BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY...

By ChiefInShallowBlueth

668 265 172

"How could I ever forget when the warmth of our past still lingers in my soul." "I tried to love another man... More

Disclaimer!!!
Simula - [Sorry]
Kabanata 1 - [Warmth]
Kabanata 2 - [Prize]
Kabanata 3 - [phone call]
Kabanata 4 - [preparations]
Kabanata 5 - [official]
Kabanata 6 - [wait for me]
Kabanata 8 - [trust]
Kabanata 9 - [sweet night]
Kabanata 10 - [heavy heart]
Kabanata 11 - [confrontation]
Kabanata 12 - [one last time]
Kabanata 13 - [crossed paths]
Kabanata 14 - [first day]
Kabanata 15 - [still yours]
Kabanata 16 - [sudden]
Kabanata 17 - [secret wish]

Kabanata 7 - [I'll never leave]

31 14 15
By ChiefInShallowBlueth

[ANDER'S POV]

Matapos magpaalam kay Chipster, dumaretso agad ako sa baba. Nakita ko agad si Mang Ernan kaya nilapitan ko agad sya.

"Mang Ernan, kaya na pong bahalang maghatid kay Semi. May pupuntahan po ako."

Tumango si Mang Ernan. "Sige po sir."

Matapos noon ay hinanap kona si Alec na syang maghahatid sa akin kay kuya.

"Sir Ander." Tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Alec. Sya ang nakahanap sa akin.

Tinanguan ko lang sya at walang sabi sabing sumakay na ako sa dala nyang sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe.

May pakiramdam akong alam ko na ang pag-uusapan namin. Maaring tungkol nanaman ito sa nagpag-usapan namin noong huli nyang tawag. Ngayon palang ay hindi kona ito nagugustuhan.

Habang nasa biyahe inisip ko nalang si Chipster. Miss kona agad sya. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun? Nakauwi na kaya sya?

Dahil sa huling naisip, minabuti kong tawagan si Mang Ernan para makapagtanong. Nakailang tawag na ako pero hindi ito sumasagot. Sa ikatlong tawag ko ay tinago ko nalang ang cellphone ko.

Malamang ay nasa biyahe na sila kaya hindi nito masagot ang tawag ko.

Binaling ko ang aking tingin sa labas. Pansin kong hindi ito ang daan papunta sa condo ni kuya kaya wala akong ideya kung saan kami maaring pumunta ngayon.

Bakit nga pala hindi ko tinanong? Aishh ang tanga ko talaga minsan.

"Alec, saan tayo pupunta?"

"Ang sabi ni Sir Linus dahil ko daw po kayo sa Coffee shop, katabi ng Monterey Hospital." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin. Nanatili lang ang kanyang mata sa kalsada.

Ako naman ay napabalik ang tingin sa labas. Iniisip ko kung ano ang maaaring kalabasan ng aming pag-uusap.

Sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nandito na pala kami. Tumugil ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop. Bumaba na ako at pinanood ko munang umalis ang sasakyan papuntang parking lot bago ko naisipang pumasok.

Isang malalim na buntong gininga ang aking nilabas bago ako tuluyang pumasok. Inilibot ko ang aking mata sa buong coffe shop at sa may dulong bahagi ko namataan ang aking kuya.

Pirmi syang nakaupo habang nakaharap sa kanyang laptop. Agad akong naglakad palapit sa kanya. Nang makaupo na ako sa harap nya ay saka nya lang ako tinignan.

"Kuya."

"Mio, mabuti naman nandito kana." Sabi nya bahang sinasara ang kanyang laptop. He sighed. "nabisita mo naba si mommy?" Agarang tanong nya sa akin.

Tinubuan ako agad ng guilt.

Napayuko ako. "Hindi pa." May sakit si mommy. Ito ang sinabi sakin ni kuya noong tumawag sya. Hindi ko pa sya nadadalaw pero balak ko sanang bukas.

"I see." Malamig nyang sabi. Bakas din dito ang disappointment. "Sabihin mo nga... ano ba yang pinagkakaabalahan mo at hindi mo man lang maiwan para mabisita si mommy."

"Wala nama kuya. Sorry. Bukas sana ako dadalaw ehh."

"Bakit ko pinapatagal kung pwede naman ngayon. Mio, mommy natin yun. Hindi kaba nagaalala?" Naiinis nyang sabi. Or galit na siguro dahil hindi naman sya ganito mainis.

"Nagaalala ako kuya. May... pinagkabalahan lang ako." Nakayukong pag-aamin ko.

"At ano naman yun. mukhang mas mahalaga pa kaysa kay mommy."

"May girlfriend ako kuya."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. So ano 'to mas mahalaga pa ang girlfriend mo kaysa kay mommy." Nangangaliiti nyang tanong. Sa totoo lang, ako man ay naiinis na din.

"Kuya, please don't question my love for mommy. Mahal ko si mommy." Naiinis na ding sabi ko.

"Then prove it. Puntahan mo sya ngayon at bantayan. Nung-isang araw ka pa nya hinahanap. Nalulungkot sya dahil sayo."

Tumayo sya bitbit ang kanyang laptop na nakalagay na pala sa kanyang lalagyan. Napabunting hininga ako bago sumunod.

Nasa kabilang kalsada lang ang hospital kaya agad kaming nakarating doon. Walang paligoy ligoy kaming pumunta sa kuwarto ni mommy.

Tinignan ko si kuya na napaka-seryoso habang naglalakad. Halatang may malalim na iniisip. Kung hindi lang may sakit si mommy, iisipin kong may iba pa syang problema.

Mabait naman si kuya. Malamang ganun lanb sya kanina dahil mahal na mahal nya si mommy. Ganun din naman ako kaya nainis ako nang kuwesgyunin nya ang pagmamahal ko kay mommy.

Si mommy na din kasi ay tumayong ama namin. Siya ang nagpapakapagod para magkaroon kami ng masaganang nmbuhay although mayaman na kami, hindi parin sya tumitigil sa pagtatrabaho, ngayon lang na nagkasakit sya. Hindi ko pa alam kung ano ang eksaktong sakit nya. Hindi ko pa kasi natatanong si kuya.

Tumigil sa paglalakad si kuya kaya napatigil din ako. "Nasa loob si mommy. Ikaw nalang muna ang pumasok. May kakausapin lang ako." Tumango ako at nagpatuloy sa pagpasok.

Pagkapasok ay nadatnan ko si mommy na mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa tabi nya. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mommy." Tawag ko sa maharan na boses. Kahiy gusto ko syang gisingin ay minabuti kong hindi na muna. I'll just let her rest.

"I'm sorry, mommy." Humila ako ng isang upuan at tumabi sa kanya. Idinikit ko ang kanyang kamay sa aking pisngi. "Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw."

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ko ang kanyang paggalaw. Unti unting binuksan ni mommy ang kanyang mga mata. Naghintqy pa syang magadjust ang kanyang mata sa liwanag bago ako tignan.

She smiled. "It's okay, honey. Ang mahalaga nandito kana."

"Sorry po, mom. Don't worry I'll make it up to you."

"You don't have to, honey. You being here is already enough." I smiled at her. I really have the best mom.

Hinayaan kong magkuwento ng magkuwento si mom. Nag-usap kami tungkol sa iba't ibang topic. Nagbalik tanaw din kami nung mga panahong masaya kaming nagbobond at minsan iniiwan namin si kuya.

Samin kasing dalawa ni kuya ako ang makulit at ganun din si mama kaya kami madalas ang magkasundo. Natatawa nalang kami sa tuwing nagtatampo si kuya dahil naiwan nanaman sya.

Bumabawi naman kami sa kanya. Nilulutuan namin sya ng paborito nya kaya bati na agad kaming tatlo. Hindi din naman kasi nya magawang magalit samin. Hanggang tampo lang yun.

Natatawa lang ako habang pinakikinggan syang magkuwento. Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Hindi ko pa mamamalayan na ilang oras na kaming nagkukuwentuhan kung hindi pa nagsalita si kuya na kanina pa pala nakapasok at pinapanood kami.

"Mio, can we talk?" Nagkatinginan naman kami ni mommy. I looked at her as if I'm asking her permission. She nodded and smiled.

"Mommy, pahinga kana. Maguusap lang kami saglit ni kuya."

