."
"Basta Kath... Call me if there's something wrong, Okay? Don't forget. Tsaka, magpahinga ka. Kumain sa tamang oras at pagkatapos, inumin ang gamot. Okay? Mahal na mahal po kita. Huhu"
"Oo na! Okay na nga kasi. Ito naman napaka-concern. Hinding-hindi ko po kakalimutan yan, doc! Hihi Mahal na mahal rin kita, D!*sniff*"
Sa tingin ko, nagmi-make face yun ngayon. Mannerism niya kasi yun. At kahit na kausap ko pa siya sa telepono eh nafifeel ko yung pagmi-make face niya. :3
"Nagawa mo pa talagang magbiro ah. Oh, sige na. Work na ako! Basta ha. Huwag mong kakalimutan yung sinabi ko. Magpahinga ng maayos para gumaling kaagad! I love you so damn much, Katherine Mae Santos!"
"Opooo!... I love you moooreeee, Kenneth Daniel de Jesus."
" Magpahinga, okay?" Pahabol ko.
"Opoo! Bye na pooo! Mwaaaah!"
At dun na natapos ang usapan namin . Oo nga, parang ang weird ko talaga ngayon. Kung ano ano nalang itong nararamdaman at naiisip ko. Tsk
Miss na miss ko na talaga kasi Kath! Siguro kaya feeling ko ang weird ko ngayon.
Haay di bale, malapit na din naman magsimula ang pasukan. Magkikita na ulit kami. Pero... Kailangang bago mag pasukan, eh makita ko na siya! Sobrang miss ko na kaya ang girlfriend ko!
Alam ko na!
_____________________________________________
Sorry sa super short update, Loves! :( But, hope you still like it. :')
Anyways, Sino sa inyo dito ang nakapanuod na ng Crazy Beautiful You? Waaaah ang ganda grabeee! Kailangan nyong panuorin sa mga di pa nakakapanuod. Hihi Super Worth it, promise! Now on its 2nd Mega Blockbuster Week pa in over 170 cinemas NW! hehe O diba! Promote promote si Author. Lol
Don't forget to leave your comments and votes. :*
~ xoxocuteforevs
xheyzelx♡
3-8-15