CHAPTER 15

3.2K 56 0
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Gabi na ulit ng ihatid ni Kian si Kathleen sa kanilang tahanan.

"I love you so much Kian. Baka hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin." maemosyong wika ni Kath sa binata habang hinahaplos ang mukha nito.

"I love you too, baby ang i will not leave you." tugon naman ng binata at dinampi ang mga labi niya sa noo ng nobya.

Nagkangitian ang dalawa, nagpakiramdaman at pinaikut- ikot ng binata ang daliri niya sa labi ni Kath. Ilang sandali pa ay hinagkan na niya ito. Tumugon naman si Kath sa halik na iyon ng binata. Ilang minuto rin ang tagal ng halikan nila hanggang sa pareho na nilang pinaghiwalay ang kanilang mga labi.

"Papasok na ako sa loob, baby." sambit ni Kath.

"Okay, sleep tight mamaya. And always take care of your self." sagot naman ng binata. Nginitian lang siya ng dalaga at saka bumaba na ng sasakyan. Bago siya tumuloy sa loob ay kinawayan niya muna ang kasintahan at saka tumalikod.

Kinabukasan, nasa meeting si Kian kasama si Mya at nang manager nito sa kaniyang opisina. Masaya ang mga ito habang nag- uusap. Panay pa ang biruan ng dalawang magkaibigan habang inaalala ang mga nakaraan nila noong nag- aaral pa sila. Nakikinig lang din sa kanila ang manager ni Mya habang nakikitawa rin sa kanila.

Biglang tumunog ang cellphone niya.

"Excuse ha, kausapin ko lang ang tawag ko." usal ni Kian.

"Hay naku, baka si Kath lang yan. Namimiss ka niya." pabirong tugon ni Mya.

Natawa naman ang binata at sinenyasan na tumahimik. May kutob din kadi siya na baka ang nobya mga iyon, ngunit iba ang nakita sa screen ng cellphone niya.

"Vivian?"

"Hi Kian, get ready now. Ngayon kita ipakikilala sa german investor."

"Ha, as in ngayon na ba Viv,"

"Yeah, bakit? Conflict ba?"

"No, no, its ok. Tell me where's the place and the time."

Agad namang binigay ni Vivian ang lugar at oras ng pakikipagmeet niya sa investor na iyon.

Pagkatapos nilang mag- usap sa phone ay bumalik ang binata sa pinag- iwanan niya sa mga kausap niya.

"She's not Mya." wika niya habang papalapit kila Mya.

"Ay ganon ba, e sino yung nakausap mo?" tugon naman nito.

"Si Vivian, meron kasi kaming ka- meeting na investor."

"Vivian" usal ni Mya sa sarili. Saka lang niya naalala yung babaeng pinakilala sa kanila noong nakaraang araw.

"So pano yun Mr. Alvrich. Okay na tayo sa next project ni Mya." wika ng manager ni Mya sabay tumayo ito.

"Of course. Everything are settled. Hindi naman naiibang tao si Mya sa akin eh." nakangiting turan ng binata.

"Talaga lang ha, Kian!" natawang sambit naman nito.

Nakipagkita nga si Kian kay Vivian kasama ang german investor na tinitukoy ng huli. Totoo nga lahat ng sinabi ni Vivian sa kaniya tungkol sa foreigner na iyon. Maayos ang kanilang pag- uusap at namaalam na din ang german sa kanila. Ngunit hindi pa iyon natatapos ang lahat dahil marami pa silang kailanggang pagdeskusyunang mahahalagang bagay. Naiwan silang dalawa sa restaurant na pinagmeetingan nila.

"See Kian, I told you!" pagmamalaki ni Vivian sa binata.

Nakangiti lang naman si Kian kay Vivian.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon