*LEXUS*
"it's been moths simula ng makapunta dito si Red"
"oo nga"
Nandito ako sa Pixie Mountain kasama silang dalawa.
"i'm leaving in a few days" napatingin naman silang dalawa.
"where are you going this time master?" tanong ni Light.
"somewhere" tanging sagot ko nalang.
Napag-isipan ko na to. Gusto kong malaman ng totoo.
"aren't you going to visit Red before you go?" umiling lang ako sa tanong ni Fern.
"kayo na muna ang bahala sa kanya. Sandali lang akong mawawala"
"don't worry master, pinababantayan ko siya sa tatlong fairy ko" sagot ni Fern.
"mabuti"
Pero hindi kami dapat makampante. Hindi lang ang tungkol sa Black Hole ang problema, kundi sa hari na yun. Ang Hari ng Krad.
-
*KING HADES* -Krad Kingdom-
"hanggang ngayon ba?" matalim akong napatitig sa kanila.
"wala pa rin po kamahalan. Hindi nmin siya makita-" malakas kong hinampas ang lamesa dahilan para mapahinto sila.
"i need her! I need alive! Hanapin niyo siya at wag kayong babalik hangga't hindi niyo siya nakikita!"
"masusunod"
Pabalya akong napaupo habang nakakuyom ang noo. I need that woman. Kailangan ko siya para sa katuparan ng pinaplano ko.
"Kaneia"
"kamahalan" she stood in front of me holding her staff.
"find her"
"masusunod" she vanished into thin air at naiwan akong mag-isa.
Napasandal ako sa upuan habang nakatitig sa hawak kong porselas. Kakaiba ang pagkakagawa nito.
'Vince'
Hmm. It even have a name engraved in it.
Dala to ng alagad ko nang makabalik sila. Makukuha ko na siya pero pumalpak pa. Sino ang walanghiyang nakialam.
Just wait for it. Makukuha kita para sa katuparan ng plano ko.
-
*ASTRED*
Nakapagtataka tong mga to.
"bakit ganyan kayo makatingin?"
"u-uhm, a-anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Hozu.
"mag...luluto?" sabay tingin sa hawak kong sandok.
"wag!" sabay-sabay nilang sigaw.
"huh?"
"d-dun nalang tayo kumaen sa school baka ma-late pa tayo" sabat ni Kaden bago ako hinatak palabas. Papasok kasi kami kaya lang...
"mauna na kayo"
...tinatamad na naman akong pumasok.
"bakit? Hindi ka ba sasabay sa'min?" tanong ni Kiera.
Nauna na ang iba at naiwan ang dalawang prinsesa.
"ah, eh, ano kasi eh. May dadaanan pa ako bago pumasok" sa totoo lang ayoko talagang pumasok kasi pupuntahan ko si tanda.
"sure ka? Pwede naman nating daanan" umiling lang ako sa sinabi ni Zameah.
"u-uh. Hindi na, susunod nalang ako" nagtinginan pa sila habang nagtataka.
"okay"
"basta pumasok ka ah"
Tumango nalang ako bago sila lumabas. Dumeretso ako sa kwarto bago nagpalit. I wore my hooded cape tutal may kabayo naman dito kasi may naiwang karwahe. Hihiramin ko muna.
Sumilip muna ako baka kasi nanjan pa sila. Lumabas na ako at nagpunta sa karwahe.
"hihiramin muna kita ah" kinalas ko ang isang puting kabayo bago sumakay. Sinuot ko ang telang pantakip sa kalahating mukha ko pababa.
"san ka pupunta?" napalingon ako sa maliit na boses.
"what are you doing here?" tanong ko kay Yellow.
"binabantayan ka" hinawakan ko ang tali.
"okay" mabilis kong pinatakbo ang kabayo palabas ng academy, kita ko pa ang ilang estudyanteng nakatingin sa'kin. Pano ba naman kasi. Naka-all black ako. Daig ko pa ang kalaban kung maka-awra.
Diretso lang ako hanggang huminto sa gate at linakita ang jade pass kaya pinalabas ako. Diretso ako sa bahay ni tanda.
"tanda?" binuksan ko ang pinto pero walang tao.
Nasan na yun?
-
*KEELAN*
"oh, nasan si Red?" tanong ni Gran sa dalawa.
"may dadaanan pa daw siya bago siya pumasok" sagot ni Zameah.
"san naman pupunta yun?" takang tanong ni Hozu.
Lumabas muna ako dahil boring ang klase. Wala namang prof. Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa green house. Umakyat ako sa malaking puno at nahiga.
'sinister'
I remember what she said. What does she mean by that?
"bagay ba?"
"oo bagay sa'yo"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng maliliit na boses.
Fairies?
I did'nt know we have fairies here.
"oh ano-"
"guuuys!" sigaw ng bagong dating na kulay dilaw.
Pumikit nalang ako at hinayaan sila.
"anong nangyare sa'yo?"
Ang cute ng boses nila.
"u-umalis siya?"
"huh?"
"anong bang sinasabi mo? Ayusin mo nga!"
"umalis si Red at lumabas ng bayan!"
Napamulat ako ng marinig ang sinabi niya. Huh?
"anong ibig mong sabihin na umalis siya?!"
"may dala siyang kabayo, naka all-black siya, ang astig nga niya---aray! Ano ba!"
"tinatanong kita ng maayos!"
"umalis nga kasi siya. Naka-all black siya sakay ng kabayo, hindi siya naka-uniform. Para siyang maglalakbay sa suot niya!"
"oh my goodness!"
"hindi to maaari!"
Para silang natataranta. Ano bang problema kung aalis siya. Okay siguro yun, walang manggugulo.
"bakit mo siya hinayaan umalis? Malalagot tayo kay pinuno pag nawala siya sa paningin na'tin!"
Napakunot noo naman ako sa sinabi nung asul. Sinong pinuno?
"oh my goodness! San siya nagpunta? Lagot tayo kay master!"
Sino namang master yun.
"wala si Master, naglakbay siya"
"hindi to maaari. Baka mapano siya! Hindi siya pwedeng masaktan. Baka ipalapa niya tayo dun sa alagan niya!"
"nakakatakot"
"ano gagawin natin?"
"hanapin siya. Malalagot tayo pag pinabayaan siya. Sakit sa ulo ng babaeng yun. Kung malaki lang ako, baka nasabunutan ko na siya!"
"hinay-hinay lang, mas malakas siya sa'tin remember?"
"tara na!"
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makaalis sila.
Saan naman kaya siya pupunta. Mukhang maglalakbay?
Tsk!
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.
Thank you in advance!