"Okay." Simple nyang sagot. Tumayo ako at tinulungan si mommy na ayusin ang pagkakahiga nya. Matapos noon ay hinarap kona si kuya.

Tumango sya na nagsasabing sumunod ako sa kanya. Mataman lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa tumigil na sya. Umupo sya kaya ganun din ang ginawa ko.

Hindi muna sya nagsalita. Tinignan ko sya. Nakakunot ang kanyang noo at parang may malalim na iniiisip.

"Kuya, may problema ba?" Napatingin naman sya sakin. Ganun parin ang itsura nya.

Nag-iwas sya ng tingin. "Wala."

"Kuya, kilala kita. Alam ko kung kelan ka may problema. At halatang malalim yang iniisip mo." Nakita kong medyo lumambot ang ekspresyon nya pero nanatili syang hindi nakatingin sakin.

Malalim syang napabuntong hininga. "Mommy's case is getting worse." Unang sentence palang ay nabahala na agad ako. Mommy's case is getting worse?!!!!

"According to the doctor she has a Coronary artery disease. And this can get even worse that can even lead to a heart failure." Nakayukong sabi ni kuya. Pilit nyang pinapatatag ang kanyang boses dahil ramdam kong malapit na itong pumiyok.

"Mio, I'm worried for mommy. I can't lose her. We can't." Ngayon tuluyan ng napapapiyok si kuya. Masakit makitang nagkakaganito si kuya. Sa amin sya ang pinakamalakas at matatag kaya ang makita syang ganito ay nakakapandurog ng puso.

"Hindi mawawala si mommy. Magaling ang mga doctor. May tiwala ako sa kanila. They can cure mommy." Pagpapalakas ko sa kanyang loob at maging sa akin din.

"No, Moi. Hindi pwedeng umasa lang tayo sa mga doctor dito."

Napabuntong hininga ako. Tinignan ko sya at parehas na kami ngayon na mukhang problemado. "Anong plano mo?"

"Dadalhin natin si mommy sa ibang bansa. Doon makakasigurado tayong nasa maganda syang kalagayan. We can't risk mommy's life. She needs the best medication we can give. At doon sa ibang bansa lang maibibigay yon." Yan din ang naiisip ko sa totoo lang

"Pero walang magbabantay kay mommy doon. Parehas pa tayong nag-aaral."

"Wala tayong choice. Dapat kahit isa man sa atin ay samahan si mommy." Tinignan nya ako. Alam ko na agad ang pinapahiwatig nya. Gusto nyang ako ang sumama kay mommy.

"Kuya, kung iniisip mong ako ang sasama kay mommy, dyan ka nagkakamali. Hindi ko pwedeng iwan ng basta basta ang Pilipinas."

"Mio..."

"Kuya alam mong mag girlfriend na ako. Sinabi ko naman na sayo yun diba? Kuya kakasagot nya lang sakin tapos paaalisin mo ako?"

"Mio, kailangan mong intindihin. Kailangan ka ni mommy." May pagsusumamong sabi nya. Gayun pa man ay nanatili akong matigas.

"Bakit hindi ikaw nalang ang sumama sa kanya? Wala ka namag girlfriend. Walang maiiwan. Hindi katulad ko."

Hindi ako pwedeng umalis. Ang Pilipinas na ang buhay ko. Simula pagkabata dito na ako tumira. Maayos na ang buhay ko. Masaya at kuntento ako sa buhay ko dito.

Nandito ang mga kaibigan kong laging nakasuporta sakin. Nandito ang babaeng mahal ko. Nandito ang pangarap ko. Hindi ako pwedeng umalis. Hinding hindi ako papayag.

Mababaliw ako!!!

"Hindi pwede. Graduating na ako. Hindi ko pwedeng basta batasng iwan ang pag-aaral ko. At alam mo namang may balak akong magtayo ng sariling kompanya matapos kong grumaduate." Paliwanag nya. Alam ko naman yun pero ayaw kolang talagang umalis.

"Mio, please."

"Hindi parin kuya. Hinding hindi talaga ako papayag. You can't make me leave my love. I'll. Never. Leave." Madiin kong sabi sa bawat salita bago ako tumayo at tinalikuran sya.

I'm sorry, kuya, mommy. Mahal na mahal ko talaga si Semi. I can't leave her knowing that I'll bring pain in her heart. I want to be with her as much as possible.

Tulala ako sa habang naglalakad. Maraming bumabagabang sa isipan ko. Hindi pa ako matatauhan kung hindi pa ako nabangga ng isang lalaking nagmamadali.

Napatingin ako sa oras. Nanlaki ang mata ko ng may naalala. Nangako nga pala akong pupuntahan si Semi. Dahil doon dali dali akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Semi.

Madilim na ng makarating ako doon. Hindi ako nagpatuloy sa mismonv bahay. Nagpababa lang ako sa may kanto. Mga few blocks away from Semi and her family's house.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa bahay nila. Mula sa malayo naaninag ko ang pamilyar na bulto ng babae.

Si Semi ay nakaupo sa may pintuan. Nakapangalumbaba sya habang nakatulala sa kawalan. Nawalan kaagad ako ng lakas ng loob para lapitan sya.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Maya maya pa ay dumating ang kanyang mama. Nakita ko syang umiling at niyakap ang tuhod. Ipinatong nya ang kanyang baba sa kanyang tuhod.

Kahit sa malayo ramdam ko ang kanyang kalungkutan. At ang mas masakit ako pa ang dahilan nun. Gusto ko syang lapitan at puntahan pero nawaaalan ako ng lakas.

Halos ilang oras din akong nanatili doon habang pinagmamasdan sya. Maya maya pa ay tumayo na sya at pumasok.

Nalungkot naman ako pero mas okay na yun dahil baka magkasakit sya. Naghihintay lang din naman sya sa wala. Hindi ko kayanh magpakita sa kanya ng ganito.

I can't face Semi like this.

I'm broken and magaalala lang sya sakin. Ayokong mangyari yun.

[SEMI'S POV]

Pagdating ko sa bahay agad akong dumaretso sa kuwarto ko. Nagbihis ako at naghanda dahil nais kong maging maayos at presentable kapang gumating na si Sodabear.

Nag-ayos pa ko ng buhok at naglagay ng kaunting perfume. Hindi naman ako excited na makita ulit sya diba?

Bakit ba kasi sobra akong natamaan sa lalaking yun. Miss kona tuloy aagd sya. Sana dumating na agad yun.

On second thought .... wag na pala muna. Magpapaluto muna ako ng pagkain.

Dahil sa naisip nagmadali akong bumaba. Dumaretso ako sa sala na kung saan nakita kong parehas na nakaupo sila mommy at daddy. Ang sweet nilang tignan dahil magkasandalan sila.

Awwww. Ang cute ng parents ko. Si daddy nanonood ng tv havang si mommy ay may hawak na libro at nagbabasa.

"Mommy!" Agad kong tawag ng makalapit sila.

Napakunot naman ang kanilang noo at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Darling anong nagyayari sayo? Bakit ka nagmamasali? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

Umiling iling ako dahil hindi ako makakapagsalita ng maayos. Tinakbo ko kasi ang daan mula sa kuwarto papunta sa sala. Medyo malayo din yun at ang mas nakakapagod ay yung hagdan.

Kinalma ko muna ang sarili. Umayos ako ng upo bago sila hinarap ng maayos. "Mommy, I need help."

"Anything, darling."

"Okay. I need you in the kitchen A.S.A.P." kita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha kaya agad ko itong dinugtungan. "Ander said that he's coming over and I want you to help me cook his favorites."

Lumuwag naman agad ang ekspresyon nila. Si daddy kita kong tatawang napapailing pa. Binalik nya nalang ang tingin nya sa tv at nagpatuloy sa panonood.

"Susko naman Semi. Yung lang pala. Pinakaba mo pa kami. Of course I can help you."

"Wait nasaan nanaman ang magaling kong kapatid?" Napansin ko kasing wala si Lorio. "Don't tell me na nakipagsleep-over nanaman yun." Nahihiligan na atang makitulog sa ibang bahay yun. Ayaw na ata sa amin ehh.

Bahagyang tumawa naman si mommy. "Hindi. Nandoon sya sa kuwarto nya. Naglalaro ng online games." Napangiwi naman ako.

Yung kapatid ko talaga ohh. Kung hindi nakikitulog sa ibang bahay ay gagi namang nagkukulong sa kuwarto nya para maglaro. Hindi nanamin sya madalas makasama. Halos hindi ko na nga ramdam na dito pa yun nakatira.

Hayy miss ko na ang kapatid kong ubod nv kulit. Nagkaroon lang ng kaibigan kinalimutan na ako. Mabisita nga mamaya.

"Huwag kang malingkot dyan. Alam ko naiisip mo. Kulitin mo nakang mamaya." Ngumiti naman ako kay mom. Kilala nya talaga ako.

"Tara na nga baka dumating na si Ander." Binitawan ni mommy ang kaninang binabasang libro at tumayo.

Lumapit sya sakin at hinila papunta sa kitchen. Tinawag din namin si Aling Tessa para tulungan kaming matapos nang mas mabilis sa pagluluto.

Kumuha na kami ng kanya kangang apron at nagsimula nang magluto. Sa totoo lang, mukha akong baliw foon dahil hindi ko alam kung ano uunahin kong gawin.

Aaminin kong hindi talaga ako sanay sa kusina. Kaya nga ako nagpapatulong kila mommy ehh. Kung kaya ko lang mag-isa edi sana ako na talaga nagluto pero hindi ehh. Nagsasanay palang ako.

Kami ni Aling Tessa ang tagahiwa. Si mommy naman ang bahala sa pagluluto, paghahalo, at pagtitimpla ng pagkain. Angsarap kayang magluto ni mommy.

Alam nyo kasi... hindi naman talaga favorite ni Ander yung Kaldereta pero simula ng matikman nya luto ni mommy naging favorite na din nya ito.

Bukod sa kaldereta, nagluto pa kami ng iba pang putahe para naman maraming pagpipilian. Mukha tuloy may handaan sa dami ng foods na niluto namin.

Matapos ang ilang oras na pagluluto at paghahanda, nakaready na ang lahat. Si Ander nalang ang kulang. Nagready din ako ng mahihigaan nya kung sakaling maisipan nyang dito na magpalipas ng gabi.

Kung sakali lang naman hehe. Masarap kayang mangarap.

Mag-iisang oras na akong nakatambay sa sala pero wala paring Ander na dumating. Nasaan na kaya yun?

Dahil sa pagkainip minabuti kong tumayo na muna. Plano kong pumunta sa aming library para makapaglibang muna. Reading can make me feel at ease.

Habang nasa daan papuntang library ay may narinig akong kalabog. Napatingin ako sa kuwarto ni Lorio kung saan ko darinig yung ingay.

Ano kayang ginagawa nun.

Dahil sa aking curiosity, pumunta ako sa kuwarto nya. Pinihit ko ang doorknob at napagtantong hindi ito naka-lock.

Naabutan ko syang busing-busy sa paglalaro ng COD. Mukhang nahihirapan sya dahil kanina pa nya dinadabog yung lamesa. Yun pala yung maingay.

Napailing iling nalang ako. Hindi nya pa nga namamalayang nakapaasok na ako. May pasigaw sigaw na sya ngayon. Hinintay kong matapos ang kanyang laro bago sya kausapin.

Ayaw ko namang maging bastos. Baka magwala din toh kung sakaling gambalain ko sya. I'm not that rude to do that.

Maya maya lang ay natapos na din ang laro ang laro nya. Mukha syang pinagbagsakan ng langit ang lupa. Natalo kasi siya hahahah.

Lumapit agad ako sa kanya at ginawaran sya ng sapok. Gulat naman syang napabaling sakin.

"Nakakatampo ka. Yung totoo? Mahal mo paba si ate?" Kita ko naman ang pagngiwi nya. "Halos hindi na kita makausap ahh."

"Kausap mo ako ngayon." Sinapok ko ulit sya. Napaaray naman sya at hinimas himas ang kanyang ulo. "Ba't kailangan manapok?"

"Napaka-pilosopo mo na." Nag-pout ako.

Tinaggal nya ang kanyang headphones para makausap ako ng maayos. "Ate, huwag ka ngang mag-pout. Ang sagwa mong tignan. Baka maturn-off si kuya Ander."

"Ang sama mo na talaga. Hindi ka naman ganyan dati ahh."

"Things change, ate." Walang gana nyang sagot. Makaasta toh ahh.

"So parang sinasabi mong... hindi ka tao? Bagay ka?"

Nangunot naman ang kanyang noo sa inis. "Ano ba, ate. Labas ka nalang kaya. Maglalaro pa ako." Ilalagay na nya ulit ang kanyang headphones pero hinawakan ko ito para hindi matuloy.

"Ayoko nga. Guguluhin kita para hindi ka makapag laro ng maayos." Ngisi kong sabi sa kanya.

"Ano ba, ate. Matatalo ako."

"Exactly! Alam mo wala din namang mangyayari kung hindi kita guluhin. Matatalo ka din naman." Tumawa ako na mas ikinaiinis nya.

"Pano mo nasabi?" Nanggigigil nyang tura. Ahhahahaha angsarap talagang asarin ng kapatid ko.

"Kita ko kanina. Talo ka. Ang bulok mo kasing maglaro."

"Magaling lang yung mga kalaban." Nag-cross arms sya. Ang defensive naman.

"Ang sabihin mo weak ka lang."

"Umalis ka na nga ate. Nababadtrip ako sayo." Aba aba ako pa talaga ang nakakabadtrip.

"Ayoko nga."

"Ate, alis na! Hindi na ako natutuwa!" Tumayo sya at tinuro anb pinto palabas.

"Ako natutuwa."

"Ughhh please lang ate umalis kana. Baka magdilim paningin ko sayo." Napagilamos sya sa mukha. Hahahahahah para syang problemadong-problemado.

"Talagang magdidilim yang paningin mo kung hindi mo aayusin pananalita mo sakin."

"Sa susunod nalang ate. Umalis ka na muna."

"Hhmp ewan ko sayo." Tinutulak nya ako papunta sa pinto. Halatang nahihirapan sya at ako patawa-tawa lang.

"Finally." He said in relief nang tuluyan na nya akong mailabas.

Agaran nya ding sinara yung pinto. Rinig ko ang pag-click nung doorknob kaya malamang naglock na sya para hindi na ako makapasok.

Natatawa parin ako nang makalabas. Natigil lang ako nang dumaan si Ate Ricca, ang isa pa naming kasambahay na pamangkin ni Aling Tessa.

"Ate Ricca, dumating naba si Ander?" Umaasang tanong ko.

"Pesensya na po ma'am pero wala pa po ehh."

"Ahh ganun ba." Kita ko sa kanyang mata ang konting awa. Hindi ko nalang ito pinansin at dumaretso nalang ulit sa sala.

Nawalan na ako ng ganang pumunta sa library.

Ilang oras pa anb nakalipas pero wala paring Ander na dumating. Nasa sala lang ako naghihintay. Tumayo lang ako ng kumalam ang tyan ko.

Matapos kong kumain sa pintuan na ako dumaretso. Naupo ako sa lapag habang pinagmamasdan ang paligid.

Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa dahil hindi naman gawain ni Ander na sumira sa usapan. Hindi din sya nagtetext kung hindi ba talaga sya makakapunta.

Ilang oras pa ang lumipas pero ganun parin.

"Semi darling, it's getting late. Hindi na dadating si Ander. Bukas mo nalang sya alalahanin. Baka nagka-emergency lang. Halika na. Pasok na tayo." Pangungumbinsi sakin ni mommy.

Umiling ako. "Mauna na kayo mommy. Susunod ako... promise." Ngumiti ako ng bahagya para makumbinsi syang ayus lang ako.

Pinilit pa ako ni mommy pero sa huli napapayag ko na din syang mauna. Niyakap ko ang aking tuhod at ipinatong ang aking baba sa aking tuhod.

Nanatili ako sa ganung sitwasyon sa hindi mabilang ng oras.

Nasaan na kaya yun? Bakit kaya hindi sya nakarating? May nangyari kayang masama? Wag naman sana. Nag-aalala ako pero pilit ko yung pinapatay dahil naniniwala akong walang masamang nagyari.

Malalim akong napabungong hininga bago tumayo. Wala din naman akong mapapala kung maghihintay pa ako. Bukas ko nalang sya kakausapin.

Continue Reading

You'll Also Like

195K 2.9K 29
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
10.6M 246K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
1.1M 28.4K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
655K 54.7K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...