BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY...

By ChiefInShallowBlueth

668 265 172

"How could I ever forget when the warmth of our past still lingers in my soul." "I tried to love another man... More

Disclaimer!!!
Simula - [Sorry]
Kabanata 1 - [Warmth]
Kabanata 2 - [Prize]
Kabanata 3 - [phone call]
Kabanata 5 - [official]
Kabanata 6 - [wait for me]
Kabanata 7 - [I'll never leave]
Kabanata 8 - [trust]
Kabanata 9 - [sweet night]
Kabanata 10 - [heavy heart]
Kabanata 11 - [confrontation]
Kabanata 12 - [one last time]
Kabanata 13 - [crossed paths]
Kabanata 14 - [first day]
Kabanata 15 - [still yours]
Kabanata 16 - [sudden]
Kabanata 17 - [secret wish]

Kabanata 4 - [preparations]

42 18 1
By ChiefInShallowBlueth

*bogshhhh

Napabangon ako sa sakit nang mahulog ako sa kama. Lintik na panaginip!

"Arghhhh." Impit kong daing habang minamasahe ang aking balikat.

Inalala ko ang panaginip ko pero wala na akong maalala. Pinabayaan ko nalang dahil baka sumakit lang ang ulo ko sa kaiisip. Madalas akong managinip then paggising ko hindi kona sila maalala.

Humilata muna ako sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata upang ipahinga muna ang aking buong katawan bago tuluyang simulan ang araw.

I can feel that this will be an amazing day.

Matapos ang sampung minuto, bumangon ako at pumunta sa banyo. I did my morning routine that includes brushing my teeth and so on. Alam nyo na siguro kung ano yun.

Habang nagbibihis naglalakbay ang isip ko. Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Apoll. Paano kaya kung sagutin ko na si Ander?

"I mean... why not?" Tinapos ko muna ang pagsasara ng mga butones bago humarap sa samalin. "Diba?" Pagkausap ko sa aking sarili.

"Ano nga ba kasi ang pumipigil sayo? Hah." Nilagay ko ang aking kamay sa bewang. "Sagot, Semi.!" Pagduduro ko sa aking repleksyon. "Diba wala naman. So, sagutin mona kasi. Tamang panahon, tamang panahon kapang nalalaman. Tss. Dami mong alam."

Napasabunot ako sa sarili. Napapikit ako sa inis. Bakit kasi naduduwag ako kapag malapit sya?

Nababaliw na ata ako!

Huminga ako ng malalim. My mind is clear. I'll make my final decision. Ngayon na ang tamang panahon. Sasagutin ko na si Ander!

"Omg! Kaya koba?" Nagaalalang tanong sa sarili. "Oo, kaya ko. Kaya ko. Kaya ko." Paulit ulit kong sambit para patatagin ang sarili.

Napatigil ako ng may maisip. "Pero paano?"

"Paano ko sasabihin? Didiretsuhin kona ba sya agad? Like..." inayos ko ang tindig ko habang nakaharap muli sa salamin. "Ander, sinasagot na kita. Tayo na, Sodabear." I cringe when I said that.

"Hindi. Mali." I cleared my throat and tried again. "Ander, I want to tell you something. Yes, Ander. That's my answer. We are now official boyfriend and girlfriend." I said in a jolly tone then jumped with arms wide open.

Ilang beses akong nagpractice sa iba't ibang paraan pero ni isa hindi ko feel. Nanlulumong napaupo ako sa sahig.

I sighed "What am I doing? Ughh this is harder than I thought." I curled my legs and rested my head in my knees. "hhuhuhuhuhuhu this is so frustrating."

Napaangat ako ng tingin nang maalalang may pasok ng pala. Tinignan ko ang oras at napagtantong maaga pa naman. Maaga kasi ako nagising kanina dahil sa panaginip na hindi ko naman maalala.

Binalik ko ang ulo ko sa pagkakasubsob sa aking tuhod.

"I see that my darling is having trouble with her lovelife." Nanlaki ang mata ko. Napatayo ako at napaharap kay mommy.

"Mom!" Biglang usal ko. Nakahiling sya sa may pinto habang nakangiting pinagmamasdan ako. Hindi ko siguro namalayan ang kanyang pagdating dahil busy ako sa... ughh ayaw kona alahanin.

"Why so shock, darling?" Natatawang lumapit si mommy sakin. "Embarrassed that mommy saw you practicing your line?" She teased as she wiggles her eyebrows. Uminit bigla ang pisngi ko. I can't believe mom saw that.

"Mom, please don't tease me."

"Oh darling of course not." Sige lang, mom. Tanggi mo pa. Lihim akong napairap sa sarili ko."Well in fact, I'm here to help you."

I turned to her. "Really, Mom? But how? Do you know teen sfuffs." Mag pagaalinlangang tanong ko.

"Syempre naman. Pinagdaan ko din yan. Kami ng dad mo." Umupo sya sa kama ko. "Halika dito, anak." Sumunod namna ako. Pumunta ako kay mommy at tumabi sa kanya. Agad naman akong niyakap at niyakap ko sya pabalik.

"Alam mo, anak. Hindi mo naman kailangang magpractice. You don't need to memorize your lines dahil once na magkaharap kayo, wala kang ibang dapat gawin kundi ang magpakatotoo sa sarili mo. Huwag kang mahihiya na sabihin ang nararamdaman mo. Just take a deep breath and say what you want to say. With no practice, no memorization. Just be natural and go with the flow." Then she smiled.

I smiled back and hugged her tightly. "Thanks, mom. You're the best. I love you."

She slightly let go and looked in my eyes with so much love and care. "I love you too, darling. And I will always support you in everything that will make you happy."

After that heart to heart talk with my mom, she went out. Ako naman ay nagpaiwan muna para ayusin muli ang sarili.

I smiled at my reflection. Ngayon ay maayos na ang bihis ko. Nakaready na ang lahat ng gamit ko. Handang handa na akong pumasok.

Habang nasa daan papuntang school minabuti kong tawagan muna si Apoll. Gusto kong maging especial ang araw na ito kaya hihingi ako ng tulong kay besh.

Alam kong mahihirapan din kaming makapagusap kapang sa school pa kami magpaplano. Baka mabuking at malaman agad ni Ander. Mahirap na. Marami pa namang galamay ang isang yun.

"Hello, Besh." Boses ni Apoll mula sa kabilang linya. "Ano namang sasabihin mo at hindi kapa nakapaghintay na sa school nalang sabihin." Pataray nyang sabi.

Tumawa ako. "Chill sis, ang aga aga bad mood?" Hula ko hindi nanaman sya pinansin ni Karlvin. Yun naman madalas ang dahilan kung bakit sya nababadtrip maliban na nga lang kung may iba pang dahilan.

"Oo bad mood talaga ako. Kaya sabihin mo na ang sasabihin mo."

"Oo na sasabihin kona. Uhmm ganito kasi, beshh."

"Oh ano? Tuloy mo na. Bilis." Halatang kaunti nalang mauubusan na sya ng pasensya.

"Plano ko sanang sagutin ngayon si Ander and I need your help to make it more special." Diretsahang sabi ko.

Tumahimik ang kabilang linya. Tinignan ko kung nakacall pa kami at nakacall pa naman pero walang nagsasalita. "Besh, andyan kapa."

Ilang segundo lang ay agaran kong nilayo ang cellphone ko sa aking tenga. "Besh, manahimik ka na nga sa katitili. Ano ba. baka akalain nilang nababaliw kana." Naiimagine ko tuloy si Apoll na nagtitili habang pinagtitinginan ng mga tao.

"OMG BESHH! IS THIS TRUE?!"

"Well duh, of course it is. Hindi ko naman sasabihin sayo kung hindi totoo."

"Omg so anong plano mo?"

"Kaya nga kita tinawagan para magpatulong kung paano ako magpaplano. Actually may naisip na akong place pero hindi ko alam kung paano sya papupuntahin doon. Uhmm yayain ko nalang ba agad sya?"

"Gaga, huwag! Walang thrill yun. Wait nag-iisip ako." Tumahimik bigla. Mukahang nag-iisip nga ang gaga.

"Alam kona!" Maya maya pasigaw nyang sabi at sadly hindi ko na nailayo ang phone. Ugh angsakit sa tenga ha!

We discussed everything that we could as soon as possible. We don't have much time because I'm almost at school. We planned it carefully on how we'll make Ander go to that place at what suprise awaits there.

Pinatay kona ang tawag. Nagpaalam ako kay manong ay bumaba na ng sasakyan. Pagkababa ay si Apoll agad ang bumungad sa akin.

"Besh, handa kana ba mamaya?"

"Tss." Hindi ko sya sinagot. Wala pa man ay kinakabahan na ako. Ganito ba talaga kapag sasagutin mo na ang manliligaw mo?

Hinila na ako ni Apoll papunta sa room. Binati agad kami ng mga kaklase namin.

"Good morning, Semi, Apoll." Bati ni Johan, ang class president namin na sumobra sa pagka-friendly.

"Morning din!" Bati pabalik ni Apoll habang ako ay ngumiti lang.

"Wazzup Semi and the mansanas!" Napairap si Apoll ng marinig ang bati ng isa pa naming kaklase na si Dravin, ang pinakamaloko naming kaklase ngunit gayun pa man ay lagi naman syang maasahan.

Binati pa kami ng iba pa naming kaklase at bumabati naman pabalik si Apoll pero ako'y nanatiling nakangiti lang.

"Uyy, Semi, ayus ka lang? Mukha kang tense." Pansin ni Lyka sa akin. Hindi agad ako nakarespond.

"Hah? Hindi naman. Uhmmm... wala lang toh hehe." Agad kong tanggi ng makabawi.

"Sure ka?" May pag-aalinlangan at nag-aalalang tanong nya.

"O-oo naman. Tss ako pa?"

Nagkatinginan ang iba. Mukhang hindi sila kunbinsido sa sinabi ko. Hayyy bakit kasi nawawala ako sa focus. Hindi ko tuloy magamit ang acting skills ko.

"Don't worry guys. Okay lang talaga ako." Nilibot ko ang paningin ko. Nakatingin na din pala pati ang iba naminv kaklase na busy kanina.

Nawala lang ang tingin nila sa akin nang bumukas ang pinto. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa pala. Mas dumagdag pa nga ata ang pagkatense ko nang makita si Ander.

Ramdam ko ang pagbilis ng aking puso. Nag-iwas agad ako ng tingin nang magtama ang aming paningin.

"Uyy andyan na si Ander. Hi, Bro!" Hindi kona sila pinansin at nagmadaling umupo sa aking puwesto. Isinubsob ko ang aking mukha sa desk para makalma ko muna ang aking sarili.

Nasa gitna ako ng pagpapakalma sa sarili ng may humawak sa likod ko. Halos mapatalon ako sa gulat ata maging sya ay mukhang nagulat din.

"Hindi ko alam na ganyan kalala ang pagkatense mo today. I thought that they were just messing with me."

"Huh? S-sino ang tense. A-ako? Hindi ahh." Tanggi ko. Napakasarap naman sampalin ng sarili ughh. Bakit ba ako nagshu-shutter.

Pinagkrus nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at tinaasan ako ng kilay. "Ohh really?" I gulped.

Inatos ko ang tindig ko. Tinapatan ko ang kanyang tingin. Naglaban ang aming tingin hanggang sa basagin ito ni Apoll.

Kahit kelan talaga si Apoll ang savior ko. Hayyy bestfriend, what will I do without you?

Hinawakan ni Apoll ang kamay ko at hinila palabas ng room. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Dinala ako ni Apoll sa may restroom.

Pagkarating doon ay binitawan nya ako at hinarap. Tinignan nya muna ako ng mabuti bago sinimulan ang pagsasalita. "Semillia, put yourself together. Stop being so tensed. Ano ba? sasagutin mo lang naman yung tao at mamaya pa naman yun. Susko umayos ka nga. Hindi ito ang Semi na nakilala ko." Napayuko ako. Hindi ko kinakaya ang tingin ni Apoll. Ramdam ko ang pag-init ang aking mga mata. Tanda na anumang oras ay mapaiyak na ako.

"Ang Seming kilala ko ay mataas ang confidence at walang inuurungan. Diba ang sabi mo magaling ka ding umarte. Nasaan na yun? Come on, Semi. Stay calm and relax." Nanatili akong nakayuko. "Don't act like broken hearted woman." Mas lalo akong napayuko. May isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata.

Bakit nga naman kasi ganito ang inaakto ko?

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. "Gusto mo bang mahalata?" Umiling ako. "Ayun naman pala ehh. Edi huwag kang papahalata... Okay?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya pero hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Semi, are we clear?" May pagbabanta ang boses nya.

Tumango tango ako. "Yes... yes."

"Good. Now compose yourself and don't you dare show yourself to all of them like that again." Banta nya pa.

"Okay, Apoll." I smiled at her genuinely. I pulled her arm and hugged her tightly. "I'm so thankful to have you, Apoll. You're the best." Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin pabalik.

Kahit sa ganitong sitwasyon hindi ko maitatanggi ang sayang nararamdaman ng puso ko. Sobrang saya ng puso ko dahil ramdam ko ang pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.

Una na si mommy na laging nakasuporta sa akin at alam kong maging si daddy ay ganun din. Then yung mga kaklase ko na nag-aalala sa akin at kasama na doon si Ander. At syempre hindi mawawala ang best friend kong si Apoll na laging nasa tabi ko para patatagin ang loob ko.

I'm so lucky to have all of them. Without them, I couldn't picture myself living in this world.

Bumitaw na kami sa yakap. "Tara na." Pag-aaya nya.

I smiled and nodded. She didn't let go my hand as we walk back to class.

Napatingin agad sila sa amin nang buksan namin ang pinto. Humarap kami kay Ms. Monroe para humingi ng tawad. "Sorry, Ms. Monroe for our late arrival." Apoll said casually.

Tumango si Ma'am. "It's fine..." tumingin sya kay Apoll. "Ms.Lardess..." then sa akin. "and Ms. Dolora." She smiled. "Your classmates told me that you needed that break. You may now take your seats. And Ms. Dolora."

I turned to her. "Yes, ma'am?"

"Good luck." At binigyan nya ako ng makahulugang tingin. Nanlaki ang mata ko.

"I accidentally heard it when I was just passing by. Sorry to eavesdrop. I didn't mean it." She slightly chuckled. I was speechless.

Agad akong nakabawi at diretsong umupo sa akin upuan.

Goshhh nakakahiya! Narinig ni Ma'am! Napatingin ako kay Apoll na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti sya at halatang nagpipigil ng tawa. Wow ha. Natatawa pa talaga sya. Ughhh

Sinamaan ko sya ng tingin. Paliling iling naman syang nag-iwas ng tingin pero may inumuwestra sya kaya napatingin ako ng bahagya sa puwesto ni Ander.

Nahuli ko itong nakatingin pero hindi man lang nag-iwas ng magtama ito. Ako ang bumasag dito. Baka maghimatay nalang ako dito bigla dahil sa kaba.

Ramdam ko parin ang mga mata ni Ander na nakatingin pero hindi ko na iyon pinansin hanggang sa matapos ang klase. Minabuti kong makinig nalang sa klase.

Matapos ang klase ay agad kong niligpit ang aking gamit. Tumakbo ako agad palabas ng school para hindi na makahabol pa si Ander.

Ang plano ay ako ang mauuna doon sa lugar na napag-usapan namin then si Apoll na ang bahala kung paano mapapapunta si Ander.

Kailangan ko ding mauna dahil may ilang bagay pa akong dapat ayusin.

Dumaan muna ako sa isang bilihan ng mga damit para makapagpalit. I choosed a simple red sleeveless dress with a black belt. Bumili din ako ng isang black stiletto para pam-partner sa aking suot. Inilugay ko din ang kaninang naka-pony kong buhok at naglagay ng isang small and simple gold hair pin.

"Kuya Sandro, sa Tangrine hills po tayo." Agad kong sabi kay Kuya Sandro na aming driver.

"Sige po, Ma'am." Tinanguan ko lang si Kuya. Pansin kong ma'am parin talaga ang tawag nya sa akin kahit na ang sabi ko ay tawagin nalang akong Semi. Hinayaan ko nalang si Kuya.

Nakamasid lang ako sa labas habang tinatahak ang daan papuntang Tangrine Hills. Excited na akong muling masilayan ito. Matagal tagal natin ang huli naming punta dito.

Masalas din kaming magdate dito noon ni Ander dahil isa ito sa mga pinakaepesyal na lugar para sa aming dalawa. Because this place is where we first met.

"Ma'am, nandito na po tayo." Napatigil ako sa aking pagbabaliktanaw. Humarap ako kay kuya.

"Sige po. Samalat. Mauna na po kayong umuwi."

"Okay po, Ma'am."

Pagkaalis ni kuya ay pinuntahan ko agad ang iba naming tauhan na pinadala ko kanina para tumulong. Sila ang ibang tauhan nila mommy at daddy. Tumulong ako sa kanila sa pag-aayua ng mga disenyo.

Maya maya pa ay nakaayos na ang lahat. Mula sa table, blanket, ligths, at iba pang dagdag disenyo.

Nakangiting hinarap ko ang mga taong tumulong sa akin. "Thank you." I said wholeheartedly.

"Naku ma'am, wala po yun." Si ate Marta, ang pinakabata sa kanila na nasa edad 26.

"Ginagawa lang po namin ang trabaho namin." Dagdag naman ni kuya Lorton na asawa ni ate Marta.

"Sige po ma'am, aalis na po kami. Tawag nalang po kayo ulit kapag kailangan nyo po kami." Paalam ni Lolo Tonyo. Siya naman ang isa sa head nila mama na pinadala sa akin. Sya kasi ang magaling pagdating sa pagdidisenyo.

"Sige po. Salamat po ulit." Paalam ko sa kanilang tatlo habang kumakaway.

Eksaktong pagkaalis nila ay tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad. "Besh." Si Apoll sa mahinang boses.

"Bakit, Besh? Nasaan na kayo. Tapos na kami dito. Pwede na kayong pumunta dito." Agad kong sabi sa kanya.

"Ahh ganun ba... sige sige aayahin kona agad sya." Halatang nag-iingat sya sa pananalita.

"Nasaan kaba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Parang bumubulong lang kasi sya.

"Nasa banyo ako. Hinihian kolang ang boses ko. Baka kasi may makarinig sa akin." Kaya naman pala.

"Ahhh. So mga anong oras kayo makakarating?" Tanong ko sa kanya habang pilit na tinatago ang excitement ko. I can't wait.

"Hindi ko alam. Nandito kami ngayon sa San Frianrio."

"Hah? Anong ginagawa nyo dyan?" Ang alam ko ay halos kalahating oras din ang biyahe bago makarating doon.

"Diba ang sabi mo ilayo ko muna sya then papupuntahin ko kapag tapos na kayong mag-ayos?"

Nangunot ang noo ko. "Oo."

"Eto naisip ko kanina ehh. Hinahanap ka nya sakin kanina. Ang sabi ko baka pumunta ka ng San Frianrio para manood ng basketball. Nag-alinlangan pa nga sya nung una buti nalang napapayag ko. Tapos nung makarating kami doon... alam mo ba..."

"Ano?" Kunot noo ko paring tanong.

"Nagalit sakin." Tumawa sya. "Pinagloloko ko lang daw kasi sya. Wala ka naman kasi doon. Aalis na nga dapat yun kung hindi ko lang napigilan. Ang sabi ko tapusin muna namin ang game bago umalis. Syempre hindi sya pumayag pero ang sabi ituturo ko kung nasaan kapag pumayag sya sa gusto ko." Pagpapaliwanag nya.

Hindi ko mapigilang matawa. "Anggaling mo talaga."

"Paano mo naman sya mapapapunta dito?" Maya maya'y tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hindi madaling mauto si Ander pero siguro'y sadyang mautak ang bestfriend kom

"Tss basic. Sasabihin ko sa kanya na dumaan muna kami ng Tangrine Hills dahil may ipinapameet sa akin si mommy. Hindi kasi mamemeet ni mommy dahil busy sya. Ohh diba ang talino ko?"

"Oo na ikaw na ang matalino. Bilisan nyo ha. Excited na ako." Hindi ko na naitago pa ang excitement sa aking boses.

"Wow ha. Parang kanila lang kabadong kabado ka." Pag-aasar nya. Tumawa ako.

"Kabado parin naman ako pero mas nagingibabaw ang excitement ko ngayon."

"Ohh sige na bye na. Be ready. Your soon to be boyfriend is coming."

Namula ang pisngi ko. Buti nalang hindi makikita ni Apoll. Paniguradong aasarin ako nun. "Heh." Sighal ko sa kanya bago ibaba ang tawag.

Inilagay ko sa lamesa ang aking phone. Umupo ako sa bench na malapit sa puno. Mula dito ay makikita ko ang mga sasakyan at mga taong lumalabas at pumapasok sa Tangrine Hills.

Sa may kanang bahagi makikita ang gate. At sa kaliwang bahagi namam nakatayo ang Tangrine Hotel.

Ang Tangrine Hills ay kilala bilang isa sa pinaka-peaceful na lugar dito sa Manila. Pero gayun pa man ay kakaunti lang ang mga taong pumupunta dito. Pribado kasi ito at kailangan pa ng booking para makapasok. Kung nais mo talaga ng tahimik na pamamahinga, ito ang lugar na para sayo.

Pagmamay-ari ito ng tita ko kaya madali lang sa akin para makapsok.

Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Dinama ko ang hanging tumatama sa aking balat.

As I close my eyes all I can think about is Ander. Bumibilis agad ang tibok ng puso ko kahit iniisip ko lang sya. Inalala ko ang kanyang kakulitan.

Sodabear, today I'll make you happy! Mark my words. Namalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti habang iniisip sya. Naimulat ko saglit ang mata ko.

Akala ko gini guni ko lang iyon kaya pinikit ko ulit ang mata ko. Pero ng imulat ko ulit ito ay nandoon parin sya.

Ander is standing in front of me with crossed arms. He is smiling at me. No, hindi pala. He is fucking smirking!

Fuck! Napatayo ako bigla.

Continue Reading

You'll Also Like

718K 17.5K 54
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...
3.6M 152K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
313K 24.8K 26
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
343K 26.9K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...