HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN...

By HeartRomances

120K 2.1K 39

NINE years old si Kathleen ng maattract ito sa kababatang si Kian. Hanggang highschool ay silang dalawa ang l... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
LAST CHAPTER

CHAPTER 22

3.5K 66 0
By HeartRomances

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Hating-gabi na ng makatulog si Kath. Natuyo na mga luha sa kaniyang pisngi kinabukasan.

"Kath" dinig niyang boses ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang silid.

Hindi niya namalayan ang pag-uwi ng mga magulang niya kagabi.

"Kath, wake up anak. You're late at work." muling turan ng ina niya.

"Hindi muna ako pasok mom, masama po ang pakiramdam ko." pagdadahilan niya.

"Let me come in anak para mabigyan kita ng gamot."

Napaisip siya, ayaw niyang makita siya ng mga magulang na malungkot.

"I have here mom,I wanna sleep alone."

"Okey, if thats what you want anak."

"Thanks mom!" sagot niya at hindi na siya kinulit pa nito.

Napayakap siya sa kaniyang unan. Naalala niya ang mga pangyayari kagabi at muling nanuot ang sakit sa kaniyang kalooban ngunit magpipigil siyang lumuha. Nahagilap ng kaniyang mga mata ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ito at nakita ang madaming miscalls ni Kian. Napabuntung-hininga siya, ilang sandali pa ay nagring ang cellphone niya. Inakala niyang si Kian iyon ngunit si pangaan ni Mya ang kaniyang nakita. Agad ni itong sinagot.

"Mya"

"Good morning Kath! Bakit matamlay ka?"

"I saw them last night Mya."

Agad namang nahulaan ni Mya ang kaniyang tinutukoy.

"Where?"

"Sa condo ni Kian, and they, they...."hindi na niya maituloy ang sasabihin pa.

"Enough Kath, I know niloloko ka lang ng Kian na yon." madiing turan ng kaibigan.

"I still love him, Mya." hindi na niya mapigilan ang maiyak.

"Yeah, you love him but heis cheating you face to face."

"Kailangan naming mag-usap Mya. Kailangan maayos na itong gulo na ito, ang bigat sa dibdib ko at ayokong lumuha nalang."

"Right Kath, hindi mo siya dapat iyakan lang ng ganiyan." pagsang-ayon ni Mya kay Kath.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nag-isip siya ng pinakamabuting hakbang. At nakapagdesisiyon siya ng isang plano.

Samantala, hindi makapagconcentrate si Kian sa kaniyang trabaho. Si Kath ang nasa laman ng isip niya. Nag-iisip siya kung paano siya paniniwalaan ng kasintahan. Mahal niya ito at hindi siya papayag na mawala pa ito para sa kaniya.

Dahil hindi mapakali si Kian, pinuntahan niya ang kasintahan sa kanilang tahanan. Bahala na kung hindi niya madatnan ito basta maipakita niya ang sinseridad niyang maayos ang kanilang relasyon.

"Hi Kian, ikaw pala?" bati ni Lucia ng makita ang binata sa sala.

"Hello tita" tugon niya rin. Batid niyang wala pang nalalaman ang mga ito sa nangyari kagabi.

"Wait lang iho, tatawagin ko si Kath. Masama kasi ang pakiramdam niya. I think she told you kaya dumalaw ka naman, gagaling na siguro siya pag nakita ka niya." masayang wika nito sa kaniya.

"Kaya nga po tita eh" sagot nalang niya sabay ngiti hanggang sa umalis ang si Lucia sa upang tawagin ang anak.

Nakaramdam siya ng awa sa nobya. Alam niyang labis itong nasaktan kaya gagawin niya ang lahat para mapawi sakit na nararamdaman nito.

"Anak, labas ka muna diyan. Nandito na si Kian." usal ni Lucia sa tapat ng silid ni Kath. Nabigla naman si Kath sa sinabi ng ina.

"What?" piping sambit sa sarili. Embes na lalabas siya upang aliwin ang sarili at maghanda sa pakikipag-usap niya sa binata ay naunahan na pala siya.

Lumabas nalang siya ng silid niya. Nakabihis na rin naman siya. Sabay sila ng ina niya na bumaba.

"Oh ayan, mag-usap muna kayo diyan at maghahanda ako ng meryenda." masayang turan ni Lucia sa dalawa saka tumalikod.

Nagkatitigan silang dalawa. Nababakas parin ang galit sa mga mata ni Kath kaya naman hindi makatingin ng deretso si Kian.

"So what are you doing here? Sana hinintay mo muna ang tawag ko bago tayo makapag-usap ng maayos."

"Kath madami akong ipaliwanag sayo, please pakinggan mo ako." nababakas sa muka ni Kian ang pagsusumamo niyang pakinggan siya ng dalaga.

"Not here Kian, please! Umalis ka na muna, saka na tayo mag-usap kung handa ka ng magsabi ng totoo." pagkasabi ay tatalikod sana si Kath peto biglang dimating muli ang mommy niya.

"Here's your drink!" wika nito sabay lapag ang tray sa mesa.

"Tita, alis po muna kami ni Kath." sambit ni Kian sa ina ng kasintahan.

Nabigla naman si Kath sa sinabing iyon ng binata.

"Gago talaga ito kahit kelan." ang naibulalas niya sa sarili.

"Okey, pero inumin niyo muna lahat itong mga juice bago kayo umalis." sagot ni Lucia.

"Yes tita" sagot ni Kian na parang bata. Agad dinampot ang isang baso kaya sumunod naman si Kath na inumin ang nasa isang baso.

Nagpaalam si Kian sa mga magulang ng dalaga. Wala naman nagawa si Kath kundi ang sumunod nalang sa binata dahil baka makahalata ang mga magulang niya.

Sapilitang sumakay si Kath sa kotse ni Kian. Walang imikan hanggang sa mapadpad sila sa Manila bay.

"Ngayon Kian, tell me everything." madiin niyang turan sa nobyo.

"I'm sorry. Believe me baby, wala kaming relasyon ni Vivian." pag-uumpisa nito.

Napailing siya sa sinabing iyon ng binata.

"You're lying Kian. Ang sabi sakin ni Vivian ay girlfriend mo sya sa States, and how come na nasa loob siya ng condo mo at sa mismong kama mo pa."

Natigilan si Kian. Ngayon ay alam na pala ni Kath ang tungkol kat Vivian.

"I admit, kasintahan ko siya sa States pero matagal na iyon at matagal na ring tapos ang relasyon namin. At ang pagtira niya sa condo ko ay pansamantala lang dahil nanganib siya sa kaniyang tinutuluyan at wala akong balak na balikan siya muli dahil ikaw na ang nasa puso ko. Please naman, maniwala ka sa akin."

Walang namutawi kay Kath na anumang tinig. Nakatitig lang siya sa binata.

"Please Kath, I love you. Believe me please!" pagmamakaawa nito.

"And how about what I saw, Kian?" madiin niyang tanong.

"Baby kung ano man ang nakita mo, hindi ganon sa iniisip mo. Hindi ko yun ginusto, kagagawan lang lahat yun ni Vivian."

"Bullshit" sigaw niya.

Nagulat si Kian sa inasal niya. Ngayon lang nito narinig na nagmura ang dalaga.

"Wag ka ng magmalinis at idiin ang babae na iyon dahil parehas lang kayong nagpapaligaya ng gabi na iyon." muling sigaw ni Kath. Hindi na niya napigilan ang sarili na ilabas ang galit niya. Mabuti nalang at walang masyadong tao sa lugar na iyon kaya walang nakakarinig sa kanilang bangayan.

"Nilasing niya ako at ang alam ko naman ng magkausap kami minsan sa usang restaurant ay sincere na siyang mamaalam, yun pala may binabalak siya."

"Job well done for her Kian. Nagtagumpay siya sa panglalandi niya sayo at nagpalandi ka naman." nanlilisik ang mga mata biyang turan sa binatang kaharap.

"Please Kath, mahal kita. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin ulit." naluluha na si Kian sa mga sandaling iyon. Hinawakan niya ang isang palad ng dalaga. Nagpaubaya lang naman ito.

"Please give me chance."

"You know how much I love you, Kian."

"I know, yes I know."

Dinampi ang palad ng dalaga sa kaniyang pisngi at pinaghahalik ito.

Ramdam rin naman ni Kath ang sinseridad ng binata sa kaniya. Sa nakikita niya ngayon sa binata ay muli niyang nararamdaman ang gaya ng naramdaman niya nung gabi na nabuo ang relasyon nila sa lugar ding iyon. Pero hindi yun basta-basta para manumbalik muli ang dati.

"Kian, totoo man ang sinasabi mo ngayon, hindi mo parin maikaila sa akin na madali ka lang maagaw ng iba katulad ng pamamaraan ni Vivian." napaluha na siya ng tuluyan.

"Madali ka lang pala nilang pikutin para mailayo ka sa akin."

Napatitig ang binata sa kaniya.

"I will do best para hindi na iyon maulit, I promise you that. So please, balik na tayo sa dati." pagsusumamo ni Kian.

"No Kian, I think we both need space." biglanf sumeryoso si Kath.

"What do you mean?" pagtataka ni Kian. Hindi niya malaman kung ano ang nasa isip ngayon ng kaniyang kasintahan.

"Ngayon natin masusukat kung gaano tayo katatag sa isa't- isa. To think kung makakaya mo pa akong itago sa puso mo at para malaman ko rin kung hanggang kailan kita iibigin. And I promise you, this will be our last challenge." saad niya. Tila nahuhulaan naman ni Kian ang ibig nitong sabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 138 11
Stacy knew better than to be friends with Dhen Justin because he's a bit of a playboy. Pero hindi parin niya napigilan ang sarili niya. Palabiro kasi...
3.5M 51.5K 44
Sa loob ng limang taon, madami bang nagbago? O nakakulong ka pa rin sa nakaraang di mo matakasan? What happens when the past taps you on your back? W...
107K 2K 23
Teaser: "I'm bored!"wika ni Candy. Isang sikat na mang-aawit si Candy..hindi lang pagkanta ang ginagawa nya..may movie at guesting na din s'ya..nguni...
116K 2.7K 12
TEASER: Tumataginting na 'kuya' ang tawag niya kay Harris, dahil iyun lamang ang alam niyang paraan para itago ang kanyang tunay na nararamdaman.Ngun...