CHAPTER 13

3.1K 58 0
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

"Ay kabayo, nakapatong!" gulat na sabi ng sekretarya ni Kian sa nakitang ayos ng dalawa.

"Naku sir sorry po!" dugtong pa nito ng napatingin ang si Kian at si Vivian dito. Saka isinara muli nito ang pintuan ng opisina ng amo at bumalik sa desk nito.

"Grabe yung babae na yun, napakawalang delikadesa." pailing na sambit ng sekretarya sa sarili.

Napatayo si Kian ng matauhan siya. Nakalimutan niyang nakaupo sa kaniyang mga hita ang babae kaya kamuntik naman itong napaupo sa sahig.

"Nananadya ka ba talaga Vivian, nakita tayo ng sekretaya ko." inis na turan niya sa babae. Hindi man lang pinansin ang kamuntik ng pakakaupo ng babae sa sahig.

"Girlfriend mo ako Kian, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao saka kasalanan ng secretary mo dahil hindi siya marunong kumatok." hasik ni Vivian.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na we're not meant to each other. Tapos na sa atin ang lahat."

"No Kian, sinasabi mo lang yan dahil galit ka parin sakin pero alam kong mahal mo parin ako, kian please nam..."

"I found love here Vivian. Lets forget our past. She loves me and I love her too." titig na tugon niya sa babaeng kaharap.

Parang nawala naman sa katinuan ang babae sa narinig niyang iyon.

"Kian pakiramdaman mo ako. Nagsisisi na ako sa nagawa ko. Hihilom din ang lahat ng ito at marerealize mo na mahal mo parin ako." pagsusumamo ng babae.

"Remember my childhood friend that I told you. I told you that I love her still and that girl is my girlfriend now. I realize that shes still in my heart no matter what happened. So please Vivian, accept that."

Sandali silang natigilan habang pumapatak ang luha ng babae.

"So wala na ba talaga tayong pag- aasang magkabalikan pa?" maemosyong tanong nito.

"I'm sorry Vivian" mahinang sagot niya.

Hindi nakapagsalita ang babae.

"Ok" usal niya saka pinahid ang luha sa kaniyang pisngi.

Ngumiti lang ito ngunit waring halata ang matinding pagkadismaya.

"It's alright Kian. I will accept it because it's all my fault. Pero sana naman pagkatapos nang lahat ng ito ay wag mo naman ako iwasan. Let's be friend Kian." wika nito at iniabot ang kaniyang kanang kamay.

Ngumiti naman siya sa babae at iniabot ang din ang kamay niya tanda ng pakikipagkabigan niya rito.

"Thanks Kian!"

"Your welcome, Vivian!"

Pagkatapos magkabati ang dalawa ay umalis na rin ang babae. Gumaan naman ang kalooban ni Kian sa nangyaring pag- uusap nila ni Vivian.

Nagbalik ang alaala niya noong nasa America pa siya. Nakilala niya si Vivian sa isang okasyon. Nagkakilala sila at naging magkaibigan hanggang sa natagpuan niya ang sariling katabi niya ito sa kama at parehas silang walang saplot. Mula noon ay palagi na itong nakadikit sa kaniya at kulang nalang ay umuwi na ito sa knilang tahanan na siyangikinagagalit naman ng kniyag mga magulang. Likas parin kasi sa mga ito ang pagiging konserbatibo kahit sa America na sila naninirahan. Minahal din niya ito ngunit tanging bilang kaibigan lang at hindi niya kayang ibigay dito ang pagmamahal niya na kay Kathleen lang niya inilaan. Ganon pa man ay pinakitaan parin niya ito ng kahalagaan. Hanggang sa malaman niya ang pakikipagtalik ni Vivian sa isang negosyanteng Amerikano kapalit ng shares na maibibigay sa ama nito. Agad niyang tinapos ang pakikipagrelasyon niya sa babae na ikinatuwa naman ng mga magulang niya sapagkat tutol sila dito. At kahit ganon ang ginawa nito sakaniya ay hindi naman siya nakaramdam noon ng sakit at panghihinayang bagkus ay gumaan pa ito sa kaniyang pakiramdam dahil nagkaroon na siya ng dahilan upang hiwalayan ito. Ginawa lahat ng babae ang lahat upang bumalik siya sa kaniya ngunit lalo siyang nagmatigas. Ang kaniyang ama rin ang gumawa ng paraan para hindi na muling lumapit pa sakaniya ang babae, kaya't nagpasiya itong maglagay ng branch ng kanilang kumpanya dito sa Pilipinas baka sakaling muling matagpuan si Kathleen at ituloy ang naudlot nilang pagmamahan sa isat- isa.

At nagtagumpay nga siya dahil heto at kapiling na niya ang babaeng kaniyang pinakamamahal.

Nang bumalik ang alaala niya ay tinawagan ang kasintahan.

"Hi baby! How are you?" masayang bati ng Kath na nasa kabilang linya.

"Happy and missing you, baby" sagot naman niya rito na may halong lambing.

"Ayyyy, kawawa naman ang baby ko. Parang hindi ako nakita ng ilang linggo ah." pang- aasar naman ni Kath.

Natawa siya sa sinabing iyon ng kasintahan.

"Ikaw nga nung nasa Paris ka, parang isang taon mo akong hindi nakita." sagot rin niya.

"Hmmp! Bakit ka ba napatawag? Akala ko ba busy ka ngayon." pagseseryoso ng kausap.

"Malapit na akong matapos baby, can we go somewhere?"

"Baby, busy pa ako ngayon. Next time nalang para hindi tayo nabibitin okey."

"Nabibitin sa alin?" nakangiting tanong niya rito.

"Kian, wag madumi ang isip mo. Ang ibig kong sabihin, pag free day nalang tayo lumabas para hindi maapura ang date natin." taas kilay nitong tugon. Alam na kasi nito ang iniisip niya. Hindi talaga niya ito tinatantanan sa mga ganong bagay.

"Wala naman akong ibang iniisip ah" painosenteng sambit niya.

"O sige na baby, tawagan nlang kita mamaya pag- uwi ko dahil marami pa akong kailangang tapusin. I love you!" pamamaalam ni Kath.

"Ok, basta I'll see you soon baby. I love you so much and promise me pag nagkita tayo marami akong kiss sayo." turan niya dito na may halong ngiti.

Natawa naman ito sa kaniya. "Sige na nga, humanda ka!" ssagot nito at nagtawanan pa silang dalawa.

Masaya si Kian sa araw na iyon. Ganun pa man ay nanghihinayang siya na hindi makita ang nobya niya sa araw na iyon. Tinapos pa naman lahat ng trabaho niya para makasama niya ito pagkabalik mula sa Paris ngunit ito rin pala ang magiging abala.

Itinuon nalang niya ang oras niya sa ibang gawain kaysa lumabas mag- isa.

Samantala, nakauwi na si Vivian sa kaniyang tinutuluyang hotel.

"Aaahhh" pagsisigaw niya sabay dampot ng vase at ibinato sa pader. Naluluha siyang napaupo sa gilid at dumantay sa pader. Masamang- masama ang loob niya sa pagkakataong iyon.

"Hindi!"

"Hindi maaari na mawala ka sa akin Kian. Hindi ko kakayanin." usal niya sa sarili habang patuloy siya sa pag- iyak. Kung anu- ano ang naiisip niyang plano upang muli niyang maipadama ang pagmamahal niya sa binata.

"Babalik ka sakin Kian, isinusumpa ko yan. Babalik ka sakin at walang makakaagaw sa iyo dahil akin ka lang." Aniya sa isip niya na parang nababaliw na sa galit at sama ng loob.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon