CHAPTER 22

3.5K 66 0
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Hating-gabi na ng makatulog si Kath. Natuyo na mga luha sa kaniyang pisngi kinabukasan.

"Kath" dinig niyang boses ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang silid.

Hindi niya namalayan ang pag-uwi ng mga magulang niya kagabi.

"Kath, wake up anak. You're late at work." muling turan ng ina niya.

"Hindi muna ako pasok mom, masama po ang pakiramdam ko." pagdadahilan niya.

"Let me come in anak para mabigyan kita ng gamot."

Napaisip siya, ayaw niyang makita siya ng mga magulang na malungkot.

"I have here mom,I wanna sleep alone."

"Okey, if thats what you want anak."

"Thanks mom!" sagot niya at hindi na siya kinulit pa nito.

Napayakap siya sa kaniyang unan. Naalala niya ang mga pangyayari kagabi at muling nanuot ang sakit sa kaniyang kalooban ngunit magpipigil siyang lumuha. Nahagilap ng kaniyang mga mata ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ito at nakita ang madaming miscalls ni Kian. Napabuntung-hininga siya, ilang sandali pa ay nagring ang cellphone niya. Inakala niyang si Kian iyon ngunit si pangaan ni Mya ang kaniyang nakita. Agad ni itong sinagot.

"Mya"

"Good morning Kath! Bakit matamlay ka?"

"I saw them last night Mya."

Agad namang nahulaan ni Mya ang kaniyang tinutukoy.

"Where?"

"Sa condo ni Kian, and they, they...."hindi na niya maituloy ang sasabihin pa.

"Enough Kath, I know niloloko ka lang ng Kian na yon." madiing turan ng kaibigan.

"I still love him, Mya." hindi na niya mapigilan ang maiyak.

"Yeah, you love him but heis cheating you face to face."

"Kailangan naming mag-usap Mya. Kailangan maayos na itong gulo na ito, ang bigat sa dibdib ko at ayokong lumuha nalang."

"Right Kath, hindi mo siya dapat iyakan lang ng ganiyan." pagsang-ayon ni Mya kay Kath.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nag-isip siya ng pinakamabuting hakbang. At nakapagdesisiyon siya ng isang plano.

Samantala, hindi makapagconcentrate si Kian sa kaniyang trabaho. Si Kath ang nasa laman ng isip niya. Nag-iisip siya kung paano siya paniniwalaan ng kasintahan. Mahal niya ito at hindi siya papayag na mawala pa ito para sa kaniya.

Dahil hindi mapakali si Kian, pinuntahan niya ang kasintahan sa kanilang tahanan. Bahala na kung hindi niya madatnan ito basta maipakita niya ang sinseridad niyang maayos ang kanilang relasyon.

"Hi Kian, ikaw pala?" bati ni Lucia ng makita ang binata sa sala.

"Hello tita" tugon niya rin. Batid niyang wala pang nalalaman ang mga ito sa nangyari kagabi.

"Wait lang iho, tatawagin ko si Kath. Masama kasi ang pakiramdam niya. I think she told you kaya dumalaw ka naman, gagaling na siguro siya pag nakita ka niya." masayang wika nito sa kaniya.

"Kaya nga po tita eh" sagot nalang niya sabay ngiti hanggang sa umalis ang si Lucia sa upang tawagin ang anak.

Nakaramdam siya ng awa sa nobya. Alam niyang labis itong nasaktan kaya gagawin niya ang lahat para mapawi sakit na nararamdaman nito.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon