CHAPTER 6

4K 68 1
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Nakauwi na si Kathleen sa kanilang tahanan. Hindi na niya nadatnan ang kanyang ama dahil maaga daw itong pumasok ng opisina ayon sa kanilang kasamahay. Ang kanyang ina naman ay maaga rin daw umalis papunta ng kanilang tailoring.

Dumiretso siya agad sa kanyang kwarto at ipinagpatuloy ang pagtulog.

Alas- dose nang tanghali ng magising siya. Naligo muna siya bago lumabas ng kanyang kwarto. Pagbaba niya ay nadatnan niya ang kanyang ina sa sala. Nakatitig ito sakanya ng pormal. Alam na niya ang mangyayari kaya nakahanda na ang lahat ng isasagot niya.

"Where have you been Kath? Alam mo bang labis ang pag-aalala namin sayo ng daddy mo?" nakapamewang ito sakanya.

"Sorry mom, malalim na po kasi ang gabi that's why I went to Mya's apartment and slept there. Mas malapit kasi dun kaysa dito sa bahay." pag-aartista niya sa ina. Kinikilabutan siya ng mga sandaling iyon dahil nagsisinungaling siya pero kailangan niyang gawin. Baka iba ang isipin ng mga magulang niya kung sabihin niyang sa condo ni Kian siya natulog.

"Okey Kath! You're excuse now but dont do it anymore." babala nito sakanya.

Labis naman ang kasiyahan niya dahil hindi siya nasermonan. Nakalusot siya sa konserbatibo niyang ina.

Hindi mapakali si Kath. Nangangati na naman ang mga paa niya hudyat na gusto na naman niyang lumabas. Naisipan niyang puntahan si Mya. Hindi rin naman siya makagawa ng designs niya ng maigi dahil si Kian na naman ang laman ng isip niya.

Nagpaalam siya sa ina niya. Kahit tutol ito sa pag-alis niya ay wala rin itong nagawa. Nagtungo siya sa apartment ng kaibigan.

"Bessy anong nangyari sayo kagabi? Saan ka ba talaga natulog?" tanong ni Mya sakanya habang nagmemeryenda sila.

"Sa condo ni Kian." deretsong sagot niya.

Nabilaukan si Mya sa narinig.

"Ano? Sa condo ni Kian? Wow naman Kath, ang bilis mo ha!" pilyang sambit nito.

"Gaga ka, alam ko kung ano iniisip mo. Nakita ko kasi yung car niya sa tapat ng bar kaya pumasik ako dun tapos nakita ko siya na umiinom then, sobrang lasing na siya kaya hinatid ko na at dun na rin ako nagpalipas ng gabi." maikling paliwanag niya.

Tumangu-tango lang naman si Mya.

"Siya nga pala Mya, nasabi ko kay Kian na ikaw ang pakay ko sa bar na iyon sa pag-aakalang dun ka nagpalipas nang sama ng loob dahil nag-break kayo mg boyfriend mo." wika niya sa kaibigan.

Gulantang naman si Mya sa kalokohan ng kaibigan kaya napatayo ito.

"At dinahilan mo pa pala ako para makasama mo lang yang lalaki na yan. At teka nga muna, kailan ba ako nagkaboyfriend?" sermon nito.

Natawa lang siya sa ganong gesture ng kaibigan.

"Basta"

"Hay naku Kath, kung anu-ano naiisip mong gawin. Wala ka pa bang balak bumalik sa trabaho?"

Umiling lang siya.

"Marami pa akong gustong gawin habang nakabakasyon ako." ang naisatinig niya.

Nagring ang cellphone niya. Lumapad ang ngiti niya ng mabungaran sa screen ang paangalan ng caller.

"Hello Kian!" sagot niya. Natulala naman si Mya habang nakatingin sakanya.

"Hi! Where are you?"

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon