Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- onzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- douzième -

1K 34 6
By toneewritestragedies

TWT's NOTE: Hi guys! Sa mga fans ng Sashimi, may spin-off po ang MSB1. One shots lang about sa Sashimi, walang story line so thanks sa mga magbabasa! ^_^

x - - - - - - - - - - x

- douzième (indulge for more) -

"Hi!" masayang bati ko sa kanya nang dumating ako sa Seattle's Best Coffee malapit sa Rockefeller. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang two-seater table at nagbabasa ng libro.

"Oh, hello." ganting bati niya sa akin. "Have a seat." umupo na ako pagkasabi niya niyon. Ewan ko lang kung bakit ganito ang paningin ko. Parang gumwapo si Lyle sa paningin ko. Alam ko good-looking na siya noong High School pa lang kami pero parang mas naging gwap0 siya ngayon. Refreshing ang aura niya.

"Um-order ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Nope. I was actually waiting for you." nakangiting sabi niya sa akin.

"Tara." aya ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako sa braso.

"Akong taya. Sabihin mo na lang 'yung orders mo."

"Large mocha frappe lang. Okay na 'yun." simpleng sagot ko sa kanya.

"Ayaw mo kumain ng kahit ano maliban dyan?"

Umiling ako tapos nginitian siya. "Okay na ako. Hindi naman ako gutom masyado e."

Tinanguan niya ako tapos pumunta na siya sa counter para mag-order. Habang nag-aantay kay Lyle, tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko, si Jessica ang tumatawag. Agad kong sinagot ito.

"Oh Jess, bakit?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Nasaan ka?"

Kinabahan ako bigla sa tanong niya. Shit, hindi pa pala niya alam ang tungkol kay Lyle! "Uhm, nasa Seattle's Best ako malapit sa Rockefeller."

"At sino naman kasama mo?"

Napapikit ako sa tanong niya. Wala naman sigurong masama na sasabihin ko 'to sa kanya, afterall she's my best friend and yeah, I have a huge crush on Lyle on our high school days.

"Ahm, natatandaan mo pa ba 'yung crush ko sa Asters noong High School pa lang tayo? 'Yung captain ng swimming team, Kuya ni Zanessa Ortega?"

"Err, yeah. Si Lysander Lee Ortega? Gosh! 'Yung parang Greek God?! Aba, oo naman! Bakit? Ano'ng connect nun sa kasama mo ngayon aber?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Eh siya ang kasama ko ngayon dito. Nag-order lang siya sa counter."

"Ahhhhhhh~!"

Inilayo ko sa tenga ko 'yung cellphone ko sa lakas ng tili ni Jess. Grabe talaga ang babaeng 'to, napaka-hyper! "Jessica? Relax ka nga dyan. Nakakahiya sa mga kasama mo."

"Well, I don't care. Pero, nah! Hindi nga? Kaka-make over mo lang kahapon tapos may date ka na agad ngayon? And take note, 'yung HS crush mo pa. Don't tell me matagal na kayong may ugnayan na 'di mo sinasabi sa akin?" nang-uuyam ang tono ng pananalita ni Jess, napailing na lang ako.

"Okay, my fault if I didn't tell this to you last time kasi wala lang naman talaga. Masters professor ko siya, naging magkaibigan kami at ito ang unang beses na lumabas kami. But don't get me wrong, we're not on a date." paliwanag ko sa kanya.

"Asus, aba tigilan mo ako Reimi Suri Shadows! Kahit na ba walang label 'yan, as long as you two are opposite sex and going out, date na rin yan! Well, I'm so proud of you, girl. Tama lang yang ginagawa mo. One step at a time para maka-recover ka na ng tuluyan! At sabi nga ni Taeyang my loves, dahan-dahan lang. 'Di ba ang saya?" at tumawa siya na kilig na kilig.

Napapailing na lang ako sa sinabi ni Jessica. "Maisingit mo lang talaga si Taeyang ano?"

"Oo! Hmf, gusto kong makilala lalo si Taeyang kasi ganoon ang mga peg kong lalake, mysterious type pero ito namang si Brook ang singit ng singit sa eksena. Kung nasaan ako, naroon din siya."

Ako naman ang tumawa. "Ayaw mo nun, may suitor ka na? Ayun nga lang, hindi si Taeyang."

"Whatever. O sige na, ibaba ko na 'to. Ayokong ma-spoil ang date niyo ni Lyle! Oh my gosh! Student-teacher relationship!" asar niya sa akin.

"Adik ka talaga. Wala ito ano. Bye!"

Matapos ang ilang sandali, dumating na rin si Lyle dala 'yung drinks namin. Nagpasalamat ako sa kanya at nagsimula kaming magkwentuhan ng kahit ano. Cheap talks lang. Alam ko sa sarili ko na hindi ako madaldal, actually parehas kami, pero masaya ang naging takbo ng usapan namin.

"Kinuha kasi ako ng Bradford SOM na magturo ng Masters kasi katatapos ko lang Doctoral Degree ko. Although challenging, kaya naman g-in-rab ko na. Good for one semester lang naman 'to tapos babalik na uli ako sa trabaho ko." sabi niya sa akin.

Tumango-tango ako. "If I may ask, ano pala ang pinagkaabalahan mo bago ka magturo?"

"Sa Corporate Functions ako nagtatrabaho, sa company ng dad ko."

"Hindi ka na nag-pursue sa swimming as career mo?"

Natatawa siyang umiling. "Hilig ko lang 'yun nung mga bagets pa tayo. Iba na 'yung ngayon e. But sometimes I'd go for triathlon with my friends."

"Ahh, ang interesting naman ng mga hilig mo. Buti ka pa."

"Bakit ikaw? Ano bang mga interes mo?"

"Mahilig akong mag-paint, mag-sketch, mag-drawing. Minsan nagsa-sculpting din ako 'pag may time."

Nakita ko ang pag-'o' ng bibig niya at parang gulat sa sinabi ko sa kanya. "B-bakit? May mali ba sa sinabi ko?"

Nag-wave siya ng mga kamay niya. "Hindi, I mean wala. That's cool! Bihira lang ang mga kakilala kong mga babae na mahilig sa mga ganyan katulad ng sa'yo."

Yumuko ako. "Ang boring nga daw sabi nila e."

Tumawa siya ulit at napatingin ako sa kanya. "Huh? What's boring about that? Hindi lang marunong maka-appreciate ang mga nagsasabi nun sa'yo kaya 'wag kang mag-alala."

Shit, napaka-good looking talaga ni Lyle. Mula noon, hanggang ngayon. 'Yung difference lang ay mas nag-mature pa siya, mas responsible, mas matalino. Kita niyo, may Doctorate Degree agad siya sa batang edad na less than thirty 'di ba? He's really an attractive man. Wala naman kasing mawawala kung hahangaan ko ang isang lalaki tuald niya. By this, I know I can able to cope up and I can do it for myself.

"Hey, are you alright?" nag-snap siya sa tapat ko. Ugh, nakakahiya! Pre-occupied ang isip ko!

"Y-yes, I am. May n-naisip lang akong magandang bagay." pag-a-alibi ko.

At oo, siya 'yung magandang bagay na 'yun.

x - - - - - - - - - - x

Pagkatapos sa Seattle's Best ay nagpunta kami sa National Museum. Okay, alam kong boring ang paglabas naming ito kung iisipin pero si Lyle kasi ang nag-ayang pumunta doon dahil 'di pa raw siya nakakarating doon kahit sa Field Trips noong nag-aaral pa siya.

Itong National Museum kasi ang isa sa mga paborito kong pasyalan. Kung pwede lang tumira siguro dito'y ginawa ko na.

"Ang laki pala nito ano. Nakaka-elib pala ang mga Pinoy pagdating sa Arts and Culture."

"Oo nga. Tama ka, maraming magagaling na artist dito. Hindi lang napagtutuunan ng pansin. Ayun lang." pagsang-ayon ko sa kanya.

"At kasama ka na doon??" napatingin siya sa akin.

Tinignan ko naman siya bigla. "H-ha? Hindi ano."

"You're talented. I know it."

"Paano mo naman nalaman?'

Nag-shrug siya ng balikat niya. "You're naive to know it."

"Huh?"

At bago ko pa ma-internalize 'yung sinabi niya, naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malambot at mapupula niyang labi sa aking pisngi at saksi nito ang napakalaking painting ni Juan Luna, ang Spoliarium.

x - - - - - - - - - - x

"I like you, Sasha. Well I know it's sheepishly weird  but then you got me interested since the Day 1. I didnt even know you were my student when I saw you sitting at the bench and drawing something on your sketch pad then I realised, yeah you're my schoolmate way back in Middle School. Hindi lang kita napapansin masyado noon kasi busy ako sa swimming team at sa studies pero siguro ngayon ay wala nang hindrance para hindi kita mapansin."

Shiz, hindi talaga ako makatulog sa sinabi niya. Pakiramdam ko hanggang ngayon nag-e-echo pa rin 'yung mga eksaktong salita na sinabi niya sa akin kanina matapos niya akong halikan sa pisngi ko. Matapos ang pangyayaring 'yun, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang 'yung pakiramdam ng tumakbo ka ng mahabang-mahaba tapos tumigil ka na lang noong nasa dead end ka na? 'Yung pakiramdam ng parang isang tulak na lang, nahulog ka na sa patibong. Ganoon.

Ito na ba ang matagal kong inantay at ipinagdarasal? Si Lyle na ba ang dead end ko na sasalo sa akin mula sa patibong?

Kinuha ko ang iPad ko at nag-log in sa Facebook. Nakita kong online si Paris at nag-type ako ng message para i-chat siya.

Suri Shadows: Paris?

Madali namang nag-reply siya.

Paris France: Yesterday :)))

Suri: hindi ko alam kung kikiligin ako o matatakot

Paris: Ha? Bakit naman? Tungkol ba yan ke ahas?

Napapangiti ako habang nagta-type. Itong si Paris puro si Cedric ang nasa isip 'pag ganitong love life ko ang pinag-uusapan e.

Suri: ano ka ba, di ano. paano kasi yung crush ko nung hs, masters prof ko siya. lumabas kami kanina tapos sinabi niya na interested siya sa akin since hs pa kami at di naman niya inaasahang magiging student niya ako ngayon.

Paris: Eh di wow. Cool ha. Ice 'yan.

Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabi niya o nang-aasar siya e.

Suri: anong gagawin ko? -_-

Paris: Wala, hayaan mo lang. Magpaligaw ka pag nag-i love you sayo o kaya pag nagtanong kung pwede kang ligawan.

Napa-shrug 'yung balikat ko sa sagot niya sa akin. Hmm, 'di pa naman siya nagtatanong kung pwede ba niya akong ligawan. Eh kung nagtanong ba siya? O-oo ba ako? Haaaaay!

Suri: i can't say na in love na agaad ako kay lyle pero i like him, too.

Paris: Putangina naman Sasha, dun na rin ang punta nun e. Ang mga babae talaga, dakilang mga pakipot.

Bago pa man ako makapag-reply sa chat niya, tumawag siya sa cellphone ko na agad ko namang sinagot.

"Oh bakit, Paris?" tanong ko sa kanya habang nakahiga ako sa kama at nakatulala sa may kisame.

"Wala lang, masaya ako para sa'yo kaibigan." natatawang sagot niya sa akin.

"Uhm, bakit masaya ka para sa akin?'

"Kasi malapit ka na sa pagmo-move on. Okay, for the benefit of the doubt, sige nabigla ka lang kahapon nang makita mo 'yung ahas na 'yun pero sa nakikita ko sa'yo, kaya mo e. Malapit ka nang makawala sa lungkot na bumabalot sa puso mo. Ang korny ko 'di ba? Pero totoo naman."

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. Tama ang mga sinabi ni Paris sa akin at natutuwa ako na bilang kaibigan ay sinusuportahan niya ako sa mga nararamdaman ko at hindi niya ako basta na lang dinidiktahan ng dapat kong gawin.

"S-salamat, Paris." mahinang sabi ko sa kanya.

"O 'di ba? kahit pala nung hindi ka pa nagme-make over may mga nakakapansin na sa'yo. Ikaw lang 'tong hindi naniniwala sa sarili mo."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Bakit ikaw? Nagagandahan ka ba sa akin, napansin mo ba ako agad?"

"Are you jokin' at me?" siya naman ang natatawa sa kabilang linya.

Naguluhan naman ako sa tanong niya. "Huh? Hindi naman. Nagtatanong lang ako sa'yo and I'm serious about that!"

"Alright, alright. To answer your questions, your Honor. I am, was, will be finding you pretty since the day I met you and yeah. Napansin kita agad noong sinampal mo 'yung ex-BFF mo. Sino ba namang lalaki ang hindi lalapitan ang chicks na babae tulad mo 'di ba. 'Di naman ako manhid para 'di matablan sa'yo." tapos tinuloy niya ang pagtawa niya.

At sa sinabi niyang 'yan, naguluhan na ako na ako sa mga dapat kong maramdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

497K 8.3K 92
This is Book 2. FINISHED. Please read TAMING OF A STARR before proceeding. Jared's world was shattered when his one and only true love left him thre...
1.4K 119 31
Matapos ang gulo na ginawa ni Carmilla sa Royal Bloods hindi pa rin natatapos doon ang lahat. Iyon ang alam ni Alucard kaya naman para sa isang nalal...
1.1M 36.2K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
3.7K 284 12
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...